“I killed someone.” Ngayon, mas lalo akong hindi nakagalaw sa pwesto ko. Tama naman ang narinig ko ‘di ba?! “N-naka… nakap-patay ka?” natatakot kong sabi bago ako nakahugot ng lakas ng loob para tanungin siya at tignan sa mukha niya. Seryoso na ang mukha niya at punong-puno ng pagsisisi ang mga mata niya. Hindi ko alam kung totoo ang sinabi niya pero dahil sa pinapakita niya masasabi kong totoo nga ito. Did he mean that he killed someone?! Humiwalay ako sa kanya at dumistansya bago siya tinignan. “Totoo ba ang sinasabi mo?” “I killed someone because I couldn’t save someone.” malungkot niyang sabi. Saglit pa nga siyang umiwas ng tingin. That’s what he think?! He killed someone because he wasn’t able to save someone?! Ayon ba ang ibig niyang sabihin?! Masyadong magulo ang isip ko pa

