AWTOMATIKONG nagsalubong ang kilay ni Cyan nang madatnan ang kanyang cubicle. Sa table niya ay may nakapatong na isang cup ng kape at isang piraso ng white rose. Kinuha niya ang maliit na note na nakadikit sa kape.
Sorry?
Halos mag-isang linya na ang kilay niya. Sino naman kaya ang magbibigay sa kanya niyon? Wala naman siyang nakakaalitan sa opisina para may humingi ng tawad sa kanya. Hindi kaya si Blue?
“Good morning, Sir.”
Napaangat siya ng tingin. Kadarating lang ng bago nilang boss. Naglalakad ito habang isa-isang binabati ang mga kasamahan niya. Nang tumapat sa kanya ay huminto si Brian. “Good morning Cyan,” nakangiting bati nito sa kanya.
Bahagyang tinanguan lang niya ito. “Good morning Sir.”
Kinuha niya ang white rose at itinapon sa basurahan. Sinadya niyang ipakita iyon sa lalaki. Kung ito ang nagbigay sa kanya niyon, tiyak na mag-rereact ito.
And he did. Tiningnan nito ang basurahan niya. “Dapat pala walang basurahan dito..” Sa kanya naman ito pumaling at ngumiti. “Or I'll just give you flowers na hindi kasya sa basurahan.” Iyon lang at dire-diretso na itong naglakad patungo sa opisina nito.
Naiwan siyang nakaawang ang mga labi. Kung gano'n ay ito nga ang nagbigay sa kanya niyon. Pero bakit? May alam na ba ito sa nakaraan niya?
“Cyan, dumating na ba si Sir? Shucks, I'm late!” Bumaling siya kay Nica na humahangos na naupo sa puwesto nito. “Ano Cyan? Did he arrive already?”
Tumango lang siya kay Nica. “Magkape ka muna.” Ibinigay niya rito ang kapeng nakapatong sa table niya.
“What happened to you?” tila nagulat na tanong nito. “Bakit namimigay ka ng kape.”
“Wala,” balewalang sagot niya. “Kukuha na lang ako ng sa'kin.” Mabilis na tumayo siya at dumiretso sa coffee area. Pagbalik niya dala ang kape niya ay nagsimula na siyang magtrabaho. Mabuti na lang at hindi na siya kinulit ni Nica dahil abala na rin ito.
Pinilit niyang ituon ang sarili sa screen ng kanyang computer pero bakit walang pumapasok na utak niya. Parang wala siya sa focus magtrabaho. Ang hirap aminin pero pre-occupied ang isip niya sa mayabang na lalaking boss nila.
“Cyan.”
She turned to Nica. “Uhm, bakit?”
“Ano'ng bakit? Wala kang balak mag-lunch?”
Sumulyap siya sa suot na relo. Nagulat pa siya nang malamang lunch time na pala. Ni wala pa nga siyang nasisimulan sa trabaho niya. Hindi niya namalayang ilang oras pala ang nakalipas na nakipagtitigan lang siya sa computer screen niya.
“Tara na, nagugutom na ako, eh.” It was Janna. Nakatayo ito sa tabi ni Nica.
Humigop siya ng kape. Napangiwi siya. Pati itong kape niya, malamig na rin. “Uhm, mauna na kayo. Tatapusin ko lang ito.”
Nilapitan siya ni Jana at tiningnan ang computer niya. “Ano'ng tatapusin, eh, hindi ka pa nga nangangalhati?”
Sumandal lang siya sa office chair niya at nagbuga ng hininga. “Basta, wala ako sa mood kumain ngayon, eh. Magpapadeliver na lang ako mamaya.”
“O sige na nga. Mauna na kami,” wika ni Nica. “Sunod ka na lang pag bigla kang nagutom.”
Nang umalis ang dalawa ay nagpunta muna siya sa restroom. Paglabas niya ay nakasalubong niya ang isa niyang officemate na si Gian.
“Cyan. Hinahanap ka pala ni Sir Blue. Pumunta ka raw sa office niya.”
Natigilan siya. “Ako? Bakit daw?”
Nagkibit-balikat ito. “Hindi ko rin alam, eh.”
Huminga siya ng malalim at nagtungo sa opisina ni Blue. Kumatok muna siya bago pumasok. Nadatnan niya ang lalaki nakaupo sa swivel chair nito. Sa executive table nito ay nakapatong ang mga pagkaing mukhang ipinadeliver nito.
“Bakit po, Sir?” pormal na tanong niya rito.
Tumayo ang lalaki at mataman siyang tiningnan. “I'm sorry Cyan.” Bumuntong-hininga ito. “Humihingi ako ng tawad sa lahat ng maling sinabi ko sa iyo.”
She smirked. “Ano ba'ng mali mong nagawa Sir?” Of course, alam na niya ang tinutukoy nito. Gusto lang niyang marinig mismo sa bibig nito ang pagkakamali nito.
Seryosong nakatingin ito sa kanya. “Sorry for what I've said. Ipinagdiinan kong may gusto kay Brian. Masyado pa akong confident, ako naman pala ang mali. Sorry, Cyan.”
Mataman siyang nakatingin sa lalaki. He looked sincere. At sa totoo lang, hindi siya makapaniwalang ganito kaseryoso ang lalaking ito sa paghingi ng tawad sa kanya. Tumiklop yata ang kayabangan nito ngayon.
“Okay lang Sir,” balewalang wika niya. “Ikaw naman ang napahiya, hindi ako.” Mukhang seryoso naman ang lalaking ito sa paghingi ng tawad, at isa pa, he is her boss now. Kailangan din naman niya itong pakisamahan sa loob ng isang buwan.
“Yeah,” nangingiting sagot nito. “Ako nga ang napahiya.” Naupo ito sa ibabaw ng desk nito. “Hindi ko naman kasi alam na kaya ka pala gan'on dahil—”
“Huwag mo ng ituloy Sir,” padidismiss niya rito. “Okay na sa'kin ang lahat basta huwag mo ng banggitin ang bagay na iyon.” Handa na rin siya patawarin ang lalaki sa paghalik nito sa kanya.
Nagkibit-balikat ito. “Kung iyon ang gusto mo.”
Nakaramdam siya ng relief. Iyon naman pala. Okay naman pala ang lalaking ito basta huwag lang magyayabang.
“Excuse me,” anang lalaki. Pumunta ito sa pinto ng opisina upang pagbuksan ang kumatok. Pagbalik ni Blue sa desk nito ay may dala na itong plastic bag ng isang restaurant.
“Let's eat. Alam kong hindi ka pa nagla-lunch.”
Napaawang ang mga labi niya. Ba't ang dami yata nitong alam? “Uhm, hindi Sir. Kina Nica ako sasabay sa lunch.”
“No,” sagot nito. “Sa'kin ka na sumabay. You wouldn't mind sharing lunch with me, would you?” Blue turned to her and smile widely.
“H-hindi naman sa ganoon, Sir..Kaya lang.” Bakit bigla yata siyang nakaramdam ng kakaiba. It was as if her heart skipped a beat when he smiled that way. Shucks. Bakit ganoon?
“Iyon naman pala, eh,” nakangiting wika nito. “So, let's eat?”
Huminga siya ng malalim at pilit pinakalma ang sistema. She forced a smile. “Sige na nga.”
“ANG bait ni Sir Blue. Guwapo pa. Magpinsan nga talaga sila ni Sir Brian.”
Napatingin lang si Cyan kay Nica at Jana. Nandito sila sa restaurant malapit sa opisina nila. Sa buong durasyon yata ng pagkain nila ng hapunan ay ang bagong boss nila ang pinag-uusapan ng dalawang ito.
“Tama na nga iyan,” saway niya sa mga ito. “Maawa naman kayo sa tao. Hindi niyo man lang lubayan.”
Sabay na binalingan siya ng dalawa.
“Uy, concern ka kay Sir Blue?” nanunuksong wika sa kanya ni Jana.
“Hindi, ah,” mabilis na sagot niya. “Sinabi ko lang dahil naririndi ako sa inyong dalawa.”
“Defensive naman masyado,” nangingiting wika ni Nica.
Napailing na lang siya at muling ipinagpatuloy ang pagkain.
“Pero alam mo Cyan, bagay kayo ni Sir Blue.”
Napahinto siya pagnguya nang muling magsalita si Jana.
“Imagine, pangalan niyo pa lang, tugma na. Cyan and Blue. Parang match made in heaven ang dating. Meant to be.” Ngumiti ito sa kanya. “Napansin ko rin, may chemistry kayong dalawa, lalo na noong halikan ka niya noong kasal ni Sir Brian. Kinilig ako roon.”
Uminom siya ng iced tea. “Puwede ba Jana, huwag mo kaming intrigahin.” Umakto siyang tila naaalibadbaran sa sinabi nito.
“Jana's right,” sabad naman ni Nica sabay tingin sa kanya. “Huwag mo'ng sabihing hindi ka naguguwapuhan sa kanya?”
“Guwapo talaga siya,” kaswal na wika niya. Masyado naman siyang ipokrita kung itatanggi niya iyon.
Sabay na ngumiti pa ang dalawa.
“See?” ani Nica. “Aminado ka rin. Dispensa sa kaluluwa ni Michael dahil sasabihin ko ring mas guwapo si Sir Blue sa kanya.”
Pinanlakihan niya ng mga mata ang kaibigan. Tama ba namang sabihin pa nito iyon. At sa mismong harap pa ng pagkain. “Nica naman.”
“Hindi naman siguro magagalit iyong kaluluwa sa'kin ni Michael,” tila balewala lang na wika ni Nica. “Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Guwapo iyong ex-fiance mo. Pero iba kasi iyong dating ng kaguwapuhan ni Sir Blue.”
“Hindi lang kasi siya basta guwapo.” Si Jana naman ang nagsalita. Kanina pa talaga nagkakaisa ang dalawang ito. “Alam mo iyong tipong kapag titingnan mo siya, lalo siyang gumuguwapo sa paningin mo. Kapag ngumiti siya, mapapatulala ka na lang bigla.”
Napailing na lang siya at bumuntong-hininga. “Bahala na nga kayo diyan.”
“Hi, ladies!”
Sabay-sabay na nag-angat sila ng tingin. Natunghayan nila si Sir Blue sa tapat ng table.
“Uhm, hi Sir...” bati ni Jana rito.
“Mind if I join you?” nakangiting tanong ng lalaki sa kanila. Isa-isa sila nitong tiningnan subalit nagtagal ang mga mata ng lalaki sa kanya. “Hi, Cyan.”
Tipid na nginitian niya ito. “Hello, sir.”
“Oo naman sir. You're free to join us,” magiliw na sagot ni Nica.
Naupo ang lalaki sa tapat mismo niya. Tinawag nito ang waiter at umorder. Bumaling ito sa kanilang tatlo. “What would you like to have?”
“'Wag na Sir, busog na rin kami.” tanggi ni Jana.
“Are you sure? Don't worry my treat.”
“Ayoko talagang tumanggi sa'yo Sir, kaya lang masisira na ang diet ko niyan.” may halong pagbibirong sambit ni Nica.
Siya naman ang binalingan nito. “What about you Cyan? May gusto ka pang kainin?”
Sumulyap siya sa hindi pa niya nauubos na pagkain. “Thank you Sir. Pero okay na ito.”
Matapos niyon ay pinaalis na nito ang waiter dala ang order nito.
“Saan kayo nagpunta, Sir? Bakit mukhang maghapon yata kayong busy?” tanong ni Jana.
“May inasikaso lang ako,” kaswal na sagot ni Blue. “And you can drop the 'sir'? Blue na lang ang itawag niyo sa'kin.”
Uminom siya ng iced tea. Hindi siya komportable sa biglang pagsulpot ng lalaki. Lalo na't ito pa ang topic nila kanina. Imagine na lang kung narinig nito ang pinagsasabi ng dalawa niyang kasama kanina.
“Mahilig ka pala sa seafood, Cyan,” wika ng lalaki habang nakatingin sa plato niya.
“Yeah,” tipid na sagot niya. Tumingin siya rito at bahagyang ngumiti. Bakit ganoon? Nagkausap na sila kahapon at wala na sa kanya ang mga sinabi nito. Nalaman niyang maayos naman pala ito. In fact, gusto niya itong pakisamahan ng maayos bilang bagong boss nila. Pero bakit ganoon? Bakit nakakaramdam siya ng pagkailang at pagkaasiwa sa harap nito.
Pasimpleng tiningnan niya ang lalaki habang kinakausap ito ni Jana. He was really handsome. She hate to admit but Nica was right. The guy in front her is way more handsome than Michael.
Blue suddenly turned to him and smile at her. Darn! Biglang lumakas ang t***k ng puso niya. Ano nga iyong sabi kanina ni Jana? Nakakatulala ang ngiti ng lalaking ito? Heck, iyon kasi ang eksaktong nararamdaman niya ngayon.
“Are you okay Cyan?” untag sa kanya ng lalaki.
Bigla siyang natauhan. “Yeah. I'm fine.” Kinuha niya ang baso ng tubig sa harap niya at ininom iyon.
“Cyan.” Sabay na untag sa kanya ng dalawa niyang kaibigan.
“What?”
Sumulyap si Nica sa basong hawak pa rin niya. “Aah... Baso iyan ni Sir Blue.”
Nanlaki ang mga mata niyang bumaling sa lalaki.
Tila naaliw na ngumiti lang ito sa kanya. “Don't worry. Wala naman akong sakit.”
Napamura siya sa isip. Gusto niyang ipukpok ang baso sa ulo niya. Nakakahiya..
“Bakit kasi wala ka sa sarili, Cyan?” tanong sa kanya ni Nica. Nakangisi ito sa kanya.
Narinig naman niya ang palatak ni Jana. “Dapat kasi hindi ka nagpapagutom. Side effect iyan ng hindi mo pagkain kahapon.”
“Kumain ako ng lunch kahapon, ah.” depensa niya kay Jana.
Kumunot ang noo nito. “Saan? Hindi ka naman nagpa-deliver ah.”
Huli na para ma-realize niya ang sinabi niya. Hindi naman niya puwedeng aminin sa dalawang ito na si Sir Blue ang kasabay niya kahapon.
Alanganing ngumiti na lang siya. “Yeah. Hindi nga pala ako—”
“Akong kasabay niyang mag-lunch kahapon..” sansala ni Blue sa kanya.
Nanlalaki ang mga matang nagpalipat-lipat ang tingin nina Nica at Jana sa kanila ng lalaki.
“Sabay kayong nag-lunch?”
“Hindi.”
“Oo.”
Sabay pa silang sumagot ni Blue.
Pinukol siya ng tingin ni Nica. “Ano bang totoo, Cyan?”
She bit her lower lip. She was about to answer when Blue butt in. “I invited her to eat with me in my office. That's all.”
“Yeah. Iyon lang iyon,” sang-ayon niya. “Excuse me. I'll just go to the restroom.”