Chapter 11. Raulo

1748 Words

RAMDAM ni Yuri ang paghina ng sales nila at isang linggo palang 'yon mula ng magbukas ang kalaban nilang coffee shop. Iniisip niya kung may mas lalala pa ba roon. Meron pa pala at 'yon ay ang makita ang mukha ng karibal niya sa negosyo. Wala yata itong ginagawa sa shop nito kaya palagi itong naroon at tumatambay sa shop niya. Gaya ng araw na 'yon na nadatnan niya itong prenteng nakaupo sa high barstool habang nakatingin sa mga customer nila. "Ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ba sabi ko sa'yo ay 'wag ka ng magpapakita pa rito?" Pinandilatan niya ito ng mata at ibinaba ang handbag sa counter. Umagang-umaga ay mukha nito ang bubungad sa kanya. Hindi ba nakakasira ng araw 'yon? "Good morning, Ma'am Ri! Sir Basty, ito na po ang order niyo," nakangiting sabi ni Leo at inilapag sa hara

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD