Panglima.
Nang magising ako kinabukasan napatingin agad ako sa lalaking nakahiga sa sahig ng kwarto ko. Panigurado mayamaya gigising na siya at aalis. Tulad nila Rona, Louie at Jayjay na katabi ko sa kama mahimbing din ang tulog nito.
Napagusapan kasi naman kagabi habang kumakain ng hapunan na sa iisang kwarto na lang kami matutulog lahat. Nagprisinta naman siyang sa sahig na siya hihiga ng matutulog na kami kaya ang ginawa namin ay kinuha na lang ang kutson ni Ate at inilatag sa sahig para kumportable ang magiging pagtulog niya. Alam kong sasakit ang likod niya kapag sa sahig siya matutulog naranasan ko yun sa 7/11 ng matulog kami sa sahig.
Napabuntong hininga ako. Mamimiss ko siya ng sobra buong april isa siya sa mga nakasama ko sa the walking dead convention sa america. Sa 7/11 pa at pati dito sa bahay. Nakakalungkot isipin na kailangan niya na umalis mamaya. Ang hirap talagang ma-attach sa isang tao. Ang hirap maging unselfish dahil alam kong may mga tao ring nagaantay sa pagbabalik niya.
Napakurap ako ng magmulat siya ng mata at ngumiti sa akin. He caught me staring at him pero he doesn't mind kaya ngumiti na rin ako pabalik.
"Good morning Kat!" Masiglang bati niya sa akin gamit ang napapaos niyang boses. Bedroom voice. Sarap pakinggan.
"Morning Logan!" I greeted back.
"Not good morning eh?" He asks. Umupo na siya at pinasadahan ang gulo gulo niyang buhok.
"Cause you're gonna leave me na eh." Malungkot kong sabi. I didn't mean to sound so clingy but I feel really sad now.
Ngumiti siya sa akin at tumayo nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko pulling me to stand up so I did. Hinatak niya ako payakap sa kanya. My face is buried in his chest and his arms is around my waist.
"I'm sad too. Ganito na lang after ko malaman na okay yung family ko I will go here agad agad to be with you." Sabi niya. That made me smile.
"Thank you Logan. Really thank you for everything." I said while embracing him tightly.
"And this scene is brought to you by trust condom na pag nabutas daddy ka na bukas." A sleepy voice say behind my back. What the hell Louie?! Nang tingnan ko siya nakadapa siya silang dalawa ni Rona ang kaibahan lang si Rona umaalog ang balikat malamang tumatawa yan! Siraulo kasi to si Louie.
Bibitaw na sana ako sa yakap ni Logan pero di niya ako binitawan niyakap niya lang ako ng mas mahigpit. Sa sobrang higpit piling ko ayaw niya na ako pakawalan.
"Aray ko Ron may kumagat sa binti ko!" Rinig kong reklamo ni Louie.
"May langgam na pula eh!" Sagot ni Rona. Mga baliw talaga. Di ko na lang sila pinansin hinigpitan ko na lang rin ang yakap ko kay Logan at pumikit. I'm gonna cherish this moment. Who knows kung magkikita ba kami ulit.
Mayamaya binasag na naman ni Louie ang kuntentong katahimikan.
"Logan gusto ko rin ng hug!" Humahagikgik na sabi pa nito.
"Halika rito ihahug din kita kahit sinaksak mo ako kahapon!" Tumatawang sabi ni Logan. Na nakapagpatawa sa aming lahat.
Bumitaw na ako sa yakap ni Logan kahit parang gusto ko ng gawing bahay ang mga braso niya. Contentment, yun ang naramdaman ko habang nasa mga bisig niya ako pero alam ko naman na panandaliang contentment lang iyon lalo na't aalis na siya.
"Let's get ready guys." Sabi ko.
Nagtatawanan habang nagsisibangunan pa silang dalawa at parang mga tangang binibigyan ako ng ngising aso.
"Bangon na ah! Baka naman bigla kayong humiga ulit." Mapangasar na sabi ni Louie bago niya hinila si Rona papalabas ng kwarto.
"Baliw!" Sigaw ko sa kanya na tinawanan niya lang.
Napatingin ako kay Logan nakatingin din siya sa akin. Nagulat ako ng bigla na naman niya akong yakapin.
"I'm scared." He suddenly said.
"Why?"
"What if pagbalik ko sa amin wala akong dadatnan?" Wow parang parehas lang kami ng nararamdaman kahapon. Bumuntong hininga ako at inulit ang sinabi niya sa akin kahapon.
"Don't be scared. Kung wala sila you can always go with us. We will protect each other. I will take care of you too. You can count on me too Logan." I said. He smiled.
For a couple of minutes we stay like that. Hugging each other tightly like it will be the last time. Daig pa namin ang magkasintahan na nagpapaalaman sa sobrang higpit ng yakap sa isa't-isa. Kumalas ako sa yakapan ng marinig na tinatawag na kami ni Rona mula sa baba.
Tiningnan ko ang kama para malaman kung gising na ba si Jayjay, gising na ito at nakatingin sa aming dalawa.
Bubuhatin ko na sana siya ng maunahan ako ni Logan. Binuhat niya ito at kinuha ang kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto. Bakit feeling ko iba na ito?
Pagbaba namin ng hagdan napansin kong nakatingin yung dalawa sa akin at sa kamay naming magkahawak. Nahihiyang bumitaw ako. Bakit ba kasi namin kailangang maghawak kamay.
"Gising na pala si Ma'am at Sir at anak nila." Sabi ni Rona. Na parang katulong.
"Ready na po ang breakfast Ma'am and Sir!" Dagdag pa ni Louie na nakikisakay. Napatingin ako sa amin nila Logan. Para nga kaming magasawa na sabaysabay bumaba para mag breakfast tas may hawak kamay chuchu pa.
"Mga baliw." Sabi ko na lang at lumapit sa kanila para itulak sila papasok sa kusina, maghahanda kami ng almusal. And this will be the last time na makakasabay ko sa pagkain si Logan.
"Sa sala na lang kayo Logan habang naghahanda kami." Sabi ko kay Logan.
"I'll help."
"No we can manage." I said.
"You sure?"
"Yep! Just take care of my baby bro." Sabi ko. Tumango naman ito at lumabas na ng kusina para pumunta sa sala.
"Fatherhood suits him." Sabi ni Louie. Natawa naman ako ang bata pa ni Logan para maging daddy.
"Ganun yung mga masarap gawing tatay ng anak eh." Dugtong pa nito.
"Kayo na lang kaya Kat! You two look good together eh." Sabi pa ni Rona.
"Oo nga! Parang may something eh!" Tumatawang sabi ni Louie.
"Siya na lang ang hilingin mo kay God! Kahit siya na lang! Wag na yung iba wala namang kwenta yun eh! Tinetake for granted ka lang eh. Tyaka para kayong tinadhana para sa isa't-isa." May pinaghuhugutang sabi ni Rona.
"Paano kung di pala kami para sa isa't-isa?" Tanong ko.
"Edi kung hindi, sige po Lord pwede niyo na si Logan ipakain sa lefters." Tumatawang sabi ni Louie. Na sa sobrang tawa hindi na shoot ang itlog na binabasag niya sa mangkok.
"Ang korni mo talaga Louie!" Sabi ni Rona pero tumatawa rin. Mga baliw talaga sila lang natutuwa sa sarili nilang mga joke. Suportahan na lang.
Nang matapos kami magluto ng almusal tinawag ko na si Logan para kumain. Himala nga at tahimik lang kaming lahat habang kumakain. Nang matapos tahimik na nagligpit din at naghugas ng pinggan yung dalawa. Si Logan naman tahimik na inayos ang armor niya sa may sala katabi si Jayjay na mula kaninang umaga hindi humihiwalay sa kanya. Ako naman tahimik na tinitingnan siya sa ginagawa niya. Natigil lang ang katahimikan ng lumabas yung dalawa sa kusina na may dalang mga pagkain, kakain lang namin. Takaw.
"Oh Logan pagkain para di ka magutom sa biyahe." Sabi ni Rona at binigay ito sa kanya. Akala ko.
"Salamat." Sabi nito at tinangap ang inabot ni Rona.
"Oh paano aalis na ako." Sabi ni Logan at tumayo ito. Binuhat ko naman si Jayjay at sabay sabay kaming lahat na lumabas ng bahay hanggang sa harap ng van. This is it he's going to leave me na I mean us.
Pinasok niya muna ang mga bitbit niya sa likuran ng van bago hinarap si Rona at niyakap. Kasunod si Louie na parang iiyak na. Humarap siya sa akin nginitian ako bago kinuha si Jayjay at ibinigay kay Louie.
Nagulat na lang ako ng hapitin niya ako papalapit sa kanya at hinalikan ng mariin. Narinig kong napasinghap yung dalawa at pabulong pang sabi ni Louie: 'Bat siya may kiss tayo wala?' At narinig ko ang hagikgikan nilang dalawa.
Nang hindi na ako makahinga nilayo ko ang labi ko. Niyakap niya naman ako ng mahigpit at naramdaman ko pang hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.
"Promise babalik ako." He said before he let me go. I just nod.
"Ingat ka." Sabi ko at tiningnan siya ng mabuti sa huling pagkakataon. Ugh. Mamimiss ko siya ng sobra.
Naputol ang titigan namin ng biglang umiyak si Jayjay, tiningnan ko ang kapatid ko na inaabot ang mga maliliit na kamay kay Logan.
"Bye bye Jayjay!" He said. Hinalikan niya ang kapatid ko sa ulo pati si Louie at Rona.
"Mamimiss ko rin kayo." Sabi niya kay Rona at Louie na mga parehong nangingilid ang luha sa mga mata.
Nang sumakay na siya sa van hindi ko alam pero gusto ko siyang pigilan. Ayokong malayo sa kanya. Nanginig ang sasakyan hudyat na umandar na ito. Nakita kong ibinaba niya ang bintana at sinenyasan akong lumapit sa kanya.
At for the last time he kissed me again. Dinikit niya ang noo niya sa noo ko.
"Bye! I'm gonna miss you so bad!" Sabi nito.
"Me too." Lumayo na ako sa bintana para hindi ako masagi ng van. Tumabi ako kay Louie na buhat buhat si Jayjay na umiiyak pa rin habang tinitingnan si Logan. Para naman akong nagpapaalam sa asawa kong magtatrabaho sa Saudi dahil di ko kaya na malayo sa kanya.
"Don't cry Jayjay! Promise babalik si Kuya Logan." Sabi niya kay Jayjay. At nagumpisa ng tumakbo ng mabagal ang kotse. Mayamaya biglang huminto ito at dumungaw si Logan sa bintana at sumigaw.
"One more thing Kat! I like you. More than friends." He smilingly said. Napanganga ako. He likes me.
Umandar na ang van at mabilis na nawala sa paningin ko. Wow what a confession.
"Taray wala pang ligo yan ha!" Sabi ni Rona.
"Kaya nga pero daig pa nakashampoo ng isang baldeng rejoice." Sabi naman ni Louie na nagpupunas ng luha. Pati si Rona. Bakit sila umiiyak? Dapat nga ako dahil ako ang matagal na nakasama.
"Bakit kayo umiiyak?" Tanong ko sa kanila.
"Hello! Ikaw kaya maiwan kasama ng dalawa pang babae at isang baby di ka ba maiiyak? Sino magtatanggol sa atin kapag nakapunta na ang mga lefters dito?" Sabi ni Rona. Umandar na naman ang pagiging matatakutin.
"Kakayanin natin to guys!" Sabi ko at inaya na silang pumasok sa loob ng bahay.
Pagkapasok nagtanong agad si Rona.
"Alis na lang kaya tayo dito? Tapos in case na bumalik si Lover boy magpaskil na lang tayo ng sulat sa gate na pupunta tayo sa isang lugar yung mas safe."
"Ron. Mas safe tayo ngayon dito. Seven days na ang nakalipas simula ng pagsabog pero wala pa rin ang mga lefters dito. Kaya dapat dito muna tayo kapag andyan na sila lalaban tayo." Sabi ni Louie. "Tyaka poprotektahan ko kayo." Dugtong nito. Natahimik kami. Tinitimbang ang tamang gagawin.
"Then we'll stay here." Pagbasag ni Ron sa katahimikan. Nagkatinginan kaming tatlo at nagkangitian.
"Group hug!" Sabi ni Rona. And we do the group hug.
Natapos ang araw namin na wala pa ring lefters sa labas na naliligaw.
Sa ika-walong araw mula noong pagsabog at ikaapat na araw ng pagbabalik ko galing america nagising kami dahil sa tawa ni Jayjay. Di ko alam pero automatic na napatingin ako sa sahig. No Logan sleeping peacefully. Only an empty bed. I missed him na.
Napatingin ako kay Jayjay kung anong tinatawanan niya, nakatingin siya sa sahig. And there I found Wilbur na nakatingin kay Jayjay. Oh my god! Di ko alam na buhay pa pala siya.
"Wilbur! Saan ka galing?" Tanong ko sa pusa namin at nilapitan ito sa sahig. "Gusto mo ba ng repolyo?" Tanong ko pa. Sige Kat good luck kung sumagot yan. At tyaka isnabero yan eh parang yung crush ko sa school.
"Opo gusto ko ng repolyo Ate Kat! Miyaw." Sabi ni Louie. Inarapan ko nga gising na pala ang baliw.
"Tara Wilbur! Papakainin kita! Louie pakibantayan si Jayjay!" Sabi ko kay Louie at lumabas na ng kwarto para pumunta sa kusina.
Binuksan ko agad ang ref at buti na lang may repolyo pa at isang piraso na lang. Ibinigay ko agad kay Wilbur kailangan makakuha kami mamaya ng repolyo at stocks.
Pinanuod ko lang si Wilbur habang kumakain ng marinig ko ang mga yabag pababa ng hagdan. Gising na siguro si Ron. Nang makapasok silang tatlo nagsalita agad ako.
"Kuha tayo ng stocks mamaya tyaka repolyo para kay Wilbur." Tumango lang naman ang dalawa at nakinuod din kay Wilbur.
Nang feel na namin magsikilos tyaka lang kami kumain at naghanda na para sa pagkuha ng stocks.
Kinuha ko ang espada ko sa sala. Nakita ko namang naglagay si Rona ng isang bote ng tubig at tinapay sa bag para may makakain kami sa biyahe.
"How many lefters have you killed? How many people have you killed? Why?" Biglang sabi ni Louie sa seryosong boses lalaki. Nakatingin pala sa akin ito habang nililinis ko ang espada ko na may mga dugo pa ng lefters.
"Rick is that you?" Sabay na sabi namin ni Rona.
"Ang cool ng questions na yun no! Pag nagkaron tayo ng survival squad in the near future tas may sasali sa atin itatanong ko yun." Sabi ni Louie. Sinukbit nito ang bag na nilagyan ni Rona ng inumin at pagkain.
"Pero seryoso Kat how many?" Tanong ni Louie.
"Two lefters. One people." I said then bowed my head. Narinig kong napasinghap sila.
"You killed a person?" Natatakot na sabi ni Rona at nakita ko itong tumakbo sa direksiyon ni Louie.
"Hindi ko naman sinasadya na mabitawan si Sasha eh nadapa kasi siya."
"Sasha?" Tanong ni Louie. Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari noong lumabas na kami ng 7/11. Mataman naman silang nakinig sa akin.
"Its not your fault." Sabi ni Louie. But I feel its mine tho.
"Tama na nga yan! Its over and done! Let's just move on." Sabi ni Rona at nagpatiuna na itong lumabas ng bahay buhat buhat si Jayjay. Sumunod naman kami sa kanya ni Louie. Letting the topic go.
Ginamit ko ang kotse ni Mama. Buti na lang marunong na ako magdrive kung hindi maglalakad talaga kami. At hindi good idea yun lalo pa't baka may makasalubong kaming pulutong ng lefters wala pang experience ang dalawa sa pagpatay.
Isang oras ang biyahe papunta sa grocery store na pinagbibilhan namin nila Mama ng stocks sa bahay pero isang oras na nasa daan pa kami paano ba naman yung mga kotse nakabalandra sa daan nahirapan kaming dumaan at kailangan pa namin itabi isa isa. What the. Buti na lang at mukhang hindi pa nakakarating ang mga lefters dito.
Nang finally marating na namin ang grocery store ubos na ang pagkain namin, nakakagutom magtabi ng kotse.
Agad agad akong kumuha ng maraming repolyo at pagkain para sa amin. Nang matapos umuwi kami agad sa bahay.
Sa ika-siyam at sampung araw mula noong pagsabog kumain lang kami ng kumain buong araw akala ko apocalypse ang nangyayari FATpocalypse pala.
At ikinuwento ko rin ang nangyari simula noong makababa ako ng eroplano my own version of the story since they just heard Logan's.
Natakot si Louie at mas lalo naman si Rona. Natakot na din ako lalo pa't alam ko darating ang araw na may makakaharap na kami at mapipilitang pumatay. Si Louie nga pinipilit si Rona na humawak ng kutsilyo. At dahil matatakutin ito tumatanggi ito.
Natapos ang ika-sampung araw simula noong pagsabog sa pagtitimpla ko ng gatas ni Jayjay na nalaman kong unti na lang ang laman mukhang maghahanap na naman kami ng grocery store bukas yung malapit na lang dahil ayun na lang yata ang huling lata. Napansin ko ring unti na lang din ang pagkain.
Napabunting hininga ako. Bakit kasi kailangang mangyari ang ganito?