Panganim

3090 Words
Panganim. Pagkabalik namin dito sa grocery store agad kong kinuha ang susi sa ilalim ng mat at pinapasok si Rona at Jayjay kinuha naman namin ni Louie ang mga grocery na kinuha namin kanina at ipinasok rin. Pagkapasok ko ikinadena ko ang pinto mula sa loob. Tumingin ako sa wrist watch ko past six na at madilim na sa loob ng tindahan. "Doon tayo sa may cashier." Sabi ko at pumasok kami sa cashier area na masikip pero pwede namang higaan ng tatlong tao pero dapat dikit dikit. Nagulat ako ng marinig kong mag 'Oh my god' si Louie. "Guys! Guys! Ang daming lefters sa labas." Pabulong pa nitong sabi. Madami nga. Nagsisilakaran ito sa kung saan saang direksiyon, saan yun galing? Samantalang kanina wala pa naman sila? Ano sila mga night biters? Sa gabi lang lumalabas. Napatili kaming tatlo ng makarinig ng sunod sunod na putukan at mula rito sa loob nakita naming isa isang nagtumbahan ang mga lefters sa labas. May bumabaril sa kanila? Pero saan? "Saan kaya yung bumabaril?" Pabulong na tanong ni Louie. At dahil gusto kong malaman kung saan nangagaling ang putok ng baril lumabas ako sa cashier area at dahan dahang lumapit sa pinto para aninagin sa labas ang posibleng tao na pumupuntirya sa mga lefters. Pero wala akong nakita. Narinig kong napasinghap si Louie kasunod ang mga yabag ng paa at bulungan. Mukhang sumunod sila sa akin ni Rona pero kinilabutan ako ng magbulungan ang mayari ng yabag ng mga paa at boses bakulaw ito. Oh my god! Nataranta pa ako ng impit na mapatili si Rona na parang tinakpan ang bibig niya. I know si Rona yun mahilig tumili yun eh! Its either nanunuod kami ng the walking dead o nakita niya ang crush niyang si Jeremy Lin na anak ng mayari ng tindahan na ito. Papalapit na ang yabag sa akin kaya nagtago ako sa isang stand ng pagkain. Putek sino ba tong mga to? Lefters? Tinatakot nila ako ng bongga. Gagalaw na sana ako sa pinagtataguan ko para mapuntahan sila Rona ng may malamig na bagay na dumikit sa sentido ko. Baril. s**t! I'm at gun point again. "Shsfuuujjjdwstygvsr." What? Anong sabi nung nagsalita? Di ko naintindihan. Mukhang ibang language. "Get that here." Rinig kong sabi ng kung sino mula sa kung saan. Naramdaman kong hinila ako sa braso ng taong tinututukan ako ng baril hindi ko siya makita. "There's a baby sleeping here!" Sabi ng kung sino. Si Jayjay. "Please don't hurt my baby brother." Nanginginig kong sabi. "You're a girl?" Tanong ng nagtututok sa akin ng baril. At naramdaman kong hinawakan ako nito sa buhok. "Yes." I answer nervously. "Joseph get the baby!" Sabi ng taong nasa likod ko. At hinila ako nito sa kung saan. Muntik pa akong mapatid dahil madilim. Nakikita ko sa unahan namin ang silhouette ng isang matangkad na lalaki habang may babae sa harapan nito at base sa sexy nitong katawan si Rona yun. Nakalagay ang braso nito sa bibig ni Rona at may nakatutok din ditong baril. Lumabas ang mga ito sa likuran ng tindahan kasunod namin. Isang madilim na hallway ang binaybay namin. Sa dulo ng hallway may maliwanag na pinto. Ito na ba ang daan sa kabilang buhay? Nang makapasok kami sa maliwanag na pinto napapikit ako. Sobrang liwanag ang sakit sa mata. "Guys we saw them." Rinig kong salita ng kung sino. Iminulat ko ang mata ko nakita ko sa harapan ko na may sampung lalaking nakatayo. Lahat may hawak na baril. I think i know them! Lahat matatangkad. Mula sa sampung lalaki nakita kong may isang chinese na lalaki singkit kasi ang mga mata nito! Kapatid ito ni Jeremy! At ang nakatayo sa harapan namin ay mga teammates ni Jeremy sila ang basketball team ng university namin. Napatingin ako sa kanang gilid ko nakita ko si Louie na nakayuko katulad namin ni Rona may nakatutok rin na baril dito. Sa kaliwa ko naman si Rona na isa isang tinitingnan ang mga teammates ni Jeremy malamang hinahanap niya si Lin. Di niya alam hawak siya. Sige crushan mo pa yan! Babarilin ka na sa ulo. "Put your guns down now matey!" Sabi ng isang lalaki na mukhang naligo ng hair dye. Kulay pula ang buhok nito at may eyebrow piercing. Naramdaman ko namang wala na yung baril na nakatutok sa akin! "Look! Michonne's sword!" Turo ng isang lalaki sa akin at lumapit pa sabay hugot sa espada na nasa likuran ko. "That's so cool Bryan!" Sabi nung lalaking may pula ang buhok sa lalaking humugot ng espada ko. "You killed lefters woman?" Tanong naman sa akin nung Bryan. Tumango ako. "Cool!" The red haired guy exclaimed. "Shut up Michael!" Sabi ng lalaki sa likod ko. "No fun? Calum!" Sabi nito sa lalaking nasa likod ko at bumaling na dun sa Bryan at kinuha ang espada ko. Pag nasugat to. Ang kulit. "Guys! I just want you to know lang na ang bango na babaeng hawak ko." Sabi ng lalaking may hawak kay Louie at nakita kong inamoy pa nito ang buhok ni Louie. "Ang manyak mo talaga Ashton!" Sabi ng lalaking nasa likod ko. "May baby!" Sigaw ng lalaking may pula ang buhok at nilapitan ang kapatid ko na buhat ng isang lalaking Chinese. Kapatid din ni Jeremy ito. "Sit down ladies." Sabi ni Jeremy sa amin na nagpatalon pa kay Rona sa gulat mukhang alam niya kanina pa na si Jeremy ang may hawak sa kanya. Akala ko hindi. Tinuro pa nito ang sofa sa gilid na umupo naman kaming tatlo. "What are you guys doing inside our store?" Tanong ni Jer. Sasagot na sana ako ng magsalita na naman si Michael. Ang kulit talaga ng red hair na lalaki na to. "Syempre para kumuha ng stocks! Pre di ka ba nagiisip?" Kinuha pa nito si Jayjay at inihele or should i say inugauga ayan tuloy nagising at umiyak. Tumayo ako at lumapit sa kanya kukuhain ko sana si Jayjay pero ayaw niya ibigay. "I can manage. Just sit down there and answer Jeremy's s**t questions." Sabi pa nito kaya umupo na lang ako ulit. "I'm sorry if we kinda tresspass we really just need a temporary shelter. Yung bahay kasi namin may mga lefters na." Sabi ko kay Jeremy. Tumango naman ito. "I'm Jeremy." Pakilala nito at naglahad ng kamay sa akin. Tinangap ko ito. Ganun din kay Louie at Rona. Gusto ko ngang matawa lalo na noong si Rona na ang kinamayan niya. Pokerfaced lang ito pero I know deep inside kinikilig na ng bongga yan. Hello ultimate crush mo makamayan mo! Ay heaven teh! "And this our my brothers Joe and Joseph!" Turo niya sa mga katulad niyang Chinese. Yung Joseph pala yung bumuhat kay Jayjay. Yun din siguro ang nagsalita kanina ng hindi maintindihan. Must be their language. Isa isa niyang pinakilala at tinuro ang mga teammates niya sa amin. "That's my teammate Michael." Turo niya sa red hair guy. "Bryan." Yung may hawak ng espada ko. "Calum." Yung guy na nagtutok ng baril sa akin. "Ashton." Yung may hawak kay Louie. "Nick." Tinuro niya yung lalaking seryoso na nakatingin sa aming tatlo. "Alex." Yung lalaking may mahabang buhok. "Shane." Yung lalaking seryoso sa gilid. "Luke." Yung may piercing sa labi. "Aron." Yung lalaking nakangisi na kita ang gilagid na nakatingin kay Michael. "Marco." Yung Mr. Campus. Part din pala siya ng basketball team ng university tapos hindi ko alam. Grumadweyt na lang ako nang nakaraang march pero ngayon ko lang nalaman. "At si Frederick ang panadero." He playfully said pointing his long fingers towards the guy who is comfortably sitting on the armchair. Wow ang dami nila. Bakit kaya sila magkakasama? Bakasyon na at isa pa yung iba sa kanila kasabay namin grumadweyt nila Rona at Louie just this last march. "I'm Kat. That's Louie." Turo ko kay Louie na nakatingin kay Michael na parang binabantayan niya kung mahuhulog ba nito si Jayjay mula sa pagkakahawak. "And si Rona." Turo ko kay Rona na nakayuko lang. Hay naku kung ako sa kanya tinititigan ko na si Jeremy pagkakataon niya na ito dati from a far lang siya ngayon HD na! Para na siyang nasa VIP seat sa lapit niya sa crush niya. "Schoolmate namin kayo di ba?" Tanong nong Aron. Tumango naman kaming tatlo. Mayamaya napakunot ang noo ko ng magsitayuan sila at inayos ang mga hawak na baril nila. Nilalagyan nila ito ng mga bala. "What's happening?" Tanong ni Louie na nagtataka rin sa ikinikilos nila. Nakita ko naman mula sa peripheral vision ko na nagangat ng tingin si Rona. "Dumami yung mga lefters sa baba. Well just gonna shoot them." Sabi ni Jeremy at isa isa silang umakyat sa hagdanan na papunta yata sa second floor leaving me Louie, Ron, Jayjay at Michael na mukhang nawili sa kapatid ko. Napatakip ako ng tenga ng makarinig ng sunod sunod na putok. Para kaming inaambush ang kaibahan lang hindi kami ang pinapaulanan ng bala kundi yung mga lefters sa labas ng store. "Louie!" Tawag ko sa kanya ng mapansin ko siyang umaakyat na rin sa hagdan, sumunod ako sa kanya. Tumambad sa amin ang parang sala pagakyat ng second floor nakita naming nasa terrace silang lahat at mga nakatutuk pababa ang mga baril. Tumakbo kami ni Louie sa direksyon nila una itong nakadungaw bago ako. Nang tuluyan kong masilip ang nangyayari sa ibaba halos mangilabot ako sa dami ng lefters na nakakumpol sa tapat ng grocery store. Safe pa ba kami dito? "Jeremy dude safe pa ba tayo dito?" Tanong ng kung sino as if voicing out my thoughts. "I think hindi na Shane lalo pa't may kasama na tayong mga babae at isang baby. They need protection. Jeremy let's move out tomorrow." Sagot ng kung sino. "Hey girls what are you doing here? Go down and fear for your lives." Sabi ni Ashton na nasa tabi ko. Napansin niya na kami ni Louie. Napairap na lang ako. Were not a weakling. "We are not weak. Just fire!" Sigaw ni Louie sa kanya. Nagroll eyes lang ito kay Louie. "Damn. Ngawit na yung braso ko. Ilang gabi na natin tong ginagawa we killed them throw them and burned them first thing in the morning tapos ito na naman tayo. Ang kaibahan lang mas marami sila ngayon. What the f*****g f**k man." Sabi nito at binaba sa gilid niya ang baril. At para patunayan na hindi ako weak kinuha ko yung baril. "Hey what are you doing? That's not a barbie doll to be played with." Saway niya sa akin. "I know. It can kill your shitty life." I answered back. I check the gun if it has enough bullets. It has. I pointed the gun to the lefters. "Hey! Stop you might hurt yourself." Malakas ang boses na sita niya sa akin. Napairap na lang ako ganto ba ang tingin ng mga lalaki sa babae? Weak? I want to prove them wrong. Kahit first time kong babaril talaga I know what to do naturuan kami ni Sehun ng maayos. Tinutok ko ang baril sa lefters na puntirya ko sa baba and mumbled focus in my head. When im confident that i can do it I fire away. Tatlong magkakasunod na putok kasunod ang pagtumba ng dalawang lefters I missed the one. I fire again. Sunod sunod. Napansin kong parang ako na lang ang bumabaril but I don't mind baka nagloload sila ng new bullets. Nang maubos ang bala sa baril ni Ashton. Kinuha ko ang baril ko na nakasukbit sa likuran ng pantalon ko na natatakpan ng damit ko. Lagi ko itong dala. Hindi alam nila Rona na may gun ako dahil ayoko silang magfreak out. Nagumpisa ulit akong bumaril. Ngingisi ngisi ako sa bawat lefters na tumutumba. Its like I'm in a killing frenzy mode. Napatigil lang ako ng magsalita si Louie. "What the f**k Kat you're scaring me." Napatingin ako sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Napansin kong nakatingin din pala silang lahat sa akin. Their faces is epic. May amazed, scared in a way, pokerfaced. What did I do? "Bakit may baril ka Kat?" Tanong ni Louie at tinitigan pa ang baril na hawak ko. Ibinalik ko mula sa pagkakasukbit iyon sa likod ko at tumingin sa baba. "Baril to ng pulis na naging lefters kinuha at pinaghatian namin nila Logan." Sagot ko. Napatsk na lang ako ng mapansin kong mas dumami pa ang lefters sa ibaba. Hindi na talaga kami safe dito. I saw my mom's car pinaplibutan na ito ng mga lefters. "Who's Logan?" Tanong ni Jeremy. Napabuntong hininga ako at ikinuwento sa kanila ang mga nangyari bago ko makita sila Louie. Nakikinig lang sila sa akin. Napansin kong umakyat na rin si Michael at Rona dito sa taas. "Wow. Sobrang daming nangyari sa inyo. At makita mo ang isa sa kasamahan mo na kinakain at wala kang magawa kundi panuorin na lang ay nakakapanghina." Komento ni Calum. Tumango na lang ako. I remembered looking at that time to Vic and Sasha. I sigh again. Its still so fresh. Kinuha ko na lang ulit ang baril ni Ashton at naglagay ng bala at pinaputukan ulit ang mga lefters sa ibaba. "Kamusta na kaya yung mga kasamahan mo? Nakarating kaya sila ng safe sa mga pupuntahan nila?" Tanong ni Aron. "I don't know. I just hope they are all safe." Napabuntong hininga na lang ako. Kamusta na kaya si Logan? Its been four days when I last saw him. Nakita niya kaya ang pamilya niya? "Stop firing Kat." Tawag ni Jeremy sa atensiyon ko. Sinenyasan niya kami na pumasok sa loob. Nang makapasok kaming lahat nagumpisa siyang magsalita. "We are all leaving this place tomorrow." He said habang nililibot niya kami ng tingin isa isa. Napansin kong nagtagal pa ang tingin niya kay Rona na nakangiti habang buhat si Jayjay. Ohh umi-sparks oh. "Fred, Marco, Aron, Luke and Shane kumuha kayo ng maraming stocks ng pagkain. Alex you will be driving the van tomorrow." Sabi niya nagtanguan naman ang mga sinabihan niya. "Jeremy dude fifteen lang ang kasya sa van paano sila?" Turo sa amin ni Alex. "I can drive." Sagot ko. "Just lead us the safe way." "Okay we will be bringing the van and your car. I'm just gonna ride on them lahat ng food sa likod ng van at trunk ng kotse nila ilagay." Instruct niya. "Nick at Ashton kayo ang magbubukas ng pinto ng store bukas at the rest babaril lang ng babaril para makapunta ng safe sa kotse. Alas otso ng umaga tayo aalis bukas." Pagpapatuloy niya sa instructions niya. "Saan tayo pupunta?" Tanong ni Louie. Yan din ang nasa isip ko saan kami pupunta? "Sa bayan." Sagot ni Jeremy. "Magpapahinga lang tayo ng two days doon at magpaplano kung saan ang sunod na pupuntahan natin." Tumango kaming lahat. "Can you teach me how to fire a gun?" Tanong ni Louie sa akin. Tumango naman ako. "For now papatay muna tayo ng lefters yung mga in charge sa pagkain pwede niyo nang umpisahan." Rinig kong sabi ni Jeremy. Inuumpisahan ko na kasi ang paglalagay ng bala sa baril na nakita ko sa mesa. Ginagamit na kasi ni Ashton ang kanya. Nang malagyan ko ng bala ibinigay ko kay Louie at tinuruan siya kung paano ang tamang position ng paa at kamay. Yung mga itinuro lang din sa amin ni Sehun. Napansin kong nanginginig siya natatakot siguro siya. "Ready Louie?" Tanong ko. Tumango siya. "Fire." Nagpaputok siya ng isa at wala siyang tinamaan. Okay lang yan. She can learn this damn thing like me. She fire again. And again. "Baka naman maubos at masayang lang ang bala natin sa kakaputok mo eh wala ka namang tinatamaan." Sarkastikong sabi ni Bryan. Great. Ngayon ka maging sarcastic kay Louie baka sayo niya yan iputok lalo pa't ramdam kong inis na siya dahil wala siyang tinatamaan. "That's why I'm trying to learn you jerk now stay the f**k away from us or you'll be the first one that I can buried a bullets on." She said. Now you don't pissed her off or else.. Tsk tsk. "Woah feisty." He said before backing down. Good. Louie continue her assaults. Nang mapansin kong may tumumba napatingin ako sa kanya ganun din siya sa akin. "Oh my god! I killed a lefters!" She squeals. Talk about mood swings. Kanina inis, galit ngayon masaya. "Congrats!" I said at tinapik ang balikat niya at nagumpisa na ring magpaputok. It's ten in the evening when Jeremy said we can rest for awhile to eat dinner. Pumasok kami sa loob. Sa sahig nakakita ako ng isang malaking kaldero ng kanin at ulam. I think sinigang amoy na amoy kasi ang asim. Hinanap ng mata ko si Jayjay nakita kong buhat na naman siya ni Michael. Si Rona ayun tulog na sa isa sa mga sofa. Nilapitan ito ni Jeremy para gisingin. Napangiti ako bakit parang kinikilig ako? "Kain na Kat." Tawag ni Joe sa pansin ko. Inalis ko naman ang tingin ko kanila Rona at kumuha na ng plato. Habang nagsasandok napatingin ako kay Michael ng tumabi siya sa akin. "Subuan mo ko." Nakatawang sabi niya. Natawa ako. Tulog kasi si Jayjay sa mga bisig niya wala ring mapaglalapagan dahil inuupuan ng mga teammates niya ang mga sofa. Ikinuha ko na lang siya ng plato at pinagsandukan ng kanin at ulam. Kumain muna ako ng ilang subo bago binalingan si Michael at sinubuan gamit ang sarili niyang kutsara. May narinig akong tikhiman pero di ko pinansin at pinagpatuloy lang ang pagsubo kay Michael. "Yiihii diyan nagumpisa ang lolo't lola ko." Rinig kong sabi ni Louie. Napakunot ang noo ko. Nagumpisa ang alin. Patuloy ko pa rin itong sinubuan. "Sa ganyan nagumpisa yung alaga kong ipis sa banyo." Rinig ko ulit. Napaangat ang tingin ko sa nagsabi nun si Joseph. Napansin kong nakatingin pala silang lahat sa amin ni Michael. What the f**k?! "Shut up guys!" I yell. Tumawa lang sila. Kainis ah. Si Michael naman tumawa na lang. Nakakatuwang isipin na sa pangalawang pagkakataon nakahanap na naman ako, kami nila Louie ng bagong pamilya sa katauhan ng mga basketball players na ito. Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Nagkabiruan din. Nagtawanan na parang bang dati na nila kami nakakasama sa mga biruan nila. Pagkatapos kumain nagpahinga kami at nagayos para makatulog. Hinatid kami ni Jeremy sa kwarto ng Mama niya duon daw muna kami matulog nila Rona, Louie at Jayjay. Nang maramdaman namin ang lambot ng kama agad kaming nakatulog dala na rin siguro ng pagod ng mga nangyari ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD