Pangapat.
"Kat!" Nagulat ako ng umiyak siya.
"Ron."
"Kat! Wala ng gatas si Jayjay natatakot akong lumabas limang araw na akong nandidito sa bahay niyo." Sabi niya.
Napatingin ako kay Logan at mukhang naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin, lumapit siya sa sasakyan.
"Wait! Sino yun? Gwapo ah!" Sabi nito habang nakatingin kay Logan. Nakita kong pinunasan niya ang luha niya. Tingnan mo to. Kanina umiiyak ngayon biglang napatigil. Nakakita lang ng gwapo.
"Si Logan." Sabi ko at nakita kong palapit na sa amin si Logan bitbit ang basket.
"Si Jayjay?" Tanong ko.
"Nasa taas tara!" Aya niya sa amin. Sinarado niya muna ang gate at ipinadlock.
Tumakbo siya papasok sa bahay. Sumunod kami. Naiyak ako ng makita ko si Jayjay na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV.
"Jayjay!" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya ang kaso kay Rona at binigyan niya ito ng bungisngis at tumulo pa ang laway sa damit.
"Lin! Lin!" Sigaw nito kay Rona na may kasama pang tili. Napatingin ako kay Rona nakangisi ito sa akin.
"Hindi na Nana ang tawag niya sa akin. Lin na." Tumatawang sabi nito. Lumapit siya kay Jayjay at binuhat ito. Lumapit siya sa harapan ko at ibinigay sa akin si Jayjay. Nakakunot ang noo na tiningnan ako ng kapatid ko at ng makilala ako bumingisngis din siya at sinigaw ang pangalan ko.
"Kat!"
"Hello Jayjay! Namiss mo si Ate?" Tanong ko sa kapatid ko. Nilaro laro niya ang kamay niya sa harap ko kaya nasampal ako. I think namiss niya nga ako.
"Bakit ikaw ang nagbabantay kay Jayjay?" Tanong ko kay Rona. Nakita ko siyang inaangat ang cellphone niya sa ere naghahanap siguro ng signal. Naalala ko yung taong huling naghanap ng signal deds na. Mamimiss ko si Robee.
"Yung Mama at Papa mo kasi sumama sa bloodletting sa MOA tas yung Ate mo naman di pa umuuwi nung araw na pinakiusapan ako ng Mama mo na magbantay kay JayJay kasi nasa trabaho pa." What? Kasama sila sa MOA? No!
"Kasama rin nila si Tatay tyaka si Mama pati yung parents ni Louie kasama. Speaking of Louie magkatext kami five days ago sabi niya siya lang magisa sa bahay nila. Pwede ba nating tingnan kung maayos lang siya duon o kung may kinakain pa siya?" Mahabang sabi nito.
"Tara!" Nakita kong nilapitan niya ang TV at pinatay. Lumabas kaming apat ng bahay. Pinasakay ko si Rona sa likuran ng van habang kalong niya si Jayjay. Nang makasakay na kami ni Logan pinaandar niya na ang sasakyan. Tinuro ko ang daan papunta sa bahay nila Louie sampung kanto lang naman sila mula sa amin.
Nang pinahinto ko ang ang van sa tapat ng gate nila Louie napansin kong parang may nakasilip sa bintana nila sa second floor.
"I think si Louie yung nakasilip sa window." Sabi ni Rona.
"Tara." Sabi ko at nagpatiuna ng bumaba. Nang makalabas ako ng sasakyan napansin kong wala na yung nakasilip sa bintana. Lumapit ako sa gate nila at nagdoorbell. Tinulak naman ni Logan ang gate. Bumukas iyon. Hindi siguro siya nakapaglock. Dumiretso kaming apat sa pintuan nila at kinatok ko ang pinto. Tinawag ko rin siya.
"Louie!" Sigaw ko.
"Sino yan?" Nagsalita ito mula sa loob. Parang takot ang boses. Bakit di niya kami pagbuksan?
"Kat! Kasama ko si Rona at si Jayjay!" Sabi ko.
"Weh?" Di naniniwalang tanong nito.
"Oo nga! Bubuksan namin ang pinto ah!" Sabi ko.
"Huwag! Anong malay ko kung walkers kayo." Sabi ni Louie. Shunga may walkers bang nagsasalita?!
"Siraulo ka ba kulot?! Wala namang walkers na nagsasalita!" Sigaw ni Rona. Tiningnan ko siya at nagtawanan kami. Kulot kasi ang buhok ni Louie.
"Tangina niyo guys walkers na kayo mapangasar pa rin kayo." Sigaw niya sa loob na lalo naming kinatawa.
'I'll open the door.' Logan mouthed. I nod.
Pagkapihit niya ng doorknob nagulat kami at hindi ito nakalock. Nang buksan ng tuluyan ito ni Logan nagulat kami ng may bumaon na kutsilyo sa kaliwang braso niya. Napasigaw ito sa sakit. Nakita ko si Louie na nanlaki ang mata ng makita kami. Nabitawan niya ang kutsilyo kaya nalaglag ito sa sahig.
"Louieeeeeee! Pinatay mo siya!" Natatakot na sigaw ni Rona.
"Pinatay agad?! Buhay pa kaya!" Sabi ni Louie at tinitigan ang dumudugong braso ni Logan bago ang mukha nito. "Sorry." sabi pa nito.
"Its okay. Pagamit na lang ng banyo lilinisan ko lang." Sabi ni Logan pumasok ito sa loob ng bahay nila Louie.
"Nasa banyo sa may taas ng cabinet yung medicine kit." Pahabol ni Louie. Nakita ko namang tumango si Logan. Tinuro pa ni Louie ang banyo nila.
"Sino yun Kat?" Tanong ni Louie at hinila kami sa sofa nila. Umupo kaming lahat.
"Si Logan. Isa sa mga nakasama ko sa The Walking Dead convention. Isa siya sa winners." Sabi ko. Tumango naman ito.
"Kumusta ka na?" Tanong sa akin ni Louie.
"Okay lang. Shock pa rin na ganito ang nangyari sa Pilipinas. Isang buwan lang ako nawala tapos ganito na." Sagot ko.
"Oo nga pala Ron sorry kung di na ako nakapagreply five days ago." Baling niya kay Rona.
"Okay lang yun Louie. Pero bakit kaya ganun no? May kuryente pero walang signal tapos may mga palabas pa rin sa TV. May mga tao pa rin sa TV station?" Nagtatakang sabi ni Rona. At as if on cue biglang namatay ang ilaw sa buong bahay. What the?
"Oh ayan di ka na magtataka." Sabi ni Louie kay Rona. "Siguro sinulit lang ng mga TV stations yung pinambayad sa mga commercials kaya may kuryente pa nung limang araw." Dugtong na hula ni Louie habang tumatawa. Napailing na lang ako minsan talaga walang kwentang kausap to.
"Nasaan mga kapatid mo?" Tanong ko. Nakakapagtaka kasi na siya lang magisa rito eh anim sila na magkakapatid.
"Yung apat kasama nila Mama sa MOA. Tapos si Ate nasa work pa. Limang araw na siyang overtime guys." Tumatawang sabi nito pero alam mong malungkot siya. Natahimik kaming tatlo pwera lang kay Jayjay na nag e-alien language habang kinakain ang kamay niya.
"Oh bat malungkot kayo?" Napatingin ako kay Logan nakabalik na pala siya.
"Hello nakakalungkot kaya. Di ba Ron?" Sabi ni Louie. Nakita ko namang tumango si Rona. Malungkot na malungkot nga ang itsura nito.
"Lalo pa't nawalan ng kuryente hindi na ako makakanuod ng NBA!" Sabi nito. Napa face palm na lang ako. Kakainin na lang kami ng zombies NBA pa rin.
"Sino bang favorite team mo?" Tanong ni Logan kay Rona.
"Lakers! Go purple and gold! Si Louie Clippers!" Sagot ni Rona with cheer pa. Hay nakakaloka nagawa pa nilang magkwetuhan kesa umalis na.
"Yeah! The boom! Ikaw Logan." Sigaw pa ni Louie.
"Spurs." Sagot ni Logan na nakangiti sa kanilang dalawa. Mukhang nakahanap ng kapwa basketball fan. Bumaling siya sa akin.
"Ikaw Kat?"
"Aces." Sagot ko.
"Aces? May aces ba sa NBA?" Takang tanong ni Rona.
"Shunga! PBA yun! Alaska Aces!" Sabi ni Louie kay Rona. Di ko alam pero bigla silang nagtawanang tatlo. Edi sila na ang close agad.
"Tara na guys! Louie sa bahay ka na lang muna." Sabi ko. Sumangayon naman siya sa akin. Nakita kong may kinuha siyang bag at pinasok niya yung kutsilyong pinangsaksak niya kay Logan. Muntik pa siyang maging murderer. Tumakbo pa ito sa kusina nila at paglabas eh may dalang karton na agad namang kinuha ni Logan.
Nagpatiuna na akong lumabas at pinagbuksan sila ng pinto unang sumakay si Rona na buhat pa rin si Jayjay, kasunod si Louie na inabot ang box kay Logan. Sumakay na rin naman kami pagkatapos.
"Alam niyo sa totoo lang naeexcite ako kesa natatakot." Sabi ni Louie sa amin.
"Baliw ka talaga. Pero maski ako. Papatay ako ng maraming walkers tapos susunugin ko rin tulad nung ginagawa ni Morgan." Rinig kong sabi ni Rona. Napailing na lang ako. May tama talaga sa utak tong dalawang to. Totoo pala na sa tatlong magkakaibigan na may dalawang baliw at isang normal pagtingin mo normal sila ikaw ang baliw pero mukhang ako ang normal sa amin. Pero sabagay ang cool nung mga patibong ni Morgan at yung mga warning signs niya.
"Ganun kaya ang gawin natin no? Di natin kailangan ng survival team kahit tayo tayo na lang." Rinig kong suggestion ni Louie.
"Sige! Sige! Gusto ko yan! Tapos ako yung sasaksak pag natrap na sila." Sangayon naman ni Rona. Really? Ron? Eh nung nanunuod palang tayo grabe na yung tili mo pag may walkers na.
Napatingin ako sa paligid wala talagang tao.
"Nasaan yung mga tao guys?" Tanong ko.
"Nagevacuate!" Magkapanabay nilang sagot sa tanong ko.
"San naman?"
"Ewan ko!" Magkasabay ulit silang dalawa. Yung totoo choir ba sila? At ang mga baliw nagtawanan pa.
"Ang cool natin no? Para tayong twins!" Sabi ni Rona. Twins my ass.
"Great mind think alike eh." Sangayon ni Louie. Napabuntong hininga na lang ako.
"Okay ka lang Kat?" Tanong ni Logan kaya napatingin ako sa kanya. Tumango naman ako.
Minuto lang ang lumipas nakarating na kami sa bahay. Sila Louie at Rona di pa rin tapos magusap sa plano nila sa mga mapapatay nila na walkers. Or should I say lefters.
Naunang bumaba si Logan. Narinig ko pang nagistruggle si Louie na buksan yung pinto ng van nagmagaling pa si Rona hindi niya rin naman nabuksan imbes mainis silang dalawa nagtawanan pa. Paano kung matrap sila sa van kasama ang mga lefters? Ubos na yung paa nila di pa rin nila nabubuksan yung pinto. Buti na lang binuksan ni Logan at kinuha ang box ni Louie. Ano ba laman nun? Lumapit ako kay Logan at tiningnan ang box puro pagkain. Ano pa nga ba?
"Paborito mo talaga ang hopia Louie!" Sabi ni Ron na nasa tabi ko na pala at nakikitingin rin hawak pa ang isang balot ng hopia. Puro hopia nga ang karamihan na nasa loob ng kahon.
"Pasok na tayo baka andyan na yung mga walkers!" Sigaw ni Louie sabay takbo papasok sa bahay namin napatili naman si Rona at tumakbo na rin papasok sa loob. Tingnan mo tong dalawang to kung makaplot ng pagpatay sa mga lefters wagas pero ngayon napailing na lang ako.
"Rona! Si Jayjay malaglag ah!" Sigaw ko sa kanya.
"Ang kulit ng mga kaibigan mo." Sabi ni Logan sa tabi ko magkasabay na kaming naglalakad papasok. Sinamahan ko siya sa kusina para ilapag ang box dun. Wala sila Louie sa sala pagkapasok namin nasa second floor siguro.
Pagkalapag ni Logan ng box sa lamesa hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya sabay tingin sa mga kamay namin.
"Kaya niyo ba?"
"Oo naman! Anong tingin mo sa amin weak?" Tumatawang sabi ko.
"Kaya niyo ba na wala ako? Aalis na ako ngayon!" Mahinang sabi nito na nagpatigil sa akin sa pagtawa. Kaya ba namin? Kaya ba naming pumatay at ipagtangol ang sarili namin? Wow bakit nakakaiyak? Masiyado na ba akong naging dependent sa kanya kaya ganito na lang ang panlulumong nararamdaman ko?
"Kat!" Marahang tawag niya sa akin. Nang di ako nag angat ng tingin sa kanya hinawakan niya ang baba ko at inangat ito para magtama ang mata namin.
"You don't have to leave me Logan." Makasarili kong sabi sa kanya. Bumuntong hininga siya.
"If only I have a choice right now Kat. But I need to know if my family is okay." Sabi niya. Yeah may family pa nga pala siya na maaaring nagaantay sa pagbabalik niya at kailangan ng proteksiyon niya.
"I'm sorry. I don't want to be sound so selfish pero kasi nasanay ako." Sabi ko.
"I understand. But one thing is for sure I'm gonna miss you bad." Sabi niya na nagpakilig sa akin na dekada na yata ang lumipas nung huling kiligin ako kahit kinilig naman ako last month dahil sa isang tao.
"Eh ako mamimiss mo ba?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako.
"Say it then."
"I'm gonna miss you." Nahihiya kong sabi at yuyuko sana but my eyes widened when his lips touched mine. What the? Dumausdos din sa bewang ko ang dalawang kamay niya at hinapit ako palapit sa kanya. Napapikit ako ng maramdaman kong gumalaw ang labi ni Logan. Napakapit ako sa leeg niya at sinuklian ang mga halik niya. Damn baka makita kami nila Louie at Rona. At speaking of the two crazy devils narinig kong sumigaw si Louie mula sa sala.
"TARA LET'S EAT!" Napabitaw tuloy kami ni Logan.
"Sorry I got carried away." Sabi niya napansin ko ring namula ang mga pisngi niya. Naramdaman ko ring naginit ang mga pisngi ko. Oh my god! We kissed.
Nauna na akong lumabas mula sa kusina papuntang sala pagkatapos ayusin ang sarili ko.
"Anong ginawa niyo sa kusina?" Tanong ni Rona.
"Uhm. Nagpaalam si Logan na aalis na siya ngayon." Nagaalangang sabi ko.
"Ah kaya pala."
"What?!" Magkasabay na naman na sabi ni Louie at Rona but this time hindi na pareho.
"Aalis ka na raw Logan?" Tanong ni Louie at napansin kong nakatingin siya sa likod ko. Bigla tuloy akong nailang. Ngayon pa nakapagpalitan na kami ng laway.
"By the way your lips are red who sucked them?" Dugtong na tanong ni Louie na nagpainit sa pisngi ko. Damn kelan pa ako natutong magblush.
"Baka tulad siya sayo Louie kinakagat ang labi kaya mapula o di kaya red lips talaga. Maka who sucked them ka naman!" Sabi ni Rona ng di makasalita si Logan at ang tangi lang nagawa eh ngumisi at magkamot ng batok. Bwisit magsalita ka mahuhuli tayo.
"Red lips." Simpleng sagot niya sa dalawa. Ngumisi lang naman si Louie kay Logan. May alam ba tong kulot na to?
"Bukas ka na kaya umalis hapon na oh!" Napatingin ako kay Rona sa sinabi niya. Tumingin naman si Logan sa akin parang nagpapatulong magdesisiyon. Tumango naman ako.
"Okay." Sabi niya at tiningnan sila Louie.
"Yun!" Sabi ni Rona at inaya niya si Logan na tumabi sa kanila sa sofa. Kinuha ko naman si Jayjay at tinimplahan ng gatas habang nagkukwentuhan silang tatlo tungkol sa basketball. Narinig ko ring kinuwento ni Logan yung mga exciting na nangyari sa amin sa america pati ang nangyari sa amin paguwi dito sa Pilipinas. Hindi nga maintindihan ang mga ekspresyon nila Rona sa mga nangyari sa aming labing-isa.
"Ang sagwa ng lefters ah!" Rinig ko pang comment ni Louie.
"Kaya nga ang corny tyaka nakakatawa! Dapat walkers na lang!" Sangayon ni Rona. Natawa ako sa kanila.
"Pero sa bagay iisipin na naman ng mga dayuhan na wala tayong originality kaya ok na rin yung lefters!"
"Sabagay may point ka diyan Louie." Rinig ko pang sabi ni Rona bago ako umakyat sa hagdan papuntang second floor para ihiga si Jayjay sa kwarto nila Mama. Sinarado ko munang mabuti ang bintana at pinto bago lumabas.
Pagkababa ko wala na sila sa sala kaya dumiretso na ako sa kusina. Nakita ko na nandun sila Rona at Louie na naghahanda ng pagkain pero wala si Logan. Asan yun? Mukhang nabasa naman ni Louie ang tanong sa isip ko.
"Sa labas may kinuha lang!" Sabi nito. Tumango naman ako at tumulong sa kanila.
Maya maya lang pumasok si Logan sa kusina dala ang mga crossbows niya at armor.
"Cool! Daryl's weapon!" Sigaw ni Louie.
"Sample nga tirahin mo si Louie sa ulo!" Tumatawang sabi ni Rona.
"Bakit hindi ikaw! Isusumbong kita kay Lin! Mapangapi!" Sigaw pabalik ni Louie.
"Joke! Kay Kat na lang." Sabi ni Ron.
"No. I don't want her to get hurt." Malumanay na sabi ni Logan at tiningnan ako. And the longest hair award goes to Kathleen Joy Dela Merced. Hahaha.
"Edi wow."
"Pwe may nakain akong buhok Ron!" Rinig kong side comment ng dalawa.
Napatawa na lang kami ni Logan. Panigurado mamimiss ko tong lalaking to. Mamimiss ng sobra.