CHAPTER 18: YOUR GAME IS NOW OVER

5000 Words
KEILEE'S P.O.V "Where are you going?" Tanong ko sa kanya "Sa labas at bibili ng mga kailangan natin dahil bawal ko namang iutos sayo 'to dahil sa ginawang patong ni River sa ulo mo" sarkastikong sagot sa akin ni Santin "Fine, huwag mo ng ipamukha" nakasimangot na sagot ko naman sa kanya "See you later" nakangiting sambit nito bago tuluyang lumabas ng bahay. Halos isang buwan na rin simula ng makitira kaming tatlo dito sa bahay ni Santin at himalang hindi kami mahanap dito ni River. Kahit ang sumilip sa bintana ay hindi ko magawa dahil sa ginawa ni River "Ang kapal ng mukha nyang patungan ako ng dalawang bilyon sa ulo ko, mukha ba akong kriminal?!" Inis kong sambit "Sino pong kausap nyo mommy?" Tanong sa akin ni Nile "Ah-eh, wala Nile, nga pala nasaan si Marina?" "She's sleeping over there" he answered as he points his finger towards the living room "Okay, just ler her sleep and I will make some snack" sabi ko naman "Are you okay, mommy?" Biglang tanong naman ni Nile na syang dahilan para ako ay matigilan at ilang segundong tumitig lang sa kanya "What do you mean?" Kunot noong tanong ko "You lose weight, mommy" he said "Really?" Tanong ko pa "Yes" sagot nya habang tumatango kaya naman ay napatingin ako sa aking katawan habang hinahawakan ito "Well, mommy is on diet" sambit ko habang pinipilit na ngumiti sa kanya "Bantayan mo muna ang kambal mo, isasampay ko lang sa likod itong mga damit natin" dagdag ko pa sa kanya "Okay, mommy" sagot ni Nile sa akin at mabilis na bumalik sa sala upang bantayan ang kambal nyang mahimbing ang tulog sa sofa habang ako naman ay nagtungo na muna sa likod ng bahay ni Santin para isampay ang mga damit na nilabhan ko. Buti na lang ay walang masyadong tao dito sa lugar nila Santin kaya kahit papaano ay nakakalabas ako sa likod para gawin ang ilang gawaing bahay gaya na lang nitong paglalaba pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa akin na baka may makakita sa akin dito at mamukhaan ako at mahanap ako ni River, ayon ang ayaw kong masabi "Sana lang ay hindi galit sa akin sila October" usap ko sa aking sarili habang nagsasampay. Matapos ang ilang minuto ng pagsasampay sa wakas ay natapos na rin ako kaya naman mabilis na akong pumasok sa loob ng bahay at naghanda ng meryenda naming lahat "Where did uncle Santin go, mommy?" Tanong ni Marina na halos kakagising lang din "He went outside to buy our needs, sweetie" mabilis ko namang sagot sa kanya at kasabay naman nito ang pagtunog ng doorbell "Who's that?" Kunot noong tanong ko at nagkibit balikat lamang sa akin si Marina habang si Nile naman na nasa sala ay mabilis na nagpunta sa kusina kung nasaan kami ng kambal nya "Someone is outside" he said "Who is it?" Tanong ko ulit "I don't know, maybe it's uncle Santin because he told me to lock the door once he leave" Nile explained Dahil sa sinabing iyon ni Nile ay nawala ang kaba na nararamdaman ko kaya naman ay lumabas na ako ng kusina at dali daling nagtungo sa pinto upang pagbuksan si Santin dahil hindi ito tumitigil sa kakapindot ng doorbell "Saglit lang naman di ka ba makapaghi-------RIVER?!" Halos malaglag ang puso ko nang makita ko kung sino ang nakatayo sa labas ng bahay ni Santin, para bang may kung anong bumara sa aking lalamunan at para ba akong hindi makahinga Ang pinakakinatatakutan kong pangyayari ay nangyari na nga "Long time no see... Keilee" nanlamig ang buong katawan ko dahil sa lalim at lamig ng boses na iyon ni River at dahil doon ay bigla akong natauhan at nang isasara ko na sanang muli ang pinto ay mabilis itong hinarang ng isa sa mga tao ni River "WHAT THE f**k DO YOU WANT?!" Singhal ko sa kanya habang pinipilit kong isara ang pinto dahil sobrang lakas talaga ng lalaking humaharang dito. f**k this guy! "AAHH!" Sigaw ko nang matumba ako gawa ng pagtulak ng tauhan ni River sa pinto at tuluyan na nga silang mga nakapasok sa loob, kung bibilangin ang mga aso ni River ay masasabi kong nasa sampu sila "Mommy! Are you okay?" Sabay na tanong sa akin nina Marina at Nile nang makalapit ang mga ito sa akin at tulungan akong makatayo kaya agad ko silang hinatak papunta sa likod ko "What the f**k are you doing here?" Tanong ko kay River habang sinasamaan ko ito ng tingin "I'm taking back what's mine, what else do you think?" Seryosong sambit nito at bahagyang sinilip ang kambal na nasa likod ko "Walang sayo, River" tugon ko naman sa kanya "Really?" He smirked at me before nodding to his men at leave the house. At sa isang tango lamang ni River sa mga ito mabilis itong mga lumapit sa akin at pilit na kinuha ang mga anak ko at hinawakan ako sa magkabilang kamay ko upang hindi ako makapalag, I admit that even though I know taekwondo and mixed martial arts ay walang wala ako sa mga tauhan ni River "Let go of my kids!" Sigaw ko sa mga ito habang pinipilit ko pa ring makawala "Let go of me!" Sigaw rin naman ni Marina "Let go of my sister, you bad guys!" Sigaw naman ni Nile Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak ng tauhan ni River sa akin, sa mga oras na ito ay wala na akong pake sa kung ano man ang mangyari sa akin basta ang gusto ko lang ay makuha ko ang mga anak ko at makatakas kaming magkakasama pero unti unti na ring nanghihina ang loob ko nang makita kong bitbitin na nila ang mga anak ko palabas ng bahay "MOMMY! MOMMY! MOMMY!" Malakas na sigaw ni Marina habang nagpupumiglas at umiiyak. Laking gulat ko naman ng ako naman ang sunod nilang hatakin palabas ng bahay "What are you doing?!" Naguguluhang tanong ko sa mga ito habang patuloy na nagpupumiglas sa pagkakahawak nila sa akin "Get them inside my van" utos ni River sa mga tauhan nya nang makalabas na kami sa bahay at mabilis naman itong ginawa ng mga tauhan nya At matapos nila kaming maipasok sa loob ng van ay mabilis na yumakap sa akin sina Marina at Nile "MOMMY!" Sabay nilang sambit nang mayakap nila ako "Sshh! Mommy is here, don't be scared, mommy is here" pagpapakalma ko sa kanilang dalawa at maya maya pa ay pumasok na rin si River sa loob ng van at mabilis na sinenyasan ang tauhan nya na paandarin na ito "You lose weight" he said as he sat across us "The F you care?" Hindi ko mamura si River dahil sa mga anak ko "Curse me all you want, but you cannot deny the fact that your game is over now" he again smirked at me "Oh yeah, I will" sarkastiko ko namang tugon sa kanya "Hiding won't get you anywhere" he said Hindi na lang ako nagsalita dahil totoo naman ang sinabi sa akin ni River na wala akong ibang lugar na mapupuntahan dahil mahahanap at mahahanap pa rin nya pa rin kaming tatlo kahit saang lupalop pa ng mundo kami magpunta. Halos isang oras din ang lumipas at naramdaman ko na lamang na huminto na sa pag-andar ang van na sinasakyan namin at nang huminto ito ay agad na lumabas si River at kasabay nito ang pagharang sa akin ng mga tauhan nya at muli na naman nilang kinuha sa akin sina Nile at Marina. "Get your hands off to my kids!" Singhal ko sa mga ito dahilan para mapatigil sa paglalakad si River "Let them go" utos nya sa mga ito na mabilis namang nilang sinunod "Mommy" mahinang sambit ni Marina ngunit sapat na ito para aking marinig "Don't worry, sweetie, I won't let anything happen to you and Nile" pagpapakalma ko naman sa kanya At habang naglalakad kami kasabay ng mga tauhan ni River ay sinisipat ko ang buong paligid at nagbabakasakaling makahanap ako ng daan na pwede naming madaanan sa pagtakas ng mapagtanto ko na nasa bahay pala kami River, kung saan ako nakulong ng dalawang taon. "Get the kids upstairs" utos ni River sa isa sa kanyang mga tauhan nang makapasok kami sa loob ng bahay nya "What do you think you're doing?!" Galit na tanong ko sa kanya habang kahigpit kong hinahawakan ang kambal "We need to talk" he said, dahil sa sinabi nyang iyon ay mabilis ko ring ibinigay ang mga anak ko sa kanila "Fine, tutal wala na rin naman akong ibang mapupuntahan... Nile, Marina, sumama muna kayo sa kanila at babalikan na lang kayo ni Mommy, okay?" Sambit ko 5 MINUTES LATER "What do you want from us?" Taas kilay kong tanong sa kanya "I want my kids back" seryosong sagot naman nya sa akin "You're kids? Are you kidding me? Wala kang anak!" Singhal ko sa kanya "Hindi mo sila kayang palakihin ng mag-isa ka lang" "Really? Ano bang pake mo sa buhay ko? Sa buhay naming tatlo?" Sunod sunod kong tanong sa kanya "Because they are my kids" saad nito na para bang bagot na bagot sya sa nangyari dahil sa kanyang tono "Your kids?" Kunot noong sambit ko "Are you kidding me right now, Mr. Collymore?" Nakangising dagdag ko pa dito "What did you just call me?" Kunot noong tanong nya sa akin "Bingi ka na ba at hindi mo narinig ang sinabi ko?" Nakangisi at sarkastikong tanong ko naman sa kanya "Do you think I'm joking here, Keilee?" "Why? Do you think I'm also joking?" Bara ko naman sa kanya "I have rights over my children. Keilee, they are my children, and you have no right to deprive me of my rights to my children." He said "Right? Children? You are becoming too delusional, Mr. Collymore. Let me just remind you that the only thing that bound the two of us back then was that contract because you seemed to forget about it, and you have no right to my children because they are mine" I said as I hold my breathe slowly because I'm about to burst and I don't want my children here me shouting "Then marry me" "What?!" Tanong ko sa gulat dahil sa sinabing iyon ni River "You heard me" "Nahihibang ka na ba?! Baliw ka na kung inaakala mong papayag ako na pakasalan ka!" Sigaw ko sa kanya "Why not?" "Why not? It's because I don't love you and I will never love someone like you, tama na yung dalawang taong kinulong mo ko sa bahay na 'to, hindi na ako ulit papayag na maging biktima mo" seryosong sambit ko sa kanya Ilang segundo pa ang lumipas pero hindi pa rin umiimik si River dahil sa sinabi kong iyon sa kanya, tama na yung isang beses akong naging tanga at tama na yung isang beses na ipinahamak ko ang sarili ko "October...Told me about everything..." Mahinang sambit ni River ngunit sapat na ito para aking marinig "I-I'm sorry" utal nyang sambit Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, na ang isang matigas at manhid na River Collymore ay umiiyak sa harap ko, ngayon ko lang din napagtanto na mas pumayat ang mukha nya at lumalim ang mga mata na tanda na kulang ito sa kain at tulog pero ano pa ba ang pake ko sa kanya at sa buhay nya? "Is that a crocodile tears?" Taas kilay kong tanong sa kanya at laking gulat ko naman nang bigla itong lumapit at lumohod sa harap ko "I didn't know that that happened, Keilee. I didn't know that I hurt you, and I didn't know that your mom was gone the day I terminated our contract." River said while kneeling and crying. "Now that you know what happened, do you think kneeling down and crying in front of me will bring back my mom's life?" I said "I'm sorry" mahinang sambit nito habang nakaluhod "Wow! Hindi ako makapaniwalang ang isang katulad mo ay marunong pala umiyak" nakangising sabi ko naman. Kahit hindi ko man makita ang mukha ni River dahil ito ay nakayuko ay alam kong umiiyak ito. Hindi ko alam pero hindi ako makaramdam ng kahit ano sa mga oras na ito liban sa galit at saya. Masaya ako dahil pakiramdam ko ay nakabawi na ako kay River pero parang kulang pa din, gusto kong maramdaman nya lahat ng naramdaman ko. Galit, dahil sa lahat ng ginawa nya sa akin at galit ako dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko maitangging may parte pa rin sa akin na hindi kayang matiis si River pero kailangan kong putulin lahat ng koneksyon namin at lumayo sa kanya. "I'm really sorry... I'm really sorry" he said while crying "Sorry?! Ginagago mo ba ako? Sorry?! Sinira mo ang buhay ko, sinira mo yung pangarap ko at higit sa lahat PINATAY MO ANG NANAY KO!" "I didn't know. Please, Keilee, believe me. I didn't know" sambit ni River habang patuloy na umiiyak "Let go of my hand" I said as he took my hand and placed it on his cheek. "No" "I said let go of my hand!" Singhal ko sa kanya "No, I know that if I let go of your hand, you will disappear again. I know that you will leave again. "Una palang alam na nating dalawa na walang tayo at kahit kailan ay hindi magiging tayo kaya kung iniisip mong dahil lang sa may Marina at Nile sa buhay ko ay babalik ako, nakakalimutan mo na bang kontrata lang lahat ang meron sa ating dalawa at walang pagmamahal?" After I said that, I quickly bit my lower lip to stop the tears that were about to fall from my eyes "I don't know how I can atone for everything, but I don't want my children to be away from me. I will do everything; just don't take them away." He said "Totoo ba 'tong naririnig ko na ang isang kagaya mo ay nagmamakaawa? You are really full of surprises." Nakangising sambit ko Sa totoo lang hindi ko na alam kung nasaan at anong sitwasyon ako ngayon, masyado na ata akong kinakain ng galit ko kay River "Sa loob ng halos isang buwan... Sa loob ng halos isang buwan, wala akong ibang inisip kundi kayong tatlo. Kung nasaan ba kayo, kung maayos ba kayo, ano ba ang ginagawa nyo, sa araw araw wala akong ibang inisip kundi kayo lang at halos mabaliw ako kakaisip ng kung ano ang dapat kong gawin para makabawi ako sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa iyo" paliwanag nito sa akin "Talaga? Wow! Salamat sa concern pero hindi namin kailangan ng pag-aalala mo dahil una sa lahat ay hindi na naman namin kailangan sa buhay namin" galit ko sambit sa kanya "No..." He said "What do you mean, no?" Kunot noong tanong ko sa kanya "Matanong nga kita, mahal mo ba ako?" Diretso kong tanong na syang naging dahilan para matigilan si River Ilang segundo pa ang lumipas ngunit hindi pa rin nito sinasagot ang tanong ko at nanatili lamang itong nakayuko at nakahawak sa kamay ko "See? You can't answer my question, but don't worry kasi hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ko dahil wala naman akong nararamdaman sayo at hindi ko kayang makisama sa taong hindi ako mahal at hindi ko naman rin mahal kaya pwede bang bitawan mo na ako at pabayaan kaming tatlo." Sambit ko at laking gulat ko naman ng bitawan nga ako nito pero dahil ang mga anak ko lang ang nasa isip ko ay mabilis akong lumabas ng opisina ni River at nagtungo sa kwarto na kinalalagyan ng mga anak ko at mabilis ko itong mga kinuha at dali daling lumabas. Laking pasasalamat ko naman ng hindi na ako harangin ng mga tauhan ni River at hayaan na lamang kaming mag-iina na makalabas at makaalis. ONE WEEK LATER Isang linggo na ang nakalipas simula ng huli naming makita si River, bumalik na kami sa bahay at nakausap ko na sila October. Syempre hindi mawawala ang tampuhan at disappointment sa aming dalawa dahil nga nagtago ako sa kanya. Akala ko noong una ay magiging ayos na ang lahat para sa aming mag-iina pero hindi pa pala "WHAT THE f**k ARE YOU DOING HERE?!" Sigaw ko nang makita ko si River sa tapat ng bahay "I'm here to pick up you guys" he said calmly "Are you kidding me?! Akala ko ba ay malinaw na sayo ang mga sinabi ko?!" Singhal ko sa kanya nang makalapit ako dito "I really understood what you told me" he said and smile at me "Naintindihan mo naman pala, so anong ginagawa mo dito ngayon?!" "Kakasabi ko lang di ba? I'm here to pick you guys up" "Alam mo, hindi ko rin talaga kinakaya yang pagiging makapal ng mukha mo ano?" Taas kilay kong sambit dito "Didn't I said na andito ako para sunduin kayong tatlo?" Nakangiting sambit ni River "Hibang ka na bang gago ka?" Inis na tanong ko naman sa kanya Hindi ko alam kung anong lason ang nakain ng taong ito kung bakit ganito sya makipagusap sa akin ngayon at bakit ganito nya kami tratuhin, alam kong may ibang sadya si River sa akin dahil kahit kailan hindi ako nginitian ni River liban na lang kung nasa harap kami ng mga kaibigan nya noon. Sa totoo nga ay peke lahat ng ngiting ipinakita nya sa akin noon, kabisado ko na ang pagkatao ni River at wala sa personalidad nya ang maging ganito maliban na lang kung ni Kayla ang kaharap at kausap nya. "Be careful with what you are going to say—are you forgetting that our children are behind you?" River said that it caused me to look behind me, and that's when I realized that Nile and Marina were behind me. "Mommy, I think we have to leave now because Marina and I are about to be late for our class." Nile said as he took a deep breath and sigh "Come on, kids, I'll take you to your school." River insisted "There's no need, Mr., because Mommy told us not to go with people we don't know." Aniya ni Nile na bahagya ko namang ikinatuwa "I'm no stranger. I'm your father." Sagot naman sa kanya ni River "Mommy told us that our dad is dead, so you are not our father." Biglang singit naman ni Marina "I am your father, and I am alive." "If you are our father, then where is your grave?" "WHAT?!" Tanong sa gulat ni River nang marinig nito ang sinabi ni Nile sa kanya, kahit ako rin ay nagulat sa sinabing iyon ni Nile dahil hindi ko inaasahang kaya nyang magsalita ng mga ganitong bagay sa murang edad, pakiramdam ko ay may mali akong naituro sa anak ko "You know what, Mr. Collymore? Pabayaan mo na lang kami?" Saad ko at sakto namang dumating na ang school bus nila Nile at Marina para sunduin ang mga ito kaya naman agad ko silang mga isinakay dito at kinawayan sila. "We need to talk" "Hindi ka pa rin umaalis?" Kunot noong tanong ko "I'm not leaving here until we talk properly." River said "You know what? The truth is that we don't have anything to talk about because I've already said everything I want to tell you." I said as I crossed my arms "If you have said everything you have to say to me, then I haven't told you everything I want to say." "You don't have to say anything to me because everything is clear to me. It's been 4 or 5 years since everything has been cleared up for me. Mr. Collymore, so I'm begging you to please don't disturb me and my children because I want them to have a peaceful life." Paliwanag ko naman sa kanya "If you don't want to talk to me, I'll just let my lawyer talk to you about the custody of the children, and we'll just meet in court." Bigla na lamang nagpintig ang tenga ko dahil sa mga sinabing iyon ni River kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong sigawan na naman ito "WHAT THE f**k IS WRONG WITH YOU?! GANYAN KA NAMAN LAGI, KAPAG HINDI MO MAKUHA ANG GUSTO MO GINAGAMIT YANG PAGIGING MAYAMAN AT MAKAPANGYARIHAN MO PARA IPITIN LAHAT NG TAO SA PALIGID MO, KAYA NAGSISISI TALAGA AKO NA NAHULOG AKO SA TAONG KAGAYA MO!" Sigaw ko sa kanya "So, minahal mo nga talaga ako noon?" Bigla namang tanong sa akin ni River "Oo, pero noon iyon. Matagal na akong gising sa katotohanan at hindi ko na kayang magmahal ng taong hindi ako mahal" diretsong sagot ko sa kanya "Ang away mag-asawa ay dapat pinaguusapan ng masinsinan sa loob ng bahay hindi sa kalsada" Napalingon naman ako sa aking kanan kung saan ko narinig na nanggaling ang boses na iyon "Mr. Flores?!" Sambit ko nangmakita ko ito "Good morning, Keilee" he said and smiled at me "G-good morning po" pabalik kong bati naman sa kanya "Ngayon ko na nga lang nakita ang asawa mo ay sumakto pang nag-aaway kayo" aniya Mr. Flores "Hindi po, nagkakamali po kayo, hindi ko po sya asawa at wala kaming kahit anong relasyon sa isa't isa" paglilinaw ko sa kanya "Asus! Ganyan na ganyan rin ako noon kapag nag-aaway kami nitong si Juanito. Normal lang sa mag-asawa ang mag-away pero huwag nyo dapat pinag-aawayan ang isang bagay sa labas ng bagay dahil maraming tao ang makakakita sa inyo" singit naman ni Mrs. Flores na kakalabas lang sa bahay nila at may dalang isang basong tubig na kanyang iniabot kay Mr. Flores "Oo nga, tama kayo Mr. and Mrs. Flores, dapat pinaguusapan naming dalawa 'to sa loob ng bahay hindi sa labas... Tara na sa loob?" Aniya naman ni River na nagulat na lang akong nasa tabi ko na pala "What the f**k are you doing?" Bulong ko sa kanya "Do you also want the paparazzi to see me here and to wait for me here every day and take pictures of our children?" Sagot naman nya kaya wala na akong ibang nagawa kundi papasukin na ito sa loob ng bahay namin "What is your problem?" Tanong ko nang makapasok kami sa loob ng bahay "As I told you earlier, we need to talk." He answered I can only hold my breath at what is happening because I don't even know what to think about what the world and destiny are doing to me. I don't know what sign this is. Para bang pinagti-tripan na lang talaga ako ng universe "Fine. Now, talk" saad ko at naupo sa sofa "Look, I want everything to go well for both of us, especially now that I know we have a child." Napakunot naman ang noo ko sa sinabing iyon ni River "Ginagago mo ba ako?" Taas kilay kong sambit "I'm serious, Keilee. I know it's hard for you to raise the children by yourself, and I want to make up for everything I've done wrong to you." Paliwanag nya naman "Gusto mo talagang makabawi?" "Yes." "Ibalik mo buhay ni mama" sambit ko na ikinagulat naman ni River "Madali akong kausap, kung gusto mong makabawi sa lahat ng maling nagawa mo sa akin, pwes ibalik mo yung buhay ng taong importante at baka mapagisipan kong mapatawad ka" dagdag ko pa "T-that's i-impossible" utal nyang tugon "Ikaw si River Collymore di ba? Perfect ka di ba? So, it means walang impossible sayo kasi perpektong tao ka" sarkastikong sambit ko naman "I'm willing to do everything you want. I'm willing to sacrifice my position in the company if you want your life to be quiet. I'll do everything, just forgive me." Akala ba nitong lalaking 'to sobrang dali lang ng lahat? "Easy to say, but hard to do" maiksing tugon ko naman sa kanya "I really can do it" he insisted "Why? Do you love me enough to make such a sacrifice for me?" Biglang tanong ko na kanya namang ikinatahimik "See? Ni hindi mo masagot ang tanong ko kung mahal mo ba ako o hindi, tapos masyado kang confident na kaya mong magsakripisyo ng ganyan kalaki para lang mapatawad kita?" "No, that's not what I mea---" I cut him off "No, you're just doing this out of pity and selfishness. You don't love me or my children. You just wanted to shut my mouth, so in that case, this matter will not make any noise that may attract the paparazzi that the one and only River Collymore has illegitimate children." Sambit ko "Illegitimate? They will never be illegitimate because I will let people call them my illegitimate children. They are the 4th generation of the Collymores, so I will not let people call them illegitimate because they are my children. They are both our children." River explained "Hindi natin mahal ang isa't isa River, hindi tayo kasal kaya kahit balik-baliktarin mo pa ang mundo illegitimate child mo sila. Pero huwag kang mag-alala kasi hindi naman kami maghahabol kaya kung sa tingin mo masisira ni Nile at Marina ang image ng mga Collymore ay ako na mismo ang nagsasabi sayo na wala kang dapat na ikabahala kasi wala kaming pake sa inyo at gusto lang naming tatlo na mabuhay ng magkakasama at masaya" sabi ko pa "Then, let's fall in love and get married." Bigla naman akong natigilan sa sinabi nyang iyon kaya ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakasagot dito "Nahihibang ka na ba?!" Iritadong tanong ko sa kanya "Hindi mo na ako mahal, hindi ko rin masabi kung mahal ba kita o hindi, so bakit hindi natin subukan? Malay mo mag-work?" Paliwanag ni River "Baliw ka na nga talaga" natatawang sambit ko dito "Seryoso ako Keilee, gusto kong mabigyan ng masaya at buong pamilya sina Marina at Nile" "Salamat sa concern mo pero hindi namin kailangan ng awa mo, ipapaalam ko lang sayo kung saka-sakaling hindi mo alam. Ang pagmamahal ay hindi pinipilit" sabi ko naman "I can't force it, but I will find a way to make you love me again." Confident nitong tugon sa akin "You know what? I have no intention of taking you on your trips again because once is enough. I was once a fool and blind, and that's enough." Seryosong sabi ko "No matter what you say, Keilee, I will not allow you to take my children away from me again because I have rights to them because I'm their father." Sambit ni River at kasabay nito ang kanyang pagtayo mula sa kanyang kinauupuan at naglakad palabas ng bahay habang ako naman ay naiwang nakatulala sa sala at sinusubukang maproseso sa utak ko ang lahat ng mga napagusapan naming dalawa RING! RING! RING! RING! RING! RING! "Hello?" "Bakit ang tagal mong sumagot?" "I'm sorry, October, something just happened" "At ano naman iyon para di mo agad masagot ang tawag ko?" "River came here, and he just left." "What?! Ayos ka lang ba? Anong ginawa nya sayo?" "I'm fine, but I don't know what to do anymore." "Okay, just wait for me, papunta naman na ako dyan eh. Dyan na lang tayo magusap" "Okay, sure" "Sige, bye bye!" "Bye" ONE HOUR LATER "Ang tagal mo naman?" Sabi ko kay October na kakarating lamang galing sa kung saang meeting "Traffic eh, anyway, anong ginawa dito ni River?" "Actually nakalimutan ko na ang mga napagusapan namin pero sila Nile at Marina ang sadya nya" sagot ko sa kanya "What do you mean yung kambal?" Kunot noong tanong ni October "River wants the custody of Nile and Marina. He wants me not to deprive him of his rights as the father of the twins." I explained "Ang kapal naman ng mukha nyang lalaking yan, ano naman ang sabi mo sa kanya?" "Syempre hindi ko ibibigay sa kanya ang mga anak ko, gusto nya daw bigyang ng buong pamilya sila Nile at Marina pero tumanggi ako. Tama na yung isang beses akong naging tanga sa kanya, hindi na dapat maulit iyon" sabi ko pa "So what else did he tell you?" October asked "He said he could find a way to make me love him again." I answered "Is he stupid? Doesn't he know that it's a big scandal when the public finds out that he has a child but you're not married?" Inis na sambit ni October "I told him that too, and I also told him all the possible worse outcomes of what is happening, and he told me that he will not allow Marina and Nile to be called his illegitimate children because they are the 4th generation of Collymore. That's why he's begging me not to deprive him of his rights to the children." Paliwanag ko pa "You know? I can really say now that I don't really know River. It's like he has a lot of personality." Said October "How do you say so?' Kunot noong tanong ko naman sa kanya "Look, I didn't think he would lower his pride and beg you not to deprive him of his rights to the children, but he doesn't love you." October explained Tama naman si October sa mga sinabi nya dahil dalawang taon kong nakasama sa iisang bubong si River at kahit kailan hindi ko nakita ang ganito nyang side, nakakagulat at nakakapanibago dahil parang hindi ang isang River Collymore ang nasa harap ko at kausap ko "Kaya nga ang sabi ko sayo na hindi ko na alam ang iisipin at gagawain ko sa mga nangyayari ngayon" sabi ko naman "Nakausap mo na ba sila Hunter at Chasen tungkol dito?" Tanong pa ni October "Hindi pa, ikaw palang ang napagsasabihan ko tungkol sa pagpunta dito ni River" mabilis ko namang sagot sa kanya "Kailangan mong sabihin sa kanila yan lalo na doon sa tatlo, alam mo naman siguro na sobra ang naging pag-aalala nila sa inyong tatlo noong nawala na lang kayong bigla" sambit ni October "Alam ko naman yon, sumakto lang na tumawag ka sa akin kaya sayo ko nasabi agad" sagot ko naman dito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD