Malakas siyang natawa at humigpit ang hawak sa kamay ko. Sinuri niya akong maigi gamit ang mapaghinalang mata. “By the way, paano mo siya nakilala?” Johannes asked. “S-sino?” maang-maangan ko kahit kilala ko naman kung sino ang tinutukoy niya. “Tiffany?” Napalunok ako at inalis na ang kamay ko doon sa isda. Inilapag naman niya iyong isda sa may plato na hinanda ko kanina. Nilagay ko naman ang kaliwa at binuksan ang electric stove. “Na-nabanggit lang ni Jessy.” sagot ko nang hindi siya nililingon. I know I am blushing so bright red right now and I do not him to look at me. Baka lumaki ang ulo nito kapag nakita ako pero mistulang bata na nakangisi ang lalaking ito dahil sinisilip niya ang mukha ko. He chuckled that makes my eyes rolls. “Tiffany is someone I am acquainte

