CHAPTER TEN
“YAYA, anong ginagawa niyo riyan?” tanong ni Cyan kay Yaya Mercy. Naabutan niya ang matanda sa loob ng nakabukas na stock room ng bahay nila.
“Nag-aayos lang ako ng mga gamit ditto,” sagot nito sa kanya. “Ilang buwan na rin itong hindi nalilinis.”
Nilapitan niya ito. “Tulungan ko na kayo.” Sumulyap siya sa suot na relo. Maya-maya pa naman siya susunduin ni Blue para sa date nila.
“O siya sige, kukuha muna ako ng mask at gloves nang hindi ka maalikabukan.”
Paglabas ni Yaya Mercy ay nagsimula na siyang mag-ayos ng nmga gamit. Puro mga lumang gamit ng mga magulang nila ang naroon. Binuhat niya ang isang hindi kalakihang kahon. Sa iniwang espasyo niyon ay may nakita siyang isang piraso ng papel. Isang sulat.
Pinulot niya iyon at sinuri. Naninilaw na ang papel dahil sa kalumaan niyon.
July 17, 1977. Iyon ang petsang nabasa niya sa labas ng sulat. Nakasulat din doon ang isang address at isang hindi pamilyar na pangalan sa kanya.
Rosalinda Rosales. Sino ang babaeng iyon?
Dahil napuna na siya ng kuryosidad ay binuksan niya ang sulat at tahimik na binasa.
Rosalinda,
Napakalaki ng kasalanan ko sa iyo. Namin ni Allan. Alam kong kahit humingi ako ng tawad sa’yo ay hindi mo kami basta-basta mapapatawad. Pero huwag mo naming idamay sag alit mo ang mga magiging anak namin. Nakikiusap ako sa iyo. Ako na lang ang isumpa mo at huwag ang mga magiging supling naming. Wala silang kasalanan sa iyo.
Berlinda
Naninikip ang dibdib niya matapos basahin iyon. Hindi siya makapaniwala sa nilalaman ng sulat na iyon.
Sa nanginginig na mga kamay ay ibinulsa ni Cyan ang sulat sa kanyang bulsa at lumabas ng bodega.
“Nandiyan na si Blue. Nakita mo na bang hinahanap mo?” tanong sa kanya ng ate Darlene.
Tumango lang siya at nag-iwas ng tingin. “Pakisabi kay Blue magbibihis lang ako.” Pag-akyat niya ng kuwarto ay awtomatikong pumatak ang luha sa mga mata niya. Kung gayon ay totoo nga. Tama nga ang hinala niya na may nagsumpa sa kanila..Mariing napapikit siya. Pero bakit ngayon pa niya nalaman. Ngayon pa kung kailan masaya na siya kay Blue..
“Something’s wrong, babe?” untag kay Cyan ni Blue pagbaba niya ng sala.
She forced a smile. “Nothing. Let's go now.” Mabilis din niyang iniwas ang tingin dito. Upang itago ang lungkot sa mga mata niya. Gusto niyang umiyak sa harap ni Blue matapos ang lahat ng nalaman niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngayon? Mananatili ba siya sa piling nito kahit alam niyang kapag nagtagal ay mawawala rin sa kanya ang lalaki.
Sa isang iglap ay muling nagulo ang isip niya. Matindi ngayon dahil kasama na ring naaapektuhan ang puso niya.
“Babe, okay ka lang ba talaga?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya habang ang isa ay abala ay manibela.
“Medyo masama lang ang pakiramdam ko kanina,” pagdadahilan niya. “But I'm fine now. Uminom na ako ng gamot.” Muli niyang pinilit ang sariling ngumiti. Alam niyang sa mga susunod na araw, hindi na maibabalik ang kasiyahang nararamdaman niya.
Tahimik lang siya hanggang sa makarating sila sa mall. “Let's watch a movie,” suhestiyon ni Blue.
Tinanguan lang niya ito. Ang importante sa kanya ngayon ay kasama niya ang lalaki. She was enjoying her limited time with him. Dahil hindi man niya gustuhin, sooner or later ay kailangan na niya itong iwasan. Maisip pa lang niya ang sarili na hindi na ito kapiling ay labis ng naninikip ang dibdib niya.
Dumiretso sila ni Blue sa isang movie house. They decided to watch an animated film. Nagsisimula na ang movie pagpasok nila ni Blue.
Blue was smiling widely habang nakatutok ang mga mata sa palabas. Nakakatawa kasi ang animated film na pinapanood nila.
Siya lang yata ang nag-iisang tao na parang maiiyak na habang nakatingin sa screen.
“Babe, punta muna ako ng restroom,” paalam sa kanya ni Blue.
Nang matanawan niya ang palayong nobyo ay hindi na niya napigil ang pag-alpas ng luha sa mga mata niya. Kung wala lang masyadong tao sa sinehan ngayon, baka napahagulgol na siya sa emosyong nararamdaman niya.
Ilang sandali ang lumipas ay tinuyo na rin niya ang pisngi. Ayaw niyang maabutan siya ni Blue at mahalata nito ang pag-iyak niya. Hindi niya alam kung paano at kung kailan niya magagawang ipaalam iyon sa binata.
Lumipas pa ang ilang minuto at hindi pa rin bumabalik si Blue.
Akamang tatayo na siya para sundan ito nang bigla siyang lapitan ng staff ng movie house.
“Ipinabibigay po ng boyfriend niyo.” Inabot nito sa kanya ang isang long stemmed rose na hindi niya ma-identify ang kulay dulot ng madilim na paligid.
Kasabay ng pagtanggap niya niyon ay ang paghinto naman ng pelikula. Ang ipinapalabas sa movie screen ay napalitan ng slideshow. Na puro picture niya.
Napatayo siya sa labis na pagkabigla. Nagsalubong ang kilay niya habang iginagala ang paningin sa buong sinehan. Obviously, alam niyang si Blue ang may pakana ng paglabas ng mga larawan niya sa big screen. Pero bakit nito ginawa iyon? At bakit ni hindi man lang nagrereklamo ang mga kasama niya rito sa sinehan?
Kinabahan na siya. She knew that something’s going on. Pero hindi niya alam kung ano?
Ilang minuto siyang nakatayo at nahihiyang pinagmamasdan ang screen nang biglang sumulpot si Blue mula sa baba. Tinutukan ito ng spotlight habang naglalakad papalapit sa kanya. May kagat-kagat itong long stemmed rose.
“Ano ba'ng kalokohan ito Blue?” kinakabahang tanong niya sa lalaki paglapit nito sa kanya. Nasa kanilang dalawa na ngayon ang spotlight.
Inabot nito sa kanya ang rose na nanggaling sa bibig nito. “For you, babe.”
Gusto niyang ngumiti at kiligin. Pero mas nangingibabaw ang kaba at takot sa dibdib niya.
Tinanggap niya iyon at isinama sa naunang ibinigay ng staff kanina.
“Blue, ano ba talaga ito?” kinakabahang tanong niya. “Nakakahiya na sa mga tao rito.”
Matamis na ngumiti lang ito. “Don't worry, nirentahan ko na itong buong movie house.”
“Eh, iyong mga tao rito?” Huwag nitong sabihing binayaran din nito ang lahat taong kasama nila ngayon?
Bago pa sumagot si Blue ay bumukas na ang ilaw sa buong theatre. Nang magliwanag iyon ay napasinghap siya sa muling pagkabigla. Lahat ng tao sa loob ng movie house ay mga ka-opisina niya. Si Nica, si Jana, sila Marc. Lahat yata sa buong department nila ay naroon. At napansin niya ang pare-parehas na t-shirt na suot ng mga ito. It was a blue shirt with the words 'say yes’ written on it.
Naguguluhang bumaling siya kay Blue. “W-what's the meaning of this?”
Masuyo siyang tiningnan ng lalaki at hinawakan ang kamay niya. “Will you marry me babe?”
She was shocked by what she heard. He was asking her to..to marry him?
“I know this sounds so fast..We're only together for a month. But who cares? I love you so much that I want to marry you everytime we’re together. And you're the woman I would like to spend the rest of my life with..”
Inilabas nito mula sa bulsa nito ang isang singsing. “Will you marry me, babe?”
Tahimik ang buong sinehan. Ang mga ka-opisina niya ay tahimik lang na nakatingin sa kanila.
Ngayon ay naintindihan niya ang mga nakasulat sa t-shirt ng mga ito.
Bumaling siya kay Blue. He was intently looking at her. Sinalubong niya ang tingin nito at tumulo ang mga luha niya.
“Why are you crying babe?” masuyong tanong nito sa kanya. “Is that a tears of joy?”
She bit her lower lip and suppressed a sob. Kung nangyari pa siguro ito bago niya nalaman ang lahat, luha iyon ng kaligayahan. Pero ngayon, umiiyak siya dahil sa matinding pagdadalamhati ng puso niya. At mas maiiyak siya ngayong masasaktan din niya si Blue.
Sa huling pagkakataon ay tiningnan niya ang lalaki. “I love you.. Blue..But I'm sorry.”
Mabilis na kinuha niya ang kamay mula rito at tumakbo palayo.
“ANO ba'ng nangyari kanina Cyan? Bakit kanina ka pa umiiyak,” nag-aalalang tanong sa kanya ng ate Darlene niya pagdating niya sa bahay. Dumiretso siya kuwarto niya at sinundan siya ng kapatid.
Umiling lang siya at pinunasan ang pisngi niya. Pero kahit ano yatang gawin niya ay ayaw pa ring tumigil sa pagluha ang mga mata niya
Bumukas ang pinto ng kuwarto niya at iniluwa niyon ang bagong dating na si Ate Francine niya.
“What happened? Sinaktan ka ba ng boyfriend mo?” Naupo rin ito sa tabi niya
Umiling siya. “I was the one who hurt him.”
“Ha?” nagtatakang bulalas ni ate Darlene.
She bit her lower lip. “Blue proposed to me..and I declined it.”
Napasinghap ang dalawa niyang kapatid. “You declined him?” gagad ni ate Darlene. “Pero bakit? You love him, right? At alam kong sa maiksing panahon mas mahal mo pa siya kaysa sa naging pagamamahal mo kayMichael.”
“I love him so much,” mahinang sambit niya. “Kaya kinailangan ko itong gawin. Hindi ko puwedeng tanggapin ang alok niyang kasal dahil in the end mawawala rin siya sa'kin.”
Nagsalubong ang kilay ng ate Darlene niya. “Hanggang ngayon ba naman Cyan, hindi pa rin nawawala ang ideya sa isip mo na isinumpa tayong magkakapatid?”
“Dahil totoo iyon, ate!” mapait na wika sa mga ito. Kinuha niya sa drawer ang sulat na naglalaman ng lahat. Inabot niya iyon sa ate Francine niya. “Nakuha ko iyan sa bodega kanina.” She bit her lower lip. “D'yan ko nabasa ang kasagutan sa naging kapalaran nating tatlo.”
Natigilan ang dalawa niyang kapatid matapos basahin ang sulat na iyon.
“Kung gayon ay totoo nga,” tila nanghihinang wika ng ate Darlene niya.
“Na lahat ng magmamahal sa'tin ay iiwan din tayo sa bandang huli.” Humikbi siya. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya na nalaman niya iyon agad. Dahil kung hindi, tiyak na mawawala rin sa kanya si Blue sa araw ng kasal nila. At hindi na niya makakaya kung bawian ito ng buhay.
“Kailangan nating mahanap kung sino man ang Rosalinda Rosales na ito,” sambit ng ate France niya matapos ang ilang sandali nitong pananahimik. “We need to find her. Kailangan nating malaman kung bakit niya kinailangang gawin sa'tin ito.”
“Nakalagay naman sa sulat ang dahilan, hindi ba?” anang ate Darlene niya.
“But there are still a lot of question..” sagot ng ate Francine niya. “Bakit kailangan pang sa araw ng mga kasal natin? At gaano ba katindi ang nagawa ng mga magulang natin sa kanya para tayo ang gantihan niya.” Matamang tumingin sa kanya ang kapatid niya. “At ang pinakamatinding dahilan kung bakit kailangan natin siyang hanapin..ay para maputol niya ang sumpang ginawa niya.”
PUNO ng kalungkutang pinagmasdan ni Cyan ang hawak na bulaklak. Nandito silang magkakapatid sa sementeryo pasa bisitahin ang puntod ng mga magulang nila. It was their parent's death anniversary.
Hinawakan ni Ate Darlene ang isang kamay niya habang naglalakad sila patungo sa puntod ng mga magulang nila. “Alam kong nahihirap ka Cyan. Pero nahihirapan na rin si Blue. Bakit hindi mo na lang aminin kay Blue ang lahat. Sigurado namang maiintindihan niya iyon, eh. Hindi iyong nanghuhula siya kung bakit ka tumanggi sa alok niyang kasal.”
Malungkot na umiling lang siya. “Haharapin ko lang siya kapag natapos na ang lahat ng ito.” Simula nang tanggihan niya ang alok nitong kasal ay hindi na siya muli pang nakipagkita kay Blue. Isang linggo na ang nakalipas mula noon. Isang linggo na rin siyang hindi pumapasok sa opisina para lang iwasan ito. Hindi niya rin ito nilalabas kapag pumupunta ito sa bahay nila. Hindi niya kayang kausapin si Blue. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito kapag nagtanong ito kung bakit siya tumanggi sa alok nitong kasal. Hindi naman siya puwedeng magsinungaling na hindi na niya ito mahal dahil obviously, mahal na mahal niya si Blue.
“Sana talaga, mahanap na natin kung sino man iyang Rosalinda Rosales na iyan. Ako na nahihirapan sa inyong dalawa ni Blue, eh.”
Napabuntong-hininga siya. Sa loob ng isang linggo ay inabala niya ang sarili sa paghahanap kay Rosalinda Rosales. Hinalughog nila ang buong bahay dahil baka may mahanap pa silang impormasyon tungkol sa babaeng iyon. Pero nabigo rin sila. Hindi rin nila natagpuan ang babae sa address na nakalagay sa sulat. Hindi niya kung saan sisimulan ang paghahanap gayong napakaraming Rosalinda Rosales sa bansa.
Galit siya sa kung sino mang babaeng iyon. Galit siya kung bakit nito nagawang idamay silang magkakapatid sa galit nito sa mga magulang nila. Subalit, sa kabila ng galit niya ay kailangan niya pa rin itong makita. Ito lamang ang solusyon sa lahat. Ito lang ang tanging nakakaalam kung paano puputulin ang sumpang ginawa nito.
Ang babaeng ito lamang ang paraan para muli siyang lumigaya. Para matapos na ang paghihirap na nararamdaman niya ngayon.
Tama ang ate Francine niya, hindi niya dapat sukuan si Blue. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Pero paano..ni wala pa nga silang impormasyon sa Rosalinda Rosales na iyon. Kung sana lang ay buhay pa ang mga magulang nila.
“Kilala n'yo kung sino ang babaeng iyon?” baling sa kanila ng ate Francine nila. Nakaturo ito sa isang may edad na babaeng nakatayo sa tapat ng puntod ng mga magulang nila.
“Ngayon ko lang siya nakita,” sambit ni ate Darlene.
Tiningnan niya ang may edad na babae. Bigla ang pagdunggol ng kaba sa dibdib niya. Posible kayang ito na ang hinahanap nila?
Bumaling ang babae sa direksiyon nila. Nakita niya ang pagkabigla sa mukha nito. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Mabilis na nilapitan niya ito. Sa kumakabog na dibdib ay hinarap niya ang babae. “Kayo po ba si Rosalinda Rosales?”
Nahigit niya ang hininga nang tumango ito. “Ako nga.”
Pinagmasdan niya ang may edad na babae. Kung gayon ay ito na nga. Ito na nga ang babaeng may kagagawan sa trahedyang nangyayari sa kanilang magkakapatid.
“Gusto ka naming makausap.”
Napalingon siya sa kanyang ate Francine. Ito ang nagsalita. Hindi niya namalayang nasa tabi na rin pala niya ang dalawa niyang kapatid.
“Ano'ng kasalanan sa'yo ng mg magulang namin para gawin iyon?” sikmat rito ng nagpipigil na ate Darlene niya.
Nabigla ang matandang babae sa harap nila. Marahil ay hindi nito inaasahan na may alam sila sa ginawa nito.
Yumuko ito at sumulyap sa puntod ng mga magulang nila. “Kayo pala ang mga anak ni Allan at Berlinda. Hindi ko alam kung paano niyo natuklasan ang ginawa ko pero sana mapatawad niyo ako. Napalaki ang naging kasalanan ko sa inyo.”
“Bakit mo ginawa iyon?” tanong ng ate Francine niya. “Bakit mo kami kailangang isumpa. At bakit sa araw pa ng kasal namin?”
Pumikit ang kaharap nila. Tila ba may inaalala itong isang napakaimportanteng pangyayari sa buhay nito. “Matalik kong kaibigan ang nanay ninyo, si Berlinda. Habang ang ama niyo naman ay kasintahan ko..” Nagmulat ito at muling sumulyap sa magkatabing puntod. Saka ito bumaling sa kanilang tatlo at muling nagsalita. “Matapos ang isang taong relasyon namin ni Allan, nagpasya na kaming magpakasal. Subalit hindi siya sumipot sa araw ng pag-iisang dibdib namin..Doon ko natuklasan na may lihim na relasyon pala sila ng matalik kong kaibigan. At noong mga panahong iyon, ipinagdadalang tao na ni Berlinda ang anak nila ni Allan. At dahil buntis na si Berlinda, siya ang pinakasalan ni Allan.
“Halos kamuhian ko sila sa pagtataksil na ginawa nila. At sa sobrang galit ko, isinumpa ko ang bata sa sinapupunan niya sa araw mismo ng kasal nila. Kasama na rin ang lahat ng magiging anak pa nila. Isinumpa ko na iiwan sila ng mga lalaking mahal nila. Na iiwan sila sa araw mismo ng kasal nila. Katulad ng ginawa sa'kin ng ama nila..”
Hindi siya makapaniwala sa lahat ng narinig niya. At alam niyang ganoon din ang reaksiyon ng dalawa niyang kapatid. Hindi niya suka't akalaing iyon pala ang kuwento sa likod niyon..
Ang ate Darlene niya ang unang nakabawi sa pagkabigla. “Pero..paano mo nagawang isakatuparan iyon?”
“Tubong Siquijor ang mga magulang ko,” sagot ng matanda. “Nagkataong mayroon kaming kapangyarihan sa mga ganoong bagay. At nagamit ko iyon sa maling paraan at pansariling interes. Patawarin niyo sana ako.”
Bumuntong-hininga ang ate Francine niya. “Hindi na maibabalik ang nakaraan. Pero isa lang ang gusto naming mangyari ngayon. Tapusin mo na ang sumpang ginawa mo. Kung talagang nagsisisi ka..”
“Matagal ko nang binawi ang sumpang iyon, limang taon na ang nakalipas..”
Nagsalubong ang kilay niya. Apat na taon na ang nakalipas? Ibig sabihin wala nang bisa ang sumpa nito nang araw ng kasal nila ni Michael? Subalit bakit namatay pa rin ang lalaki?
“Sigurado ba kayo d'yan?” tanong ng ate Darlene niya.
Tumango ang matanda. “Tatlong dekada akong namuhay na puno ng lungkot at galit sa puso ko. Hanggang sa dumating sa buhay ko ang isang lalaki. Hindi ko inaasahang sa edad kong ito at magiging masaya pa pala ako. Na may nakalaan pa pala sa'kin. Simula no'n, malugod na pinatawad ko na sina Allan at Berlinda kasabay niyon ay ang pagputol ko sa sumpa na ibinigay ko sa mga anak nila, sa inyo.” Lumarawan ang matinding pagsisisi sa mukha nito. “Sanay mapatawad niyo ako. At sana'y mapatawad na rin ako ng mga magulang niyo.”
“Sigurado ba talagang naputol na ang sumpa?” naguguluhang tanong niya. “Bakit namatay ang fiancé ko sa araw mismo ng kasal namin three years ago. Kung putol na ang sumpa nang mga panahong iyon, bakit namatay pa rin siya? Bakit hindi natuloy ang kasal?”
“Ako ang nagbitaw ng sumpa at ako rin ang may kakayahang putulin iyon,” mariing sagot ng matanda. “Hindi na sakop ng sumpa ang pagkamatay ng kasintahan mo sa araw ng kasal niyo.” Mataman itong tumingin sa kanya. “Nakatadhana talagang mangyari iyon. Dahil hindi siya ang lalaking para sa'yo.”