NANGINGINIG ang mga palad ni Aby habang nakatingin sa nobyo na nasa loob ng coffee shop. Mag-isa lang ito habang nakatanaw sa labas. Nakapuwesto ito sa mesa na nasa sulok ng shop at hanggang sa mga oras na 'yon ay hindi pa rin nito napapansin na dumating siya. Kanina pa siya naroon at nakatanaw rito pero hindi niya ito magawang lapitan. Wala siyang lakas ng loob na harapin ito dahil sa nangyari. Pero nais niya itong makita dahil nami-miss na niya ito. Hindi siya makatiis na hindi ito puntahan pagkalipas ng halos isang linggo na pag-iwas niya rito. Hindi na niya kayang magsinungaling at awayin ito gayong wala naman itong kasalanan sa kanya. Siya itong may malaking kasalanan na hindi niya alam kung kaya nitong tanggapin at kalimutan. Napakurap ang dalaga nang makitang lumingon sa gawi niya

