"Sheeva!" Halakhak niya at pinipigilan ang mga kamay ko na humahampas-hampas sa balikat niya. Nakangisi pa rin siya, minsan natatawa na lang habang sinasaway ako sa pananakit sa kanya.
"Kainis ka! Kainis ka!" Naiiyak na sigaw ko sabay lagapak ng kamay ko sa balikat niya.
Parang di naman siya nasaktan kasi tawang-tawa pa rin. Akala mo e walang ginawang kakabalaghan. Ramdam ko pa rin kaya iyong init ng ginawa niya sa akin.
Nanlalagkit pa rin ako.
"Joke nga lang..." tawa niya, "Para naman itong baby..." ngisi niya at hinalikan ang pisngi ko.
Mas lalong nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Itong sumunod na hampas ko sa kanya ay pinigilan niya na at saka ako hinila papalapit sa kanya. Ngising-ngisi pa rin siya kahit ganoon.
"Tama na, By. Ang sarap mong asarin..."
"Mukha ba akong tanga, Sir?! Alam ko kayang di biro iyon! Ang libog mo! Ang libog-libog mo!" Atungal ko na mas lalo niyang tinawanan.
"Sige na... I'm a horny beast, I know that. Di mo ako masisisi Sheeva. Di naman ako nakikipag one night stand."
Sumama lalo ang titig ko sa kanya. Tawang-tawa na naman siya at hinapit pa ako lalo para mapayakap sa kanya. Awkward pa rin lalo na ramdam ko pa rin iyong bukol na nasa ilalim. Ewan ko nga kung paano niya nagagawang tumawa ng ganyan gayong hindi pa rin humuhupa iyong libog niya sa katawan.
"Tayo na..." tampal niya sa pang-upo ko.
Dali-dali naman akong umalis sa kandungan niya. Kita ko kung paano siya tumitig sa akin. Para bang naa-amuse na naman. Gayong wala naman akong ginawang kakaiba maliban sa paghampas sa kanya kanina.
"Isusumbong kita kay Mama't Papa..." sumama iyong titig ko sa kanya.
Umiling siya't lalong ngumisi, "Hindi mo gagawin iyan."
Confident talaga. Sabagay naman at hindi ko iyon gagawin kasi sa huli sarili ko rin lang naman ang mapapahiya.
Sumunod ako sa kanya noong naglakad siya paalis at papasok sa loob ng kusina. Nagtataka nga ako kung paanong kahit naiinis ako sa kanya ay nagagawa niya pa rin akong pasunurin sa kanya. Nagiging komportable ako sa kanya ngunit nag-iiba naman kapag nagiging bastos siya.
"Tapos na?" Takang tanong ko nang nakita siya kinukuha iyong pinakuluan niya.
Ngumiti lang siya at naghanda ulit ng panibagong paglulutuan. Tumaas lalo iyong mga kilay ko. Nakasunod naman ako sa kanya, nanonood. Minsan natutula sa bandang leeg. Ang galing nga dahil parang ang dali lang sa kanya iyong pagluluto. Marunong naman ako, kaso iyon bang simpleng luto lang. Walang espesyal na mga rekados unlike sa ginagawa niya ngayon.
Tumabi ako noong nilatag niya na naman ang susunod na lulutuin. Ngumuso tuloy ako at nanonood lang din. Saka ako umusog para naman bigyan siya ng space.
Amuse na nagpipigil na naman siya ng ngiti noong nilingon niya ako. Hindi ko napigilang ngumiti rin. Na nginisihan niya. Mga ilang ulit pa na paghahanda ay sandali siyang naghintay sa niluluto. Kaya ngayon nga'y nakatitig siya sa akin. Saka naman nangingilabot na hinapit niya ang bewang ko. Ramdam ko kaagad iyong parang gusto niya akong kainin habang hinahalikan ako ng mariin.
Hinahapo pa ako noong tumigil siya. Ang sarap... nang halik niya. Nakakahimatay. Nahihilo nga ako na parang uminom lang ako ng alak. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang epekto ng isang halik... never pa naman ako hinalikan ng kung sino.
"You tasted like a fruit bubble gum, Sheeva." Iling niya, nakangisi pa rin.
Nag-init na naman tuloy iyong tenga ko... na gumapang kaagad sa buong mukha ko. Minsan talaga... nakakainis iyong mga sinasabi niya. Hindi dahil sa bastos kundi talaga namang kahit anong iwas ko e nakakaramdam na naman ako ng kilig.
Nakaramdam ako ng gutom ng nakita lahat ng inihanda niya. Tatlong putahe sa isang gabi. Nakakagana. Lalo na kung hindi lang ako iyong mag-isang kakain nito. Nandiyan siya. Na naghahanda na rin.
Pagkatapos nga maghapunan ay ako na ang naghugas ng mga pinagkainan. Nasa tabi ko naman siya at nanonood. Maya't maya'y pumwesto siya sa likod ko na siyang ikinabigla ko. Hindi ako nakahulma. Lalo na noong ipinatong niya ang sariling baba sa ituktok ng ulo ko saka marahang sinakop iyong buong bewang ko para mayakap niya ng mahigpit. Napalunok nga lang ako at hinayaan siyang gawin kung anuman ang nasa isipan niya.
Ganoon ba talaga? Pag magsyota? Kailangang sweet all the time?
O sadyang kakaiba lang siya sa lahat.
"Tabi tayo mamaya, By."
Natigilan ako sa pagsasabon at bahagya siyang nilingon. Naniningkit din ang mga mata ko na tinawanan niya man lang.
"Wala akong gagawin, pangako."
Mas lalo tuloy akong nagduda roon sa sinabi niya. Sa nangyari kanina? Sinong maniniwala na wala nga?
"Wala?"
Humalakhak siya at hinigpitan pa ang pagyakap sa akin.
"Ang sarap magkagusto sa bata... nakaka-ano."
"Nakakaano?" Ulit ko.
"Wala... nevermind Sheeva." Tawa niya.
Napailing na lang ako roon at binilisan na rin ang paghuhugas. Minsan nararamdaman ko iyong paghalik niya sa ituktok ng ulo ko. Mukhang naglalambing.
Malambing naman talaga siya e... minsan pansin ko ang pagiging maingat niya sa akin. Minsan din naman ay kinikilig ako. Kaso nga lang, may nangyari yata kaya naputol iyong saya ko sa Baguio. Kailangan naming bumaba ng madaling araw. Antok na antok pa ako ng ginising niya.
At in fairness naman sa kanya, wala naman siyang ginawa kundi matulog at yumakap sa akin noong nagtabi kami sa pagtulog. Siguro nga minsan tinutopak lang siya kaya nagiging manyak.
Nagigising lang naman ako sa tuwing tumitigil kami para magdrive thru saka muling babyahe. Ang huling gising ko ay nang dumating kami sa bahay. Iba naman ang ngising binibigay ni Mama. Mukhang may ideya na ako kung bakit ganoon. Siguro nasabi na rin nina Ate Godiness. Saka sasabihin ko rin naman pagkatapos kong magpahinga.
"Dito ka na kumain." Mabait na yaya ni Mama kay Sir Hawk na umayon din naman sa paanyaya. Tumitig ako sa kanya at nakisabay na ring kumain para pagkatapos ay magpapahinga na.
Hinatid ko lang siya sa labas bago ako muling pumasok. Nagpaalam naman ako kay Mama na abala sa paghuhugas saka ako natulog sa itaas.
Kinabukasan na ako nagising noon. Nagising lang dahil tumatawag si Sir Hawk. Binati lang ako ng good morning saka siya nagpaalam.
Bored na naman ako. Lalo na dahil iyong mga kapatid ko ay may kanya-kanya namang ganap. Samantalang ako e dito lang, kasama sina Mama kapag hindi busy. Gusto kong mamasyal. Isang araw pa nga lang ako sa bahay ay para na akong hito na gustong kumawala.
Nakatitig nga ako sa hawak na cellphone. Nandoon iyong number ni Sir Hawk. May tumatakbo naman sa isipan ko kaso naiisip ko rin na baka abala iyon. Kaya nga napaaga ang uwi namin kasi may emergency raw.
Mabuti na lang talaga at kinahapunan ay namasyal ang mga pinsan ko sa bahay. May ibang nakikiusyuso sa lovelife ko kaya lang minabuti ko na hindi gaanong magsalita para roon. Bago pa lang naman kami, at sa tingin ko kailangan ko rin ng privacy lalo na sa klasi ng trabaho na meron si Sir Hawk. Masyadong matayog. Masyadong malayo.
"Ilang taon ba?" Tanong ni Freda, naging kuryuso rin iyong ibang mga pinsan ko at napatitig sa akin. Naghihintay yata sa isasagot ko.
"36." Napayuko ako pagkatapos na sagutin iyon.
Nagsinghapan ang ilan. May ibang gustong ulitin ko iyong sinabi ko. But I knew better.
"Sheeva! Ang tanda na niyan ah!" Kinikilabutang sigaw ni Cathy.
Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi. Ang dali lang sabihin na ganoon. Pero sa tingin ko mas mabuti nang mas matanda iyong lalaki kasi alam niya iyong pamamalakad ng isang relasyon. Lalo na sa akin na ngayon lang nagkaboyfriend.
"Alam ba nina Tita?" Kuryusong tanong naman ni Freda at tumingin sa loob ng bahay.
Dahan-dahan akong tumango. Mas nagulat sila roon. Lahat e may mapanghusgang tinginan maliban kay Melba na humagikhik.
"May sasabihin ako... pero magpromise muna kayong hindi niyo sasabihin kahit kanino. Atin-atin lang."
Tumango naman kami. Napatitig ako sa kanya. Napapalunok sa paghintay hanggang sa nag-init ang batok ko nang narinig mula sa kanya iyong katotohanan na iba nga talaga ang iisipin ng ibang tao kapag ganoong obvious na malayo ang agwat ng dalawang couple.
"H-hindi naman kami ganoon." May bahid ng konsensya iyong boses ko. Alam ko kasi na hindi nga kami ganoon pero minsan na kaming muntik nang umabot sa gano'n.
"Dedeny ka pa, loka-loka! Alam ko yang mga ganyang edad. Parang bumalik sa pagkabata kaya mapupusok. Halimaw sa kama." Hagikhik naman ni Melba.
Natahimik naman ako. Ayaw ko nang dugtungan pa iyan. Kasi magmumukha lang akong tanga kung ipipilit ko pa na hindi naman kami umabot sa gano'ng stage. Na gustong sumubok.
Oo nga't may pagkamanyak si Sir Hawk pero nangako siya.
"Nagiging babae ka na Sheeva, siya siguro ang dahilan. Pero sinasabi namin sa'yo... magdahan-dahan ka."
Bumuntong hininga na lamang ako at muling yumuko. Bakit ganoon?
Nang naghapon ay hinatid ko naman sila sa kabilang village. Iyong iba e naglalakad, iyong dalawang pinsang babae ko ay nakaangkas naman sa akin. Nang naihatid ko sila ay pinaharurot ko naman iyong motor ko pabalik ng bahay. Saktong pagkarating ko ay siyang pagbaba ni Sir Hawk. May dalang dalawang basket. Napangiti naman ako at nagmamadaling bumaba ng motor. Saka ko dinamba ang likod niya.
Natawa naman ito.
"I could feel it, Sheeva." Ngisi niya.
Sinilip ko naman siya mula sa leeg. Ang sarap ng pagkakangisi niya. At ang sarap din ng pagkakalambitin ko sa leeg niya. Palibhasa kasi mas matangkad siya sa akin. Mas matikas din ang mamuscles niyang katawan kaya confident naman ang pagkakapuwesto ko roon.
"Ang alin?" Kunot noong tanong ko, at nilaylay ang isang kamay ko sa tapat ng dibdib niya.
"Iyang malambot mong boobs, By. Akala ko pa naman wala na akong makakapa."
Bumusangot iyong mukha ko at hinampas iyong dibdib niyang ikinatawa niya yata. Nilapag niya sa ibabaw ng sasakyan iyong dalawang basket at kinapa ang pang-upo ko para mapwesto niya ako ng maayos doon sa likod. Nag-init na naman ang mukha ko nang naramdaman ang mga malalaki at magagaspang niyang mga kamay.
Huminga siya ng malalim, saka bumuga sa kawalan. Kumunot na naman iyong noo ko kaya inayos ko na naman ang pagkakasilip sa kanya.
"Ang hirap magpigil, Sheeva." Hingang malalim na sabi niya.
Ako na naman itong natawa. Ganti-ganti lang sa pang-iinis niya sa akin.
"Talaga ba, Mayor?" Pang-iinis ko at mas lalo pang diniin ang harapan sa likod niya. Huminga siya ng malalim saka nauwi sa tawa iyon.
"Kakantutin kita..."
Sinampal ko iyong bibig niya. Saka mabilis na bumaba sa likod niya noon. Tawang-tawa na naman siya. Saka niya lang kinuha iyong basket na nilapag niya sa bubungan ng sasakyan.
"I think there's a different effect between Filipino and English words. And I'm starting to like it."
Umirap ako at hinampas muli ang braso niya na tinawanan niya man lang. Inaya ko na lang siyang pumasok. Sakto na kakarating lang ni Papa mula sa palengke. Natuwa nga ito ng nakita ang kasama ko.
Nagpaalam lang ako sandali at nag-ayos sa itaas bago muling bumaba. Nakahanda na iyong mga pagkain. Apat na pares ng mga kitchen ware. Napagtanto ko na wala yatang uuwi sa mga kapatid ko ngayon. Sabagay may mga buhay-buhay naman na sila.
"Kami na po..." magalang na wika niya at tinulungan si Mama sa pagdispose ng mga pinagkainan para mahugasan.
Nang umalis nga sina Mama ay nagkatitigan kami. Di na bago siguro sa akin sa tuwing hinahapit niya ako at mariing hahalikan. Iyong may kasamang dila talaga. Iyong mariin at malalim na hahagod sa loob ng bibig ko. Parang naghahanap. Ang sarap ng paghahanap niya huh, in fairness naman.
Tumigil lang ako noong naramdaman na umakyat iyong kamay niya at buong pinisil ang dibdib ko. Nagkakatitigan pa kami hanggang sa sumuko na siya at ibinaba ang kamay. Napailing na lang ako at napatitig sa sout niyang maong. Napangisi rin ng nakitang may bukol roon. Nakatagilid siya sa akin kaya hindi niya siguro napapansing tinititigan ko iyon.
Lumunok nga lang ako at naghintay sa kanyang matapos sa paghuhugas. Mas excited pa ako sa paghatid sa kanya mamaya kasi nga makakatikim na naman siguro ako ng matamis na halik. Iyong halik ni hudas. Napahalakhak na lang ako sa iniisip.