14

2023 Words
The next day, naninibago ako dahil nagpaalam siyang hindi makakapunta sa bahay. Mukhang ito iyong magiging una sa lahat. Naiintindihan ko naman, iyong boyfriend ko hindi naman katulad ng iba na pwedeng tambay-tambay lang. ang laki kaya ng responsibilidad niya. Dapat lang din na maintindihan ko iyon. At isa pa... nag-aaya si Ate Godiness na magkita kami sa sentro. Ibibili niya raw ako ng mga damit. Magiging abala raw siya hanggang sa susunod na buwan. Kailangan pa niyang lumipad patungong Singapore para sa isang project. Maybe, iyon ang nagagawa ng pagiging adult. "Sheeva!" Ngising-ngisi si Ate nang sinundo ko siya sa food court. Iba yong ngisi niya nang nakita akong nakadress hanggang kalahati ng legs ko iyong tabas. Napailing na lang ako. "Iba nga talaga ang nagagawa kapag inlove... I like how you look right now." Ngising-ngisi pa rin siya at inakbayan ako para umakyat sa department store. Napailing na lang din ako at sumama sa kanya. Ngayon lang ako natuwa sa lahat ng pagbili niya sa akin ng mga damit. Excited nga ako habang namimili at ipinapakita ko iyon sa kanya na mukhang mas natuwa nang nakita iyong mga choices ko. Hindi kasi simpleng damit iyon... pwede kong sabihin na ang seseksi. "Kapag yan sinuot mo lagi... magagapang ka noon." Tawa niya. "Ate naman..." nguso ko at tumitig sa ginang na napatitig dito. Tawang-tawa lang naman si Ate, samantalang ako e naiilang dahil sa titig noong Ginang. Para bang nanghuhusga. Okay lang naman kung kami-kami lang ni Ate kasi nandito kami sa public. Ay ewan ko. Ang mahalaga hindi ako magmukhang manang sa harap ni Sir Hawk. "Naghalikan na ba kayo?" Tanong ni Ate habang humihigop sa milk tea na binili namin. "Ate..." saway ko at mas lalong namula. Nabilaukan siya roon at tawang-tawa. "Mukhang magaling... pakiramdam ko magaling." Tango niya. "Ate naman e..." nguso ko pa. Hinampas niya iyong balikat ko habang tumatawa. "Ikaw talaga, ang tagal ulit nating magkikita bunso. Yong sabi ko, wag muna. Wag maging mapusok. Kung nangangati finger-finger muna." Ako na naman itong nabilaukan. Grabi lang, salaulo lahat ng taong nakapaligid sa akin. Sinamahan pa ng magaling kong boyfriend na agad tumawag kinagabihan. "I'll visit you tomorrow afternoon, I badly miss you my Sheeva. I hope you're here so I can hug or kiss you anytime." Bulong niya. Ako na naman itong nasasamid habang nakikinig. Ewan ko nga ba kung bakit simple lang naman iyon pero para bang iba ang pandinig ko sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko e umuungol siya noon sa ilalim ng kumot. Kahit malayo siya, kahit na hindi naman kami magkaharap, namumula pa rin ang buong mukha ko hanggang leeg. Sabi nga, kung masyadong nadumihan ang isipan mo e talagang kahit anong linis mo noon kapag madumi na contaminated na iyon. "Natahimik ka? By, what're you wearing right now?" Kumunot iyong ko at napatitig sa katawan ko na noo'y nakahiga sa kama. "Bakit mo naman tinatanong?" Tumawa siya, na hindi ko naman gets kung bakit. Kunsabagay iba nga pala mag isip ang isang 'to. Masyadong advance na hindi ko naman maintindihan kaagad. "I'm imagining you right now, Sheeva. Tell me, what are you really wearing?" Namilog iyong mga mata ko, para namang pumutok iyong ugat na nasa ulo ko. Nag-iimagine? Ay baka nga iba na ang ginagawa ng isang 'to. "Sir naman e!" Atungal ko na mas lalo niyang ikinatawa. "I don't want you calling me 'Sir', Sheeva. Though, it makes me damn horny, but still... Hm?" Napahawak na ako noon sa pisngi ko at pumikit sandali habang tinatakip ang mga mata. Talaga naman... hindi kami nawawalan ng kabulastugan dahil sa pagiging straight niya. Pag horny siya, mas lalong nagiging pilyo. "Kainis ka naman... di ka ba nahihiya na ginaganito mo ako?" Kunot noong balik tanong ko. Tumawa siya ng kaonti, "Bakit naman, By? This is how I feel for you... talaga namang, nakaka-L ka..." "Ay f**k!" Malutong na mura ko na mas ikinalakas ng tawa niya. Nahihiya na ako, kahit di naman kami naririnig sa labas. Nahihiya pa rin ako. Gano'n ba talaga kapag naglalaro ka sa apoy? Masyadong nakakapaso na kailangan mo pang paypayan ang sarili para kumalma? Kung ganoon, kailangan ko ng malamig na tubig. Kasi ngayon pa lang pakiramdam ko e tinutosta na ako sa impyerno. "Minsan, try natin iyong SOP By. I'm wondering what it really feels like." "Ay ang gago naman! Akala ko ba magpipigil ka hanggang sa gabi ng kasal? Bakit hindi naman yata nangyayari iyang gusto mo." Tumawa pa ito... minsan iniisip ko na baka naglalaro lang siya kaya ganito. O sadyang malibog lang siyang tao? O may hindi nasusukat na s*x drive? I don't know. I don't know yet. Sabi nga mas masarap daw ang magkagusto sa mas matanda. Mas masarap mag-alaga. I can say, siguro nga... naalala ko iyong pagpunta namin sa Baguio. Maalaga nga ito, though may pagkamanyak pa rin. Masarap naman talaga siyang kasama... iyong kakapalan ng mukha niya pagdating sa mga magulang ko e hindi ko naman inexpect. Personal itong nagpaalam. Ipinagpaalam ako ng maayos. Naalala ko si Sir Gracia, kumusta na kaya siya? Wala na akong balita. Ni hindi naman ito nagtetext. Siguro nga abala ito. O baka nga iyong panliligaw niya kuno sa akin noon ay spare time niya lamang. Kay Sir Hawk kaya? Spare time pa ba kung lagi siyang nandito? Kinukumusta ako. Na parang hindi lang kami nagkikita araw-araw maliban na lang sa mga araw na kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang trabaho. "Ma, alis lang po ako." Paalam ko kay Mama na nagdidilig sa bakuran namin. Nang tumango siya ay pinasibad ko na ang sariling motor at nagpunta ng plaza kung saan naghihintay na iyong mga pinsan ko. Alam ko naman na may nag-iba. Though hindi naman gano'n kalala ngunit talagang may nag-iba. Minsan nga naiinis na lang ako kapag tinatanong nila ako kung kami pa rin ba noong '36' years old na boyfriend ko. Ni hindi pa nga kami nag-1-one month e parang atat na silang mawala sa landas ko si Sir Hawk. Nag-uumpisa pa lang akong mag-enjoy pero mukhang gusto na nilang putulin iyon. Sa inis ko ay minsan hindi na ako sumisipot kapag nag-aaya sila. Ayaw kong masira ang araw ko pagkatapos si Sir Hawk na naman ang pagbabalingan. Wala namang kasalanan iyong tao. Saka masipag ito, kung maaari bago siya pumasok sa trabaho ay mabati niya ako at kung hapon naman ay doon siya kumakain sa amin. Masaya sina Mama't Papa kapag naroon siya. Ewan ko nga kung gawa lang ito ng pangungulila ng mga magulang ko sa mga kapatid ko kaya gano'n na lang ang attachment ng mga ito sa boyfriend ko. "Aalis ako ng tatlong araw. But I'll be back before your enrollment. Sasamahan kita, By. Mag-ingat ka. Reserve your virginity only for me." Binatukan ko nga siya kahit na higit na mas matangkad siya sa akin. Ang kalokohan talaga nito. Hindi kumukupas. Bago siya umalis ay kinintilan ko naman siya ng mabilis na halik. Ngumisi naman ito at hinalikan ang tenga ko na naging dahilan kung bakit kinilabutan ako noong gabing iyon. Wala siya for three days... wala rin ang mga kapatid ko. Sina Mama ay panay ang luwas para e-check iyong bigasan namin sa sentro. Nabored kaagad ako. Hindi naman tulad noon na nag-eenjoy ako kahit nasa bahay lang buong araw. Minsan naman kasi at katawagan ko si Sir Hawk kapag hindi ito abala sa opisina. Kaya nga nang nag-aya sina Cathy ay agad akong umalis ng bahay. Nagkita na naman kami sa plaza. Saka tumungo sa gymnasium. Nando'n raw kasi sina Noah, may games daw. Nanonood na lang din ako kahit panay ang silip ko sariling cellphone. "Sinong sinisilip mo diyan, Shee?" Bulong ni Cathy. Ibinaba ko naman ang cellphone. "Iyong matandang iyon pa rin ba, Shee?" Taas kilay na sabat naman ni Freda. Ngumingisi naman si Melba. Kumibit naman ako. Ano ngayon kung si Sir Hawk pa rin? Hindi naman kasi nila naiintindahan. Gusto ko iyong tao. Gusto rin siya nina Mama't Papa. Ano nga kung matanda? Kaya nga minsan ayaw ko na lang sumama sa mga lakad nila kasi nawawalan na lang ako ng gana kapag nangyayaring umaabot kami sa ganoon. Okay lang naman kung isang beses na sinabi nilang ayaw nila sa lalaking karelasyon ko. Hindi naman sila ang makikipagrelasyon. "Ipakilala mo na kasi! Wala talaga akong tiwala diyan." Maktol ni Cathy habang naglalakad kami para maghanap ng makakainan. Nakasunod na sina Noah sa likod. Iyong ibang ka-teammate niya rin. May isa ngang bumati sa akin. Gulat na gulat nang nakita akong nakadamit pangbabae. Kumibit na lang ako. "Oy! Oy! Bakit mo hinaharass si Sheeva, Cathy? E ayaw ngang ipakilala. Wag niyo nang ipipilit iyan." Saway ni Roland, kaibigan ni Noah, na kaklasi ko noong highschool. Kumindat pa siya sa akin na inirapan ko. Humalakhak ito... bigla akong natigilan at naisip si Sir Hawk. Isang araw na lang makikita ko na siya ulit. Miss na miss ko na siya. Iyon bang kaharap ko siya habang kumakain kami sa hapag. Iyong mahahalikan niya ako sa personal hindi iyong pagiging manyak niya lang sa cellphone. "Tara na!" Busangot na sigaw ni Cathy, dahilan kung bakit nagising ako at napatalon sa gulat. Tahimik lang akong nakikinig sa kuwentuhan ng mga pinsan ko. Minsan sinasali naman nila ako... kaso lumalakbay sa malayo iyong utak ko at kinakabahan na rin. Tumingin nga ako sa kaliwa noong may bumusina. Akala ko siya... akala ko siya na iyong nasa imahinasyon ko. Nagagawa nga talaga ng pagiging malikot ng isipan. Siguro nga sobrang namimiss ko lang siya kaya ganito. Napatalon ako sa gulat noong tumunog iyong messenger ng cellphone ko. Natigilan sina Cathy at tumitig sa akin. Marahil iniisip nila na iyong boyfriend ko na iyon. Sumenyas nga si Melba na sagutin ko iyon sa harap nila. Kumunot tuloy iyong noo ko gusto sanang lumayo kaso pinigilan naman nina Freda iyong balikat ko. Bumuntong hininga ako at hinarap ang messenger. Miss na miss ko na siya kaya hindi ko rin pwedeng babaan siya ng tawag ngayon. Bahala na itong mga kontrabida kong mga pinsan. Hindi naman sila ang pinangakuan. Handa naman akong iharap sa kanila itong tawag... kaso paano ko ihaharap sa kanila kung ang bumungad sa akin ay iyong kalahati ng katawan niya? Nanunuot sa mga mata ko iyong mga namimintog niyang mga muscles. Halos sumuka ako ng rainbow. Nagpalipat-lipat tuloy iyong mga mata ko sa mga pinsan at kay Sir Hawk na mukhang may pilyong iniisip. "How's my Sheeva?" Napalunok ako roon, lalo na sa boses niyang parang inaantok. Unti-unting lumuwang iyong pagkakahawak ni Freda sa balikat ko. Napansin ko na namumula ang pisngi niya. Hindi naman siguro gawa ng init ng panahon iyon. Di sana'y kanina pa namula iyon. Si Cathy nga ay napanganga. Bigla akong natakot. Oo na, selfish akong tao. Pwede ko naman talagang ipakilala sa kanila itong boyfriend ko kung hindi lang dahil naiinsecure ako. Anytime pwede ko iyong gawin. Kaso mas pinili ko na mawalan ng gana sa kanila everytime, kesa nga sa ipakilala. Napalunok ako at muling tumitig kay Sir Hawk na napansin kong kumilos at saka naupo. Kumunot iyong noo ko. Lalo na noong ngumisi siya at unti-unting bumababa ang hawak na cellphone. Kumunot iyong noo ko hanggang sa namimilog na lang at muntik pa akong malaglag sa inuupuang upuan. Shit! Tangina! Sa lahat ng pagkakataong pwede niyang gawin iyan e dito pa na nandito ang mga pinsan ko! Nag-iinit nga ang batok ko sa nasaksihan. Iyong bilis ng kamay niya sa paghagod. Iyong sa tuwing bumababa ang pagsalsal niya e buong-buo na nakikita ko iyong kargada niyang hindi man lang natatakpan ng buong palad niya sa sobrang haba noon. Napatayo ako nang nakita na napatayo rin sina Cathy. Alam ko... sisilip sila. Pero hahayaan ko ba kung nakita kong nag-eejaculate ang putangina?! Tangina?! Hindi pwede ano! Makikita nila... makikita nila iyong ako lang dapat ang makakita. Tumakbo ako paalis. Saka umangkas sa motor. "Sheeva!! Hoy! Gaga ka! Ang daya mo!" Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi at mabilis na pinasibad ang motor. Magtutuos kami! Lintek lang ang walang ganti! At ano namang ganti ang gagawin ko?! Papakitaan ko rin ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD