“CAFE americano for the most beautiful programmer I've ever met.”
Inikot ni Cyan ang office chair niya at tumambad sa kanya si Blue na nakatayo habang hawak ang paborito niyang kape.
“Kung kailan malapit ng mag lunch time, saka ka magbibigay ng kape,” naiiling na wika niya rito.
Sumulyap ito sa suot na relo. “Oo nga ano. Eh, 'di maglunch na tayo.”
Pabirong iningusan niya ito at kinuha ang kape. “Sayang naman itong kape ko.”
Napapailing na ngumiti na lang ito. “Ikaw na talaga ang adik sa kape.”
Napangiti na lang din siya. “I know.” It's been two days matapos nilang makabalik mula sa outing. At magmula noon, malaki ang ipinagbago ng samahan nilang dalawa ni Blue. It seems like they were already have a mutual understanding.
Hindi na siya nag-aalangang ipakita ang mga ngiti niya rito. At aminado siyang mas masaya siya ngayon.
“Eh, kailan mo naman kaya ako sasagutin?”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Akala ko ba handa kang maghintay?”
He grinned. “Naitanong lang naman. Malaki naman ang pag-asa ko sa'yo 'di ba?”
“Wow, kung maka-assume ka naman.”
“Siyempre.”
Napailing na lang siya at sumulyap sa relo niya. “Sige. Balikan mo ako after thirty minutes. Tapusin ko lang ito.”
“Dito na lang kita hintayin.”
Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Alis na.”
Napipilitang kinamot nito ang ulo. “Sige na nga.”
Nakangiting sinundan niya na lang ito ng tingin. Nang muli niyang ibalik ang tingin sa ginagawa niya ay napatitig na lang siya sa computer screen at lalong napangiti. Hindi na niya magawang itago pa ang saya sa dibdib niya. Matapos ang gabing nag-usap sila ni Blue sa resort, nagbago bigla ang pananaw niya sa buhay. Nawala ang takot na nararamdaman niya. He took all his worries and fears away. At ngayon, hindi na niya pipigilan ang damdamin niya para sa lalaki. She was ready to take her chances with him. Bahala na kung ano ang mangyari sa hinaharap. Basta, ang gusto niya ngayon ay maipadama ang nararamdaman niya rito. She love him. Sigurado na siya roon.
“Excuse me.” Nalingunan ni Cyan ang isang matangkad at magandang babae. Tila may hinahanap ang mga mata nito.
“Yes, Miss?” tanong niya rito. Dumako ang tingin niya sa company i.d na suot nito. Doon niya nalamang taga-marketing department ito.
“I'm looking for Blue Laxamana. Where can I find him?”
Natigilan siya sa sinabi nito. She looked into the girl's face. Alam na niya kung bakit pamilyar ang mukha nito. Ito ang babaeng kausap ni Blue sa resort.
“Miss, ano'ng kailangan mo kay Sir Blue?” Si Nica ang biglang nagtanong sa babae.
Nagkibit-balikat ang babae at ngumiti. “I just wanted to see him.” Nagpalinga-linga ito sa paligid at ngumiti. “Oh, there you are!”
Sinundan niya ng tingin ang hinayon ng mga mata ng babae. Nakita niya si Blue. Papalapit ito sa kanila.
“Blue!” Malapad ang ngiting wika ng babae sa binata. “Buti nakita rin kita.”
Kumunot ang noo ng lalaki. “I'm sorry Miss. Do we know each other?”
Nakangiti pa rin ang babae. “It's me, Yannie. Nagkita tayo sa resort remember?”
“Ah, yeah. I remember now, Yannie.”
Patuloy pa rin siyang nakatingin sa dalawang nag-uusap. Unti-unti na rin siyang nakararamdam ng kirot sa kanyang dibdib.
“Alam mo inisa-isa ko pa itong department, makita lang kita. Hindi mo naman sinabing taga-IT department ka pala,” anang babae. “Sabay naman tayong mag-lunch, oh.”
“I'm sorry Yannie. Hindi kasi puwede, eh,” tanggi ni Blue. “Mayroon akong kasabay mag-lunch lagi.” Tumingin sa kanya si Blue at lumapit. “Let's go Cyan?”
Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Blue at sa babaeng nakasimangot na ngayon.
“Mamaya na lang ako kakain Blue. Marami pa akong gagawin, eh. Mauna na kayo,” matabang na tanggi niya.
“But--”
“Hindi naman pala siya sasabay, eh,” singit ng babae. “Tayo na lang ang mag-lunch.” Hinawakan nito ang kamay ni Blue at hinila iyon. “Let's go.”
Blue turned to her. Tila ba nagpapahiwatig ito na magsalita siya at pigilan ito. Pero sa halip na gawin iyon ay tumalikod na lang siya. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita na lamang niya ang papalayong bulto nito.
“Taga marketing department siguro iyong babaeng iyon,” sambit ni Nica. “Wagas kung maka-market sa sarili, eh.”
Lihim na sinang-ayunan niya ang kaibigan. Naiinis siya sa biglang pagsulpot ng babaeng iyon. At naninibugho ang dibdib niya ngayong kasama pa nito si Blue sa pag-alis.
“Ikaw naman Cyan, ba't hinayaan mong tangayin na lang ng babaeng iyon si Sir Blue?” sikmat sa kanya ni Nica. Nakatayo ito sa gilid niya at nakapamaywang.
“Ba't ko naman pipigilan?”
“Malamang, mahal mo iyong tao, eh.”
Napatingin siya kay Nica. Nanghuhula lang ba ito o talagang alam nito?
Bumuntong-hininga ito. “Kahit hindi mo aminin, alam ko nang mahal mo na si Sir Blue no. At kahit hindi ka rin magsalita, alam kong nagseselos ka.”
Natahimik siya bigla. Nica is right. Nagseselos siya ngayon. Nagseselos na hindi siya ang kasama ng lalaki ngayon. Iyon din ang eksaktong naramdaman niya nang makita niya ito sa resort kausap ang babaeng iyon. Ngayon, aminado na siyang nagseselos nga siya.
“Oo ano, hindi ka man kikilos para habulin sila?”
She bit her lower lip. “Wala pa naman akong karapatan kay Blue, eh.”
Ngumiti ito. “Eh, 'di sagutin mo na. Para wala nang ibang babaeng makalapit.”
“Pero--”
“Wala nang pero-pero. Sagutin mo na ngayon.”
Huminga siya ng malalim at tumayo. Hindi na nga dapat siya magpatumpik-tumpik.
“O Cyan, nakita ko si Sir Blue, may kasamang babae, ah,” wika sa kanya ni Jana nang makasalubong niya ito paglabas niya ng department nila.
“She's just a friend,” kibit-balikat na sagot niya. “I'm the girlfriend.”
“Sinagot mo na?”
Ngumiti siya. “Ngayon na. Kaya nga hinahabol ko, eh.”
Impit na tumili ito. “Nando'n pa sila sa may elevator. Bilisan mo!”
Naabutan niya si Blue at ang babae sa tapat ng elevator. Nilapitan niya ang mga ito. “Blue.”
The guy turned to her. Mabilis na pumagitna naman siya sa mga ito at hinawakan ang kamay ni Blue. Saka siya tumingin kay Yannie at ngumiti. “Pasensiya ka na Miss. Blue's no longer available.” Pagbukas ng elevator ay hinila niya papasok ang nabiglang lalaki. “Come on. I'm already starving.” Naiwan lang sa labas si Yannie na maasim na ang mukha.
“Okay ka lang Blue?” mahinang untag niya sa lalaki. Hindi pa rin kasi ito nagsasalita.
He finally turned to him. “Totoo bang sinabi mo?”
Tinanguan niya ito. “Oo.”
“Yes!” Nanlaki ang mga mata niya nang biglang sumigaw ang lalaki. Pati ang mga kasabay nila sa elevator ay nagulat rin.
Hinawakan niya ang braso nito para sawayin pero sa halip na tumigil ay binuhat pa siya nito.
“Put me down Blue,” utos niya rito. Nahihiyang tumingin siya sa mga kasabay nila pagkatapos ay kay Blue. “I said put me down Blue.” Pinaningkitan niya ito ng mga mata.
“I'm just happy, baby. I can't express the happiness I'm feeling right now.” Ibinaba siya nito at tumingin sa mga taong kasama nila. “Witness kayo, ah? Sinagot na ako ng magandang babaeng ito.”
Hindi niya alam kung mahihiya ba siya o matatawa na lang.
Ngumiti lang ang mga kasabay nila.
“Congrats.”
“Isang kiss naman po d'yan.”
Blue turned to him with a playful smile in his lips. “Kiss raw?”
“Ano'ng kiss ka d'yan?” Pasimpleng kinurot niya ito sa tagiliran.
He just chuckled and place his arm around her waist. “Pasensiya na kayo. Mahiyain itong girlfriend ko.”
Tahimik na napangiti na lang siya sa tabi. Nang maiwan silang dalawa sa loob ng elevator ay dumukwang siya at kinitalan ito ng halik sa labi.
Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng lalaki subalit ng makabawi ay nakangisi itong bumaling sa kanya. “Isa pa?”
Nagpipigil ang ngiting umiling siya sabay turo sa CCTV sa sulok na bahagi ng elevator.
Pilyong ngumiti sa kanya ang lalaki. “That’s not a problem.”
Muntik na siyang mapasigaw ng biglang magdilim ang buong paligid. Pero hindi na siya tuluyang nakasigaw, dahil sakop nan g mga labi nito ang labi niya. And that quick kiss he gave her was enough to blew away all her senses.
“Baliw ka talaga!” natatawang sambit niya sa lalaki paglabas nila sa elevator. Alam niyang sinadya nitong patayin ang ilaw ng elevator. Mabuti na lang at wala nang ibang sumakay roon.
Muli siyang inakbayan ng lalaki. “Pero mahal mo naman..”
“BABE, ibili mo na ako ng coffee sa baba.” paglalambing ni Cyan kay Blue habang magkatabi silang nakaupo sa couch ng bachelor's pad nito.
Inakbayan siya nito. “Babe naman, katatapos lang natin mag-dinner. Gusto mo na maman ng kape?”
“Sige na,” pangungulit niya rito.
Ngumisi ito. “Sige. Isang kiss muna.”
“Mamaya na. Pagbalik mo.”
Bago pa siya makuha ay sinakop na nito ang mga labi niya. Napapikit na lang siya at ginantihan ang halik nito. Nakalimutan niya bigla ang tungkol sa kape nang matikman ang mga labi nito. His lips tasted so good. His kisses were full of passion and emotion. Ramdam na ramdam niya kung gaano siya nito kamahal.
Wala siyang bahid ng pagsisisi na sinagot niya ang lalaki. Umaapaw ang puso niya sa kaligayahan sa tuwing kapiling niya ito. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganitong pakiramdam sa piling ng isang lalaki. It was heaven.
Kahit kay Michael, hindi siya nakaramdam ng ganito kasarap na pakiramdam. Tanging kay Blue lang. She was really deeply in love with this man.
“Babe, ano'ng flavor ng coffee ang gusto mo?” tanong sa kanya ng lalaki matapos pakawalan ang mga labi nito.
Napatingin siya sa mga labi nito. Parang ayaw na na niya ng kape at labi na lang nito ang gusto niyang tikman. “Wag na. Maglaro na lang tayo..”
Ngumisi ito. “Ano'ng laro?”
Kinuha niya ang joystick controllers ng PS3 sa center table at itinaas iyon. “Hindi pa ako nakakabawi sa'yo.”
“Sure ka, babe? Manalo ka naman kaya sa'kin.”
Inirapan niya ito. “Ang yabang mo naman.”
“I want to tell you something, babe.”
Kunot-noong nilingon niya ito. “What?”
“I already told you that I'm a game developer right?”
Tumango siya. “A game developer and an I.T expert. Bakit—” Huminto siya nang may biglang ma-realize. “Don't tell me, isa ka sa mga gumawa ng Tekken?”
Ngumiti lang ito. “Exactly, babe.”
Napasinghap siya sa pagkabigla. Subalit ng makabawi ay pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Kaya pala hindi kita matalo, eh. Ang daya mo, babe. Kaya mo pala ako hinamon dahil imposible namang matalo kita. Kaasar ka!”
Niyakap siya ni Blue. “Bakit? Nagsisisi ka bang niligawan kita? Hindi naman 'di ba?”
Napangiti na rin siya. “Hindi nga. Kainis lang. Ang dami ko pa talagang hindi alam tungkol sayo.”
“Ako rin naman, eh. Dont worry. We have a whole lifetime to do that.” And then he kissed her again in the lips. “I love you, Cyan.”
Puno ng pagmamahal na nginitian niya ito. “And I love you too, Blue. So much.” Siya na mismo ang humalik sa lalaki hanggang sa namalayan niyang napahiga na pala sila sa couch. She was on top of him.
“Are you trying to seduce me, babe?” namumungay ang mga matang tanong sa kanya ng lalaki.
“No, babe,” nakangising sagot niya sabay hawak sa labi nito. “I’m just trying to show how much I feel for you.”