Pangpito.
Napadilat ako ng mata ng makarinig ng sunod sunod na putok. Gising na sila?
Napabangon ako ng mapansin kong wala si Louie sa tabi namin. Napatingin ako sa wrist watch na suot ko. Six fifteen pa lang ng umaga. Ang aga naman magising ni Louie.
Lumabas ako ng kwarto para tingnan kung anong nangyayari sa labas. Napansin kong nasa terrace si Louie kasama si Ashton, Michael, Calum, Luke at Marco. Lahat sila may hawak na baril at bumabaril.
Bumaba naman ako papunta sa store napahinto ako sa tapat ng refrigerator na may mga bote ng soft drinks sa loob, may papel na nakadikit doon saying: 'DAY 12'
Twelve days na pala mula ng mangyari ang pagsabog. Walong araw na rin simula ng makabalik ako ng america. Pero bakit feeling ko isang buwan na kaming nakikipaglaban sa mga zombies.
Kukuha sana ako ng yakult sa refrigerator ng mapansin ko ang bote ng 1.5.
Five.
Five days na rin ang nakalipas simula ng umalis si Logan pero bait feeling ko isang taon na? Oh my god! This is bad. I should stop thinking about him after all hindi ko alam kung magkikita pa ba kami ulit.
Lumayo na lang ako sa refrigerator at tiningnan sila Jeremy na nagaayos ng mga box. Mahigit twenty box yata ang nasa lapag. Mga pagkain siguro na dadalhin namin sa pagalis. Napansin kong sobrang dumami ang lefters sa labas. Paano kaya namin masasakay yan lahat ng hindi nababawasan at kinakabahan na hindi kami mababawasan.
"Kat! Good, you're awake. Maaga tayong aalis after namin ayusin ito." Sabi ni Jeremy ng mapansin niya ako. "Gisingin mo na si Rona at Jayjay." Tumango ako at umakyat. Ang original plan eight aalis mukhang ngayon bago pa magseven.
Tinapik ko si Rona sa balikat. Inalis niya lang ito at dumapa tyaka sinubsob ang mukha sa unan. Tinapik ko siya ulit.
"Pinapagising ka ni Jeremy." I said. Agad agad itong napaupo at inayos ang buhok. Tingnan mo to.
"Bakit daw?"
"Aalis na kasi tayo."
"Ha?! Anong oras na ba?
"Six."
"Akala ko ba eight pa?"
"Mas lalo kasing dumami ang lefters sa ibaba baka mahirapan tayong makalabas." Sagot ko.
"Pakiayos naman nung mga gamit natin ako ng bahala sa kapatid mo pag nagising siya." Sabi ni Rona at nagumpisa na itong magayos ng sarili. Lumabas naman ako ng kwarto para ihanda yung bag namin na nasa cashier area. Nadaanan ko pa ang espada ko na nakalapag sa mesa kasama ng mga bala at baril. Sinukbit ko ito at nilagyan ng bala ang baril ko. Nang matapos ako sa paglalagay ng bala dumiretso ako sa cashier para kuhanin ang bag namin.
Habang inaayos ko ang bag namin. Nilapitan ako ni Luke at inabutan ng isang tasa ng kape.
"Salamat." I smile at him. Ngumiti naman ito pabalik.
"Kung gusto mo kumain kumuha ka lang ng kahit ano." He said bago umalis sa harapan ko at bigyan ang iba ng kape. Wala akong ganang kumain sino bang makakakain kung ganitong pinapakaba ako ng sitwasyon namin. I think hindi lang naman ako ang makakakain eh. Pero mukhang nagkamali ako dahil nakita ko si Michael at Louie na kumakain ng chichirya at nagtatawanan pa. Kung ano ano ang chichiryang mga hawak nila.
Lumapit ako kay Louie bitbit ang bag niya at inabot sa kanya iyon.
"Thanks Kat! Kain." At walang sabi sabing sinubuan ako nito. Sira talaga. Nginuya ko na lang at bumalik ako sa counter para inumin ang kape ko.
"Guys mag ready na kayo any minute now aalis na tayo!" Anunsyo ni Jeremy. Sakto namang nakita ko na si Rona buhat buhat si Jayjay at sinalubong ni Luke ng kape.
"Ang bait ni Luke no." Sabi ni Rona ng makapunta na ito sa harapan ko. Tumango ako at kinuha ko ang bag niya at tinulungan siya isukbit ito.
"Aalis na tayo mayamaya." Sabi ko.
"Narinig ko nga. Kinakabahan nga ako eh."
"Ako rin. Sana wag maulit yung nangyari sa amin sa 7/11 na hindi lahat nakabalik sa kanya kanyang pamilya." Sabi ko. Napabuntong hininga na lang ako. Biglang bumalik sa alaala ko yung mga itsura nila Vic at Sasha noong pinagtulungan silang kainin ng mga lefters. Yung mga iyak at sigaw nila dahil sa sakit na nararamdaman. Sila Robee at Precious.
Nawala ako sa pagbabaliktanaw ng may humawak sa balikat ko. I look who was it. Si Jeremy pala.
"Its gonna be okay. Hindi mangyayari sa atin ang nangyari sa inyo sa 7/11." Pagaassure sa akin ni Jeremy na parang alam niya ang iniisip ko. Tumango na lang ako. Tinapik naman nito ang balikat ko pati ang balikat ni Rona even Jayjay's head at pumunta sa pwesto nila Louie para iassure din sila na magiging okay ang lahat.
"Nick at Ashton ready to open the door. Guys! Be ready were leaving now." Sigaw ni Jeremy mayamaya. Kaya nagready na ako. Binunot ko ang espada ko. Napansin kong tumabi sa akin si Rona at Louie.
"First, ilalapit muna ni Alex at Luke ang van sa tabi ng kotse nila Kat para mapadali yung paglalagay ng pagkain." Instruction ni Jeremy. Yung kotse kasi namin nasa tapat lang ng store samantalang yung van eh nasa kabilang kalsada pa nakapark.
"Ready?" Sabay sabay kaming nag yes kaya ng pinaopen na ni Jeremy ang pinto kay Ashton at Nick ay naghanda na si Alex at Luke sa paglabas. Ang ibang boys naman ay bumuhat na ng karton ng mga supplies para ilagay sa van.
"Michael pakialalayan ang girls." Sabi ni Jeremy at tuluyan ng nabuksan nila Ashton ang pinto. Agad agad namang sinalubong ni Alex at Luke ang kumpol ng lefters na papasok sa store at agad pinaputukan.
Nakita kong nailapit na ni Alex ang van kaya nagumpisa na ang boys na isakay ang mga karton ng supplies sa van at trunk ng kotse.
Inaya na kami ni Michael na lumabas na kaya hinawakan ko si Rona sa kamay niya. Naunang lumabas si Louie at Michael na bitbit ang basket na nilagyan ko ng mga gatas ni Jayjay at pinapuputukan ang bawat lefters na makakasalubong. Sumunod kami ni Rona ni Rona sa pagtakbo. Habang si Rona ay tili ng tili ako naman ay sinasaksak sa ulo ang mga nasa gilid ko na lefters na papunta sa amin.
Nakita kong nakapasok na si Louie sa kotse at nailagay na rin ni Michael ang basket ng gatas ni Jayjay sa trunk ng kotse at bumalik sa amin at inalalayan si Rona na makapasok sa backseat ng sasakyan sinarado naman ni Jeremy ang pinto na nasa labas ng kotse na pinapaputukan ang bawat lefters na gustong pumalibot dito. Binalikan ako ni Michael pero sinenyasan ko siya na kaya ko na at pinatulong na lang sa pagkakarga ng supplies.
Nang mabuksan ko ang pinto sa driver seat ibinalik ko ang espada ko sa lalagyan matapos punasan para makapasok ng maayos. Tinapon ko muna paloob ang bag pack ko kay Louie na kasalukuyang nakababa ang bintana sa side nito para bumaril ng mga lefters na nagtatangkang lumapit sa van.
Bago pumasok ay binunot ko muna ang baril ko at pinaputukan sa ulo ang dalawang lefters na papalapit sa akin. Pagkapasok ko ng kotse agad agad ko itong sinarado at inayos ang espada ko na nakasabit sa likuran ko dahil nahihirapan akong umupo.
Pinagmasdan ko ang mga boys na patuloy sa paglagay ng mga karton ng supplies sa van at kotse habang panaka nakang bumabaril kapag may lumalapit sa pwesto nila.
"Ahhhhh!" Nagulat ako sa tili ni Rona ng tingnan ko kung bakit ito humihiyaw eh iyon naman pala may lefters sa gawi ng bintana nito.
Binuksan ko ng konti ang bintana ng kotse sa side ko at inilabas ang nguso ng baril at itinutok ko sa direksyon ng lefters na nasa side ni Rona. Nahirapan pa ako patamaan pero nabaril ko naman sa ikatlong putok. Sayang bala. Dapat sa side na lang ni Ron ang binuksan ko. Siniksik ko ulit ang baril ko sa likuran.
Nakita kong sumasakay na ang boys at si Jeremy naman eh papunta na sa side namin. At ng makapasok ito ng tuluyan at nakita kong sarado na ang pinto ng van eh inistart ko na ang kotse para sa pagalis pero nagulat kami ng kumalabog ang likuran ng kotse akala ko lefters pero si Michael pala kakasarado lang ng trunk ng kotse. Sabay pa kaming napamura ni Louie ng mapansin naming umaandar na ang van.
"I will open the door para dito na lang siya sumakay." Sabi ni Rona at narinig kong binuksan nito ang pinto pero napatili na lang ako ng mapansin kong may lefters sa likuran ni Michael pero agad naman na tumumba dahil binaril na ni Jer na lumabas pala agad ng kotse. Thank god mabagal kumilos ang mga zombies na to at hindi nahuli si Jeremy. Agad na sumakay ang dalawa kaya nakahinga ako ng maluwag. We are all safe unlike what happened to us sa 7/11. Pero kahit gaano naging kapulido ang plano eh may mga pagkakamali talagang mangyayari along the way. Tulad ng hindi dapat si Michael nakasakay dito pero this is better kesa ang mawalan ng kasama.
Pinaandar ko na ang kotse at sumunod sa van. Binabanga ko na lang ang bawat lefters na humaharang kaya sunod sunod na kalabog ang maririnig sa windshield ng kotse. Sorry Mama sa kotse mo.
Pero nagulat ako ng biglang huminto ang van kaya napahinto na rin ako sa pagmamaneho.
"What happened Kat?" Jeremy ask.
"I don't know." Sagot ko. Pero agad na nasagot ang tanong namin ng lumiko ang van at tumambad sa aming harapan ang kalsadang punong puno ng lefters na wala ka na talagang madadaanan, para silang zombie barricade. Kinilabutan ako ng halos sabay sabay silang lumingon sa amin ng aksidente kong nasangi ang busina. s**t! Nagpanic ako ng magumpisa silang lahat na maglakad sa direksyon namin kaya agad agad kong pinihit ang steering wheel paliko.
"s**t!" Napamura na lang ako ng mahirapan ako iliko ang kotse at mas lalo akong nagpanic ng sumisigaw na si Rona at Louie na dinadagdagan pa ng mga malulutong na mura ni Michael.
"Nandyan na sila Kat!" Sunod sunod na sigaw ni Louie kaya natataranta na ako. Nang finally mailiko ko na ang kotse eh nakahinga ako ng maluwag at agad agad na pinatakbo ng mabilis ang kotse.
Binilisan ko pa lalo ang pagdadrive dahil mabilis magdrive si Alex baka maiwan kami kaya tulad nito binabanga ko na lang ulit ang mga lefters. Pero dapat pala iniwasan ko na lang dahil bumagal ang takbo namin malamang nakakaladkad ng gulong sa harapan ang mga lefters na nabanga ko patunay ang lefters na nakadapa sa harapan ng kotse ngayon.
Kaya para maialis ang mga nakaladkad na lefters eh umatras ako, sunod sunod na kalabog ang maririnig sa tuloy tuloy na atras ko umangat pa nga ang hulihan ng kotse mukhang nakalso sa hulihang mga gulong ang katawan ng mga lefters na humandusay sa daan ng mabanga ko.
Nang malaglag na ang lefters na nakadapa sa hood ng kotse ay umabante na ako pero napamura na lang ako ng hindi umabante ang sasakyan tuluyan ng nakalso sa lefters ang gulong ng kotse naihampas ko na lang ang kamay ko sa manibela ng hindi ko talaga mapaabante ang sasakyan.
Tinanaw ko ang van medyo malayo na sila sa amin malamang di nila alam na stuck na kami dito dahil busy sila sa pagbaril ng mga lefters patunay diyan ang mga nguso ng baril na nakalabas sa bintana ng van.
"Sorry guys." I said.
"Its okay Kat! Hahabulin na lang natin sila. Tara baba." Sabi ni Jeremy. Pero alam kong malabong mahabol na namin sila unless huminto sila. Pero think positive dapat kaya kinuha ko ang bag pack ko mula kay Louie at lumabas ng sasakyan nandiri pa ako ng tiyan pala ng lefters ang naapakan ko pagbaba. Yuck kadiri yung dugo. Hindi ko na lang pinansin at sinukbit ko ng maayos ang bag at espada ko para tumakbo na dahil nagumpisa na silang tumakbo. Tumakbo na rin ako.
"Dito tayo sa kaliwa!" Sigaw ni Jeremy. Tinuro nito ang eskinita na na napapagitnaan ng isang restaurant at dress boutique. Malabo na kasing maabutan namin ang van dahil sobrang layo na talaga nito.
Kaya tumakbo kami pakaliwa at pumasok sa eskinita. Kapag sinwerte kami maabutan namin ang van mula sa kabilang kalsada dahil ang labas ng eskinitang ito ay kalsada na madadaanan ng van papuntang highway na pabayan. Ito kasi ang mahabang daan iikot ka pa para makalabas sa highway hindi tulad doon sa pinagkumpulan ng mga lefters na diretso highway na.
Napamura ako dahil dead end na. May harang na pader. Nilingon ko ang likod ko may mangilan ngilang lefters na nakasunod sa amin. Kaya binunot ko ang baril ko at pinaputukan sila bago pa makalapit ang mga ito sa amin.
"Pasok!" Rinig kong sabi ni Michael. Nilingon ko ito may nabuksan itong pintuan. Agad agad tumakbo paloob sila Louie, Jeremy, Ron kaya tumakbo na rin ako papasok at inintay si Michael na masarado ang pinto. Nasa kitchen pala kami ng restaurant. Agad agad kaming sumunod kanila Rona at nakapasok kami sa dining hall ng restaurant na punong puno ng lefters na mga nakaupo sa mga upuan may mga bulok na pagkain pa nga sa mga plato ng iilan doon eh. Mukhang naalarma ang mga ito ng paputukan ni Michael kaya isa isang nagtayuan at naglakad papalapit sa amin. Mukhang naamoy nilang tao kami.
"Fire exit!" Sigaw ni Louie kaya tumakbo kami patungo roon. Panakanakang bumabaril ako at tumitigil sa pagtakbo dahil hindi pa namin mahanap ang fire exit.
"Found it!" Sabi ni Jeremy at binuksan ang pintuan unang lumabas si Louie sunod si Rona at sumunod na ako. Pagkalabas ko ay tiningnan ko ang pader at ang labasan ng eskinita. Mukhang tama naman kami ng nilabasan. Sana lang di pa dumadaan ang van.
"I'll check the road if its clear from lefters." Sabi ko dahil busy pa si Michael at Jeremy ilock ang mga lefters sa loob. Tumango naman sila.
"Sunod na lang kayo." Hindi ko na lang sila inantay na sumagot at agad na ako tumakbo papalabas ng eskinita.
Nang tuluyang makalabas eh tiningnan ko agad kaliwa't kanan ang kalsada kung nakalagpas o nakarating na ba sila. Sana lang hindi pa kami huli. Sana lang hindi masyadong naging mabilis ang takbo ni Alex.
Napansin ko ang mangilang ngilang lefters kaya pinagbabaril ko ang mga ito. Nang maubusan ng bala eh siniksik ko ulit sa likuran ko ang baril at binunot ang espada ko para sa lefters na tangkang lalapit sa akin.
Sinilip ko sila naguumpisa na ang mga itong maglakad palabas ng eskinita. Ako naman inabangan ko ang van kung parating na ba ito kung hindi pa ba kami huli at padaan pa lang ito. At mukhang hindi pa kami huli.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang nguso ng papadating na van. Agad agad akong tumakbo papunta sa gitna ng kalsada para harangin ito. Itinaas ko ang kamay ko at winagayway ang espada ko. Pero itinigil ko iyon ng mapansin kong may limang lefters na papalapit sa akin.
Hinanda ko ang espada at sarili ko. Sinalubong ko ng saksak sa ulo ang unang lefters na malapit na sa akin samantalang pinugot ko ang ulo ng pangalawa at tinusok ko pa ng dulo ng espada ang ulo na bumagsak bago sinipa papunta sa pangatlong lefters na palapit sa akin na sinaksak ko naman sa dibdib at ng bumagsak eh inapakan ko pa sa mukha. Sinugod ko naman ang pangapat at panglima ng saksak sa dibdib na parang barbecue ang kinahatnan ng magdikit sa espada ko. Agad ko naman iyong binunot ng marinig ko ang busina sa likod ko.
Humarap ako sa van bumaba mula roon si Calum at Ashton na parehas nakakunot ang noo sa akin. Malamang nagtataka yan kung bakit nandito ako. Pinunas ko na lang sa pantalon ko at talim ng espada ko para matangal ang dugo bago ibinalik sa lalagyan.
"Guys? What the hell are you doing here? And where is your car?" Tanong ni Ashton. Sasagutin ko na sana pero naunahan ako ng taong biglang umakbay sa akin.
"Long story bro! By the way that was so cool Kat!" I look at it. Its Michael. Nakalabas na pala sila mula sa eskinita.