Nagising ako na sobrang bigat ng mga mata ko. Hirap pa nga akong imulat ang mata ko kahit na dahan-dahan lang ang ginagawa ko at ramdam ko ang matinding panunuyo lalamunan. Pagkamulat ko hindi kaagad naging maging malinaw ang paningin ko. Napapikit akong muli bago sinubukang buksan ang mata ko nang may maaninag na ako. “Stella…” banayad ang pag-aalala sa boses ni Ate Mayeth. “A…a-ate…” hirap na hirap kong sabi dahil sa panunuyo ng lalamunan. She sighed heavily as she smiled. Hinaplos-haplos niya ang ulo ko at hinawakan ang kaliwang kamay. “Buti naman gising ka na.” Sinubukan kong gumalaw pero pananakit lang ng katawan ko ang naramdaman ko kaya napainda ako. Pinigilan naman ako kaagad ni Ate Mayeth sa paggalaw at napagdesisyunan niyang inangat na lang ng kaunti ang uluhang bahagi ng kam

