Mariing tumitig sa akin si Kuya Archer, naninimbang kung anong magiging pasya niya. Kung sasabihin niya ba ngayon o hindi. If ever na hindi nila sabihin ngayon… hindi ko alam kung kaya ko bang makinig sa sasabihin nila kinabukasan. Isa lang naman ang gusto ko kahit anong maging pasya niya… gusto kong marinig ang totoo… lahat ng hindi nila sinasabi sa akin. “I want to hear it right now.” I said seriously. Kuya Archer nods his head and Ate Mayeth tries to stop her but Kuya Archer is now determined to tell me. “Nalaman kong nandito ka dahil kay Johannes.” sabi niya sabay sulyap kay Johannes at muling tumingin sa akin. Napatingin din ako kay Johannes at nagsalubong ang tingin namin pero kaagad ko rin namang binawi at tinuon kay Kuya Archer. “He asked me if you were the person he knew.” dag

