Three

3227 Words
CHAPTER THREE NAKAUPO si Cyan sa dalampasigan habang tahimik na pinagmamasdan ang dagat. Habang ang lahat ng mga tao ay patuloy na nagkakasiyahan sa loob ng hotel, nagpaalam siya kay Nica na lalabas muna. Sa paglalakad niya ay dito siya napadpad sa dulong bahagi ng resort. Lumanghap siya ng sariwang hangin. Mag-isa lamang siya rito ngayon. Bukod sa dulong bahagi na yata ito ng resort ay ang abala ang lahat ng tao sa loob ng hotel. Napatingin niya sa cell phone niyang tumunog. Si Nica ang nagtext. Tiyak na hinahanap na siya nito. Pero wala siyang balak bumalik sa loob ng hotel. Mas gusto muna niyang mapag-isa ngayon.. Hindi naman siya nagsisisi na pumunta siya sa okasyong ito. At least, napatunayan niya sa sarili niyang kaya na niyang hindi na siya ganoon kaapektado sa nakaraan. And she was truly happy for the newly weds. Pero may isang banda pa rin sa puso niya ang nakararamdam ng sakit at kirot. Lalo na habang pinagmamasdan niya ang mga bagong kasal. Kung gaano kasaya ang mga ito. She couldn't help to feel envious. Naiingit siya sa mga nakikita at nasasaksihan. Malalim na bumuntong-hininga siya. Iyon ang dahilan kung bakit siya umalis palabas ng hotel. Habang tumatagal, ay para siyang nasusufocate sa mga eksena roon.. At isa pa rin palang dahilan ng pag-alis niya ay dahil sa nangyaring eksena sa pagitan nila ng Blue na iyon. Bigla siyang nakaramdam ng matinding iritasyon sa lalaki sa ginawa nitong walang habas na paghalik sa kanya. Ang kapal ng mukha! Hindi naman niya aakalaing tototohanin nga nito ang inuudyok ng mga tao roon. Balewala pang ngumiti sa kanya ang lalaki pagkatapos ng ginawa nito. Na para bang normal na gawain lang para rito ang manghalik.. Oo nga at aminado siyang guwapo ang Blue na iyon. Pero lintik..masyado namang sumobra ang kayabangan nito sa kaguwapuhan nito. “Ang sarap naman ng hangin dito.” Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya sa nagsalita. Lumingon siya at nakita niyang papalapit sa kanya ang lalaking kinaiinisan niya. “What are you doing here?” walang emosyong tanong niya rito. Tumayo siya at ipinagpag ang laylayan ng dress niya. There was a smug smile on the guy's face. “As far as I remembered, our family owns this resort. At ayos lang naman siguro kung saan ako magpunta.” Napataas ang isang kilay niya. Isa lang ang itinanong niya pero ang haba na ng isinagot nito. Kinuha niya ang hinubad na stiletto sa buhanginan at nakaismid na tiningnan lang ito bago nagpasyang umalis. Nawala na siya sa mood ngayong may dumating na panggulo. “Ba't aalis ka? I'm not asking you to leave,” pigil sa kanya ng lalaki. Humugot lang siya ng hininga. “Babalik na ako sa loob.” Hangga't maaari ay ayaw niyang makipagtalo sa lalaking ito. Kahit unti-unting nadaragdagan ang pagkayamot niya. Napailing sa kanya ang lalaki. Pagkatapos ay seryoso siyang tiningnan. “Huwag na. Masasaktan ka lang doon.” Natigilan siya bigla. Bakit nito nasabi iyon? May alam ba ang lalaking ito sa nakaraan niya? Pero hindi naman niya ito kilala? O baka naman may nagsabi rito? “Ano'ng sabi mo?” gagad niya rito. Baka naman iba ang ibig ipahiwatig nito. Nakatingin pa rin ito sa kanya. At pakiwari niya, nanunuot ang tingin ng mga mata nito sa kanya. “Huwag ka ng bumalik. Mas lalo ka lang masasaktan sa mga makikita mo.” Sandali siyang natahimik. Subalit ng makabawi ay muli siyang humakbang. “Babalik ako roon kung kailan ko gusto. Wala ka ng pakialam kung masaktan man ako.” Wala siyang ideya kung kanino at paano nito nalaman ang tungkol sa parte ng buhay niyang iyon, pero wala pa rin itong karapatang pigilan siya. Dire-diretso na siya sa paglalakad ng maramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya. Mabilis na pumiksi siya at naiinis na bumaling rito. “Ano ba?” Nakakunot pa rin ang noo ng lalaki. “I told you not to go back there. May pagkamasokista ka pala talaga. Dapat hindi ka na umattend ng kasal ni Brian.” “And why the hell did you care? May gusto ka ba sa'kin?” singhal niya rito. Sa totoo lang, hindi naman niya ugali ang magsalita ng gano'n sa isang lalaki. Pero kanina pa talaga nakakapikon ang lalaking ito. Dumagdag pa rin sa bugso ng emosyon niya ang malakas na pagpitik ng dibdib niya nang hawakan siya ng binata. Nawala ang pagkaseryoso sa mukha nito. Unti-unting gumuhit iyon sa isang ngiti. “May gusto ako sa iyo? At paano mo naman nasabi?” “Dahil simula pa kanina, tinitingnan mo na ako,” sikmat niya rito. “Ikaw ang nagsabi sa pinsan mong si Leya na akong ipalit na bridesmaid 'di ba? At habang nasa simbahan, ilang beses kitang nahuling nakatingin sa'kin. At sa reception, ikaw rin ang nag-request na isali ako sa garter throwing.” At isa pa, bakit nito alam ang nakaraan niya kung hindi interesado sa kanya ang bwisit na lalaking ito? Bakit umaakto itong concern sa nararamdaman niya? Humalukipkip lang ang lalaki sa harap niya at ngumiti. “Was it enough for you to conclude that I like you? Hindi ba puwedeng nagandahan lang muna ako sa'yo kaya ako sumusulyap?” Kahit pinuri siya ng lalaki, feeling niya, hindi pa rin maganda ang dating sa kanya ang sinabi nito. Magsasalita na sana siya nang muli itong magpatuloy. “But I'm impressed na napansin mo'ng lahat iyon,” amused na sambit nito. “Ganyan ba ang mga sawi sa pag-ibig? Nagiging masyadong observant?” Halos mag-isang linya na ang kilay niya. Binabawi na niya ang sinabi na concern ang lalaking ito sa emosyon niya. Maling-mali pala siya. Pinaningkitan niya ng mga ang lalaki. “Puwes, mas mainam na ang masawi sa pag-ibig kasya mapunta sa tulad mo.” Sawi pala sa pag-ibig, ah. Pumalatak lang ito. “Mukha ka namang matapang, pero bakit nagpakamartyr ka? Bakit sa halip na pigilin mo ang kasal, pinili mo lang umiyak at tuluyang mabigo?” Naguluhan naman siya bigla sa sinabi nito. “Ano iyon? Porke't nasasaktan ako, maninira na ako ng kasal ng iba?” “Kung doon ka naman sasaya, eh.” She scoffed. “Ano'ng sasaya? Ano bang sinasabi mo?” He smirked. “Ow, come on Cyan. Alam kong may gusto ka kay Brian. At siyempre, magiging masaya ka kung hindi sana natuloy ang kasal.” Halos mag-isang linya na ang kilay niya. “Ako? May gusto kay sir Brian?” Matamang tiningnan siya ng lalaki. “It's obvious..The way you looked at him and his bride..It all keeps telling that your deeply in love with him. Your eyes well full of sadness, when we’re walking down the aisle. And I even saw you cried..” Bumuntong-hininga ito at muling tumingin sa kanya. This time, tila may kasama ng awa ang tingin nito. “You love him but you can't do something about it. That really hurts.” Natutop niya ng palad ang kanyang bibig upang pigilan ang pagsinghap. So that was it? Iniisip ngayon ng lalaking ito na may gusto siya kay Sir Brian? Na iyon ang dahilan base sa mga ikinilos niya kanina. At hindi ang kadahilanang may alam ito sa nakaraan niya. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa sa narinig niya. “What now, Cyan?” untag nito sa kanya. “Nagulat ka ba na napansin ko ang lahat ng iyon?” She just smirked at him. “I'm sorry to tell you, but your so-called hypothesis sucks.” “SIR, we're going to miss you.” “'Wag niyong pansinin iyan, Sir. Basta, goodluck sa honeymoon.” Umiinom si Cyan ng kape habang tahimik lang na nakikinig sa sinasabi ng mga officemates niya. Nasa harap kasi nila ngayon si Sir Brian. Nagpunta ito sa office para magpaalam sa kanila. Dalawang buwan itong mawawala para sa honeymoon nito. “Sir, sana kasing bait niyo rin iyong papalit sa inyo.” Lumingon siya kay Nica na siyang nagsalita. “Oo nga, sir. Baka dalawang buwan kaming ma-haggard sa bago naming boss.” Si Jana naman ang nagsalita. Nagsipag-ayunan din ang iba pa nilang officemates. “Don't worry guys,” wika ni Sir Brian. “Papayag ba akong hindi katulad ko ang papalit sa'kin?” Umani iyon ng iisang reaksiyon mula sa buong department. Lahat ay natuwa. “Talaga, Sir? Kasingguwapo niyo rin kaya?” Napapalatak siya sa sinabi ni Nica. Grabe talaga itong kaibigan niya kung makapagsalita. Mahinang tumawa lang ang boss nila sa harap. “We're cousins. So, yeah. He's as good looking as me. In fact, nandoon siya sa wedding ko. Nakita niyo na siya roon.” Napahinto siya mula sa paghigop niya ng kape. Pinsan? Bigla pumasok sa isip niya si Blue. He was Sir Brian's cousin. Posible kayang ito ang bago nilang boss? Marahas na pinalis niya ang ideyang iyon. “Sir, sino naman do'n ang tinutukoy niyo? Ang dami niyo kasing guwapong pinsan?” Sunod-sunod na nagtanong na ang mga excited na officemates niya. “Good morning, everyone.” Sabay-sabay na napatingin sila sa nagsalita. Muntik na niyang nabitiwan ang hawak na kape nang makita kung sino ang bagong dating. It was him.. Rinig na rinig niya ang pagsinghap ng mga babaeng officemate niya. Lalong-lalo na si Nica na nasa tabi niya. “Cyan, siya iyong guwapong partner mo... Hala, ang guwapo talaga.” Tiningnan niya ang lalaking kasalukuyang naglalakad ngayon papunta kay Sir Brian. The guy was in his corporate suit. She hate to admit it, pero bagay dito ang suot nito. “Your late.” wika ni Sir Brian sa pinsan nito. “I'm sorry. Naipit ako sa traffic,” sagot ni Blue. Muling humarap sa kanila si Sir Brian. “Guys, the guy beside me is the one I'm talking about. He's the new department head.” Bumaling ito sa katabi. “Introduce yourself, Blue.” Inilibot muna ni Blue ang tingin. At dahil sa ginawa nito ay nagtagpo ang mga mata nila. Umangat ang isang sulok ng labi nito. Bilang tugon ay kinunutan lang niya ito ng noo. “Good morning everyone,” bati ni Blue sa lahat. “I'm Blue Laxamana. As what my cousin has said, I'm going to be your new department head. Starting today until the next two months. Hanggang sa makabalik si Brian sa monthlong honeymoon niya.” Pakiwari niya, pagkatapos sambitin ni Blue ang huling sinabi nito ay sinadya ng lalaking tumingin sa kanya. Tila ba gusto talaga nitong makita ang ekspresyon niya. Napailing na lang siya at uminom ng kape. “Nothing to worry guys. Mabait din naman ako tulad ni Brian. Mas guwapo nga lang ako sa kanya.” Hindi niya na naitago ang pag-ingos niya. Pati rito sa opisina, dala-dala pa rin pala nito ang kayabangan nito. “Sige na Blue. Pagbibigyan na kita.” Napapailing na sagot na lang ni Sir Brian. Nakangiting bumaling muli sa kanila si Blue. “It's your time to say good bye to Brian. I'm sure you'll gonna miss him.” Sinasabi iyon ni Blue sa kanilang lahat. Pero pakiramdam niya, para lang talaga sa kanya sinabi iyon ng lalaki. Lalo pa't diretso ito sa kanya nakatingin. She just simply rolled her eyes and smirked. Buong akala kasi talaga ng lalaki ay may pagtingin siya kay Sir Brian. Surely, he was quite an observer but as she said to him, his hypothesis sucks. At hindi na siya nag-aksaya pa ng panahong itama ang maling akala nito dahil unang-una, wala siya sa mood magpaliwanag ng mga oras na iyon. At isa pa, wala naman silang pakialam sa kung anumang isipin nito. Hindi rin naman siya natatakot na sabihin ng Blue na ito kay Sir Brian ang maling akala nito, sigurado naman siyang hindi maniniwala ang boss nila. Nang mapansin niyang ubos na ang kape niya at tumayo siya. “Excuse me. I'll just get some coffee.” Pagdating niya sa loob ay agad siyang nagtimpla ng kape. She was a coffee addict. At halos lahat ng officemate niya ay alam iyon, including sir Brian. Nakakaubos nga yata siya ng limang tasa ng kape sa isang araw. Hindi siya nakapagtatrabaho ng maayos kapag wala siyang katabing kape. It helps her soothe her nerves. “Why won't you cry?” Salubong ang kilay na nilingon niya ang nagsalita. It was Blue. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa pader malapit sa coffee vending machine. “And why would I cry?” ganting tanong niya rito. “Wala namang dahilan para umiyak ako.” The guy smirked. “Hindi ko alam kung bakit nagpapanggap ka. Are you afraid that I might tell my cousin about this?” Umangat ang kilay nito. Hindi na niya napigilan ang pagtawa. Parang gusto niyang itama ang akala nito at ipahiya ito pero nagpigil siya. Kapag itinama niya ito, tiyak na magtatanong ito kung bakit siya napaiyak sa kasal ni Sir Brian, at iyon ang iniiwasan niya. “You're funny sir,” wika na lang niya. “Wala naman akong pakialam kahit sabihin mo iyan kay Sir Brian.” “Are you over him already?” Nakatingin ito sa kanya. At hayun, pakiramdam niya nanunuot na naman ang mga mata nito sa kanya. Ilang segundo pa siya nitong pinagmasdan pagkatapos ay umiling. “But I guessed not. You can't move on just easily.” Nagkibit-balikat na lang siya at kinuha ang kanyang kape. “Okay. Sabi mo, eh.” “THIS is my office.” Inilibot ni Blue ang tingin sa kabuuan ng opisina ng pinsan niyang si Brian. Naupo siya sa swivel chair. “Buti na lang may private office ka.” Nakatayo lang sa harap niya si Brian. Seryoso itong nakatingin sa kanya. “Take good care of my employees, Blue. Ayokong may madatnan akong problema, pagbalik ko.” “No prob,” cool na sagot lang niya. “Just enjoy your honeymoon. Ako na ang bahala rito.” He's going to take over his cousin's position while he was on his honeymoon. Wala namang naging problema iyon sa board of directors dahil ang abuelo nila ang may-ari ng kompanya. Isa pa, may kakayahan naman siyang palitan sa puwesto si Brian. Sabay silang nag-aral ng pinsan sa Amerika. They both took up computer course. Pagkatapos nilang magmasterals ay umuwi na ng bansa si Brian. Samantalang siya naman ay nagpasyang manatili sa Amerika. Doon siya nagtrabaho bilang isang software engineer. Pagkalipas ng dalawang taon ay saka lang siya nagresign at sa Japan naman nagtrabaho bilang isang game developer. Matapos ang tatlong taon ay saka lang nagpasyang bumalik na ng Pilipinas at para na rin dumalo sa kasal ni Brian. Siguro pagkatapos ng dalawang buwan ay saka lang siya magpapasya kung mananatili na lang siya rito sa bansa o babalik siya ng Japan. Nananantiyang tiningnan niya si Brian. “I just want to ask... gaano na katagal nagtatrabaho rito si Cyan Domingo?” “Four years,” sagot nito. Napahawak siya sa baba niya. “Matagal-tagal na rin pala.” Bigla tuloy siyang napaisip kung gaano rin katagal ang pagmamahal ng babaeng iyon sa pinsan niya. Napailing siya sa sarili. That girl. Hindi niya alam kung maaawa siya rito o manghihinayang. Cyan was really beautiful. Pagpasok nga niya sa simbahan ay ito agad ang napansin niya. She was there. Innocently standing in the corner of the church. Kaya nga ang babaeng itinuro niya kay Leya para ipalit kay Sarah. Pero nagulat siya nang matitigan niya ang mga mata nito sa malapitan. Hindi niya masukat ang lungkot na nakikita niya sa mga mata nito. She was obviously hurting. At habang pinagmamasdan niya ito, napagtanto niyang may pagtingin ito kay Brian. Gusto niyang maawa sa babae at the same time ay nainis siya rito. Alam na nga nitong labis lang itong masasaktan, bakit nakuha pa nitong pumunta sa kasal. Bakit pinili pa nitong dumalo gayong ni hindi nga nito magawang itago ang emosyon nito. Mabuti na nga lang at siya lang ang nakasaksi sa pagluha nito. At kanina, nagdeny pa ito sa kanya... umakto pa itong tila wala itong nararamdaman. Marahil ay nahihiya lang ito sa kanya.. Mataman siyang tiningnan ni Brian. “Bakit ka curious kay Cyan..Do you like her?” He smiled lopsidedly. “She's beautiful. But she's not my cup of tea.” Tinaasan siya ng kilay ng pinsan. “Not your cup of tea? Nagbago ba ang taste mo sa babae? As far as I remembered, mga tipo ni Cyan ang gusto mo. Pretty and petite.” He just shrugged his shoulder. “Ayoko sa mga babaeng nagpapakatanga sa iba. And you know what I mean?” Humalukipkip ito at kumunot ang noo. “I don't get you.” It was his time to frown. Huwag nitong sabihing wala man lang itong alam na may gusto rito ang empleyado nito. “That girl's madly in love with you Brian? Don't f*****g tell me, you didn't know?” Salubong ang kilay na naupo ito sa harap niya. “Cyan's in love with me? Where the hell did you get that idea, Blue? That ridiculous.” Kung gayon ay wala talagang alam ang pinsan niya? Pero paano naman nangyari iyon? Hindi ba't malapit si Brian sa mga empleyado nito? Paanong hindi man lang napansin ni Brian ang pagtingin dito ni Cyan? Siya nga na unang beses pa lang na makita ang babae ay nahalata na niya. Ito pa kayang pinsan, eh, araw-araw magkasama ang mga ito sa trabaho. Baka naman talagang magaling magtago ang babaeng iyon sa harap ng pinsan. Pero imposible? Hindi naman dense si Brian pagdating sa mga babae, ah. “Seriously, Brian?” Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. “Hindi mo ba talaga alam na may gusto sa'yo ang babaeng iyon?” “Teka nga muna. Paano mo ba nasabing may gusto sa'kin si Cyan?” Napailing na lang siya. “Because its obvious. Sa simbahan, kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya. She even cried habang tinitingnan niya kayo ni Ella sa altar. Her expression says she's hurting because she loves you.” “You are definitely wrong, pare,” anang pinsan. Tila ba siguradong-sigurado ito na mali siya. “At paano ipapaliwanag kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon niya?” giit niya. “O baka naman bride ang gusto niya? Is she a...lesbian?” His cousin looked at him with disbelief written all over his face. “I don't know how you came up with those absurdity. But I tell you, there's a reason behind it," Bumuntong-hininga ito. “Dapat pala, hindi ko na lang siya pinilit na pumunta.” Lalo siyang naguluhan. “Bakit? Ano bang meron sa kanya?” “Namatayan siya ng fiance.” Nabigla siya sa narinig. She had lost her fiance? “When?” “Three years ago.” “But that was a long time ago.” mahinang sambit niya. “You don't understand. He fiance died at the day of their wedding.” Mas lalo niyang ikinabigla ang sumunod. Kung ganoon ay mali pa ang lahat ng hinala niya... Mali pala ang paratang niya rito. Mali iyong lahat. “You see... Lahat ng nakita mong lungkot sa mga mata niya, hindi dahil mahal niya ako at nasasaktan siya... Iyon ay dahil nasasaktan siya sa nakaraan niya.” “Damn,” mura niya sa sarili. Parang gusto niyang iuntog ang sarili niya sa pader. Ang tanga niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD