NAKAKAHIYA

2301 Words

Kanina ko pa tahimik na pinagmamasdan ang bawat kilos ni Jared. Busy ito sa pagkakalikot ng kanyang laptop. Habang nakatutok ito sa screen. Alam kong related ito sa work. Dahil kanina pa ito may tinatawagan na kung sino-sino. At puro trabaho lamang nito ang pinag-usapan. Hindi na sana niya kailangan gawin ito kung umuwi na lamang sana kami sa mansiyon. Hindi naman na ako nahihilo at ang sabi ng doktor anytime puwede na akong lumabas. Pero itong si Jared ang hindi pumayag na lumabas na ka agad ng hospital. Para raw makasiguro na walang masamang mangyari sa anak namin. Ayan tuloy hindi na siya makapasok sa trabaho dahil sa pagbabantay sa akin. Pero siya naman ang nagmamay-ari ng kompanya kaya magagawa naman niya lahat ng kanyang gusto. Pero puwede namang si Kiray na lang ang magbabantay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD