Pangalawa

3805 Words
Pangalawa. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko na ang matandang ito ang sagot sa mga tanong namin. Tama ba na magtiwala kami sa kanya? Mukha siyang baliw sa totoo lang. Marumi ang puting polo na suot niya, yung pantalon niyang brown parang papunta na sa itim may mga bahid pa ng dugo, at mukhang ilang araw na siyang hindi naliligo. "Ako nga pala si Matias." Biglang sabi nito. Akala ko hindi na siya magsasalita. Tumingin ako sa mga kasama ko mga nakikinig lang sa mga sasabihin niya mga walang balak na magpakilala. They're faces says wala-tayo-sa-school-para-sa-pakilala-portion-magsalita-ka-na. Mukha namang nagets niya at bumuntong hininga na lang. "Mga kabataan talaga, hindi ko alam kung bakit nagpabaril pa sa bagumbayan si Rizal kung ganto lang din ang mangyayari sa mga kabataan na inaasahan niyang magiging pag-asa ng bayan." Monologue nito, ang dami niya pang pasakalye di na lang kami i-istraight to the point. "Pag nalutas niyo ang nangyayari sa bansa natin maniniwala na ako na kayo ang pag-asa ng bayan." Dagdag pa nito. Mahabang katahimikan ang lumipas bago siya nagsalita ulit. "Pinasabog ang MOA limang araw na ang nakararaan, may ginaganap na bloodletting nang mga panahong iyon kaya maraming tao ang nasa loob ng arena para makilahok. Pero nagkagulo ang mga tao ng biglang sumabog ang entrance ng arena, nagkagulo at nagkasunog." Sabi nito. Tumigil ito sa pagsasalita dumukot ng sigarilyo at lighter sa bulsa at tsaka sinindihan. "Dumating ang mga rescuers, bumbero at pulis. Inapula ang sunog, niligtas ang mga tao at hinanap ang nagpasabog ng lugar. Hindi na kita ang suspek. May suspetsa na kasama ito sa mga namatay." Huminto ito magsalita para humithit buga sa sigarilyo niya. "May nakaligtas ba?" Tanong ko. Tumingin sa akin si Mang Matias. Ngumisi ito bago tumango. "Kayo. Ang mga tao na wala sa MOA. Tayo ang mga nakaligtas. We are the left ones. Considered yourselves lucky." Sabi nito. What? Hindi ko maintindihan. Walang nakaligtas sa pagsabog? "They all died?" Tanong ni Ana. Tumango ulit si Mang Matias na nagpasinghap sa aming lahat. "Oh my god!" Rinig ko pang sabi ni Robeelyn. He can't be serious! Should we believe him? After all he's a complete stranger. "Paano nagkaroon ng mga walkers?" Tanong ni Logan. Yeah paano. "Lefters not walkers. Saan niyo ba nalaman na walkers ang tawag sa kanila?" Pagtatama at the same time pagtatanong nito. "Yun ang tawag sa mga zombie sa TV show na pinapanuod namin." Explain ni Logan. Tumango naman si Mang Matias. At nagpatuloy sa kanyang kuwento. "Nang maapula ang apoy pumasok na ang unang batch ng mga rescuers para i-retrieve ang mga patay na katawan. Pero nagtaka sila ng sampung minuto na ang lumipas wala pa ring naglalabasan kaya sumunod na ang pangalawang batch ng rescuers para lang tumakbo palabas kasunod ang kumpol ng mga lefters." "Bakit lefters ang tawag sa kanila? Tayo dapat ang tinatawag na lefters." Tanong ni Sasha. "Ang unang tawag sa kanila ay human biters. Nang nalaman nila na yung mga namatay sa loob ng MOA ay na turned into zombies at kumakain ng tao they called it human biters. Nang araw ding iyon nagplano ang gobyerno na patayin lahat ng biters at sunugin. At nagawa naman nila. Pero lingid sa kaalaman nila may daang daan pa palang natira sa fire escape na nalocked out kaya hindi nakalabas. Nang nagumpisa na silang maglinis at buksan ang fire escape doon nila nalaman na may natira pa. May isang janitor na nakatakbo palayo sa fire escape at pinaalam na may naiwan pang mga biters sa loob. At dahil janitor lang ang nandoon ng mga oras na yun hindi sila nakalaban. The others got turned yung iba naging pagkain ng mga lefters." He paused for a while, parang sumasagap ng hangin. Parang kinakalma ang sarili. "Nalaman ng kapulisan ang nangyari sa mga janitor. Gumawa sila ng Oplan: Left biters para patayin lahat ng mga natira pero dahil nakalabas na sila sa MOA marami nang naging katulad nila at namatay. Hindi na namin napigilan." At nagsimula itong humagulgol. "Namin? You're one of the police?" Logan asked. Tumango naman si Mang Matias. "At dahil nasa operation ako hindi ko naligtas ang asawa at anak ko. Paguwi ko sa bahay wala na sila." At mas lalong umiyak ito. "Dalawang araw na akong nagtatago dito. I killed the cashier, at binabantayan ang pinto kung may papasok." "Yung ibang tao nasaan?" Tanong ko. "Hindi ko alam." Maikling sagot nito habang nagpupunas ng luhaang mukha. Nakakaawa siya. "Lefters short for left biters." Mahinang sabi ni Vic na tinanguan naman ni Mang Matias. At naisip niya pa talaga yun. Nang di na magsalita si Mang Matias lumingon ako kay Logan. "Logan, anong gagawin natin?" Tanong ko. Napalingon silang lahat sa akin dahil sa tanong ko. "Sa ngayon ang tangi lang muna nating magagawa ay mag stay dito, bukas paplanuhin natin ang paguwi sa kanya kanya nating bahay para malaman kung b-buhay pa ang mga kapamilya natin." Sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako. Iniisip ko pa lang na wala na sila Mama gusto ko na lang din magpakain sa mga lefters. "Lahat po ba ng parte ng Pilipinas may mga nagkalat ng lefters?" Rinig kong tanong ni Robeelyn. "May mga lugar na hindi pa infected after all limang araw pa lang naman ang nakalilipas." Sagot ng matanda. "Nakarating na kaya sila sa Rizal?" Tanong ko. Lumipat ang tingin sa akin ni Mang Matias. "Hindi ko alam. Pero sa totoo lang kung tutulungan tayo ng mga tagaprobinsiya maaaring maubos ang lefters." Sagot nito. Tama si Mang Matias kung magtutulong tulong kami maaring maligtas pa ang Pilipinas. Pero siguro dahil na rin sa takot naduduwag silang tumulong at napili na lang na magtago. "Ngayon na lang kaya tayo magplano ng paguwi sa kanya kanyang lugar." Suhestiyon ko. Napatingin na naman silang lahat sa akin. "Oo nga gusto ko ng malaman kung kamusta na ang baby ko." Sabi ni Precious. "O sige." Sangayon ni Logan. "Tagasaan ba kayo?" Tanong ni Mark. "Ako kasi dito lang sa makati." Dugtong niya. Makati, I know someone living there. "I'm from cebu." Sabi ni Sasha. "Me too." Sabi ni Vic. Edi cool. Pwedeng sabay silang umuwi. "Rizal." Sagot ko. Napalingon sa akin si Precious. "Where in Rizal? I'm from antipolo." Tanong niya. "Rodriguez." I answered. "I'm from Korea." Sabi ni Sehun na nagpatawa sa amin. Hindi ko alam kung bakit kami natawa. "Marikina." Sagot ni Robee na tinataas ang hawak niya na phone naghahanap siguro ng signal. "Cavite." Sabi ni Ana. "Pasay." Nakangiwing sagot ni Vj. "Bakit ang lapit ko sa mga zombies guys?" Parang maiiyak na ito. Nakakatawa ang mukha niya. Tinawanan lang namin siya. Nakakatuwang isipin na kahit nahihirapan na kami ngayon nagagawa pa rin naming tumawa. "Bulacan." Sagot naman ni Logan. Tiningnan ko si Mang Matias nakatingin lang siya sa amin. "Kayo po? Wala kayong balak umalis dito?" Tanong ko. Umiling lang ito. Siguro hindi pa siya nakakapagdesisyon kung iiwan niya ang manila o hindi. "We need more cars." Sabi ni Vj. "Hanap tayo sa labas. Ala una pa lang naman ng hapon." Sabi ni Mark. Tumango si Logan. "How many cars we need?" Tanong ni Vic. "Sa akin na lang yung van ako na maghahatid kay Kat, Robee, Precious at Ana." Sabi ni Logan. What? Di ba siya mahihirapan. "I can drive. I just need a car ako nang bahala sa sarili ko." Sabi ni Ana. "Yeah, I can drive too." Sabi ni Vj. "I will drive too. Sa makati lang naman ako." Sabi rin ni Mark. "So we need three more cars." Sabi ni Logan habang nakatingin sa kinatatayuan nila Vic, Sasha at Sehun. Oo nga pala paano sila uuwi. Napatingin na rin kaming lahat sa kanila. "We can check the other airports for Sasha and Vic baka may mga nagbibiyahe pa rin or sa mga port." Sabi ko at napatingin kay Sehun na nakayuko. s**t ito pa palang koreano na ito. Pero bigla akong napakunot noo ng may marealized. "s**t! You lied to us!" Sigaw ko sa kanya at sinugod sa kinatatayuan niya pinagsasapak siya sa dibdib at balikat niya. Inawat naman ako ni Logan he hugged me from the back. "Kat! What the hell?" Inis na tanong sa akin ni Ana. Nilapitan niya si Sehun at niyakap at inalo ito, umiiyak na kasi ito. "Yes Ana! What the f*****g hell! Niloko niya tayo." I said. "I don't get you." Naguguluhan niyang sinabi at inis pa ring nakatingin sa akin. "Ano?! Iiyak ka na lang diyan? Sige ngayon paano ka makakauwi sa inyo! Paano ka makakahanap ng eroplano pauwi sa inyo! Bakit ka nagsinungaling sa amin?! Paano ka na?! Paano ka na pag nagsiuwi na kami sa kanya kanya naming lugar?" "Hindi ko pa rin maintindihan Kat!" Sigaw ni Ana. At di ko na napigilan umiyak na ako na ikinagulat nilang lahat paano ba naman kanina galit ako ngayon umiiyak na. Naisip ko lang kasi paano na siya wala siyang kapamilya dito. "Hindi siya kasama sa atin. Ten winners from the Philippines tapos bigla bigla naging eleven tayo! Bilangin niyo! From Janelle, Sasha, Robeelyn, Precious, Ana, Logan, Vic, Vj, Mark, Sehun at ako eleven na tayo!" Sigaw ko sa kanila. Nakita kong napabitaw si Ana mula sa pagkakayakap kay Sehun at nanlaki ang mata ko ng sampalin niya ito. "Kaya pala nagtataka kami kung bakit laging kulang ng isa ang mga binibigay sa amin yun pala hindi ka kasama sa team namin! s**t bakit ngayon ko lang ito narealized?" Tanong niya sa sarili niya. "I-im sorry guys." Humihikbing sabi nito. "I just want to be with you all. Noon lang ako nakakita ng mga kapwa ko Filipino." "And you can speak Tagalog fluently." Pansin ni Sasha. "Mom taught me how to speak Tagalog since I was a kid kaya sanay na ako." Paliwanag nito. "Bakit mo naman nagawang magsinungaling sa amin?" I ask. "I don't know really I'm comfortable with you guys more than in my group that time. Must be the Filipino genes speaking." He quietly said avoiding my stares. Napabuntong hininga na lang ako. "Ang mabuti pa since hindi naman tayo sigurado kung makakauwi ka kay Ana ka sumama sa paguwi niya sa cavite." Suggestion ni Vj. Tumango naman si Ana kanya. "I can't believe this." Sabi ni Sasha. Lumayo siya sa amin at pumunta sa stand mga junk foods at kumuha ng isa para kumain. "Lalabas kami nila Vj, Mark, at Vic para humanap ng sasakyan." Sabi ni Logan. "Kaya niyo ba guys?" Tanong ni Vic. "I think yes, were safe here." Sabi ni Precious. Tumango naman sila Mark at Vj bago nagpatiunang lumabas. Tinitigan naman kami ni Logan isa isa, tumagal ang titig niya sa akin bago tumango at lumabas kasunod si Vic. Nang hindi na namin sila matanaw mula sa glass wall nagsalita si Mang Matias. "Maghahapon na kumain muna kayo." Sabi ni Mang Matias. Tinuro niya ang stand ng cup noodles at ang water dispenser sa gilid. "May kuryente?" Tanong ko ng mapansin kong may ilaw ang dispenser. Tumango si Mang Matias. Pumunta ako sa mga cup noodles at kumuha ng pitong cup at pumunta sa water dispenser para lagyan ng hot water lahat. "I'll help you." Rinig kong sabi sa gilid ko. Its sehun. Tumango naman ako kahit inis ako sa kanya. "I'm really sorry Kat." Mahinang sabi niya. Nginitian ko na lang siya. Lying is bad but if hes sorry maybe I can forgive him like the others. Nang matapos ako sa paglalagay ng hot water isa isa niyang binigyan sila Precious. "Wala bang kutsara dito?" Tanong ni Precious. "Baka meron sa stock room." Sabi ni Ana. "Let's check." Sabi ni Precious. Tinaguan naman siya ni Ana. "Nandito ang stock room." At may tinuro na daan si Mang Matias sa gilid ng cashier. "Samahan niyo na lang po kaya kami." Sabi ni Ana. "O sige." At sabay sabay na silang tatlo na nawala. Minutes later nagulat kami sa kalabugan na narinig at nakakabinging tili nila Ana at precious, narinig pa naming sumisigaw si Mang Matias pero hindi namin maintindihan ang sinisigaw niya. Nagulat kami ng humahangos na nagpakita sa amin si Ana at napansin din naming umiiyak ito. May hinanap ito sa cashier area. "Ana what happened?" Tanong ni Sehun. "Lefters." Nanginginig na sabi nito at nakuha na ang hinahanap niya. A gun. What? Sabay sabay kaming nagtakbuhan papunta sa stock room pagpasok namin pare parehas kaming napasinghap ng makita namin ang nangyayari sa loob. Si Precious wala ng malay habang may kumakagat na dalawang lefters sa leeg at braso niya. Si Mang Matias naman may hinahampas na isang lefters sa gilid ng mapatay niya ito iika ikang lumapit siya kay Ana at kinuha ang baril niya at pinaputukan ang dalawang lefters sa ulo. "Nabuhay ang cashier." Sambit ni Mang Matias. Tinuro niya ang hinahampas niya kanina. Napansin kong may nameplate ito, ang pangalan niya ay Rose at may nakalagay na cashier sa baba lumipat naman ang tingin ko sa dalawa pang lefters ang name nila ay Jack at Floyd parehong staff. Mukhang tulad ng napapanuod namin sa the walking dead natuturned sila after nila mamatay at mukhang yung dalawang staff ay naturned din. "Dito ko kasi nilagay yung cashier after ko barilin. She tried to kill me nong first encounter namin kaya inunahan ko na siya. I didn't know na mabubuhay siya ulit." Sabi ni Mang Matias. He's sick he killed the cashier. Tumango na lang kami. Lumabas na kami sa stock room ng bumalik ulit si Mang Matias at napatakip kami sa tenga ng umalingawngaw ang isang putok ng baril. Lumabas siya explaining na baka daw mabuhay ulit si Precious kaya he shot it na lang daw. Nanlulumong bumalik kaming lahat sa loob ng tindahan. Umupo ako sa sulok at hinigop na lang namin ang mga cup noodles at hindi na naghanap pa ng kutsara. Nakakalungkot isipin na unti unti na kaming nababawasan. Una si Janelle ngayon naman si Precious. Sino nang susunod? Marahas na pinahid ko ang luhang tumakas sa mga mata ko. Dapat hindi ako manghina. Kailangan ko pang malaman kung buhay ba sila Mama o hindi. Mga alas kwatro ng hapon ng may humintong tatlong sasakyan sa harap ng store. Isang SUV kung saan bumaba si Vj. Isang Honda civic kung saan bumaba si Vic at Logan at isang Ferrari kung saan ngingisi ngising bumaba si Mark. Nagtatawanan pa sila ng pumasok sa loob pero ng makita nila ang mga mukha namin na parang pinagsakluban ng langit at lupa at pareparehong namumugto ang mga mata dahil sa pagiyak. "Guys what happened?" Tanong ni Mark na ngayon eh hindi na nakangiti. Walang sumagot. Si Ana umiyak lalo siya kasi ang hindi pa natatapos sa pagiyak, she's blaming herself sa nangyari kay Precious. Buti na lang at nandyan si Sehun para aluin siya. "Kat." Marahang tawag sa akin ni Logan. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko. Naghihintay ng sagot. "Wala na si Precious." Humihikbing sagot ko. Shet bakit naiiyak na naman ako. Damn tears. "Paanong wala?" Tanong ni Vic at lumapit na rin sa pwesto ko. Kahit masakit kinuwento ko ang nangyari kanina. Nang matapos akong magkwento tumayo sa harapan ko si Logan. "Nasaan ang stock room?" Tanong niya sa akin. Tinuro ko naman. Pumunta silang apat sa direksiyong tinuro ko. Yumuko na lang ako sobrang dami ng nangyari ngayong araw na parang hindi totoo. Gusto ko na lang pumikit at isiping magigising ako mula sa bangungot na ito. Pero alam kong hindi, totoo ito at nangyayari talaga. Napamulat ako ng mata ng makarinig ako ng malakas na kalabog. Nakatulog pala ako. Napansin kong nakahiga na rin ako sa malamig na sahig ng tindahan at may nakakumot na jacket sa akin. Logan's jacket. Kaamoy niya kasi. Napansin ko ring madilim na sa labas at madilim na rin sa loob ng tindahan. Akala ko ba may kuryente bakit nakapatay ang ilaw? Nanlaki ang mata ko ng may tumakip sa mga bibig ko. "Ssssh." Bulong nito sa tenga ko. Kinilabutan ako. What the hell? "This is Logan." Dugtong na bulong niya. Nagulat ako ng ipinulupot niya ang kaliwang braso niya sa bewang ko at buhatin ako para dalhin sa sulok. Nakita kong nandoon din sila Ana, Sasha, Sehun at Vj. Ano bang nangyayari? Nagtaka ako ng parang ninja na nagpakita sa amin si Vic. "Bro si Robeelyn. Malapit na sa kanya si Mang Matias!" Bulong pa nito. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit kami nasa sulok at bakit sila nagbubulungan. At anong meron kay Mang Matias? Nasagot ang tanong ko ng bulungan ako ni Sasha. "Mang Matias turned." What? Paano nangyari yun. Magtatanong pa lang ako ng marinig namin ang tili ni Robeelyn. Kumawala ako kay Logan tumakbo ako sa pwesto ni Robeelyn. Nanlaki ang mata ko ng makita kong nakapatong si Mang Matias sa kanya habang nasa likod naman ni Mang Matias si Mark at nakapulupot ang kanang braso niya sa leeg nito habang sinusuntok sa ulo, si Vj naman ay hinihila si Robeelyn. Pero nahihirapan sila dahil kumakawala si Mang Matias. "Kat bumalik ka doon!" Sigaw sa akin ni Logan. Pero napako na ako sa kinatatayuan ko lalo na ng dumulas ang braso na nakapulupot sa leeg ni Mang Matias at tuluyan niya ng nakagat si Robeelyn sa balikat. Nagulat ako ng umalingawngaw ang isang putok kasunod ang pagbagsak ni Mang Matias sa katawan ni Robeelyn. Napabitaw si Vj kay Robee at napaupo sa sahig si Mark. "Sehun." Sabi ni Logan at tumingin sa likuran ko. Napatingin na din ako sa likuran ko. Nakita ko si Sehun hawak ang baril ni Mang Matias at nakatutok pa rin. Napabalik ang tingin namin kay Robee umiiyak ito habang umaagos ang dugo sa balikat niya. Pansin ko ring nahihirapan na ito sa paghinga. Nanlaki ang mata ko ng umalingawngaw ulit ang putok ng baril. "Sehun! What the f**k man! You killed her!" Sigaw ni Logan. Nagulat ako ng sugudin ni Vj si Sehun at sinuntok sa mukha. Alam ko kung bakit pinatay na lang siya ni Sehun! Nahihirapan na ito at isa pa kapag hindi siya pinatay agad matuturn siya at mas ikapapahamak pa namin, lalo pa't nalaman naming tulad sa TV show ang nangyayari after mapatay ng tao. Napapikit ako ng makita kong sinapak ulit ni Vj si Sehun kaya inawat ko na ito. Hinila ko si Vj sa braso pero tinabig niya ako kaya napasandig ako sa stand ng mga biscuit at tumumba ito kasunod ang paglaglagan ng mga balot nito sa sahig at lumikha pa ng malakas na ingay ang mga nakalagay sa lata. "Vj tama na!" Sigaw ko. Tumayo ako mula sa pagkakatumba at hinablot ulit ang braso niya. Tumigil siya at binawi ang braso niya mula sa pagkakahawak ko. "Tama lang ang ginawa ni Sehun! Kung di niya tinapos ang buhay ni Robee malamang nahihirapan na siya ngayon at isa pa hindi na natin siya maliligtas mamamatay din siya. At worst matuturn siya tulad ng nangyari sa cashier nitong 7/11." Paliwanag ko at ikinuwento ang ginawang pagpatay ni Mang Matias sa cashier. Kumalma naman ito at napabuntong hiningang umupo sa tabi ni Mark sa harap ng mga bangkay. "Guys!" Napalingon kami kay Ana nang magsalita siya. Napansin kong umiiyak siya habang nasa likod niya sila Sasha. "I'm sorry." Hagulgol nito. "What are you talking about Ana?" Tanong ni Mark habang hinahawakan ang paa ni Mang Matias para hilahin. "Hindi ko sinabi sa inyo na nakita kong kinagat sa paa at tiyan si Mang Matias habang nasa stock room kami kanina." Umiiyak na sabi nito. Natahimik kaming lahat sa sinabi niya. "Ano bang nangyari kay Mang Matias?" Tanong ko. "Mga bandang alas sais kahapon parang nahihirapan na siyang huminga. Tinanong namin kung ayos lang siya tumango lang siya." Kuwento ni Vic. Napatingin naman ako sa wrist watch na suot ko. Ala una na ng madaling araw. Sobrang haba pala ng naitulog ko. Alam ko alas kwatro dumating sila Logan mula sa paghahanap ng sasakyan. "Mga alas diyes ng matutulog na sana kami ng marinig namin siyang umuungol na parang may masakit sa kanya, tinanong namin kung ayos lang siya ang sabi niya inaatake lang daw siya ng sakit niya. Pero hindi na kami naniwala ni Ana. Naalala ko yung nangyari kay Jim ng makagat siya. Naisip ko pa ngang tingnan kung may sugat siya pero isinantabi ko na lang. Nagkuwentuhan na lang kami ni Ana habang binabantayan siya at ang pinto dahil lahat kayo nakatulog na sa sobrang pagod. Nang magalas dose napansin naming tumigil na ungol niya. Akala namin tulog na kaya sabi ko kay Ana matulog na siya, ng makatulog siya lumipat ako sa may pinto banda para mas maaninag kung may lefters sa labas na gustong pumasok pero magaalauna na ng mapansin kong tumayo si Mang Matias at iika ikang naglakad at nabanga pa ang magazine stand. Nagising sila Logan at doon namin nadiskubre na lefters na siya." Mahabang paliwanag niya. Maaaring nong mga alas dose pa lang patay na siya at naturned din agad. Para talaga kaming nasa the walking dead. This is so unreal. Habang nananahimik kaming lahat ay biglang may kumalabog sa pinto ng tindahan. Napalingon ako. s**t may mga lefters sa labas. Siguro mga nasa sampu. Baka nasundan nila yung ingay na nangaling mula dito sa loob. "Mark, Vj at Vic hilahin yung katawan nila Mang Matias at Robee sa stock room. Sehun tulungan mo ako harangan yung pinto para hindi sila makapasok." Sabi ni Logan napansin niya na rin ang mga lefters sa labas. Nakita kong inumpisahan ng hinila nila Mark ang katawan nila Robee, sila Logan naman ay kinadenahan ang hawakan ng pinto. I wonder where the hell did they get that chain. At sunod sunod na hinarangan ng kung ano ano. Sila Sasha at Ana naman ay nagbabanig ng karton sa gilid sa may pader. Ako lang ang walang ginagawa, I feel so worthless. "Matutulog muna tayo at bukas tayo aalis." Sabi ni Mark na nakabalik na pala mula sa paglalagay ng katawan nila Robee sa stock room. Napansin kong humiga na si Sasha at Ana. Nakita kong niyaya ni Ana na humiga sa tabi nila si Sehun na agad naman nitong sinunod. "Logan, dito na kami sa pinto banda nila Vic." Rinig kong sabi ni Vj dahil nagumpisa na akong maglakad sa pwesto ko kanina. Humiga ako sa malamig na sahig ng patagilid nasa likuran ko ang stand ng cup noodles at ikinumot sa balikat ko ang jacket ni Logan at pumikit. Naisip ko lang sobrang daming nangyari sa amin sa loob lang ng mahigit bente kwatro oras. Lahat unreal. Napamulat ako ng mata ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Katulad ko nakatigilid din ng higa si Logan at nakaunan siya sa kanang braso niya habang nakaharap sa akin. "Malamig ang semento." Sabi niya nakangiti. Nginitian ko na lang siya at pumikit ulit. At least magiging masarap ang tulog ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD