INISANG lagok ni Cyan ang lamang margarita ng basong hawak niya.
Nandito siya ngayon sa isang lounge bar kasama ang mga kaopisina niya. Tuwing Biyernes ng gabi ay nakasanayan na ng mga itong magbar hop. Ayaw nga niyang sumama at magstay na lang sa bahay pero pinilit siya ng mga ito. Napilitan na siya dahil birthday rin ng isa sa mga kaopisina nilang si Gael.
“Ang lakas mo yatang uminom ngayon, Cyan,” puna sa kanya ni Jana. Katabi niya ito sa couch.
“Wala naman,” tipid na sagot niya. “Libre, eh.” Sagot ng birthday celebrant ang lahat ng drinks.
“Okay lang iyan,” wika naman ni Marc. “Birthday naman ni Pareng Gael.” Inakbayan nito si Gael na katabi nito. “Let's all drink to his thiry first birth--”
“Pare naman, kailangang ipagsigawan pa ang edad?” putol ni Gael sa sinasabi ni Marc.
“Sensitive mo naman Gael,” pang-aalaska rito ni Nica. “Babae lang ang nagtatago ng edad.”
“Let's all drink na lang,” wika ni Marc sabay taas sa baso ng alak nito.
Sabay-sabay din nilang itinaas ang baso nila at ininom ang laman niyon.
“Hazel, dahan-dahan lang sa pag-inom ah. Baka sugurin tayo bigla ng asawa mo.”
Lahat silang nandito ngayon ay mga single pa. Tanging si Hazel lang ang kasama nila ngayon na kasal na.
Ngumiti lang si Hazel na kumakain ng sisig. “Ayos lang. Takot naman iyon sa'kin.”
Nagkanya-kanyang komento na ang mga kaopisina niya.
Siya naman ay sumandal lang sa couch habang kagat ang isang piraso ng lemon.
May dahilan siya kung bakit gusto niyang uminom. She was totally pissed off. Naiinis siya sa nangyari kanina. She couldn't believe the fact that Blue beated her. Natalo siya nito sa laban nila kanina. At kasabay niyon ang pagkatalo rin niya sa pustahan. Naalala pa niya ang sinabi sa kanya ni Blue matapos siya nitong talunin.
Paano ba iyan, liligawan kita whether you like it or not.
She silently gritted her teeth. Hindi siya makapaniwalang natalo siya. She did her best to win. Thrice to beat na nga siya. But heck, natalo pa rin siya ng kumag! Hindi niya akalaing ganoon pala kagaling maglaro ang lalaking iyon.
“Buti nakarating kayo Sir Blue.”
Marahas na bumaling siya sa bagong dating. It was really Blue. Naka-button up shirt lang ito at naka maong pants. Anak ng.. Bakit nandito ang lalaking ito?
“Happy birthday Gael,” bati ng lalaki kay Gael.
“Thank you Sir.”
“Sir, dito na kayo maupo.” Nagsalubong ang kilay niya nang tumayo si Nica sa tabi niya. “Doon na lang ako sa tabi ni Hazel.”
Naniningkit ang mga matang tiningnan niya si Nica. Pero ang lintik na kaibigan niya, nginitian lang siya.
Wala na siyang nagawa nang tabihan siya ni Blue. Umayos na lang siya ng upo at bahagyang umusog palayo rito.
“Hi Cyan,” bati sa kanya ng lalaki.
She slightly turned to him and greet him back. Mabilis din niyang inilihis ang tingin rito. Kung wala lang sila sa harap ng mga kaopisina niya, nunca na pansinin niya ito. Sariwa pa sa kanya ang masaklap na pagkatalo niya kanina.
“Sir, ano'ng gusto niyong inumin?” tanong rito ni Gael.
“Gin and tonic,” sagot nito. “And please drop the sir. Wala naman tayo sa office, eh. Just call me Blue.”
Hindi man siya nakatingin sa lalaki ay ramdam naman niya ang presensiya nito. Lalo pa't nanunuot sa ilong niya ang mabangong amoy nito. Kung alam lang niyang invited rin pala ang lalaking ito ay hindi na talaga siya sumama.
“Sir—este, Blue na nga lang pala, okay lang bang itanong kung may girlfriend ka na?” Si Hazel ang nagtanong.
Lahat ng officemate niya ay mukhang interesado sa isasagot ng katabi niya.
“Wala akong girlfriend pero may nililigawan ako.” Natigilan siya bigla sa sagot ng lalaki. Siya ba ang tinutukoy nitong nililigawan? Pero hindi naman siya pumayag, ah.
Nakalimutan mo na ba Cyan? Natalo ka sa pustahan!
“Eh, sino naman iyong nililigawan mo? Kilala ba namin?” tanong ni Gael.
“Ako, kilala ko!” excited na wika ni Nica sabay tingin ng makahulugan sa kanya.
Pinandilatan niya ang kaibigan pero hindi naman siya pinansin nito. Masasabunutan niya talaga si Nica mamaya. Kaninang umaga pa ito nang-aasar sa kanya.
“Talaga Nica. Sino?” Sa kaibigan niya bumaling ang mga kaopisina nila. “Officemate ba natin?”
Siya naman ay hindi na mapakali sa kanyang kinauupuan. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan na ewan. Nanlalamig nga ang mga kamay niya ngayon.
Ngumisi lang si Nica. “Si Blue na lang ang tanungin niyo. Nakakahiya naman kung ako pa ang magsabi.”
Matapos niyon ang kay Blue naman muling bumaling ang lahat. “Sino Sir? Sabihin niyo na.”
Ilang segundo ang lumipas bago na nagsalita ang lalaki. “This pretty lady beside me.”
Then he slowly turned to her, with a smile plastered on his face. Kasabay rin niyon ang pagtuon sa kanya ng lahat.
“Sabi na nga ba Cyan, eh,” wika ni Jana.
Inulan siya ng tuksuhan mula sa lahat. “Kaya pala gano'n na lang kung makatingin sa'yo si Sir Blue noong kasal ni Sir Brian.”
“Oo. May something pala.”
Naiinis na napapikit na lang siya. Sa isang iglap ay sa kanya na ang atensiyon ng lahat. And she all blame it to the guy beside her. Ang sarap sapakin nito. Kailangan pa ba talagang ipangalandakan sa lahat na nanliligaw ito sa kanya.
Pagmulat niya ng mga mata ay nakatunghay pa rin sa kanya ang lahat. “Masakit bang ulo mo Cyan?” tanong sa kanya ni Blue.
“I'm fine,” balewalang wika niya. Masakit ang ulo niya ngayon sa lahat ng sinabi nito.
“Uy, concern na concern,” panunudyo muli ni Nica.
“Pero, hindi nga Sir, nanliligaw ka talaga kay Cyan?”
Tumingin si Blue sa kanya pagkatapos ay sa mga kasamahan niya. “Yep. Okay lang naman sa inyo kung ligawan ko siya di ba?”
“Oo naman. Sino ba naman kami para kumontra?” pabirong sagot ni Marc.
Si Lena naman ang nagsalita. “Sayang, slight na crush pa naman kita Sir. Pero okay lang, mas bagay kayo ni Cyan.”
“Pero teka lang, pumayag naman kaya si Cyan na magpaligaw?” Si Gael ang nagtanong.
Binato ni Jana ng nachos si Gael. “Basag trip ka talaga. Siyempre naman, ba't hindi papayag si Cyan?”
“Eh, kasi alam mo naman si Cyan, lahat ng nanligaw d'yan, basted agad, di pa man nanliligaw,” wika ni Hazel.
Hindi niya alam kung saan siya titingin. Ang hirap talaga kapag nasa iyo ang tuon ng lahat.
“Ano Cyan, pinayagan mo bang manligaw itong si Sir?”
Huminga siya ng malalim. Ano bang sasabihin niya?
“She already allowed me to court her,” sambit ni Blue na muling nakapagpagulat sa kanya.
“Cyan, totoo?” pagkukumpira ni Jana.
Wala na siyang nagawa kundi tumango na lang. Damn! Naiinis siya sa sarili niya. Kung hindi sana siya pumayag sa kalokohang pustahan na iyon, hindi siya malalagay sa sitwasyong iyon. Mabuti sana kung pagkatapos ng gabing ito ay ayos na. Pero hindi, eh. Puso niya ang malalagay sa alanganing sitwasyon ngayon.
When she glanced at him, he was smiling sweetly at her. Kasasabi lang niya na malalagay sa alanganing sitwasyon ang puso niya. Heto na nga, nagsisimula na namang kumabog ang dibdib niya. Sa pagkabigla ay bigla niyang ininom ang baso ng alak sa harap niya. Baka sakaling kumalma ang dibdib niya. Pero sa halip na tumahimik ay lalo yatang nagwala ang puso niya.
Bago pa tuluyang lumala ang pagririgodon sa dibdib niya ay tumayo na siya. “Excuse me.” Dumiretso siya sa ladies room at humarap sa salamin. Ilang minuto siyang nagtagal roon para kalmahin ang sarili. Kapagkuwan ay nagpasya na rin siyang lumabas. Subalit nakakailang hakbang pa lang siya nang makaramdam siya ng bahagyang pagkahilo. Nakakatatlong shots pa lang naman siya ng margarita, nahilo na agad siya?
Nabigla siya nang maabutan niya si Blue sa labas ng ladies room.
“Are you okay Cyan?” nag-aalalang tanong nito. Lumapit ito sa kanya at akmang aalalayan siya. Para bang alam nito na nahihilo siya.
“Ayos lang ako.” Bahagya siyang lumayo rito. Sa ginawa niyang iyon ay muntik na siyang matumba. Mabuti na lang at inalalayan siya ng lalaki.
Hindi na siya pumalag dahil umiikot na ang paningin niya. Pati sikmura niya, parang babaligtad na rin. Before she knew what's happening, everything on her went blank.
SAPO ni Cyan ang ulo niya pagbangon kinabukasan. Ilang sandali rin niyang inisip ang nangyari kagabi bago niya tuluyang maalala ang lahat. Nawalan siya ng malay habang inaalalayan ni Blue. Mariing ipinikit niya ang mga mata. Ano ba kasing meron sa margarita na iyon at nalasing siya ng gan'on. Mabuti sana kung hard drink iyon, eh, hindi naman.
Haist..Nagbuga na lang siya ng hininga at dumiretso sa banyo. Matapos niyang makapag-ayos para sa trabaho ay bumaba na siya. Naabutan niyang kumakain ng breakfast ang ate Darlene niya.
“Papasok ka ngayon?” tanong nito sa kanya.
Tumango siya at naupo sa bakanteng silya pagkatapos magtimpla ng kape. “Wala naman akong hangover. Ewan ko ba kung ano ang nangyari sa'kin kagabi at nalasing ako.”
“Ang sabi kasi ni Blue, huwag daw kita papasukin kung masakit pa rin ang ulo mo.”
Muntik na niyang mailuwa ang iniinom na kape. “Blue? Paano mo nakilala at nakiusap sa Blue, ate?”
Ngumiti ito. “Siya kaya ang naghatid sa'yo kagabi.”
Her lips parted in awe. “Si Blue? Hindi si Nica o kaya si Jana?”
Uminom ito ng tubig. “Si Blue nga. At hindi mo sinabi na nanliligaw pala siya sa iyo.”
This time ay napaso na ang dila niya sa biglaang paghigop ng kape. “N-nakausap mo siya, ate?”
Nakangiting tumango ito. “Oo. Kami ni ate France.”
Huminga siya malalim. Umagang-umaga, ito na agad na tatambad sa kanya? “A-anong eksaktong sabi niya, ate?”
Tila umakto itong nag-iisip. “And dami, eh. Isa-isahin ko pa ba? Ang dami kasing itinanong ni ate France.” Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “We're happy to know na nag-eentertain ka na ng lalaki ngayon.”
Bumuntong-hininga siya. “Hindi ko naman gustong ligawan ako ng lalaking iyon, eh. Masyado lang siyang mapilit. Nakakaasar nga, eh.”
Kumunot ang noo ng kapatid niya. “Bakit naman ayaw mo? Napansin ko naman na okay si Blue, ah. Nang kausapin namin siya ni ate kagabi, alam kong sincere siya sa iyo. At mukhang determinado talaga. Guwapong-guwapo pa.”
Aware naman siya ro'n, eh. Blue is the type of guy that a woman is looking for. “Alam ko, ate. Siya iyong tipo ng lalaki na wala ka ng hahanapin. Kahit na—”
“Iyon naman pala, eh,” putol nito sa kanya. “Eh, bakit ayaw mong ligawan ka?”
She sighed again. “Hindi naman kasi ako naghahanap ng lalaki.”
“Hindi ka naghahanap ng lalaki o natatakot kang makahanap ng lalaking magpapaibig sa'yo?”
She was caught off guard by her question. Tiningnan niya lang ang kapatid at mapait na ngumiti. “Ayoko lang dumating sa punto na magmamahal ako tapos masasaktan na naman ako.”
“Alam ko naman Cyan,” sagot nito. “Pero kapag hinayaan mo lang ang sarili mong ganyan, hindi ka magiging masaya. Mabubuhay ka lang na puro takot ang nasa dibdib mo.”
“Pero, ate, hindi naman basta gano'n kadali iyon..Kapag nagmahal ako, darating sa point ng kasal..Paano kung sa araw na iyon mangyari na naman—”
“Stop it Cyan,” mahinahong saway nito sa kanya. “Puwede bang alisin mo na sa isip mo iyan. It will never happen again.” Tumayo ito at nagpaalam nang marinig ang tunog ng doorbell. Pagbalik nito ay may dala na itong bulaklak.
“Para sa iyo,” nakangiting wika nito sabay abot nito sa kanya. “Padala ng manliligaw mo.”
Kinuha niya iyon at binasa ang note. Good morning Cyan..Huwag ka ng pumasok kung hindi ka pa okay.
Bumaling siya sa kapatid at nakita niya ang malapad na ngiti nito. Parang ito pa ang kinikilig sa kanya. “Ang sweet pa niya. Basta, kami ni ate France, boto sa lalaking iyan. At tandaan mo rin, may mga bagay na worth the risk. At kadalasan, iyon mga bagay na iyon, kapag hindi mo pinagdesisyunan agad, nakakapagsisi sa huli.”
Nakatitig lang siya sa mga bulaklak hanggang sa ilapag niya iyon sa kitchen counter. “Ikaw na lang ang maglagay sa vase nito. Ate, I'll go now.”
Habang nasa daan siya ay iniisip niya ang sinabi ng ate niya. At kung hanggang kailan niya magagawang umiwas. Lalo na ngayong hayagan na ang panliligaw sa kanya ni Blue.
“Akala ko, hindi ka papasok ngayon, Cyan,” bati sa kanya ni Nica pagdating niya sa office.
Pinaningkitan niya ito ng mata. “Bakit hindi ikaw ang naghatid sa'kin kagabi?”
Ngumiti ito. “Eh, nag-insist si Sir Blue.”
Iningusan niya ito. “Natatandaan ko iyong sinabi mo kagabi. Pahamak ka talaga.”
“Hayaan mo na iyon. Talaga namang nanliligaw sa'yo si Sir Blue, eh.”
She just exhaled frustratedly. At ngayon, buong department nila ay tiyak na alam na iyon.
“O heto na pala si Sir. Hi Sir. Good morning.”
“Good morning,” narinig niya ang boses ng lalaki mula sa likuran niya. Huminto si Blue pagtapat sa kanila ni Nica. Ang kaibigan naman niya ay mabilis na umalis. “Good morning Cyan. Maayos na bang pakiramdam mo?” tanong sa kanya ng lalaki.
Bahagya siyang tumango. “Thank you sa paghatid kagabi.”
Malapad na ngumiti lang ito. “Wala iyon. Basta next time, i-check mo na lang ang basong iinuman mo. Hard pa naman iyong laman n'on.”
Kumunot ang noo niya. “S-sa'yo iyong ininom ko kagabi?”
Tumango ito. Gusto niyang sabunutan ang sarili niya. Kaya naman pala nalasing siya. At nakakahiya dahil pangalawang beses ng nangyari iyon. Baka kung ano na ang isipin nito. Kinagat niya ang labi at nag-iwas ng tingin. “Ah, sige Sir, ang dami ko pang gagawin, eh.”
Inabot nito sa kanya ang hawak na kape. “Just take this. May pupuntahan din akong meeting ngayon, eh.”
Atubiling tinanggap niya ang kape. Akala niya aalis na ito pero sa halip ay humakbang ito palapit sa kanya. Napaatras naman siya. Humawak siya sa upuan niya.
Unti-unti na siyang kinabahan nang lumapit ito sa kanya at bumulong. “I don't believe in indirect kissing. So if you want to kiss me, kiss me directly in the lips.” Lumayo ito at ngumiti. “But not now. Maybe later.” Iyon lang at tinalikuran siya ng lalaki.