Seven

2774 Words
MARAHANG ipinikit ni Cyan ang kanyang mata at sumandal sa chair office niya. Ilang minuto siyang nanatiling ganoon bago muling pumikit. Nagpakawala siya ng hininga at pinagmasdan ang computer screen niya. Kailangan na niyang madaliin ang ginagawa niyang program. Malapit na kasi ang deadline niyon. Nitong mga nakaraang araw kasi ay ni wala man lang siyang nagawa sa opisina. At kasalanan iyon ni Blue. Hindi siya makapag-focus sa trabaho kapag nararamdaman niya ang presensiya ng lalaki. Lalo na kapag araw-araw na tumatambad sa table niya ang roses at kape mula rito. Sumabay pa ang panunukso ng mga kaopisina nila. Mabuti na lang at hindi nagpakita sa kanya ang lalaki ngayong araw. Mukhang abala rin ito sa trabaho nito. “Saan ka pupunta Cyan?” tanong sa kanya ni Nica nang tumayo siya sa upuan niya. “Coffee,” tipid na sagot niya. Dumiretso siya sa coffee vending machine sa department nila. Si Manong Art lang ang naabutan niya roon. “Ma'am Cyan, sira po iyan,” imporma nito sa kanya. “Sira?” Napabuntong-hininga siya. Kung kailan kailangang-kailangan niya ng kape, saka pa biglang nasira? Napilitang bumalik na lang siya sa cubicle niya. Kung bababa pa siya para bumili sa coffee shop ay siguradong matatagalan lang siya. “O nasa'n ang kape mo?” tanong sa kanya ni Nica. Nagkibit-balikat siya. “Sira iyong vending machine.” “Ba't hindi ka dumiretso sa baba?” “Hindi na,” walang ganang sambit niya. Itinuon niya ang mga mata sa computer niya pero nawala na naman doon ang isip niya. She badly need the coffee right now. Muli siyang tumayo subalit pagbaling niya ay tumambad sa kanya ang mukha ni Blue. “Need coffee?” Napahawak pa siya sa dibdib niya sa pagkabigla. Bigla na lang kasing sumulpot ang lalaking ito. Kuntodo ngiti pa ito habang hawak ang cup ng kape. “Cafe Americano. Especially made for you.” Tumikhim siya upang ibalik sa huwisyo ang sarili. “Nandito ka na pala.” Mas lumapad pa ang ngiti nito. “Did you miss me?” Kumunot ang noo niya. “Mas okay ngang wala ka...” Pinalungkot nito ang mukha. “Ba't ganyan ka magsalita? Ang sakit, ah.” Hindi niya napigil ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. “Nasaktan ka? Parang hindi naman.” He chuckled. “O, tanggapin mo na itong kape.” Tinanggap niya iyon mula rito. Alam niyang kapag tumanggi siya ay magiging mapilit pa ito. “Uhm, thank you.” “Ikaw pa.” Lalo siyang napangiti nang maamoy ang mabangong aroma ng kape. “Ehem..ba't ang daming langgam dito. Kinakagat tuloy ako.” Sabay pa silang napatingin ni Blue kay Nica. Nakapangalumbaba ito habang nakatingin sa kanila. Ngumiti ito at tumayo. “Parang gusto ko ring magkape. Hehe..Sige, sir Blue, punta muna akong coffee shop.” Nica turned to her and smiled. “Ganda mo ngayon Cyan. Ganda ng ngiti mo.” Mabilis niyang pinalis ang ngiti sa kanyang mga labi. She couldn't believe she's smiling like that.. How could she? Bumaling siya kay Blue. Nakangiti pa rin ito. Ang ngiting iyon ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang napangiti kanina. “Inumin mo na iyang coffee mo,” nakangiting untag nito. “Mamaya na. May tatapusin pa rin akong trabaho.” Iyon na rin ang indirect way niya para paalisin ito. Pero ang lalaking ito, ni hindi man lang natinag sa harap niya. “Mamaya ka na magtrabaho.” “Hindi puwede.” Sumulyap ito sa suot na relo at tinawag ang pansin ng mga officemate niya. “Guys, mag break muna kayo. Nagpa-deliver ako ng pizza.” Sabay-sabay na umingay ang buong department nila. “Ang bait talaga ni Sir.” “Ganyan talaga kapag nanliligaw..” Lihim siyang napabuntong-hininga. Bakit ba siya nagkaroon ng officemates na puro mga hyper? Araw-araw na rin siyang nakakatanggap ng panunukso mula sa mga ito. Pagdating ng pizza ay lalong nag-ingay ang mga ito. Well, ganito rin naman kaingay kapag nanlilibre si Sir Brian pero mas malala yata ngayon. “Sir, pasensiya na sa ingay. Ganito talaga itong mga ito,” kamot ang ulong wika ni Marc kay Blue. “It's okay,” sagot ni Blue. Kumuha ito ng isang slice ng pizza. “Gusto mo?” Alok nito sa kanya. Umiling siya sabay taas ng kape niya. “I already have my coffee.” Nagkibit-balikat lang ito at kinagatan na ang hawak na pizza. “Ayaw mo talaga?” “Ang kulit. Ayoko nga..” Umingos siya. “Uy, share sila sa isang pizza! Ka-sweet naman talaga.” Marahas na bumaling siya sa nagsalita. Si Jana iyon. “Hindi, ah,” mabilis na depensa niya. Ngumisi si Nica. “Eh, bakit parang nagba-blush ka riyan?” Napahawak siya bigla sa kanyang pisngi. “Hindi naman, ah.” She turned to Blue and he was grinning. “Dahan-dahan lang sa panunukso guys, baka hindi ako sagutin ni Cyan niyan..” Nabigla siya nang hawakan siya nito sa kamay. Hindi na siya nakapalag nang hilahin siya nito sa private office nito. “Mabuti na lang, may office itong si Brian,” wika ni Blue. Pareho silang nakatayo sa loob ng silid. Napatingin siya sa kamay niyang hawak nito paakyat sa mga mukha nito. When she looked straight into his eyes, she suddenly felt her heart skipped a beat. At hindi niya maintindihan kung bakit gan'on ang nararamdaman niya sa lalaking kaharap. It was her first time her heart thump as crazy as that. Pagdating naman kay Michael dati, hindi gan'on kalakas ang t***k ng puso niya. Samantalang ngayon, matitigan lang niya si Blue, nagwawala na ang dibdib niya. “Okay ka na Cyan?” tanong nito. Sa paglapit pa nito ay hindi sinasadyang nabitawan niya ang hawak na kape. Inihanda na niya ang pagtama ng mainit na likido sa paa niya. But his reflexes moved, at namalayan na lang niyang nasa kandungan na siya nito. “T-thank you..” mahinang usal niya. Ibinaba siya nito sa ibabaw ng desk nito. “Just be careful next time.” “Next time rin kasi, huwag kang lalapit sa'kin ng gano'n.” Umangat ang sulok ng labi nito. “Natetense ka?” “Oo,” nabiglang sagot niya. “Ang lakas ng t***k ng puso ko sa'yo.” He smiled thriumply. “'Glad I'm able to make you feel that way.” Doon niya na-realize kung ano ang nasabi niya. She just bit her lower lip at napatingin sa kape niyang tumapon sa sahig. “We can buy another coffee again..” sambit nito. “CYAN, nandito na ang sundo mo..” Minadali ni Cyan ang pag-aayos nang marinig ang pagsigaw ng ate Darlene niya mula sa baba. Matapos i-check lang lahat ng gamit sa bag ay bumaba na siya ng kuwarto. Dalawang araw silang pahinga sa trabaho ngayon. Sa halip na sa opisina ang punta nila ay sa beach resort ang destinasyon nilang lahat. Company outing kasi ngayon. “Ate--” Napahinto siya sa pagkabigla nang si Blue ang nakita niya sa sala. “Ready ka na?” nakangiting tanong nito. Wala siyang maapuhap na sasabihin. Talaga naman..Nananadya talaga si Nica. Ito raw ang susundo sa kanya pero ibang tao ang nadatnan niya ngayon. “Aalis na ba kayo?” Mula sa kung saan ay sumulpot ang ate Darlene niya. “Yeah. We'll be going now,” si Blue ang sumagot. “Sige, ate,” paalam niya sa kapatid. Paglabas nila ng bahay ay nadatnan niya ang nakaparadang kotse ni Blue sa labas. She turned to Blue. “Bakit ba kasi ikaw ang sumundo sa'kin?” He just gave her his charming smile. “Siyempre naman. Nililigawan kita, eh. Sa akin ka dapat sasabay.” She just rolled her eyes. Bakit pa nga ba siya nagtanong kung alam na niya ang sagot. Lately, ay unti-unti na siyang nasasanay sa presensiya ng lalaki. Wala naman siyang magagawa, eh. Kung lalo siyang umiiwas, lalo siyang naaapektuhan. When he started the engine and drove the car, she immediately close her eyes. Hinihila siya ng antok. Napuyat kasi siya kagabi dahil tinapos niya ang ginagawang trabaho. “Do you want me to reclined your seat?” Narinig niyang mahinang tanong nito. Tumango siya. “Pakilakas na rin ng air con.” Tuluyan nang nilamon ng antok ang sistema niya. Nagising na lamang na nakahinto ang kotse nito. Akala niya nakarating na sila sa kanilang destinasyon pero nang tumingin siya sa bintana, nandito lang pala sila sa gilid ng highway. Kinusot niya ang mata at bumaling kay Blue. “What happened? Bakit nakahinto tayo?” Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. “Dito ka lang Cyan. Huwag kang bababa.” Mabilis na lumabas ito ng sasakyan. Kinakabahang sumilip siya mula sa bintana. May kausap na isang lalaki si Blue at mukhang nagtatalo ang mga ito sa gilid ng kalsada. Nang hindi na siya nakatiis ay bumaba na siya. “Did you see that ugly scratches in my car? Bayaran mo'ng lahat ng damage n'on. “ Narinig niyang wika ng lalaking kausap ni Blue. Iginala niya ang paningin at nakita ang isang kotseng itim na may malaking gasgas sa gilid. “It's not my fault, pare,” sagot naman ni Blue. “Kasalanan mo iyan. Ang lakas ng loob mong gitgitin ako, hindi naman pala kayang makipagsabayan ng kotse mo.” “Eh, ang yabang mo pala, eh,” iritadong sagot ng lalaki. “Hindi mo kilala kung sinong binabangga mo.” Lalo siyang kinakabahan sa palitan ng salita ng mga ito. Mukha pa namang maangas ang hitsura ng lalaking katalo ni Blue. Nilapitan na niya ang mga ito. “Blue,” mahinang saway niya sa lalaki. Bumaling ito sa kanya. “I told you to stay there, Cyan.” Humugot siya ng hininga at hinawakan ang kamay nito. “Pumasok na tayo sa kotse, puwede?” Pakiusap niya rito. Natatakot siya na baka kapag nagtagal ay kung ano pa ang mangyari. “Huwag mo ng patulan iyan. Baka kung ano pa ang mangyari sa'yo..sa'tin. Sayang iyang mukha mo kapag nabangasan.” Bumuntong-hininga ito at bumaling sa lalaki. “Magpasalamat ka mabait itong girlfriend ko.” Siya naman ang nabigla. Anong girlfriend? Subalit bago pa sila tuluyang makaalis ay may humarang na sa kanilang patrol car. Bumaba mula roon ang tatlong pulis. “Ano'ng nangyari dito Mr. Galvez?” tanong ng isang pulis sa lalaking nakatalo ni Blue. “That man,” sagot naman ng lalaki sabay turo kay Blue. “Look at what he did to my car.” Salubong ang kilay na bumaling si Blue sa mga pulis. “Huwag kang gumawa ng kuwento, pare. Ikaw itong gumitgit sa'kin. Nagkataon lang talaga na iyang kotse mo ang nagasgasan.” Pumagitna ang mga pulis. “Ang mabuti pa sa presinto na lang natin ito pag-usapan.” “Fine with me,” mayabang na sagot ng lalaki. “I'll just call my dad.” Nang-aasar na bumaling ito kay Blue. “He's the provincial governor.” Nagsalubong ang kilay. Kaya naman pala ang angas ng lalaking iyon, anak pala ng gobernador. “Go ahead ang call your father,” balewalang wika ni Blue. “Hindi ako natatakot kahit prinsipe pa ng Pilipinas ang iharap mo.” Naguluhang bumaling siya sa katabi. Anong prinsipe? Wala namang prinsipe ang Pilipinas. “Pasensya na Sir,” wika ng isang pulis sa kanila. “Pakilabas na lang ang lisensiya.” Dinukot nito ang wallet at inabot ang lisensiya nito sa pulis. “Puwede na ba kaming umalis?” tanong ni Lewis. “You still need to pay for what you did,” sikmat ng lalaki kay Blue. Hawak nito ang cellphone nito at mukhang k-in-ontak na nga ang ama nitong gobernador. “I'm a dignified man, pare,” nagpipigil na sagot ni Blue sa lalaki. “Kaya kung ako ang may kasalanan, babayaran ko agad ang damage ng kotse mo. Pero alam nating dalawa na ikaw ang may kasalanan, so act like a dignified man, too.” Muli na namang pumagitna ang mga pulis sa dalawang lalaki. “Sa presinto na po natin pag-usapan ito.” Mabilis na hinawakan niya ang kamay ni Blue nang maqamdbn niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. “Sumunod na lang tayo sa kanila, okay?” Mas lalo niyang naramdaman ang tensiyon pagdating nila sa presinto. Maging siya rin ay nakakaramdam na ng inis. Kanina pa sinasabi ni Blue na wala naman itong kasalanan pero mukhang hindi naman sila pinapakinggan ng mga pulis. Obvious naman kasing kinakampihan ng mga pulis ang mayabang lalaki. Palibhasa ay anak ng pulitiko. “Hi Miss,” nakangiting bati sa kanya ng isang pulis. Pilit na ginantihan niya ito ng tingin. Hindi niya kasi gusto ang klase ng tingin nito sa kanya. Lumapit pa sa harap nila ang lalaki at inabutan siya ng kape. “Thank you,” akmang aabutin niya iyon nang pigilan siya ni Blue. “My girlfriend doesn't drink coffee,” masungit na wika ni Blue sa pulis. Pinagsalubungan ito ng kilay ng pulis. “Hindi naman ikaw ang inaalok ko. Bakit ikaw ang tumatanggi.” “Nakita mo na Chief?” biglang sabat ng lalaking kaaway ni Blue. “Ang angas ng lalaking iyan.” Tumayo si Blue at mabilis na hinila siya palabas ng presinto. “Hoy, teka. Saan ka pupunta?” “Get in the car now, Cyan. Fast!” utos sa kanya ni Blue. Sa pagkataranta niya ay nagmamadali na nga siyang pumasok sa loob ng kotse. Samantalang naiwan naman si Blue. At kitang-kita niya kung paano nito sinuntok ang dalawang pulis na humabol sa kanila. Sa isang iglap ay nasa tabi na niya si Blue at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. “Fasten your seatbelt, Cyan,” sulyap sa kanya ni Blue. Natatarantang ikinabit niya ang seatbelt niya. Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize kung ano ang nangyayari. Tumakas lang naman sila mula sa pulis. Napasulyap siya sa side mirror at kinakabahang bumaling kay Blue. “Sinusundan nila tayo, Blue!” “I know,” nagtatagis ang mga bagang na wika ng lalaki. Napasinghap siya. “Bakit ba kasi bigla mo'ng naisip na tumakas, Blue?” sikmat niya sa lalaki. “Pumayag akong sumama tayo sa presinto dahil ayoko ng g**o. Pero hindi naman ako papayag na bastusin ka nila.” Napahigpit ang hawak nito sa manibela habang nagngangalit ang mga ngipin. It was the first she had seen him with that expression in his face. Parang anumang oras ay handa ito makipagsuntukan. “Pero mas lalong malaking g**o ang pinapasok natin ngayon!” This time ay nakasigaw na talaga siya. “No, Cyan. Mas malaking g**o kapag nanatili tayo roon. Baka makapatay ako ng tao.” Natigilan siya at napatingin kay Blue. Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng epekto sa kanya ng sinabi nito. Parang isang metrong tumalon ang puso niya. O baka naman dahil lang iyon sa mabilis na takbo ng kotse nito. “Hold on Cyan,” sambit ni Blue. Pagkatapos niyon ay napatili siya nang mas lalong bumilis ang takbo nila. “Gusto mo na bang mamatayo tayo Blue?” sigaw niya sa lalaki. Three hundred kph na yata ang takbo nila, eh! “Just hold on,” kalmado nang sambit ni Blue. “You're safe with me.” Napapikit na lang siya habang magkasalikop ang dalawa niyang kamay. She silently prayed that nothing bad happened to them at sana'y makatakas na sila mula sa patrol car na humahabol sa kanya. Nagawa lang niyang imulat ang mga mata nang maramdaman niya ang unti-unting pagbagal ng takbo nila, hanggang sa bumalik iyon sa normal. Sinulyapan niya agad ang side mirror. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala nang nakabuntot sa kanila. “Thank God,” usal niya sabay hawak sa ulo niya. Pakiramdam niya kasi ay lumipad ang utak niya. Tumingin siya kay Blue. “Paano na iyan?” nag-aalalang tanong niya. “Sigurado akong hahanapin pa rin tayo ng mga iyon.” “Don’t worry, ang abogado ko na ang bahala roon,” kaswal na sagot lang ni Blue. “Siguraduhin mo lang, ah,” paniniguro niya. Huminga siya ng malalim at sa dibdib naman napahawak. “Akala ko katapusan na natin iyon, ah.” “Hindi ko naman hahayaang may mangyaring masama sa iyo.” Hinawakan ng kanang kamay nito ang kaliwang kamay niya pagkatapos ay ngumiti sa kanya ang lalaki. Sa unang pagkakataon mula kanina, nasilayan niya ang ngiti ng lalaki. At muli iyong nagdulot ng matinding kabog sa puso niya. It made her heart jump automatically. At sigurado siya ngayong hindi na iyon dahil sa mabilis na pagpapatakbo ni Blue.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD