"I went there earlier" I said
"Why?" Tanong naman sa akin ni Raji
"Kayla returned from America and invited me to eat outside, but because I was in the middle of an important meeting, I just asked Ricky to accompany and join Kayla, and after that Ricky came back to report to me and told me that Kayla ate at a cafe owned by Keilee, and I went there to see if the two of them had met, and I also ended up meeting Santin, who happened to be Keilee's friend. "I explained, and they were perplexed.
"Woah, woah, woah. Dahan dahan lang sa kwento mo, River, nakakagulat lahat ng revelation mo at hindi kami handa" anya naman ni Seven at bahagyang hinilot ang kanyang sintido
"Did Kayla and Keilee meet?" Tanong naman ni Raji
"At ano naman ang ginagawa ni Santin doon?" Dagdag na tanong pa ni Red
"Ang dami nyong tanong, hindi nyo ba narinig lahat ng sinabi ko?" Iritadong tanong ko sa tatlo at muli akong uminom ng alak
"Too many details in one story, River, ayusin mo yung pagkakasunod-sunod" Sambit ni Red, minsan talaga ang hirap makipagusap sa taong 'to.
"Okay, just like what I told you guys earlier, Kayla is back here from America. Inaya nya akong samahan sya na kumain sa labas gaya ng ginagawa namin tuwing sinusundo ko sya sa aiport pero may meeting ako, so I asked Ricky to accompany her. Then after a few hours bumalik sa opisina ko si Ricky at sinabi sa'kin na yung cafe na pinuntahan ni Kayla ay si Keilee pala ang may-ari kaya nagpunta ako sa sinasabing cafe ni Ricky para alamin kung nagkita ba sina Kayla at Keilee and Keilee told me that she avoided Kayla, na sinadya nyang hindi magpakita kay Kayla dahil ayaw na nyang magkaroon ulit ng koneksyon sa aming dalawa tapos pinapaalis na nya ako and after that bigla namang dumating si Santin at tinawag nya si Keilee at doon ko lang nalaman na magkakilala pala silang dalawa at mukhang matagal na silang magkakilala dahil ang pagkakasabi sa akin ni Santin ay magkaibigan daw ang mga magulang nila. That's it" muli ko namang pagpapaliwanag sa kanila
"Sobrang liit na talaga ng mundo para sa inyong dalawa ni Keilee, dude" sambit naman ni Seven
"What are you trying to say?" Kunot noong tanong ko sa kanya
"Look, ilang beses na kayong nagkikita tapos yung mga taong kilala mo ay may koneksyon kay Keilee at ganun rin yung mga taong kilala ni Keilee sayo" paliwanag nya
"And so?" Tanong ko pa
"What Seven wants to tell you is that fate is actually making a way for the two of you to meet and be close again." Said Raji
"Don't make me laugh, Raji, we're not even close before" I said as I took another sip on my whiskey
"Malay mo di ba" pagsang-ayon naman sa kanya ni Red
"May anak na yung tao" sabi ko naman
"Asawa nga naagaw, ano pa kaya yung taong patay na ang asawa" sabi ni Red at sabay sabay naman kaming napatingin sa kanya dahil sa sinabi nyang ito
"Ano naman ngayon kung patay na ang asawa ni Keilee?" Kunot noong tanong ko naman sa kanya
"Bakit parang hindi nagtutugma lahat ng kwento nyo tungkol kay Keilee?" Nakangiwing tanong ni Raji
"Huh?" Seven said
"Bakit parang iba iba yung mga panahong nakita nyo sya?" Naguguluhang tanong naman ni Raji sa amin
"Well, nakita ko si Keilee kasama ng anak nya sa hospital 4 years ago" sagot sa kanya ni Red
"Ilang beses ko na ring nakita si Keilee kasama ng anak nya, especially nung ipakilala ni Damara si Sanjo as her boyfriend at hindi namin inaasahan na magkakilala pala sila ni Keilee" paliwanag naman ni Seven
"There is something off about Keilee, I can feel it" Raji said
"Like what?" Kunot noong tanong ko
"I don't know what it is because I'm not here all the time, but based on your stories about your meetings with Keilee, it seems like I see a hole. It's like Keilee was showing different personalities in every story." Raji explained as he sigh
"We don't really get you" sabi naman sa kanya ni Seven
Sa totoo lang ay sumasang-ayon ako sa mga sinabi ni Raji na parang may mali kay Keilee, nasa punto na tayong nag-iba na nga ang ugali nya simula nung huli namin syang makita at hindi na sya yung dating Keilee na nakilala ko. Para bang yung Keilee na kaharap namin ngayon ay may tinatago... Lahat ng sinasabi at kinikilos nya ay napaka-suspicious talaga, para bang may pinoprotektahan nyang kung ano at ayaw nyang malaman ng mga tao ito.
"It's making me want to investigate it."
"Anyway, nag-text sa'kin si Kayla. Tinatanong kung kasama daw ba kita, wala ka na daw sa opisina mo" aniya Seven
"And what did you tell her?" Kunot noong tanong ko naman
"Of course I didn't tell her na magkakasama tayo" mabilis naman nyang sagot sa'kin sabay kindat
"Good, dahil kung hindi ay pwede ka ng magpaalam sa career mo" pagbabanta ko sa kanya
"What the hell, dude! Kailan ba kita nilaglag?" Pagpoprotesta naman ni Seven
"Anyway, have you guys heard the news?" Biglang tanong ni Raji
"What news?" Tanong ni Red
"The news about the Lamieres, who have again succeeded in acquiring two companies overseas." Raji explained
"Lamiere?" Kunot noong tanong ko naman
"Yes, the one that comes second to you" he replied
"Which of the two Lamieres are you referring to? Hunter or Chasen?" Tanong naman ni Seven
"Si Chasen, si Chasen lang naman ang businessman sa kanilang magkapatid" sagot naman ni Red kay Seven
"Si Hunter man o si Chasen ay wala akong pake sa kanila dahil hindi naman nila ako maaangatan" kibit balikat kong sambit
"Sabagay, isang River Collymore nga pala ang kasama natin" sarkatikong sambit ni Raji
"Bussiness is competition and I'm always the winner" I smirked at him
"What else should we expect from you?" Sabi ni Red
"Expect no less." I replied to him and took a sip on my whiskey
AFTER AN HOUR
"It looks like someone entered my house without my permission." Usap ko sa aking sarili nang makababa ako sa kotse at makitang bukas ang ilaw sa bahay ko
"You're home" Saad ni Kayla nang makapasok ako sa loob
"What are you doing in my house without my permission?" Kunot noong tanong ko sa kanya
"Am I not allowed to come here?" Tanong nya naman
"Don't answer the question with another question, and you already know that I hate people suddenly barging into my place." Sagot ko nung
"But if your ex-wife comes in here without asking for your damn permission, it's fine." Kayla said
"What in the world are you saying, Kayla?" Walang ganang tanong ko sa kanya at kasabay nito ang pag-upo ko sa sofa
"I'm just saying the truth though" kibit balikat nyang sambit
"I'm tired because I went out with my dad, kaya please, Kayla, umuwi ka na lang" sabi ko
"Di ba hinatid ka na ni Ricky kanina sa bahay mo? Anong ginagawa mo dito?" Dagdag ko pa
"I'm bored, hindi mo ako sinamahan the whole day kaya nung ihatid ako ni Ricky ay umalis ulit ako tapos dito na ako dumiretso para maghintay sayo kasi wala ka sa opisina mo kanina nung nagpunta ako ulit" paliwanag naman nya sa'kin
"Wala kang gagawin dito sa bahay ko" sabi ko
"Dyan ka lang, gagawan kita ng kape" aniya Kayla na dahilan para muli akong mapatayo
"Don't go to my kitchen!" Pagpigil ko naman sa kanya at halata namang nagulat si Kayla dahil sa aking sinabi at sa tono ng boses ko
"Why are you getting mad?" Kunot noong tanong nya
"Just listen to me, Kayla, just for now. Pagod na talaga ako kaya umuwi ka na lang o kung gusto mo ay tatawagan ko si Sid para sunduin ka dito at ihatid sa bahay mo" sambit ko
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganito kumilos si Kayla, hindi ko na rin alam ang gagawin ko sa pagiging immature nya minsan gaya na lang ngayon na pumasok sya dito sa bahay ko ng walang permiso ko kahit na alam naman nyang ayokong kung sino sino lang ang pumapasok sa bahay ko ng basta basta
"No thanks. Dala ko ang kotse ko at kaya ko na mag-isa" aniya Kayla at padabog itong lumabas ng bahay
I rested my back on the sofa and closed my eyes for a moment, and after a few minutes, my phone suddenly rang.
RING! RING! RING!
"Hello?"
"Are you sleeping, kuya?"
"No, I just close my eye for a moment, kakauwi ko lang"
"Okay..."
"What the matter?"
"Can I come to your house?"
"Go on"
"Hi kuya"
"Anong silbi ng pagtawag mo kung nandyan ka lang pala sa labas ng bahay ko?" Kunot noong tanong ko naman sa kanya na bahagyang ikinatawa ni Saber
"My bad" tugon nito sa'kin
"So anong problema mo?" Tanong ko pa
"May boyfriend na pala si Damara at hindi nyo man lang sinabi sa'kin?" Sambit ni Saber. I almost forgot that Saber has had a crush on Damara since our childhood.
"Didn't she tell you?" Tanong ko
"Do you think I will come here and ask you questions if she tells me?" Nakangiwing tanong naman nya sa'kin
"And where did you get the news that she already has a boyfriend?"
"I went to a bar with my friends, and then when we were on our way home, we saw Damara with a man at a restaurant near the bar we went to." He explained
"That's why you smell like alcohol." Maiksing sambit ko naman
"Tinanong ko si kuya Seven kung sino yung lalaki tapos ang sabi nya lang sa'kin ay kilala mo daw yung lalaki" anya Saber at tumabi sa'kin
"Tarantadong Seven talaga oh, pinasa pa sa'kin" sabi ko
"So, kilala mo nga?" Kunot noong tanong nya
"All I know was his name and it's Sanjo at magkapatid sila ni Keilee" mabilis kong sagot sa kanya at ilang segundo namang hindi nakapagsalita si Saber dahil sa sinabi ko sa kanya
"Wait... Ate Keilee?" Tanong nya na nanlalaki pa ang mga mata
"You heard me" walang ganang sagot ko naman
"At sinong Sanjo? Si Sanjo Rivera ba?" Tanong pa ni Saber
"Do you know him/" Kunot noong tanong ko naman sa kanya
"Yeah, we've faced their basketball team several times in practice games noong nasa basketball team pa ako noong second year high school, and it's always a draw." He explained
"Is that why you just switched to baseball?"
"Of course not, because I realized that my potential in baseball is greater than in basketball." Sagot naman nya
"Right, I remembered. Sanjo Rivera is the one who always competed with you in everything when you were in elementary school, right?" Sambit ko at tinanguan lang ako ni Saber bilang sagot
"Well, that's your life at hindi ako manghihimasok. Na kay Damara pa rin talaga ang sagot, at isa pa umamin ka na ba kay Damara?" Sabi ko
"Hindi" maiksi at malinaw nitong sagot
"So, now that Damara has a boyfriend and you haven't admitted to her that you like her, what are you going to do?"
"Since she already has a boyfriend and I saw it in her eyes earlier that she was happy with Sanjo, I will probably forget that I like her and act like I don't like her and treat her as a childhood friend. Maybe she's not really the girl for me." He explained
"Damn, earlier my problem was dad, and now it's you." Sambit ko at bahagya kong hinilot ang aking magkabilaang sintido
"Si dad? Bakit?"
"Nag-away silang dalawa ni mom at pinalayas sya ni mom sa bahay kasama ng mga maleta nya" sagot ko
"So, nasaan na si dad ngayon?"
"Nasa bahay daw ni uncle George"
"Sinabi ba sayo ni dad kung ano ang pinag-awayan nilang dalawa ni mom?"
"Hindi, at wala akong balak kung ano ang pinag-awayan nilang dalawa. Magkakabati rin silang dalawa dahil alam kong hindi kayang tiisin ni dad si mom" paliwanag ko naman kay Saber
"Oo nga pala, nakita ko yung kotse ni Kayla na paalis dito, nakabalik na pala sya galing amerika?" Aniya Saber
"Oo, kanina lang sya dumating" sagot ko naman sa kanya
"Seryoso ka talaga kuya na si Kayla ang pinipili mo?" Kunot noong tanong nito sa'kin
"Pinipili? What do you mean?" Kunot noong tanong ko naman sa kanya
"Hindi mo pa ba nakikita yung balita?"
"Balita saan?"
"Oh my gosh kuya! Hindi mo ba alam na kalat na sa buong mundo ang balita tungkol sa inyo ni Kayla?!" Singhal sa'kin ni Saber
"What news?"
"Ito, basahin mo" sambit ni Saber at iniabot sa akin ang kanyang phone
"The model and owner of a cosmetic brand, Kayla Ramirez, has revealed what her real relationship is with the talented and prominent businessman, River Collymore." Basa ko sa headline ng isang online article
"What the hell was going through the minds of those who wrote this article?" Nakangising saad ko pa
"That's what you're going to get if you still don't clarify your relationship with Kayla in public." Sambit naman ni Saber
"Wala naman akong dapat na linawin kung wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa, at isa pa alam nyong lahat na kapatid lang ang turingan naming dalawa" sambit ko
"Kapatid ang turing o sadyang guilty ka lang?" Kunot noong tanong ni Saber
"Saber, please. Hindi ako ang topic natin dito" saway ko sa kanya
"Sigurado akong kakausapin ka na naman nila mom at dad dahil dyan sa article na 'yan" aniya pa ni Saber
"Hindi naman nila ako kakausapin tungkol dito kung wala silang mababasa eh" nakangising sagot ko naman sa kanya
"That's so you, kuya" natatawang sambit nito sa'kin
"I know" I simply replied
"Pero kuya I think you should really tell the public about your relationship with Kayla" aniya Saber
"Ayan ka na naman" I glared at him
"Paano kasi, halata rin sa kanya na nage-enjoy sya na inaakala ng mga tao na kayong dalawa talaga. The f**k" pagalit na sambit nito sa'kin
"I know her, hindi ganoong tao si Kayla" sabi ko naman
"Mas gusto ko pa si Ate Keilee kaysa kay Kayla eh, wala na ngang talent sa gawain bahay at sa paghahawak ng negosyo, papansin pa sa media" hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ni Saber kay Kayla, matagal naman na kaming mga magkakakilala at magkakasama pero kahit kailan ay hindi talaga nagustuhan ni Saber si Kayla kaya hindi ko alam kung bakit sobrang laki ng galit nya Kayla eh hindi naman ganoong babae si Kayla.
I know Kayla better than anyone else.
"You know what, Saber, may lakas ka ng loob na magreklamo tungkol kay Kayla pero hindi mo kayang sabihin kay Damara yung feelings mo sa kanya" Taas kilay kong sambit dito
"Magkaibang usapan kasi ito kuya, sige nga. Ikaw, kaya mo bang sabihin sa babaeng mahal mo na mahal mo sya kahit pa alam mong may iba na syang kasama, may ibang taong syang gusto at hindi ikaw?" Saglit naman akong hindi nakapagsalita dahil sa gulat sa sinabing iyon ni Saber sa'kin
"See? Hindi ka makasagot" dagdag pa nya
"Bakit ko naman kasi sasagutin yung tanong na kailan man ay hindi ko pa nararamdaman at wala akong balak maramdaman" sabi ko naman sa kanya
KEILEE'S P.O.V
"How's your day guys?" Tanong ko kila Marina at Nile nang makasakay ang mga ito sa kotse
"I got five stars, mommy!"Masayang sagot sa'kin ni Marina at ipinakita ang likod ng kanyang notebook na may limang tatak ng star
"Wow! Ang galing naman ng baby ko, you got five star!" Nakangiting tugon ko naman sa kanya
"I got 10" maiksing sambit ni Nile
"That's amazing, sweetie, you guys are doing great!" Sabi ko sa kanilang dalawa bago ko paandarin ang kotse
"Where are we going, mommy?" Tanong ni Nile
"We're going to visit your lola" mabilis ko namang sagot sa kanya
"Really?!" Excited na tanong ni Marina
"Yes, I bet she will be happy to see you both wearing your school uniforms!" Masayang sambit ko sa dalawa
"I will show to mama my stars, mommy" aniya Marina na halatang sobrang saya nang malaman na pupunta kami sa lola nila
"Tayo lang po ang bibisita kay mama?" Tanong naman ni Nile
"Yes, sweetie, bakit mo natanong?" Tanong ko naman pabalik sa kanya
"Nothing, mommy" he replied
"Anyway, anong gusto nyong kainin mamayang dinner?"
"I want adobo, mommy" mabilis na sagot ni Marina
"Me too" said Nile
"Okay, after we visit your grandmother we will go straight to the supermarket to buy some stuff" sabi ko naman at nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa sementeryo kung saan nakalibing si mama
Gaya ng dati, tuwing bumibisita kami ay laging nauuna si Marina na kausapin ang puntod ng lola nya at mag-kwento ng mga bagay bagay. Sobrang saya lang panood ng mga anak ko na kinakausap ang lola nila kahit hindi naman nila ito nakita noong buhay pa, sobrang nakaka-proud talaga silang dalawa
"Mommy, can Nile and I will go over there to play a little?" Tanong sa'kin ni Marina
"Sure, just don't remove your face mask and don't just touch anything you see, okay?" Sabi ko naman
"Yes, mommy" said Marina
"Don't worry, mommy, I'm with her" sabi naman ni Nile at binitbit na nito ang laruan ni Marina
"You see that, mama?" Tanong ko naman kay mama, alam kong hindi na sasagot ang patay pero naniniwala pa rin akong nasa paligid ko lang si mama at binatayan kaming tatlo sa pang-araw araw naming buhay.
"Sayang lang at hindi mo sila naabutan, sobrang mahal ka pa naman nilang dalawa kahit pa hindi ka pa nila nakikita o nakakasama. Iba yung unconditional love nila sayo mama bilang lola nila, sana nga andito ka para nakikita mo akong napapalaki ko ng maayos ang mga anak ko at nagagabayan mo ako kung may nagagawa ba akong hindi tama bilang ina" sabi ko pa habang hinihimas ang puntod ni mama
"Sabi ko na nga ba't andito kayo" rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko
"Chasen?" Kunot noong saad ko nang makita ko isang lalaking naka-itim na suit at brown na coat
"Hi" aniya Chasen
"What are you doing here, I thought you're in America and what are you wearing? Nakalimutan mo bang nasa pilipinas tayo?" Tanong ko pa
"Kakabalik ko lang at dumiretso ako sa inyo pero walang tao nung kumatok ako at naalala kong birthday nga pala ni Mrs. Raven kaya pumunta na ako dito" nakangiting paliwanag naman nya sa'kin
"Hindi mo kasama si Hunter?" Tanong ko
"He's playing with the twins" sagot nya sabay turo sa kambal nyang busy makipaglaro sa mga anak ko
"So, kamusta naman ang pag-acquire ng mga kumpanya sa ibang bansa?"
"How did you know that?" Tanong nito sa'kin na nanlalaki pa ang mga singkit nyang mga mata
"Laman ka kaya ng balita" natatawang sagot ko naman sa kanya
"Oh, ang akala ko ay sinabi sayo ni Hunter" aniya Chasen
"Wala namang kwenta yang kambal mo eh" natatawang tugon ko naman kay Chasen na sya ring ikinatawa nya
"Ikaw?" Tanong nya at tumabi ng upo sa akin
"What about me?" Tanong ko naman ng hindi ko makuha ang ibig nyang sabihin
"Kamusta ka these past two months na wala ako?" Tanong nya
"Well, a lot of unexpected thing actually happened and I keep on crossing paths with him" sagot ko naman sa kanya
"Is he disturbing you?" Kunot noong tanong pa nito sa'kin
"No, natatakot lang ako na baka kapag nakita nya si Nile ay malaman nya ang totoo at ilayo nya sa'kin ang mga anak ko o baka malaman nya at ipagtabuyan nya sila Marina at Nile, ayokong masaktan ang mga anak ko" paliwanag ko naman sa kanya
"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na wala kang dapat ikatakot dahil andito kaming lahat para suportahan ka" aniya Chasen
"Hindi rin naman ako papayag na malaman ng gago na 'yon na anak nya sila Nile at Marina" dagdag pa nya
"Siguro naman ay wala syang magiging pake sa aming tatlo dahil kasama na nya si Kayla" sabi ko naman
"Kayla? Anong meron sa taong 'yon?"
"Noong nakaraan ay sa cafe kumain si Kayla and after that dumating din sya pero mag-isa lang sya, pumunta sya sa cafe para siguraduhing hindi kami nagkita kay Kayla" sagot ko
"Why?"
"Alam naman nating lahat na magkababata sila at simula pa noon hanggang ngayon ay si Kayla ang gusto nya, hindi naman nya ako pupuntahan ng ganoon kung hindi nya gustong protektahan si Kayla di ba?" sabi ko pa
"The nerve and audicity that guy had" said Chasen
"Oh, yung noo mo kumukunot na naman. Itigil mo iyan dahil hindi bagay sayo" natatawang saway ko sa kanya at pinitik ito sa kanyang noo
"Hey, you're ruining my hair" saway rin naman nya sa'kin
"Wow ah!" Sabi ko naman
"Anyway, kamusta naman sina Nile at Marina sa school nila?" Pag-iiba nya naman ng usapan
"Well, nakakuha sila ng scholarship kaya hindi na ako nagbabayad ng tuition at isa pa they are really doing great in school. Ayaw daw nilang sayangin yung scholarship, kanina nga todo pakita si Marina ng mga star nya kay mama eh" sagot ko sa kanya
"Syempre matalino ang nanay kaya matalino rin ang mga anak" nakangiting sambit naman ni Chasen
"Nako! Nambobola ka na namang lalaki ka" sambit ko
"Anong pinaguusapan nyo?" Biglang singit naman ni Hunter
"Pinaguusapan ka naming dalawa" taas kilay ko namang sagot sa kanya
"Huh? Ako?" Kunot noong tanong pa nya nang maka-upo sa tabi sa'kin na ngayon ay nasa gitna na nila akong mag-kambal
"Na bakit ang galing ni Chasen sa business tapos ikaw sa katarantaduhan lang" asar ko naman sa kanya
"Aray ko Keilee ah, nakakasakit ka na talaga ng feelings minsan" sarkatikong sambit ni Humter
"I'm just kidding" natatawang sabi ko at hinampas ito ng mahina sa kanyang braso
"Oh tapos ngayong pisikal ka ng na nanakit" aniya Hunter
"Ang arte mong kumag ka HAHAHAHA!" Tawang sambit ko
"What is kumag, mommy?" laking gulat ko naman ng bigla akong tanungin nito ni Marina
"Oh no! Sweetie, you are not allowed to say that word" sabi ko sa kanya
"Why?" Kunot noo naman nyang tanong
"Kids are not allowed to say that word, only adults like mommy can say that" mahinanong sagot ko sa kanya
"Is that a bard word?" Curious nyang tanong
"Stop asking question, Marina, akala ko ba gutom ka na?" Singit naman ni Nile
"You're already hungry, my princess?" Tanong ni Chasen kay Marina
"Yes" mabilis naman nyang sagot
"Should we eat outside?" Tanong ni Hunter
"But mommy is going to cook adobo" aniya Nile
"You're cooking?" Chasen asked me in disbelief
"Yeah" maiksi kong sagot sa kanya
"That's good, na miss ko pa naman ang luto mo" nakangiti naman nyang sambit
"Edi tara na?" Pag-aya naman ni Hunter ang binuhat si Marina
"Mauna na kayo sa kotse at lilinisin ko lang 'tong mga kalat natin dahil baka magalit sa'kin si mama na nagdumi pa ako dito sa bahay nya" sabi ko naman na bahagyang ikinatawa ni Chasen
"Pft! Okay, we'll wait for you there" sabi ni Chasen at binuhat naman nya si Nile bago sila tuluyang umalis habang ako naman ay nagligpit na nga
"See that, mom?" Tanong ko dito habang nagliligpit ng mga kalat
"Maraming tumatayong ama nilang dalawa kaya sa tingin ko ay mas mabuti na yung ganito yung buhay naming tatlo, yung malayo at walang koneskyon sa totoo nilang tatay dahil alam ko rin namang hindi nya tatanggapin sina Marina at Nile at ayokong masaktan ang damdamin nilang dalawa." Dagdag ko pa
"Siguro kung hindi ko nga rin sya nakilala noon ay sana buhay ka pa kung hindi mo lang nakita yung balita tungkol sa kanilang dalawa noon. I'm very sorry ma, ako pa ang naging dahilan kung bakit ka nawala sa tabi ko, I failed as your daughter"
"But I'm trying to be a best mother like you mama, sana mapatawad mo ako sa kasinungalingang nagawa ko sayo noon" saad ko at kasabay naman nito ang malakas na pag-ihip ng hangin na syang naging dahilan para liparin ang mga basurang inipon ko at muli itong kumalat sa paligid
"Damn that wind" mahinang saad ko at muli kong pinulot ang mga basura at itinapon ko na ito sa basurahan
AT KEILEE'S HOUSE
"Nasaan yung tatlo?" Tanong ni Hunter ng mapansing wala yung tatlong makulit dito sa bahay
"Baka nasa mga pamilya nila o baka nasa school pa nila" mabilis ko namang sagot sa kanya
"Graduating na nga pala silang tatlo ano?" Sambit pa ni Hunter
"Next year pa ata?" Patanong na sagot ko sa kanya dahil hindi ako sigurado
"Kami na bahala sa dalawa, gawin mo lang yung dapat mong gawin" singit naman ni Chasen
"Okay, thank you boys" pasasalamat ko sa kanilang dalawa bago ako maglakad papunta sa kusina
"Anyway, pwede nyo bang tulungan yung dalawa sa mga assignment nila?" Dagdag ko pa nang lumabas ako sa kusina
"We got this" nakangiting tugon ni Chasen at nag-okay sign pa ito sa'kin at nginitian ko na lamang sya pabalik at muli na akong pumasok sa kusina upang maghanda ng kakainin namin ngayong gabi
AFTER A FEW MINUTES
"Need a hand?" Tanong ni Hunter nang makapasok ito sa kusina
"Do you mind?" I smiled at him awkwardly
"No" he replied
"Nasaan yung tatlo?" Tanong ko
"Nasa taas, sa kwarto ni Marina gumagawa ng assignment" mabilis na sagot ni Hunter sa'kin
"So, how are you these past few weeks?" Tanong ko naman sa kanya
"Still the same" pabuntong hininga nyang sagot
"You're already great though" sabi ko naman
"I know that, it's just my dad trust Chasen more" aniya Hunter
"Sinabi ko naman kasi sayo noong una palang na hindi mo kailangang ipilit sa sarili mo yung trabahong hindi mo naman gusto di ba, hindi ka rin kasi nakinig sa'kin noon" sambit ko at umiling-iling
"Then, how about you? Chasen told me what happened"
"Ang bilis talaga ng balita sa inyong dalawang magkapatid ano?" Natatawang sambit ko naman sa kanya
"Well, we can't help it because we're twins" nakangising sabi nito sa'kin
"Ayon na nga, gaya ng sinabi sayo ni Chasen ay nag-iingat ako na huwag nyang malaman" sabi ko
"Paano kung malaman nya?" Kunot noong tanong ni Hunter
"Prepared ako, Hunter, once na malaman ni River ang katotohanan ay alam ko na ang gagawin ko" paliwanag ko sa kanya
"You know what to do? Like what? Hide?" Sunod-sunod nyang tanong
"I'm not going to hide, ilalayo ko lang sa masakit na reyalidad ang mga anak, masyado pa silang bata" paliwanag ko pa
"Handa ka nga pero alam mo ba kung kailan at saan nya malalaman ang katotoohanan? Malay mo bukas alam na nyang yung totoo, ano ang gagawin mo?"
Hindi naman ako agad nakasagot sa tanong na iyon ni Hunter at saglit akong napaisip. Paano nga kung ganon ang mangyari? Ano ang sasabihin ko sa mga anak ko? Ano ang gagawin ko?
"It's okay if you don't want to answer my question" dagdag ni Hunter
"Ah basta, hangga't maaari ay dapat malayo kami ng mga anak ko sa kanila lalo na sa kanya" sabi ko na lang
"Don't worry, andito kami ni Chasen para tulungan ka sa lahat ng bagay" sabi ni Hunter
"Oh, ate, kuya..."
"Sanjo?"
"Wala pa yung dalawa, ate?" Tanong ni Sanjo
"Wala pa, ikaw palang ang dumadating sa inyong tatlo" mabilis ko namang sagot sa kanya
"What's up? Mukhang pagod na pagod ka, Sanjo" sambit ni Hunter
"Basketball practice... It's sucking me up" Sanjo replied to Hiunter
"Magpahinga ka na muna, sakto at naghahanda na ako ng pagkain... Si Chasen nasa taas kasama yung dalawa, pakisabihan na lang na malapit na tayong kumain" sabi ko naman
"Okay, sure" he smiled at me and quickly left the kitchen
"At sana lang ay hindi tayo narinig ni Sanjo" I give Hunter a death glare
"Ang sama mo namang makatingin, panigurado naman akong hindi nya tayong narinig eh" saad ni Hunter at bahagya itong lumayo sa akin dahil sa takot
"Siguraduhin mo lang, dahil kung hindi ay may kakalagyan ka talaga" pagbabanta ko sa kanya at nagpatuloy na ako sa paghahanda ng pagkain naming lahat
20 MINUTES LATER
"Okay, let's eat now" sabi ko nang makaupo kaming lahat sa tapat ng lamesa
"Oo nga pala, anong oras daw uuwi yung dalawa?" Tanong ni Hunter kay Sanjo
"Hindi ko alam kuya eh, pero baka pauwi na rin sila" sagot ni Sanjo sa kanya
"Mukhang sobrang busy nyo naman atang tatlo ngayon?" Kunot noong tanong naman ni Chasen
"May sports festival at tournament kasi kami sa school, kuya Chasen" sagot ni Sanjo
"Sports festival? So, nostalgic, dude!" Aniya Hunter sabay hampas sa balikat ni Chasen
"What sport do you guys play?" Tanong pa ni Chasen
"I play basketballl while Zaikie play archery and Danwil play baseball" said Sanjo
"That's nice"
"Ay, oo nga pala, ate Keilee, kaninang umaga bago ako umalis dito may tumawag sa telepono" pag-iiba ni Sanjo sa usapan
"Sinong tumawag?" Pagtatakang tanong ko sa kanya
"It's your friend, October" mabilis nyang sagot sa akin matapos lunukin ang kinakain nya
"October? Paano sya nakatawag?" Naguguluhang tanong ko naman
"Kinakamusta ka tapos sabi ko wala ka dito sa bahay at pumunta ka sa labas" paliwanag nya
"Taspos ano pang sabi nya?"
"Sabi nya sa'kin sabihin ko daw sayo na may surprise sya sayo, maghintay ka lang daw kasi next week pa dadating yung suprise nya sayo" paliwanag pa ni Sanjo
"Surprise?" Nakangiwing tanong ko
"Don't tell me, papadalhan na naman nya ako ng kung ano anong mga gamit na nahukay nya ah" dagdag ko pa
"October?" Kunot noong tanong naman ni Chasen
"Yung bestfriend kong may-ari ng Sunny October na ako muna ang namamalakad" maiksing paliwanag ko naman
"Anong pong surprise ni tita?" Tanong ni Marina
"I don't know, sweetie" I said