HINDI magkamayaw sa lugar na kinaroroonan ni Aby. Kabi-kabila ang nagsasayawan at nag-iinuman habang ang iba ay nasa swimming pool at naliligo. Samantalang siya ay nasa lounge chair lang at tahimik na umiinom ng champagne. Nasa isang condominium building sila sa Makati at pag-aari 'yon ng kaibigan ng kaibigan niya. Inimbitahan sila roon dahil may nagdiriwang ng kaarawan at kasabay no'n ang night swimming. Hindi niya magawang magsaya dahil hanggang sa mga oras na 'yon ay iniisip niya ang nangyari kanina sa pagitan nila ng nobyo. They almost had an argument and she felt like she have gone too far. May mga nasabi siya na hindi niya dapat sabihin. They were talking about their business, the coffee shop. But she mentioned something about the wedding. Hindi niya naiwasang maglabas ng hinaing ka

