"Wala ba syang ibang sinabi sayo, Sanjo?" Kunot noong tanong ko pa sa kanya
"Wala, basta ang sinabi nya lang sa tawag ay hintayin mo na lang kung anong surpresa nya para sayo" sagot nito sa'kin
"Mommy, when can we meet tita October?" Tanong naman ni Marina na naging dahilan para magpalitan kami ng mga tingin nina Hunter at Chasen.
Hindi ko pa kasi nababanggit kay October ang tungkol kila Marina at Nile dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat, pero sinabi ko naman na sa sarili ko na kapag umuwi si October at nakilala nya sina Nile at October ay sasabihin ko sa kanya lahat simula sa umpisa at ang katotohanan dahil ayoko na ring magtago kay October, pero natatakot ako sa magiging reaksyon nya kapag nalaman nya ang totoo.
"Once she finished her work overseas, you guys can now meet her" sabi naman ni Chasen
"Do you know, October kuya Chasen?" Tanong ni Sanjo sa kanya
"Hindi, na kwento lang sya sa'kin ni Keilee pero hindi ko pa sya nakikita sa personal" paliwanag naman ni Chasen
"Ilang taon na bang nasa ibang bansa yang kaibigan mo?" Tanong ni Hunter
"Halos nasa anim na taon na rin, palipat lipat sya ng bansang pinupuntahan dahil sa ekspedisyon" paliwanag ko
"Pareho kayo ng trabaho, right? Archeologist?" Chasen asked
"Yeah, mas nauna nga lang sya kaysa sa akin" sabi ko naman
"Paano nyo ba ginagawa yang trabaho nyo na iyan?" Kunot noong tanong ni Hunter
"Ang hirap i-explain, but to make it short we dig history" sambit ko at nagpatuloy na lang sa pagkain
"Anyway, mommy, teacher told us that September month is a family month" said Nile
"Oh, that's nice, sweetie" masayang tugon ko sa kanya
"Teacher said our whole family should attend the event, there should be a mommy and daddy" sabi naman ni Marina
"A-ah... G-ganon b-ba?" Utal utal kong sambit
"Paano na iyan?" Bulong naman sa'kin ni Hunter
"And she also said na required daw na pumunta ang lahat kasama ang mommy at daddy" sabi pa ni Nile
"Really?" I faked my smile at him as I asked
"But we don't have a daddy, so how are we going to attend the event, mommy?" Tanong ni Marina na may halong lungkot at pagkadismaya ang tono
"We're not going, I don't like the so called family day anyway" seryosong sambit naman ni Nile
"Why?" Tanong sa kanya ng kambal nya
"There's a lot of games that you need to participate and you're not allowed to run everywhere because of your condition. Hindi rin tayo makakasali sa mga ganong palaro dahil sa sakit mo" sagot ni Nile
"But that's a family day and I want to attend that with you and mommy" malungkot na sambit ni Marina
"Marina, we don't have a daddy, so basically we cannot attend that event" aniya Nile
"Kids, listen to mommy, okay?" Saad ko naman
"You guys need to attend that event and enjoy that day" mahinahon ko pang dagdag
"Daddy nyo naman kami ah" singit naman ni Hunter habang nakangiti
"You're not our real dad, but that can do" Nile said
"Is that sarcasm?" Kunot noong tanong ni Chasen
"Uncle Chasen and uncle Hunter, it's true that you guys our daddy but not biologically" taas kilay namang sambit ni Marina
"Keilee, your girl is being sassy here" aniya Chasen na nilalakihan pa ako ng mata
"Nile, Marina... Anong sabi ko sa inyo tuwing mas matanda ang kausap nyo?" Tanong ko sa mga ito
"I'm sorry, mommy" sabay nilang
"Alam nyo kumain na lang tayo" aniya naman ni Sanjo
AFTER A FEW MINUTES
"Bakit parang ang lalim naman ata ng iniisip mo?"
"Dahil ba sa sinabi ng kambal?"
"Alam nyo? Kayong dalawa ang hilig nyong sumulpot kung saan saan, magkambal nga talaga kayo" saad ko naman
"Hindi ko alam na ginagamit nyo pala ang balcony nyo, akala ko display lang" biro naman ni Hunter
"What if ihulog kita dito?" Sarkastikong tanong ko sa kanya habang nakataas ang aking kanang kilay
"Pinapagaan ko lang naman yung loob mo" depensa nito
"You both know how much I try to be a good mother to my children and how I make them feel my love so they don't ask me where their father is." I said
"But you can't stop them from asking why they don't have a father or where their father is because your children are growing, Keilee. You can't get the question out of their minds. Why do other children their age have a family and a father but they do not?" Sambit naman ni Hunter
"I know that myself, Hunter, and you don't need to tell me." Sabi ko sa kanya
"Hunter has a point, Keilee." Said Chasen
"So what do you want me to do? I tell them both that the one and only River Collymore is their father, and how many times have he and Marina met?" I said, and my voice was starting to crack.
"That's not what we mean, Keilee." Aniya Chasen
"Like you, we also don't want River to know that Marina and Nile are his kids." Dagdag pa ni Chasen
"Maybe it's time for you to meet someone else and try to be happy again, right?" Sabi naman ni Hunter
"I told you the first time that I don't want to try again. Marina and Nile are by my side, and I don't need anyone else." I explained
"You don't want to try love again because of Marina and Nile, or is it because you still like River?"
"Hunter stop!" Saway sa kanya ni Chasen
"How can I love the person who caused me to lose everything?" Nakangiwing tanong ko naman sa kanya
"Tinatanong ko lang" sagot nito sa akin
"Can we stop talking about that man?" Iritadong sambit ko naman
"So, ano na ang plano mo?" Tanong ni Chasen
"Saan?" Tanong ko naman
"Sa family day nung dalawa sa school, required magpunta di ba?" Aniya Chasen
"Who knows, bahala na kahit wala silang tatay" sagot ko sa kanya
"Pwede namang magpanggap na tatay nila si Chasen" suggestion ni Hunter na nagpakunot naman sa aking noo
"What are you trying to do?"
"Alangan namang hayaan mong mainggit yung dalawa sa mga buo ang pamilya doon di ba?"
"Let's not talk about what hasn't happened yet. It's good that you two are here because I also want to tell you something." Pagiiba ko naman sa usapan
"What is it?"
"I agree with your offer to me about your company." Mabilis kong sagot at saglit namang nagpalitan ng tingin ang dalawa na parang gulat na gulat pa sa kanilang narinig mula sa akin
"A-are you sure about that?" Utal na tanong ni Hunter
"Of course, Nile and Marina are growing up, and I need to save money for their future." Sagot ko pa
"Pero studio ng nanay mo ang pinaguusapan natin dito, sigurado ka ba talaga sa desisyon mong iyan?" Paninigurado pa nito
"Hunter, kapag sinabi ko eh sinabi ko. At isa pa, magiging isa ako sa mga share holder kapag na convert naman na yung lugar di ba?" Sabi ko naman
"Oo"
"Oh di ba? Edi wala akong dapat isiping iba dahil nasa usapan naman na natin lahat lahat eh" sabi ko pa. Ilang buwan na kasi naghihintay sina Chasen at Hunter sa tanong ko tungkol sa offer nilang bibilhin nila yung lupa kung saan nakatayo ang studio ni mama kung saan sya nagtuturo noon tuwing sabado at linggo, sobrang laki naman nung lugar dahil naging museum daw iyon once sabi sa akin ni mama at binili daw sa kanya iyon ni papa at ngayon ay gustong bilin iyon ng kumpanya ng pamilya nina Chasen at Hunter at sinabing kapag pumayag ako na ibenta sa kanila yung lugar ay ipapasok nila ako bilang isa sa mga malalking share holder dahil mukhang pati ang entertainment industry ay papasukin na rin ng pamilya nila.
"Pero kasi di b---" I cut him off
"Nakapagdesisyon na ako, at isa pa iyon naman ang gusto nyo di ba? Ang pumayag ako na ibenta sa inyo yung lugar" sabi ko naman
"If that's your decision, then we can start signing contracts." Aniya naman ni Chasen
"Sure" maiksing sambit ko naman
"My secretary will just call you for the contract signing. Maybe the day after this, we can start everything since you already agreed." Said Chasen
"We have discussed all the conditions we will put in the contract for a long time, haven't we? Maybe you want to add something, or maybe you want to change something. Just tell me, and I will tell my secretary to arrange everything you want for the contract, so in that case we don't face any problems when the contract signing day comes." He added
"Wow" sabi ko
"Wow?" Kunot noong tanong ni Chasen
"Nothing. I'm just amazed by how you are talking right now. It sounds really professional because earlier it seemed like the tone of your speech was different when we were not talking about business, and now even your facial expression has changed too." I explained
"R-really?" Utal pa nyang tanong
"Yeah, you sound amazing" nakangiting sambit ko at laking gulat ko naman nang biglang hampasin ng malakas ni Hunter si Chasen sa balikat nito
"What the heck?!" Singhal ko kay Hunter
"Dude, that hurts" sabi ni Chasen at hinawi ang kamay ng kanyang kambal
"Sorry bro, my bad" natatawang sabi ni Hunter
"Anyway, hindi pa ba kayo uuwi? Anong oras na oh" sambit ko
"Dito na kami matutulog" aniya Hunter
"Wala kayong tutulugan dahil dito daw uuwi yung dalawa" taas kilay kong saad
"Edi sa sala nyo" sabi naman ni Chasen
"Seriously? Ang isang CEO na kagaya mo ay hihiga sa sahig?" Kunot noong tanong ko sa kanya
"Bakit? Sa tingin mo ba di purket CEO ako ay hindi ko sanay humiga sa sahig?" Nakangisi nitong tanong
"Aba malay ko ba" sagot ko naman sa kanya
"May mga extra naman ata kayong kumot at unan dyan di ba?" Sambit ni Hunter
"Oo" maiksi kong sagot
"Nakakaloka naman kasi kayong dalawa, mas malaki at mas kumportable yung mga bahay nyo pero mas pinili nyo pang makipagsiksikan dito sa pamamahay ko" reklamo ko sa kanilang dalawa bago ako tumayo sa aking kinauupuan para pumasok sa loob ng bahay
"Syempre dito nakatira sila Marina at Nile, alangan namang dalhin namin sila sa bahay edi pinagpasa-pasahan na naman sila ng mga taoo doon" aniya Hunter
"Hindi ko na kasalanan na maganda at gwapo ang lahi namin na kahit saan ko dalhin ang mga anak ko ay pinagkakaguluhan sila ng mga tao" sarkastiko ko namang sambit sa dalawa habang naglalakad ako pababa ng hagdan at silang dalawa naman ay nasa likod ko at sinusundan ako sa paglalakad
"Tch! Di mo nga kamukha si Nile" natigilan naman ako dahil sa sinabing iyon ni Hunter na ngayon ay tinatakpan ang kanyang bibig dahil maski siya ay nagulat sa kanyang sinabi
"Isa pa Hunter, puputulin ko na dila mo" banta ko naman sa kanya
Alam ko namang hindi ko kamukha si Nile, pinamukha pa nya talaga sa'kin na hindi talaga kami magkamukha. Nakakainis 'tong lalaking 'to
"Dito na lang kayo matulog na dalawa, kasya naman kayo dyan" sambit ko sabay turo sa sofa
"Keilee, naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Kunot noong tanong naman sa akin ni Hunter
"Paano kami magkakasya sa sofa?" Malumanay na tanong ni Chasen
"Bakit?" Tanong ko naman
"Hey, don't tell me hindi pa kayo nakakakita ng ganitong sofa?" Dagdag ko pa
"What do you mean?" Sabay nilang tanong sa'kin
"Okay, let me show you" sambit ko.
Lumapit ako sa sofa at hinawakan ito sa ilalim bago ko ito hatakin na dahilan para lumaki ito
"Woah!" Aniya Chasen at Hunter nang makitang maging kama ang sofa
"Ayan na, pwede na kayong magtabi dyan" saad ko matapos kong maayos ito
"Damn, hindi ko alam na magician ka pala, Keilee" sabi naman ni Hunter
"Seriously? Hindi nyo alam na may na imbento ng ganitong gamit?" Kunot noong tanong ko sa kanilang dalawa at sabay lang silang umiling sa'kin bilang kanilang sagot
"Well, I guess hindi lahat ng mayayaman ay updated sa technology" sarkastiko kong sambit
"Is that an insult?" Tanong ni Chasen
"Hindi ah" natatawang sambit ko naman
"Anyway, aakyat lang ako sa taas para kumuha ng mga kumot at unan nyo" dagdag ko bago ako maglakad pabalik sa taas ng bahay upang kumuha ng gagamiting unan at kumot ng dalawa
"Mommy" tawag sa'kin ni Nile
"Yes, sweeite?" Tugon ko sa kanya
"Dito po matutulog sila uncle?" Tanong nya naman
"Opo, ayaw nilang umuwi sa kanila eh" sagot ko
"Okay, I will sleep with them" sambit ni Nile at hindi na ako nakapagsalitang muli nang bigla itong bumalik sa kanyang kwarto at matapos ang ilang segundo ay muli itong lumabas sa kanyang kwarto pero ngayon ay dala dala na nya ang unan nya at isang libro
"I'm going downstairs" he said
"Where's Marina?" Tanong ko naman sa kanya
"She's already sleeping in my room" he replied
"Okay, thank you, sweetie." Nakangiting sabi ko dito
"You're welcome, mommy" tugon nya sa'kin bago tuluyang bumaba at magpunta kila Chasen
AFTER A FEW MINUTES
"Here you go"
"Thanks" sambit ni Chasen nang makuha nya sa'kin ang kumot at unan nila
"Dito daw matutulog sa amin si Nile" aniya Hunter
"Natutulog na si Marina sa kwarto nya, ayaw naman nya sa kwarto ni Marina dahil puro pangbabae daw yung mga display" paliwanag ko sa kanila
"Anyway, nasaan pala si Nile?" Dagdag ko
"Nasa kusina. He's brushing his teeth" sagot sa'kin ni Chasen
"Okay, pagbalik nya patulugin nyo na sya dahil may pasok pa sila bukas ng umaga" sabi ko naman at tinanguan na lang nila akong dalawa bilang sagot.
Matapos iyon ay umakyat na ako sa kwarto ko at doon ipinahinga ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit wala naman akong maraming ginawa sa buong araw ko.
ONE WEEK LATER
"Uuwi ka na boss?" Tanong sa akin ni Aldrin
"Oo, hindi daw makakauwi yung tatlo kaya walang magsusundo sa kambal ko, malapit na ang uwian nila eh" sagot ko naman sa kanya
"Ay, sige boss kami na ang bahala dito" aniya Aldrin
"Sige, pwede na kayong magsara ng maaga tutal sabado naman na bukas" sabi ko naman
"Sige boss, ingat ka" sabi naman ni Mae at kinawayan ko na lang sila at lumabas na ako ng cafe para magtungo sa parking lot. Buti na lang talaga ay iniwan ni Danwil ang kotse nya kaya hindi na ako mahihirapang sunduin yung dalawa dahil motor lang naman ang meron ako
AT C.A.S
"Mommy!" Rinig kong sigaw ni Marina mula sa gate ng school nila habang kumakaway sa'kin, at kinawayan ko naman ito pabalik.
Kawawa naman si Nile at sya na naman ang may bitbit ng mga gamit ng kambal nya
"Let me carry them, sweetie" sabi dito nang makalapit ako sa kanya
"I hate this job" aniya Nile at nagtuloy tuloy na sa paglalakad. Bahagya naman akong natawa dahil sa sinabi nyang iyon, Ayaw nya sa ginagawa nya pero ginagawa nya pa rin dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala nya sa kambal nya
"How's your day my angels?" Tanong ko sa kanilang dalawa nang makapasok kaming lahat sa loob ng kotse
"I played a lot with my classmates!" Masayang sagot ni Marina
"I spend my whole day running after her because I'm thinking that she might collapse anytime!" Reklamo naman ni Nile
"Pft!"
"It's not funny, mommy!" Protesta pa nya nang hindi ko mapigilan ang aking pagtawa
"I'm sorry, sweetie" natatawang kong sambit sa kanya
"You're still laughing, and you Marina. How many times should I tell you that you can't run because of your condition?" he glared at Marina
I don't know, but even though Nile is angry and complains about his twin sister, I am still happy because, even though he complains, he still continues to care for and think about Marina's health.
"Why? Teacher said that I'm in a good condition to run a little!" Sagot ni Marina sa kanya
"You call that little? You run in the field the whole period while I'm keep on chasing you to wipe your sweat!" Aniya Nile
"Why are you shouting at me?!" Sambit ni Marina and she started to cry
"Now look at you. You always end up crying when you're being told. What I'm saying is not for me, but for you." Sabi naman ni Nile at napasapo na lamang sya sa kaniyang noo dahil sa pag-iyak ni Marina
"Ssshh... Marina, sweetie, stop crying na. Gusto ka lang namang mag-ingat ni Nile, hindi naman masamang makinig sa kambal mo minsan at di ba sabi ng doctor sayo ay bawal ka daw mapagod ng husto?" Mahinahong usap ko naman kay Marina
"But he yelled at me." She replied
"And Nile, what do I say to you every time you talk to Marina?" Pagbaling ko naman kay Nile
"Don't yell at her" mahinang sagot nito ngunit sapat na ito para marinig ko
"Now, ano ang gagawin nyong dalawa?" Tanong ko pa habang nagmamaneho ng sasakyan
"Make up" Sabay nilang sagot
"Now, hug each other and make up" utos ko sa kanila na agad naman nilang ginawa
"I'm sorry, Nile. I promise I'll listen to you next time." Sambit ni Marina habang nagpupunas ng kayang mga luha
"I'm also sorry because I yelled at you and raised my voice. Though it's also your fault that I got angry with you because you always don't listen to me." Said Nile
I don't know what to say to both of them. I don't know if the two of them are okay because Nile said that it seems like he is gaslighting Marina. Natatakot akong baka nakuha rin ni Nile ang ugaling 'yon ni River, ayokong lumaki si Nile na gaya ng tatay nya
"At ano naman ang dapat nyong sabihin sa akin?" Dagdag ko
"We are sorry, mommy, because we argue in front of you." Sabay nilang sambit
"Apology accepted. Basta sa susunod ay huwag na kayong mag-aaway dahil ayaw ni mommy na nakikita kayong dalawa na nagtatalo o nag-aaway, okay?" Sabi ko naman sa kanila
"Opo" sagot ni Marina
Matapos iyon ay nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa grocery store upang mamili ng mga kailangan ko sa pagluluto ng carbonara dahil gusto daw nilang dalawa na carbonara ang hapunan namin
"Mommy, bakit po sila nagtatayo ng christmas tree?" Tanong sa'kin ni Marina nang makita ang mga dicer na nagtatayo ng christmas tree
"I don't know, sweetie" sagot ko naman sa kanya. Ang aga naman ata nilang magtayo ng christmas tree, ang layo layo pa ng pasko
"There must be a christmas commercial" aniya Nile
"Let's just ignore them, buy what we need, and go home because I know you guys are already hungry." Sabi ko naman at tinulak ko na ang cart namin
AFTER AN HOUR
"We're finally home~~~" Saad ko nang makapasok kami sa loob ng bahay
"Uncle Zaikie is not at home. They are not home, mommy" sabi ni Marina
Mahahalata mo namang wala dito sa bahay ko yung tatlong lalaki dahil sobrang tahimik ng paligid namin, dahil kapag andito sila bahay ay paniguradong nasa gate palang kami ay naririnig na namin ang sigawan nilang tatlo na akala mo ay nasa kabilang ibayo ang kausap.
"They are not coming home tonight, sweetie" sabi ko naman sa kanya
"Bakit daw po?" Tanong naman ni Nile
"I don't know, Nile, they just told me that they can't make it today" sagot ko
"If they are not here, mommy, then whose are those bags?" Aniya Marina sabay turo sa kung saan, hindi ko ito makita dahil nasa tapat pa ako ng pintuan at inaayos ang mga sapatos namin
"What do you mean, Marina?" Tanong ko pa habang inaayos ang shoe rack
"Yes, mommy, whose luggage is this?" Dagdag na tanong pa ni Nile kaya naman dali dali na akong naglakad papunta sa kanila at nang makapasok ako sa sala ay laking gulat ko ng tumambad sa akin ang kay rami at malalaking bagahe
"Kanino yang mga 'yan?" Naguguluhang tanong ko sa aking sarili
"They are all mine!" Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses kung saan kung kaya naman ay nagpalinga linga ako sa aming paligid hanggang sa may mahagip ang aking mata na isang pigura sa taas ng bahay
"Hello!" She said
"OCTOBER?!" Sigaw ko sa gulat nang mamukhaan ko ito
"I MISSED YOUUUUUUUU!" Sigaw nya at niyakap ako ng mahigpit matapos nyang makababa ng hagdan
Hindi ko alam ko kung ano ang magiging reaksyon ko matapos kong makitang muli si October, kung matutuwa ba ako dahil makakasama ko na sya ulit o matatakot para sa mga nangyari sa buhay ko ng hindi nya alam.
"Hoy! Anong meron at bakit hindi ka makapagsalita dyan?" Natatawang tanong nya sa akin ngunit hindi pa ako makakibo dala nga ng pagkagulat ko sa pagbalik nya dito sa pilipinas
"Sobrang nakakagulat ba talaga ang pagbalik ko?" Dagdag pa nya habang nakakunot ang kanyang mga noo
"Y-yeah, s-sobrang n-nagulat l-lang a-ako" utal-utal kong tugon sa kanya
"Hindi ba sinabi sayo ng kasama mo dito sa bahay na may surprise ako sayo?" Tanong pa nya
"Sinabihan ako ni Sanjo pero hindi ko alam na ikaw mismo yung surprise" saad ko
"Akala ko nga andoon ka sa bahay nyo kaya doon ako unang nagpunta but it turns out na walang tao kaya dito na ako dumiretso sa bahay nyo pero wala rin si tita, then napaisip ako na baka nasa hospital pa sya pero sobrang pagod na ako sa byahe kaya bukas na lang natin bisitahin si tita" paliwanag naman nya sa akin
"Who is she, mommy?" Biglang pagsingit namang ni Marina
"Oh my gosh!" Aniya October
"Who are these kids?" Tanong pa nya sa'kin habang nanlalaki ang kanyang mga mata
"Um... Listen Oct----" She cut me off
"Wait! Don't tell me..." She stops for a while
"Don't tell me na may anak na kayo ni River at silang dalawa na 'yon?" Pagtutuloy nya sa kanyang pagsasalita at lumapit sa kambal
"Kambal pa!"'
"Wait a minute Oct---"
"Oh my gosh! Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo!" Aniya October habang hawak hawak ang pisngi ni Marina at hindi man lang ako pinapansin
"Wait!" Singhal nito nang kanya na nyang ibaling ang kanyang atensyon kay Nile
"Damn! Xerox copy ng tatay!" Natatawang sambit ni October habang tinitignan si Nile mula ulo hanggang paa
"Grabe kayong dalawa, hating hati ang anak nyo sa inyong dalawa, mga mini me nyo ang mga anak nyo!" Nakangiting sambit naman nya at muling tumayo upang humarap sa akin
"You know what, October, listen. I have something to t---"
"Nasan nga pala si River? Nasa trabaho pa rin ba? Anong oras ang uwi nya galing trabaho? Anong ginagawa nyo rito sa bahay nyo?" Sunod sunod nyang tanong sa'kin na hindi man lang ako binibigyan ng pagkakataon na masabi ang gusto kong sabihin
"Bakit mo tinago sa akin na may anak na pala kayo? Halos every month naman tayong nagkakamustahan, bakit hindi mo man lang sinabi sa ak----" I cut her off
"October please! Pagsalitain mo muna ako please lang!" Singhal ko sa kanya na bahagya naman nyang ikinagulat
"Why are you shouting?" Tanong nya sa gulat dahil sa aking pagsigaw
"I'm sorry, I didn't mean to shout. Kanina mo pa kasi hindi pinapansin ang mga sinasabi ko sayo" mahinahong paliwanag ko naman sa kanya
"Bakit? Ano ba ang sasabihin mo?" Kunot noong tanong ni October
"First, I just wanted to say sorry for not telling you about my pregnancy and about my kids..." I stopped
"Okay, okay. Bakit hindi muna tayo umupo para mas kumportable tayo di ba?" Aniya October
At gaya nga ng sinabi ni October ay naupo na kami sa sofa
"Now, speak" she said
"Syempre bago ang lahat, gusto ko munang ipakilala sayo ng maayos ang mga inaanak mo" sabi ko naman
"Inaanak? Ni hindi mo nga sanabi sa akin na may anak ka na pala" pagmamaldita nito sa akin
"October naman eh, listen to me first" sambit ko sa kanya
"Okay" she replied
"Marina, Nile" tawag ko sa dalawa na mabilis namang lumapit sa akin
"Okay. Nile and Marina this is your auntie October, sya yung kinukwento ko sa inyo na kaibigan ko at sya rin yung taong nagpapadala ng mga chocolate at mga gamit sa atin" pagpapakilala ko kay October sa dalawa
"And, October, this is Marina and Nile. They are already four years old" dagdag ko pa
"It's nice to meet you, guys" nakangiting sambit naman ni October sa dalawa at nilapitan naman sya nila Nile at Marina upang magmano sa kanya
"It's nice to meet you too untie October" sabay na sabi nung dalawa sa kanya
"Um... Sweeties, listen to mommy first, okay?" Sabi ko sa kambal
"Akyat muna kayo sa mga kwarto nyo, tatawagin ko na lang kayo kapag tapos na kaming mag-usap ng auntie nyo" dagdag ko pa at kanila naman akong tinanguan bilang sagot bago umakyat sa taas gaya ng utos ko sa kanilang dalawa
"Bakit mo pinaalis yung dalawa?" Kunot noong tanong ni October sa akin
"It's because hindi nila dapat na marinig lahat ng paguusapan nating dalawa" mabilis kong sagot sa kanya
"Why are you so serious, Keilee? May nangyari ba? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Suno sunod na naman nyang tanong sa akin
"Dahan dahan lang sa mga tanong, October, alam kong marami kang tanong pero huwag kang mag-alala kasi lahat 'yan ay sasagutin ko" paliwanag ko
"Okay, lahat sabihin mo sa akin bago lahat ng tanong ko" aniya October
At gaya nga ng sinabi ni October ay sinabi ko muna sa kanya lahat simula sa unang pangyayari, syempre sinimulan ko sa parteng nagkasakit si mama at kailangan ko ng pera para maipagamot si mama hanggang sa makilala ko si River at nagkasundo kami na pareho naming pakikinabangan ang isa't isa sa pamamagitan ng kontratang kasal hanggang sa kung ano ang naging buhay ko noong nagsama na kami ni River at kung paano natapos ang kontrata naming dalawa.
Sinabi ko rin kay October na patay na si mama at kung paano at kung bakit namatay si mama hanggang sa matapos ang libing ni mama at nagdesisyon akong magtrabaho bilang archeologist kasama si Mr. Cruz at malamang buntis ako kila Marina at Nile at kung paano ko tinatago silang dalawa kay River.
"KEILEEEEEEEE!" Aniya October habang umiiyak matapos kong masabi sa kanya ang lahat at yakapin ako ng mahigpit
"Ssshhh! Bakit ka umiiyak?' Sabi ko naman
"I'm so sorry! Hindi ko alam na ganon pala ang pinagdaanan mo! Wala akong kwentang kaibigan!" Sambit nya habang patuloy pa rin sa pag-iyak
"Ssshhh, ayos naman na ako kaya tumigil ka na sa pag-iyak" sambit ko sa kanya
"Paanong hindi ako iiyak matapos kong malaman lahat ng dinanas ng bestfriend ko habang ako nagpapasarap sa iba't ibang bansa!" Sagot nya sa akin at hinampas ako sa braso
"Aray! Umiiyak ka para sa akin pero sinasaktan mo naman ako ng pisikal!" Reklamo ko naman sa kanya
"Hindi ka kasi nagsabi sa akin noon palang!" Singhal naman nya sa akin
"I already told na ayos na ako, tignan mo naman, sobrang tahimik na ng buhay ko at masaya ako sa mga anak ko kaya huwag ka ng madarama dyan" paliwanag ko sa kanya
"Hindi ayos 'yon, Keilee! Nakakulong ka dito at pinoprotektahan mo ang sarili mo at mga anak mo kay River tapos yung hayop na 'yon patuloy na umaangat sa buhay ng hindi man lang alam na may mga anak na sya!" Galit na saad naman ni October
"Please lang October, ayos na ako sa buhay ko ngayon. Hindi dapat malaman ni River ang tungkol sa kanilang dalawa dahil alam ko kung anong klaseng tao at kung paano mag-isip si River" sabi ko naman
"Wala akong pake! Malaman man nya o hindi!" Aniya October at bigla itong tumayo sa kanyang kinauupuan at naglakad paalis
"Saan pa pupunta?!" Pasigaw na tanong ko sa kanya at mabilis ko naman syang hinatak para pigilan
"Saan pa ba? Edi bibigyan ko ng bangas yung mukha ng gagong iyon!" Sagot naman nya sa akin at pareho namang kaming natigilan nang makarinig kami ng parang may kung anong bumagsak sa door hallway, at saglit naman kaming nagtitigan ni October dahil dito at agad rin itong tinignan
"Sanjo?! Danwil?! Zaikie?!" Gulat kong sambit nang makita ko silang tatlo na nakatayo sa door hallway at seryoso ang mga mukha
"K-kanina p-pa b-ba kayo d-dyan?"
"Ate, totoo ba ang lahat ng narinig namin?" Seryosong tanong ni Zaikie sa'kin
"Anong narinig nyo?" Tanong ko sa kanya habang nanlalaki ang aking mga mata
"H'wag ka ng magtanong ate kasi narinig namin lahat mula umpisa" dagdag naman ni Sanjo
"Guys, makinig muna ka---"
"Isang tanong, isang sagot ate. Anak ba ni River sila Marina at Nile?" Tanong ni Danwil
Bumuntong hininga muna ako bago ko ito sinagot "Tutal sa inyo na rin nanggaling na narinig nyo lahat ng pinagusapan namin ni October mula sa umpisa ay wala na akong maitatago sa inyo..." saad ko at saglit akong tumigil
"Oo, tama kayo ng rinig, anak nga ni River sina Marina at Nile" dagdag ko
Matapos kong sabihin iyon ay bigla naman silang lumabas ng bahay kaya agad ko itong mga sinundan
"Zaikie! Danwil! Sanjo!" Sigaw ko sa kanilang tatlo ngunit hindi ako pinansin ng mga ito bagkus ay dire-diretso lang silang sumakay sa kotse ni Sanjo at mas nagulat pa ako nang makita kong sumakay rin si October dito kaya namang ay mabilis akong lumapit sa kotse at hinampas ang bintana nito
"OCTOBER! WHAT THE f**k ARE YOU DOING TOO!" Sigaw ko pero ni isa sa kanilang apat ay walang gustong makinig sa akin at bigla na lang pinaandar ni Sanjo ang kotse at humarurot paalis
At hindi ko alam ngunit parang may kung anong bumulong sa akin na muli akong pumasok ng bahay at puntahan ang mga anak ko dahil parang may kung ano ang magaganap kaya mabilis na akong pumasok ng bahay