INIHANDA na ni Cyan ang sarili niya kinabukasan pagpasok sa opisina. Sigurado siyang tatadtarin siya ng mga taong ni Nica at Jana tungkol sa kanila ni Sir Blue. Kagabi kasi ay nagmadali siyang umuwi upang iwasan ang dalawang iyon.
“Ang daya mo Cyan.” Iyon agad ang bungad sa kanya ni Nica. “Kaya pala hindi ka sumabay sa'min ni Jana. Si Sir Blue pala ang kasabay mo. Naglihim ka pa.”
Sumulyap siya sa cubicle ni Jana. Mabuti at wala pa ang isang iyon. Isa pang intrigera ang babaeng iyon. She turned to Nica. “Huwag mo'ng gawing big deal iyon,” balewalang sambit niya. Naupo siya sa office chair niya at binuksan ang computer niya.
“Eh, bakit nga kayo sabay mag-lunch?” pangungulit nito. “Siguro, nanliligaw siya sa'yo no?”
“Tumigil ka nga Nica,” sikmat niya rito. “Nagmagandang loob lang siya dahil alam niyang hindi pa ako kumakain,” wika na lang niya. Siguradong kapag ikunuwento niya pa rito ang lahat ay lalo siyang iintrigahin ni Nica. At iyon ang iniiwasan niya.
“I don't believe you,” puno ng pagdududang wika nito. “I can sense there's something behind it.”
Nagbuga siya ng hininga. “Wala nga Nica. Masyado ka lang malisyosa mag-isip.”
Nagkibit-balikat ito. “Sige. Bahala ka mag-deny d'yan. Malalaman ko rin naman iyan.”
Bumuntong-hininga na lang siya at nagsimula nang magtrabaho. Subalit ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay may nang-istorbo na naman sa kanya.
“Ma'am Cyan.”
Nilingon niya ang janitor nila na si Mang Art. Agad na nakuha ng atensiyon niya ang isang bouquet ng pink roses na hawak nito.
“May nagpapabigay raw po sa inyo.” Inabot nito ang bulaklak sa kanya.
Kumunot ang noo niya. “Sigurado ka bang sa'kin iyan Mang Art?”
Nagkamot ito ng ulo. “Ang sabi ng delivery boy na nagbigay, Cyan Domingo. Ikaw lang naman ang Cyan sa buong opisina, eh.”
Tinanggap niya ang bulaklak. “Sige po. Salamat.”
Nanatili lang siyang nakatitig sa hawak niyang bulaklak. Nakalimutan niya palang itanong kung kanino galing iyon? Kay Sir Blue na naman kaya? Pero hindi ba't okay na sila? Bakit pa ito magpapadala ng bulaklak sa kanya.
“Iyan ba ang sinasabi mong nagmamagandang loob lang? May kasama pang bulaklak?”
Marahas na bumaling siya kay Nica. Hindi na napansing nakatunghay na pala ito sa kanya.
“Hindi ito galing sa kanya,” pagkakaila naman niya kahit hindi naman siya sigurado.
Nanunuksong tiningnan siya nito. “Sige nga. Basahin mo nga iyong note,” paghahamon nito. Itinuro nito ang card na nasa loob ng bouquet.
Kinuha niya ang card at binasa iyon. Muntik na siyang mapasinghap ng mabasa ang laman niyon.
Roses are Red, Cyan is for Blue. Miss Domingo, can I court you?
“I knew it,” pasinghap na wika ni Nica. “Sabi ko na nga ba, gusto ka ni Sir Blue, eh.”
“Stop it Nica,” mabilis na saway niya sa kaibigan. Ibinaba niya ang bulaklak sa table niya at nagbuga ng hininga. “Ano naman kayang trip ang gusto ng lalaking iyon?”
“Ano'ng trip? Obvious na nanliligaw nga 'di ba? Nabasa mo naman.”
Nagsalubong lang ang kilay niya. Gusto nitong manligaw sa kanya? Bakit?
Ang mabuti pa ay puntahan na lang niya ito sa office nito. “Marc, nandito na kaya si Sir sa loob?” tanong niya sa officemate niya na pinakamalapit sa opisina ni Blue.
“Oo. Maaga iyon dumating kanina.”
Nagpasalamat siya at dumiretso sa tapat ng pinto ng opisina nito. Kumatok muna siya at hinintay ang sagot nito. Nakakailang katok na siya pero wala pa rin siyang naririnig na tugon mula rito. Pinihit na niya ang seradura at binuksan ang pinto.
Bumalik ang pagsasalubong ng kilay niya sa nadatnan. Blue was sitting comfortably in his swivel chair. Nakasalpak ang headset sa magkabilang tainga nito habang naglalaro ito ng portable play station.
Bahagya pang nagulat ang lalaki nang pag-angat nito ng tingin. “Cyan?” Mabilis naman itong nakabawi at ngumiti. Ibinaba nito ang hawak na PSP at tinanggal ang headset sa tainga nito.
“Have a seat, Cyan.”
Humakbang siya at umupo sa visitor's chair. Umangat ang kilay niya ng makita kung ano ang nasa screen ng PSP nito.
Sa oras ng trabaho, nahuli niya itong prenteng nakaupo lang at naglalaro. Biglang pumasok sa isip niya na ni hindi nga pala nila alam kung ano ang background ng lalaking ito. Basta pumalit na lang ito sa puwesto ni Sir Brian without telling them kung may kakayahan ba itong hawakan ang posisyong iyon.
Stop it Cyan, saway niya sa sarili. Just get straight to the point.
“What made you came here?” nakangiting tanong nito sa kanya.
Bahagya siyang nag-iwas ng tingin. Palagi na lang itong nakangiti sa kanya. Humugot siya ng hininga. “Bakit niyo ako pinadalhan ng bulaklak Sir?”
“Drop the Sir,” sa halip ay wika nito. “Call me Blue. And about the flowers, hindi mo ba nagustuhan?”
Hindi niya alam kung maiinis ba siya o ano. She was asking him directly pero lintik lang naman ang sagot nito sa kanya. “It doesn't matter kung nagustuhan ko o hindi. Ang gusto kong malaman bakit mo ako binigyan ng gan'on?”
“Hindi mo ba nabasa iyong card?” anito. “I'm asking you permission if I could court you.”
Napaawang ang mga labi niya. “Ano ba Sir Blue? I thought were okay. Ano iyang sinasabi mo ngayon?”
Humalukipkip ito at nakipagtitigan sa kanya. “Hindi ba ako puwedeng manligaw sa'yo?”
Napatingin na lang din siya rito. He looked so serious. Kung ganoon ay totoo nga ang sinabi nito.
“I want to court you,” tila determinadong wika nito sa kanya. “Sa simbahan pa lang, gusto na kitang ligawan right there and then. Pero may pumigil sa'kin. Ang akala ko may pagtingin ka sa pinsan ko. Pero wala naman pala. Nagkamali lang pala ako.” He smiled sweetly at her. “Wala ka namang boyfriend. Puwede naman siguro akong manligaw niyan?”
She was totally taken aback. Hindi niya alam kung saan siya napatulala. Sa magandang ngiti ba nito o sa mga sinabi nito? Ilang segundo pa ang nakalipas bago siya muling makahuma. “Hindi ka puwedeng manligaw.” Iyon ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
“Why?” nakaangat ang kilay na taong nito. “Hindi ba ako pasado sa'yo? Guwapo naman ako, ah. Mabait, responsable, may bank account.”
She rolled her eyes in irritation. Bumabalik na naman ang kayabangan ng lalaking ito.
“Basta, hindi pwede,” mariing wika niya.
Sumeryoso ito at tila nang-aarok na tiningnan siya. “Why... do you still love your ex-fiancé?”
She frowned. Bakit biglang nasali si Michael sa usapan. “It's none of your business.”
“It's my business Cyan... I'm planning to court you, and I just want to know if you still love the guy.”
Hindi siya sumagot sa sinabi nito. Alam niyang matagal na siyang naka move on kay Michael. Pero wala siyang balak aminin iyon sa sa harap nito.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Silence means yes. So I guess mahal mo pa rin siya.”
“Tama ka,” pag-sang ayon na lang niya rito. “Kaya hindi mo ako puwedeng ligawan.”
Muli itong ngumiti sa kanya. “Who says? Hindi naman por que nalaman ko na mahal mo pa rin ang ex mo, hindi ko na itutuloy ang balak ko. Inalam ko lang talaga iyon para alam ako kung paano ako didiskarte.”
Ano raw? Darn! Muntik ng malaglag ang panga niya roon, ah. Pero ang tigas din naman ng lalaking ito. “Eh, basta hindi pa rin ako papayag na manligaw ka,” pagmamatigas niya. “Hinding-hindi. Itaga mo pa d'yan sa PSP mo.”
Kinuha nito ang PSP at iniharap sa kanya. “Do you know this game?”
Naguluhan siya sa biglang pag-iba nito ng usapan. Pero sumagot pa rin siya. “Oo naman.” Mahilig din siya sa online game dati. Lalo na noong college. At paborito niya ang larong iyon.
“Let's have a match. Ano sa tingin mo?”
Tinaasan niya lang ito ng kilay. “Hinahamon mo ba ako?”
“If you win, hindi na ako manliligaw sa'yo. At pag ako ang nanalo, wala ka ng magagawa kapag manligaw ako sa'yo.”
Napaisip siya bigla. She was a hustler when it cames to gaming. Lahat ng mga nakakalaban niyang kaklase ay natatalo niya. But that was before. Ilang taon na rin siyang hindi nakakapaglaro. At isa pa, parang lugi yata siya rito. Ni hindi nga niya alam ang kakayahan nito.
Naglabas ito ng isa pang PSP at inabot sa kanya. “I'm giving you an advantage of thrice to beat.”
Matapos marinig iyon ay kinuha niya ang PSP. “Deal.” She looked at him and smirked. Sigurado siyang mananalo siya.