HUMAHANGOS na dumiretso si Cyan sa opisina nila matapos nilang makausap si Rosalinda Rosales. Naging malinaw sa kanya ang lahat. Wala na ang bisa ng sumpa bago pa man sila ikasal ni Michael. Talaga lang na nangyari iyon kay Michael dahil hindi ito ang nakatakda para sa kanya. Naiintindihan na niya ang lahat. Nangyari ang lahat ng iyon sa kanya dahil si Blue ang lalaking nakatadhana sa kanya. Ito ang lalaking dapat niyang pakasalan.
At ngayon, nandito siya para ayusin naman ang nabulilyasong love life niya. She badly need to see Blue, to hug him, to kiss him. Isang linggo niyang tinikis ang sarili niya. Isang linggong wala siyang ibang ginawa kundi tahimik na umiyak. Kaya ngayong natapos na ang problema at paghihirap niya, hindi na siya nagsayang ng oras para puntahan si Blue. Magpapaliwanag siya rito kung bakit niya iyon ginawa. Sana sa lumipas na mga araw ay hindi pa rin nagbago ang alok nitong kasal sa kanya. Pero hindi bale, siya naman ang mag-aalok ng kasal dito kung kinakailangan. Basta, hindi siya papayag na hindi ito ang lalaking pakakasalan niya. It was just him and nothing else.
“Cyan!” Nagulat ang mga ka-opisina niya sa biglaang pagsulpot niya.
“Cyan, bakit ngayon ka lang nagpakita?” Nilapitan siya ni Nica. “Ano bang nangyari sa'yo? Hindi ka rin namin ma-contact, ah.”
Binigyan niya ng tipid na ngiti ang kaibigan. “I'm fine. Pero saka na ako magpapaliwanag. I need to see Blue first.” Iyon lang at nagmadali siyang dumiretso sa opisina ni Blue. Binuksan niya ang pinto.
“Cyan?”
Bumadha ang matinding dissappointment sa mukha niya nang hindi si Blue ang bumungad sa kanya. It was Sir Brian who's sitting on the swivel chair.
“What happened to you Cyan?” kunot-noong tanong nito sa kanya. “Ang balita ko, ilang araw ka na raw hindi pumapasok.”
Iginala niya ang tingin sa buong opisina. Umaasa siyang makikita ng mga mata ang hinahanap niya. Subalit nabigo siya. “Where's Blue?” tanong niya kay Sir Brian. “Bakit wala siya rito?”
Nagkibit-balikat ang boss niya. “Ngayong araw ang pagbabalik ko sa trabaho. So, obviously, wala na talaga siya rito dahil nandito na ako.” Pabirong tumaas ang isang kilay nito. “Bakit Cyan, mas gusto mo ba siyang boss?”
“No,” mabilis na sagot niya. “I don't want him to be my boss. I want him to be my husband.”
Ngumiti lang si Sir Brian. “Tama pala ang hinala ko na maraming nangyari sa pag-alis ko.”
“Tell me Sir,” pakiusap niya rito. “Saano ko puwedeng makita si Blue?”
Bumuntong-hininga ito. “I'm sorry Cyan, I can't help you with that one. Hindi ko alam kung ano ang plano niya ngayon. Ang alam ko aalis siya ng bansa. Hindi ko lang sigurado kung sa States o sa Japan siya babalik.”
Nakagat niya ang ibabang labi. Kalahati yata ng pag-asa niya ang biglang gumuho ngayon. Bakit kung kailan naayos na niya ang lahat, kung kailan wala nang bumabagabag sa kanya at saka naman mangyayari ito.
“I'm sorry Cyan,” muling sambit ni Sir Brian. “Mukhang may problema kayo ni Blue, sana maayos niyo na iyan.”
Tumango lang siya at mabilis na lumabas. Sa paglalakad niya ay napahinto siya sa tapat ng cubicle niya. Lumapit siya sa table niya at nakita roon ang ilang pirasong roses. Iyong iba ay nalanta na at iyong iba naman ay sariwa pa.
“Araw-araw na nilalagyan ng roses ni Sir iyang table mo.”
Nilingon niya si Nica na siyang nagsalita. “Alam mo ba kung gaano siya naapektuhan sa ginawa mo?”
Bumuntong-hininga naman si Jana. “Alam naming wala kaming karapatan na kuwestiyunin ka sa naging desisyon mo. Pero sana man lang binigyan mo siya ng paliwanag. Hindi iyong basta mo na lang siya tinakbuhan at iniwasan.”
Nag-iinit ang sulok ng mga matang binalingan niya ang mga nakakalat na bulaklak. Nang isa-isa niyang kuhanin ang mga iyon ay tumambad sa kanya ang isang red velvety box na natabunan ng mga bulaklak. Kinuha niya iyon at binuksan. Tumambad sa kanya ang singsing na ginamit ni Blue nang magpropose ito sa kanya.
This time ay tuluyan na siyang napaiyak. Mali nga ba ang desisyon niyang basta na lang itong iniwasan? Mali ba na hindi man lang siya nagpaliwanag rito? Mariing ipinikit niya ang mga mata habang pinipigilang mapahikbi. Paano kung inakala ni Blue na hindi niya ito mahal kaya niya ito tinanggihan. At paano kung sumuko na pala ang lalaki sa kanya? Hinigpitan niya ang hawak sa singsing. Hindi niya mapapayagang mangyari ang mga hindi magandang ideyang tumatakbo sa utak niya. Walang sabi-sabing tumakbo siya palabas ng office nila. Kailangan niyang makita si Blue..kailangan niya itong makausap.
Subalit paglabas niya ng building ay nilapitan siya ng tatlong security guard.
“Ikaw si Cyan Domingo, 'di ba?” tanong ng isa sa kanya.
“Oo,” mabilis na sagot niya. “Kung anuman ang kailangan niyo sa'kin, hindi puwede ngayon.” Akma siyang lalagpasan ang mga ito subalit mabilis na hinarangan ng mga ito ang daraanan niya.
“Pasensiya na Miss. May nag-utos sa'min na huwag kayong paalisin.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Wala akong pakialam kung sino mang nag-utos sa inyo. Kailangan kong umalis dito.”
“Hindi talaga puwede!” Pilit siyang hinaharangan ng mga ito.
This time na napaiyak na naman siya. “Hayaan niyo na akong makaalis, please. Kinabukasan ko ang nakasalalay rito...”
“Kami rin naman Miss. Masesesante kami kapag hindi namin ginawa ang trabaho namin.”
“Eh, sino bang nag-utos sa inyo? Iharap niyo sa'kin.”
“If you ever leave me, baby..Leave some morphine out my door.”
Marahas na bumaling siya sa pinanggalingan ng kanta. Sa nanlalabong mga mata ay sigurado siyang si Blue ang lalaking papalapit sa kanya.
“Cause it would take a whole lot of medication. To realize what we used to have we don't have it anymore.”
Gustong-gusto niyang sugurin ng yakap ang lalaki. Subalit nanatili lang siyang nakatayo sa kinatatayuan at hinintay ang paglapit nito sa kanya.
“Cause there'll be no sunlight, if I lose you baby. There'll be no blue skies if I lose you baby. Just like the clouds my eyes will do the same, if you walk away, everyday it'll rain..”
Habang kumakanta si Blue ay lalong bumalong luha sa mga mata niya. Ramdam na ramdam niya ang emosyon nito sa kantang iyon. Hindi na siya nakapagpigil, siya na mismo ang lumapit at niyakap ito ng mahigpit.
At nang maramdaman niya ang pagganti nito ng yakap sa kanya, pakiramdam niya kumalma na ang puso niya. Tuluyan nang nawala ang takot at pangamba sa puso niya. Na wala na siyang dapat ipag-aalala dahil hindi siya iiwan ni Blue. Na nandito pa rin ito at handang maghinty sa kanya.
“God, I missed you babe!” sambit ni Blue. Mahigpit ang yakap nito sa kanya. Nararamdaman niya ang lakas ng t***k ng puso nito.
“Miss na rin kita,” humihikbing wika niya. Isang linggo na hindi niya ito nakasama, ganito katindi ang naramdaman niyang pagka-miss sa lalaki, paano pa kaya kung tuluyan nga itong mawala sa kanya. “I'm sorry Blue. Sorry if I declined your proposal. Sorry if I run away and never talk to you after that. Sorry kung ngayon lang ako nagpakita.”
Tiningnan siya ni Blue diretso sa mga mata. At napansin niya ang pagbabago sa mukha ng lalaking minamahal. Nangingitim ang ibabang bahagi ng mga mata nito. At ang mga mata nito, nakikita niya ang matinding kalungkutan at pangungulila mula roon. “Ako dapat ang humingi ng sorry Cyan. Hindi kita dapat binigla. Alam ko naman kung ano ang ipinagdaanan mo. Alam ko na may takot pa rin sa puso mo. And yet, itinuloy ko pa rin ang pag-aalok sa'yo ng kasal.” Nagpakawala ito ng malalim na hininga. “Pero kahit masakit, naintindihan ko pa rin ang naging desisyon mo. Iniisip ko na lang na baka hindi ka pa handa talaga o baka..baka hindi pa sapat ang pagmamahal mo para pakasalanan ako.”
She bit her lower lip. “Mahal na mahal kita Blue. At napakasakit sa'kin na tanggihan ko ang proposal ng lalaking pinapangarap ko'ng makasama sa buhay..At mas lalong masakit sa'kin dahil alam kong nasaktan ka sa ginawa ko.” She looked at him straight in the eyes. “Napilitan lang akong gawin iyon dahil nalaman kong totoo pala talagang isinumpa ako. At natatakot akong mangyari sa'tin ang nangyari sa nakaraan.”
“Walang sumpa Cyan.. At wala rin akong pakialam kung sakaling meron man.”
Masuyo niyang hinawakan ang mukha nito. “Listen first Blue. Noong araw na nagpropose ka sa'kin, nalaman ko rin na totoo ang hinala ko na isinumpa nga talaga kaming magkakapatid..kaya wala akong naging choice kundi tanggihin dahil kapag hindi, maaari ring matulad ang kapalaran mo kay Michael..At ayokong mangyari iyon..”
“Pero dapat nagpaliwanag ka man lang sa'kin, babe. Hindi mo alam na halos mabaliw ako sa mga araw na hindi man lang kita nakita. Ang buong akala ko tuloy, hindi mo na ako mahal.”
“Sorry, babe. I just don't know kung paano kita haharapin, kung paano ako magpapaliwanag. Kaya pinili ko na lang munang iwasan ka.” Bahagya siyang ngumiti. “At alam ko, magkakaroon lang ulit ako ng lakas ng loob na harapin ka kapag natapos na ang problema. So, we decided to look for the woman who cursed us. Alam kong kapag nahanap namin siya, maaayos na ang lahat. Puwede na kitang pakasalan na wala nang kahit na anong takot at pag-aalinlangan sa kung anong puwedeng mangyari sa hinaharap.”
Humugot ito ng hininga. “Did you find her?”
“Nakita namin siya kanina sa puntod nina mom and dad. Nakausap namin siya at nalaman namin mula sa kanya ang lahat. Humingi na rin ng tawad sa ginawa niya.”
“And you just accept her apology? Gano'n na lang ba iyon?”
Huminga lang siya ng malalim. “Hindi naman maibabalik ang nangyari sa mga kapatid ko kung hindi namin siya patatawarin. At matagal na rin naman niyang pinagsisihan iyon. Limang taon na ang nakalilipas nang putulin niya ang sumpa.” Tiningnan niya sa mga mata si Blue. “Noong araw na kasal sana naming ni Michael, wala na ang sumpa. Ibig sabihin, wala nang kinalaman ang sumpa kung bakit hindi natuloy ang kasal namin. It's just simplys because we're not meant to be. Dahil ikaw, ikaw lang ang para sa'kin.”
Niyakap siya ng lalaki ng mahigpit. “I'm so glad to hear that, babe. Masaya rin ako at nandito ka na ulit sa mga bisig ko.” Bahagya itong humiwalay sa kanya at tinitigan siya sa mga mata. Then his lips descended to hers. He claimed her lips in a very gentle and passionate way. “I love you Cyan,” sambit nito matapos maghiwalay ang mga labi nila.
“I love you Blue..” Nang muling maglalapat ang mga labi nila ay bigla siyang nasilaw sa mga kislapan. Napalingon tuloy siya sa paligid. Ngayon lang niya napansin na ang dami na palang nanonood sa kanila. Nangunguna na room ang mga officemates niya. Na may mga hawak pang camera.
“Kasalan na iyan!”
Bigla siyang may naalala sa kung sino mang sumigaw. Inilabas niya ang singsing na nakuha niya sa desk niya. “Babe. Available pa ba iyong alok mong kasal?”
Kinuha nito ang singsing. “Of course. Kahit ilang beses mo naman akong i-reject, handa akong maghintay hanggang sa umoo ka.”
Lumawak ang ngiti niya. “Iyon naman pala, mag-propose ka na.”
“Not now, babe. Maghahanda ako ng bagong surprise.”
“I don't need any kind of surprises and preparation. Just do it now.”
Lumuhod ito sa harap. Tiningala siya nito at buong pagamamahal na tiningnan siya sa mga mata. “Will you marry me, Cyan Domingo?”
“Yes,” umaapaw sa kaligayahang sagot niya. “Handa akong pakasalan ka kahit ngayong araw pa mismo.”
Tumayo ito at buong pusong hinalikan siya. Pagkatapos ay bumaling ito sa mga officemates niya. “Call a judge. We're getting married now!”
“Sino'ng judge ang gusto mo?” tanong ng pinsan nito. Pati pala si Sir Brian ay nandito rin. Pero wala siya sa mood para mahiya. Moment niya ito, eh.
“Kahit sino,” ganting sagot ni Blue. “O kahit sinong pari. Basta maikasal kami ngayon ni Cyan..”
“Sigurado ka?”
“Do it now bago pa tumakbo itong fiancée ko.”
“Teka hindi naman ako tatakbo, ah,” singit niya. “Pero sure ka ba talaga, babe?”
“Ayaw mo ba?”
Ngumiti siya and cling her arms into his nape. “Siyempre, gusto.”
And that day, she become Mrs. Blue Laxamana. It was just a very simple wedding. No preparations, everything was just an impromptu. But for her, it was the most special and happiest day in her life. Akala niya wala nang mas hihigit pa sa naramdaman niyang kasiyahan ng araw na iyon. Pero makalipas ang dalawang buwan, sorpresa siyang binigyan ni Blue ng isang en grandeng kasalanan. Sa mismong beach resort ng mga ito kung saan sila unang nagkakilala. At tuwing wedding anniversary nila, dinadala siya nito sa iba’t-ibang simbahan para muling pakasalan.
WAKAS