Pangatlo.
Waking up because of something warm blowing in my face is not my thing in the mornings. Napansin ko ring may nakadagan sa tiyan ko. I opened my eyes. Only to be welcomed by a beautiful sight.
Logan's peacefully sleeping face. And his arm is around me. Just realized na masarap talaga magising sa ganitong tanawin lalo na't sobrang lapit nito sa mukha mo. Tapos yung hininga bakit ganun hindi mabaho! Unfair! Samantalang sa akin amoy cup noodles pa yata. Tapos yung buhok niya pa parang isang beses mo lang pasadahan ng kamay maaayos na samantalang yung akin kailangan mo pa gumamit ng suklay. Tapos ang bango niya pa rin.
My eyes widened when I feel his arms pulling me towards him, I ended up smashing my face on his chest. Bango. This feels like forever.
Papikit na sana ulit ako para matulog ng may kumalabog kasunod ang boses ni Mark.
"Mas lalo silang dumami." Wika nito.
Naramdaman kong natangal ang braso ni Logan na nakayakap sa akin. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Gising na ito at nakaawang ang labi na nakatingin sa akin. Nagtataka siguro siya kung bakit siya nakayakap sa akin.
"I'm sorry Kat." Nahihiya niyang sabi at bumangon na siya, umupo naman ako at isinuot ang jacket niya. Ang lamig kasi. Tiningnan ko ang wrist watch ko alas sais na ng umaga.
"Six na." Sabi ko at tiningnan siya, pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya at voila ayos na. I knew it isang pasadahan lang.
"I'll just check on them." Sabi nito. At nawala na sa aisle kung nasaan kami.
Tumayo na ako at kumuha ng walong cup noodles, this again for breakfast. Napansin ko ang sword ko sa gilid at kinuha ito para isabit sa likod ko.
Pagkalabas ko sa aisle kung nasaan ako nakita kong gising na sila at kumakain ng slice bread at kape habang nakaupo sa sahig. Napansin ko ring mas marami ng lefters sa labas.
"Kain na Kat!" Tawag ni Ana sa pansin ko. Umupo naman ako sa tabi ni Vj na nakapikit pa, mukhang napuyat.
"Kumuha ako ng cup noodles baka gusto niyo." Sabi ko at nilapag sa sahig.
Tahimik kaming kumain at maya't mayang napapalingon sa glass wall sa bawat hampas na ginagawa ng lefters. Nakakatakot na baka mabasag nila pagsabay sabay sila sa paghampas.
"Paano ka natutong gumamit ng baril Sehun?" Tanong ni Vic na nagpatingin sa aming lahat kay Sehun.
"Nagmimilitary training kasi kami sa Korea alam niyo na to prepare for the war." Oo nga pala taga Korea siya kung saan tinetrain sila sa giyera na maaaring maganap.
"Nakita kong may isang bag ng baril sa may cashier counter baka kay Mang Matias yun." Sabi ni Vj na ngayon eh mukhang gising na. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa tabi ko at may kinuhang bag sa gilid na may logo ng PNP. Bumalik ito sa tabi ko. Binuksan niya ito at tumambad sa amin ang limang armalite, limang 45 caliber pistol, tatlong 35 at pitong grenade. May mga bala pang kasama.
"You should teach us how to fire a gun." Sabi ni Ana kay Sehun. Tumango naman si Sehun.
Tinuruan niya kami kung paano mag aim at mag fire. Tinuruan niya rin kami kung paano maglagay ng bala sa isang magazine. At sabi niya pa dapat daw sa handle muna ng baril kami humawak bago sa gatilyo dahil baka aksidente naming maputok. Tinuruan niya rin kami kung paano magtanggal ng pin sa bomba.
Isa isa niya kaming binigyan ng baril. Binigay niya sa aming mga babae ang pistol. Tigdadalawa naman silang mga lalaki, isang 45 at isang armalite. Tigiisa rin kami sa granada pwera lang kay Ana. Kulang kasi ng isa pero since ayaw niya rin naman okay lang daw. Sinukbit ko sa likuran ko ang baril at ang granada ay nasa harap ko lang. Nakakatakot galawin dahil baka biglang mabuksan ang pin.
"Seven na! Kumuha na kayo ng pagkain na dadalhin niyo para sa mahabang biyahe aalis na tayo pagkatapos." Sigaw ni Vic.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo kinuha ang granada sa harapan ko at pumunta sa lagayan ng basket at yun ang unang nilagay. Kumuha ako ng tatlong lata ng gatas. Dalawang supot ng slice bread isang 1.5 liter ng coke at isang malaking mineral water. Tatlong oras lang naman mula rito ang Rizal. Nang mapadaan ako sa lagayan ng lollipop kumuha ako ng isang balot. This is for you Jayjay.
"Pagsakay sa kanya kanyang kotse magdadrive na papunta sa kanya kanyang destinasyon, this will be the last time that we will see each other." Mahinang sabi ni Mark. Nagkatinginan kaming lahat at isa isang nagyakapan for the last time.
"Sasha and Vic samin kayo sumabay ihahatid ko kayo sa Batangas port." Sabi ni Logan. Nakita ko namang tumango ang dalawa.
"Ready?" Tanong ni Mark. Nang sabay sabay kaming sumagot ng 'Yes!' Isa isa na nilang pinagtatangal ni Vj ang mga nakaharang sa pinto.
"Ganto ang formation palabas, mauuna kami ni Vj, sunod si Ana at Sehun, si Sasha at Kat at sa likod si Vic at Logan." Instruct sa amin ni Mark.
"Kat akin na yang basket mo!" Sabi ni Logan mula sa likuran ko. Iiling sana ako ng kinuha niya ito. Binuhat niya ang basket ko gamit ang kaliwang kamay niya habang nasa kanan naman ang baril niya.
Hinawakan ko na lang ang kamay ni Sasha at hinugot ang espada ko.
Nang makita kong tanggal na ang kadena sa hawakan hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Sasha ganun din siya sa akin.
"Game!" Pagkasigaw nun ni Mark. Binuksan niya ang pinto isa isang mabagal na pumasok ang mga lefters pero bago pa sila makalapit binabaril na sila sa ulo nila Mark at Vj.
Nakita kong magkahawak kamay na tumakbo palabas ng store si Sehun at Ana habang tinutulak at pinapaputukan ang mga humaharang sa kanila na lefters.
Hinila ko na rin si Sasha at tumakbo palabas. Nang may masalubong kaming lefters pagkalabas namin ng pinto nilakasan ko ang loob ko para iwasiwas ang espada ko sa ere at pugutan ng ulo ang isa at isa naman ay sinaksak ko sa tiyan at ng matumba ay sinaksak ko pa sa ulo niya. Nice one Kat. You're bravely doing it and you just killed a lefters.
Nakita kong nakasakay na si Sehun at Ana sa kotse nila ganun din si Vj. Pero hindi pa sila umaalis dahil nakatingin pa sila sa amin.
Nilingon ni Sasha sila Logan kaya napahinto ako sa pagtakbo at napalingon din sa kanila, halos manlumo ako ng makita kong madapa si Vic at nadaganan ng lefters na humahabol sa kanya at diretso siyang kinagat sa likod. Sumigaw ito ng sobrang lakas. Ramdam mo ang sakit sa sigaw niya.
Nakita kong patakbo na sa amin si Logan kaya hinila ko na rin si Sasha at pumunta na sa Van. Nakita ko mula sa peripheral vision ko na nakasakay na rin si Mark kaya mas lalo kong binilisan pero nagulat ako ng madapa si Sasha. s**t! What's up with people! Bakit ngayon pa sila nagsisidapaan kung kailang hinahabol kami ng napakaraming lefters.
Hinila ko si Sasha pero nahirapan ako dahil may kahilaan na ako sa kanya, may isang lefters na hinihila ang buhok niya kaya napapasigaw siya sa sakit. At dahil ayaw bitawan ng babaeng lefters ang buhok ni Sasha I choke her neck using my sword. Great right.
But to my horror may humawak sa braso ko kaya nabitiwan ko si Sasha. Nang akmang kakagatin na ako bigla na lang itong bumagsak. Binaril pala ni Logan!
"Kat run!" Sigaw niya pa. Tumingin ulit ako kay Sasha para hilahin siya patayo pero tangina nagulat ako na dumudugo na ang braso niya. Nakagat siya.
Sinaksak ko sa ulo ang lefters na kumakagat pa sa may braso niya ng tumumba ito hinatak ko ulit ang kamay niya punong puno ito ng dugo kaya madulas pero hinatak ko pa rin. Nanlaki ang mata ko ng maputol ang braso niya na hinihila ko. What the hell! Agad ko itong itinapon.
"Kat! I said run!" Sigaw ni Logan at hinatak ako hinila ko ang isang kamay pa ni Sasha at kahit nahihirapan hinatak ko siya patayo kahit may kaagaw ako sa kanya. Bumagal ang takbo namin kaya sinigawan ako ni Logan na bitiwan na si Sasha. No I won't let her go! Kaya ko pa kahit mahirap.
"Let her go!" Ulit niya sa sigaw niya.
"No!"
"You need to! Kung alam mong hindi mo na kaya let go!" Sigaw niya sa akin na tumagos sa puso ko at naramdaman kong kumirot ang puso ko. What the hell? Nabitiwan ko ng tuluyan ang kamay ni Sasha.
Hinatak niya ako papunta sa van at agad agad pinasok sa passenger seat, hinagis niya muna sa likod ang basket ko bago siya pumasok sa driver's seat.
Nang mapaandar niya ang van bumusina siya ng malakas at pinaabante na ang sasakyan para makaalis. Nakita kong umandar na rin ang sasakyan nila at bumusina rin ng malakas. Kanya kanya kaming daan.
Napalingon ako sa likuran at tinanaw ang 7/11 na naging munting kanlungan namin. Nakita kong pinagkakaguluhan pa ng mga lefters ang katawan ni Sasha at Vic. Dapat kasama namin sila ngayon dito sa van eh. Kasi naman ngayon pa nila naisip magtangatangahan. Nakakainis. Nakakafrustrate. Nakakaiyak.
"Don't look back!" Rinig kong sabi ni Logan. Letse kanina pa siya. Parang may double meaning lahat ng mga pinagsasabi niya.
Tumingin na lang ulit ako sa unahan. Sobrang nakakatakot ang kalsada. May mga patay sa daan. May mga lefters na palakad lakad.
Anong nangyayari sa Pilipinas? Napabuntong hininga na lang ako.
Nagulat ako ng dumampi sa pisngi ko ang kamay ni Logan at tila may pinupunasan.
"Stop crying." He softly said. What? Crying?
Napahawak ako sa pisngi ko basa nga. Pinunasan ko ito gamit ang sleeves ng jacket ni Logan na suot ko.
"Ituro mo na lang sa akin ang daan." Sabi niya. Tumango na lang ako.
Tinuro ko sa kanya ang mga dadaanan niya. Napansin kong walang mga tao. Isang oras na kaming nagdadrive pero maski isang tao wala pa rin kaming nakikita. Eh sila Ana kaya? Kumusta na sila. Nakarating na ba sila? Ligtas ba sila?
Dalawang oras. Wala pa rin kaming nakikita maski anino ng hayop. Parang walang nakatira. Makalat ang daan dahil sa nagliliparang papel at patay na dahon pero wala ng patay na katawan sa daan.
Nang nasa zigzag na kami. Daan papunta sa amin. Napatingin ako kay Logan. Napansin niya naman na tinitingnan ko siya.
"Kat?"
"Paano kung wala akong abutan sa bahay? Logan natatakot ako. Paano kung patay na sila?" At sa isiping pa lang na iyon napaiyak ulit ako. Pinunasan niya ulit ang pisngi ko.
"Sssh don't cry! Edi kung wala sila you can always go with me. I will protect you. I will take care of you. You can count on me Kat." Sabi niya at hinawakan ang kaliwang kamay ko.
"Thank you Logan." Ngumiti lang siya.
Nang lampasan na namin ang bayan sa lugar namin nagumpisang kabugin ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako paano kung.. s**t di ko kayang isipin.
"Sa itim na gate pasok ka diyan." Sabi ko ng matanaw ko ang gate ng village na tinitirahan namin. Nagumpisa ng mamuo ulit ang luha sa mga mata ko ng sa gate pa lang wala ng security guard na humarang sa amin para kuhain ang lisensya at ilista sa logbook ang pagpasok ni Logan.
Ilang kanto ang dinaanan namin bago ko natanaw ang gate ng bahay.
"Sa pulang gate." Pabulong kong sabi. Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba.
Nang huminto ang van. Tinitigan ko ang bahay namin. Nakababa ang mga kurtina at parang walang tao sa loob.
"Walang tao." Sabi ko at nanlulumong napatingin sa paligid. Walang tao at tahimik. Parang housing lang at wala pang nakatira.
"I check natin." Rinig kong sabi ni Logan. Bumaba siya at pumunta sa harap ng pinto ko at pinagbuksan ako.
Nanghihinang bumaba ako. Ramdam ko ang malakas na tambol sa dibdib ko. Naramdaman kong hinawakan ni Logan ang kamay ko at kinuha ang espada sa kamay ko. What hawak ko pa rin? Nilagay niya ito sa lalagyan na nakasabit sa likod ko.
"Let's go." Aya niya at tinulak ang gate namin pero di bumukas lock sa loob posible kayang nandito pa sila Mama? Sumigaw ako at kinalampag ang gate.
"Ma! Pa! Buksan niyo yung pinto!" Sigaw ko.
"Ate!" Sabi ko sabay hampas ng malakas sa gate. Nagdoorbell din ako ng sunod sunod.
"Jayjay!" Sigaw ko na mas malakas na dahilan kung bakit naubo ako. Napatalikod ako sa gate at umubo. Hinaplos naman ni Logan ang likod ko.
Nanigas ang likod ko ng maramdaman kong bumukas ang gate namin, naramdaman ko ring huminto ang paghagod ni Logan sa likod ko.
"Kat?" Napaharap ako sa nagsalita.
"Kat you're back!" Sigaw niya.
"Ronaaaaa!" Sigaw ko at niyakap siya.