LYRA
Twenty times ko na ata tiningnan ang cellphone ko in the last two hours.
Del and I spent the whole week together. Sa una ay sa kanilang probinsya kami pumunta para makasama nya ang pamilya. Sa huling dalawang araw ay lumuwas na kami dahil may mga aasikasuhin pa rin ito. May tinutuluyang apartment si Del malapit sa kampo. Pero minabuti nya na sa amin ako umuwi dahil ayaw nito na mag-isa ako sa apartment niya.
Ganito pala ang feeling ng in-love. Halo halong ups and downs. Masaya, nakakakilig, at minsan nakakainis, nakakabalisa.
Umalis na si Del kahapon para sa kaniyang military assignment. At bukod sa text niya kagabi na maayos siyang nakarating sa destinasyon, wala na akong iba pang balita.
Umpisa pa lang ito ng pagdaanan kaya siguro hindi pa ako sanay. Kailan lang naging kami tapos e magkahiwalay agad? Hay...
"Ma'am Lyra..." tawag pansin sa akin ng marketing manager. Nasa meeting nga pala ako.
"Yes? Sorry. You were saying?"
"Eherm... ah, ma'am kailangan po namin ng approval ninyo para sa proposal na ito. Okay ba sa inyo ang print advertisement materials na ito for Verdant Aqua?"
"Ah... oo na review ko na rin naman ito before this presentation. I have minor comments. But yes, we can go ahead. Well done, team." Tumayo na ako at nagsisimulang lumabas sa conference room.
Muli ay tiningnan ko ang screen ng aking cellphone. Nang wala pa ring notification mula kay Del, hinanap ko sa contacts ang tao na gusto kong makausap.
"Maricar... hello bestfriend, I need to talk to someone. Puwede ba tayo sa Bituin Cafe branch mo sa Makati? May meeting kasi ako doon sa area mamaya para diretso na sana..."
She agreed and so I prepared to leave the building..
BITUIN CAFE
"Ano na? Halatang halata ang pagka blooming mo!" Bati sa akin ng bestfriend kong si Maricar. Hipag ko rin siya kasi asawa lang naman niya ang kambal kong si Miguel Joaquin Vera who I call Migs. And who she calls Joaquin.
"Ano baaaa?! Ang hirap pala ng ganitong Long Distance Relationship. Yun ibang LDR maski papano sumasagot or tumatawag yun boyfriend. Yun sa akin hindi ko alam if buhay pa ba or hindi na. I'm getting crazy here." Litanya ko agad.
"Oo nga, iba pala talaga. Pero at least di lang ikaw ang ganyan, marami kayong WAGS kumbaga." matamlay na sagot ni Maricar.
"Anong WAGS?" I freaked out. May hindi ba ako alam na nangyayari?
"WAGS as in Wives and Girlfriends of Soldiers. Ano ka ba hindi mo ba alam yun? Di ba sa mga romance pocketbooks na soldier stories lagi yun nababanggit?"
"Car, between sa atin dalawa, ikaw lang ang mahilig sa romance novels diba?" I sighed.
"Oo nga pala. Pero ang maganda lang dyan based sa mga nabasa kong novels... pag magkita kayo uli, it's going to be very very hot. Steaming hot." Taas baba pa ang kilay nito na sinasabihan ako.
"Oh my gosh. Ano nang nangyari sa nerdy, super conservative best friend ko? Asan si Maricar ibalik mo sya!" Nakaka shock itong kabigan kong ito.
Maricar leaned forward and whispered to me. "Una, napangasawa ko ang kapatid mo who is so good in bed. Tinalo lahat ng pocket book fantasies ko. Kaya ayan diba, ebidensya. Andami mo nang pamangkin. At... antayin natin if may nabubuo na uli dito" Sabay turo sa tyan nito.
Namilog ang mata ko sa sinabi nya, pabulong din ang sagot ko. "Ang hirap lang na ang girl talk natin, involved ang kapatid ko kaya ang hirap ma imagine ha! Grabe, I know... And I'm already missing Del not just the sex."
We leaned back away from each other. Sabay napabuntong-hininga. We looked at each other.
"Ano?" Maricar asked.
"I want to support him sa trabaho niya, pero mahirap din pala... What if magka-pamilya kami tapos mapahamak siya? Oh, I can't imagine." I sighed again.
"Well, if you will, then you have to accept it whole heartedly. You cannot just ask him to give it up. Dapat pag-usapan ninyo yan pagbalik niya. I know it's pretty new, yun relationship ninyo pero nasa edad na kayo at magkakilala na kayo ng matagal. Do you plan for a long dating period pa rin ba?" Mahabang sinabi nito.
"I don't know. Come to think of it, wala akong naging ibang karelasyon dahil napako kay Del ang standards ko sa lalaki without even realizing it. Let's see... Kain tayo ng flourless chocolate mo. And match it with hot soy latte."
Tinawag nito ang isang crew to give our orders. "Pinadagdagan ko na ng take out. Chocolate flavored din to replace your lonely nights. " Tawa pa ito ng tawa.
"Huwag mo akong asarin kasi andaming advance na pabaon ang boyfriend ko." Sabay irap sa bestfriend ko.
We just laughed together.
DEL
Huminto ang aming sasakyan sa aming base sa Bonifacio. Napakahirap na isang linggo ang nakalipas.
Totoo ang sinasabi na ang isang paa ng sundalo, parating nasa hukay. Muntikan na akong hindi bumalik ng buo, o di kaya ay buhay sa assigment na ito.
Siguro nga ang akala lang ni Lyra, VIP escort ang parati kong ginagawa. Ang hindi nito alam, sa pamilya lang nila ako pumapayag na gawin iyon. Hindi biro ang maging officer ng isang special operations ng Philippine Marine Corps.
Ang takot ko bilang sundalo, ay ang manaig ang kalaban. Para sa akin, hindi totoo na walang takot lalo kapag nasa laban. Napapalitan lang ito ng focus at fighting instinct habang nasa bakbakan. Pero ang mga sandali bago ang engkwentro, lahat ng mahal ko sa buhay at ang mga kapwa ko Pilipino na alam kong hindi makakaranas ng kapayapaan dahil sa mga terrorista, ang takot ko ay para sa kanila. Doon ako humuhugot ng lakas na mapangibabawan ang maski anong takot. Karangalan, Katungkulan, Kabayanihan. Iyan ang sinumpaang kong salaysay sa Inang Bayan.
May bagong grupo ng extremists na impluwensya ng mga international na terrorista ang nagsimulang mangalap ng mga tauhan sa ilang malalayong isla at probinsya ng Tawi-tawi at Palawan.
Nagkaroon kami ng hiwalay na operasyon sa dalawang lugar. Napatunayan na totoong may nagkukuta nang mga bagong grupo kung kaya sinimulan ang raid.
Sa Tawi-tawi ang grupo kung saan ako ang lider na nag command ng special operations. Pinasok namin ang target na kuta mula sa dagat. Dahil sa special unit kami, hindi malaki ang hukbo na pinapadala kundi ang mga trained sa ganitong kritikal na operasyon ang pinapadala ng hukbo.
Sa ikalawang araw namin nag makapasok na kami sa area, biglang may sumabog na bomba ilang metro ang layo sa aming kinatatayuan at doon nagsimula ang bakbakan.
May mga nasawi at sugatan sa bawat grupo. May dalawang bihag na mga businessman ang grupo na hindi pa nito naihahayag. Kung nahuli kami sa pagsugod, gagamitin sana ito ng grupo na pang blackmail sa pamilya at gobyerno para sa ransom.
Huli ko nang naisip at napansin na may mga ilan na rin pala akong sugat at maliliit na tama mula sa pagsabog. Kumpara sa ibang mga elite forces ng hukbo, iilan lang kami sa marines kaya maski pa mga opisyal, kasama sa combat.
"Major Razon, sir!" Saludo ng isang sundalo na sumalubong sa amin. Sumaludo ako rito pabalik. Kinukuha nito ang duffel bag ko. Si Kits ang isa sa mga malapit kong kaibigan at tao.
"Sir, anong nangyari sa inyo? Nagbabawas na ba kayo ng kaguwapuhan?" Sinisipat pa ni Kits ang mukha ko na may mga sugat malapit sa mata.
Meron din mga ilang benda ang kamay ko at daliri.
Natawa ako sa sinabi nito at pabirong sinuntok ito sa tyan na hindi naman tumama. Kunwa ay umakto pa itong nasaktan.
"Argh, malakas pa rin maski injured." Biro ni Kits.
"Dala mo yun kotse ko?"
"Yes sir! Pero dito muna ako. Kailangan daw ako sa Ternate, Cavite para sa drills ng mga trainees." Nagsimula na itong lumakad patungo sa parking matapos iabot sa akin ang susi.
"Sige, daan muna ako sa opisina. Salamat."
Kumatok ako sa pinto ng aking officer at pumasok nang marinig ang pagpayag nito.
Sumaludo ako bilang pagbati.
"General Bernardo, sir!" Bati ko dito.
"At ease. Maupo ka Razon." Nakatingin ito sa mukha kong may mga galos sa isang bahagi.
"It's looks worse than it feels, sir." Sabi ko dito.
"Alam ko naman, pero nakaka miss lang din ang field ops." Para ko na itong pangalawang ama. Ilan beses ko na itong nakasama sa field mga ilan taon na ang nakakaraan.
Tumikhim ito pagkatapos. "Ah, Del. Bilang ama mo na rin, hindi muna bilang officer mo dito, may itatanong sana ako sa'yo."
"Opo, ano po iyon?"
"Nagkita kami ng tatay mo, nabalitaan ko na may kasama kang babae bago ang assignment na ito. Seryoso na ba?" taning nito.
Tumikhim ako. "Mabilis pala ang balita." Natatawa ako ng bahagya.
"Hindi naman sa mangigialam ako, ano. Nagtatanong lang. Alam natin ang pagdating ng upcoming promotion mo at mas malaking responsibilidad." paliwanag nito.
"Bago pa lang kami at hindi ko rin akalain. Walang plano. Matagal na akong tinamaan sir. Di na ako nakaiwas." Biro ko dito.
Sumeryoso ako pagdaka, "Hindi pa namin napag-uusapan. Si Lyra Vera, sir. Anak ni sir Mateo Vera."
"Damn. Are you kidding me?" sagot nito.
Hindi ako sumagot.
"If it's not the princess herself." Nanatili itong nakatingin lang sa akin tila nag-iisip.
Makailang sandali matapos ang katahimikan.
"Now, this is your general speaking." Paalala nito. "High profile ang girlfriend mo. Keep it down sa publicity. Mahirap na baka magamit siya ng sinuman laban sa'yo. And... about your follow-up assignment. Malaki ito, joint recon. Just make sure, you are in the proper state of mind bago ang lipad mo."
"Yes, sir."
Nang makaalis ako sa base, dumiretso ako sa opisina ng Vera Corp. Nasira ang cellphone ko sa field kaya hindi ko rin matawagan si Lyra para ibalita na naririto na ako. Kung alam lang nito na habang nasa gitna ng misyon, wala akong ibang iniisip kundi makauwi ng buo at buhay para sa kaniya.
Kilala ako ng head security ng Vera Corp kaya naman madali akong nakapasok. Ibinalita rin nito na wala si Lyra sa building kung kaya si Migs ang pupuntahan ko.
Nang igiya ako ng assistant ni Migs na si Andie patungo sa opisina nito hindi maiwasan na matitigan nito ang mga sugat ko sa mukha.
Tiningnan ko ito at nginitian. "Hindi masakit."
"Ehem, sorry. I didn't mean to stare." Hingi nito ng paumanhin.
Nang makarating kami sa opisina ni Migs, pumasok ito at inilapag ang mga papeles na dala nito kanina pa at may kinuha muling bagong set ng mga papeles.
Nasa telepono ito at nakatalikod. "Alright, will tell him. Okay. Okay. Sige na. Bye."
Umikot ang upuan ni Migs nang tumingin ito. Nakatayo pa ako kaya tumingala ito sa akin.
"Holy s**t. Ouch!" Sambit nito.
"Hindi masakit." Sabi ko dito.
"That's what he told me too." Si Andie. Lumabas na ito kapagdaka.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap nito. Dahil nakasanayan ko na, tuwid na tuwid ang upo ko.
"Relax man. Maski humiga ka dun sa couch kung gusto mo. Anything for our hero." Sabi pa nito. "Unless, nadulas ka lang kaya ganyan ang itsura mo?"
"No details. Pero sad to say, explosion and hindi nadulas lang. Mas mahapdi pa nga ang galos sa totoo lang." Biro ko dito.
"Anyway, as you know Lyra is not here. I called her up nung papunta ka rito. Baka raw di mo sya makontak kanina as she's in the airport boarding. Actually, she's in Hong Kong right now. Pauwi na. Siguro mga two hours andito na 'yon." sabi nito.
Iba talaga ang mundo ng mga mayayaman. Lalo na ang sobrang yaman. Pero tanggap ko ito bilang parte ng buhay ni Lyra.
"Okay. Uwi na muna ako. Wala akong cellphone, nasira sa... doon sa trabaho. Iniisip ko kung bibili ako kasi paalis uli ako sa isang linggo. Baka masira lang uli e." natawa pa ako sa huli kong sinabi. Hindi naman ngumingiti si Migs sa sinabi ko. Maybe he didn't get the joke.
Patayo na sana ako nang bumukas ang pinto ng opisina ni Migs.
"Damn." si sir Mateo. "What happened to you?" Tanong nito sa akin.
"Sa operation namin. Malala lang tingnan kasi po walang yelo sa bundok kaya hindi agad umimpis ang mga pamamaga at nangitim." Sagot ko dito.
"Kagabi sa dinner, wala nang ginawa kundi mag check ng cellphone baka raw may message ka or tumawag." muli ang matandag Vera.
"Ah e... limited lang din kasi ang gamit namin sa cellphone at delikado. Lalo pa kung mahuli kami ng kalaban. Baka madamay ang mga nasa contacts lists namin." Sagot ko dito.
"So how do you call me?" nabiglang sagot ni Migs.
Isinagot ko dito ang mobile phone number ni Migs. Nang tumingin ako kay sir Mateo, sinabi ko ang cellphone nito. At maging ang kay Lyra. Bukod sa kanilang tatlo, ang number ni nanay, Diether, Kits, Reese, at General Bernardo and ibang numero na kabisado ko. Hindi gumagamit ng cellphone ang tatay ko mula nag retiro ito.
"Iniiwan ko yun sim card ko na permanent dito. Bumibili lang ako ng bagong sim pag naka deploy ako. Dati naman hindi ko kailangan at wala naman ako tinatawagan. Bumili ako ng sim para sana makontak ko si Lyra pero second day pa lang sa field, nasira yun phone ko."
Nakatingin pa rin si sir Mateo sa sugat ko malapit sa mata. "Baka dapat ata palipasin ko muna ilan araw bago ako makipagkita kay Lyra." Dugtong ko dahil kung itong dalawang lalaki pa lang ganito na ang reaksyon. Paano pa si Lyra.
"Ang iniisip ko lang, napa check mo na ba yan?" tanong nito.
"Okay na po, nagamot na, sir." tipid kong sagot.
Natawa naman si Migs. "You still call him sir? Might as well call dad, "dad" or "tito" kung di ka sanay."
"Ha?"
"Yes, son. If you want. Pero ikaw ang bahala kung saan ka kumportable." hinawakan pa ako ni sir Mateo sa balikat.
"Gusto mo antayin na lang si Lyra dito? We can hang out o matulog ka muna dyan sa private room ko." Alok ni Migs. Ibang klase ang kabaitan ng mga ito talaga.
"Hindi na. Uuwi na lang muna ako. Suot ko pa itong damit ko mula sa bundok. At ayoko rin makaabala sa trabaho." Sagot ko kay Migs.
"In this family, mas importante ang oras ng pamilya. Family comes first. And you are family, Del." anang matandang Vera.
"Salamat po. Babalik na lang ako mamaya. Malapit lang naman ang apartment ko."
"Why don't we pack up here at samahan na kitang bumili ng cellphone?" alok ni Migs na nag-aayos nang umalis.
"Subukan ko na munang ipaayos ito, Migs." Bigay alibi ko. Nang hindi nito tinanggap ang alibi ko, napilitan na akong sabihin ang tunay na dahilan.
"Naga-antay lang ako ng tawag uli." Ipinakita ko ang isang radyo na nasa side pocket ng suot kong pantalon. Natatakluban ito ng jacket na suot ko. "May joint recon assignment kami, Marines special forces and Scout Rangers."
"Kung ganun delikadong misyon ito, Del." Madilim ang mukha ni sir Mateo.
"Kailan?" tanong ni sir Mateo.
"Anytime sir, pero depende sa galaw ng surveillance, abutin ng isang linggo. sa Airborne team ang hawak ko this time. Frontliner ang mga tao ko."
"Pero hindi ba officer ka? Bakit kasama ka pa rin sa combat?"
"This is high value operation na kailangan ng matinding force. Bukod doon, kakaunti lang kami sa special operations kaya maski mga opisyal nakakasama pa rin sa combat." Paliwanag ko.
Walang sumagot sa dalawa.
"With my next mission, hindi ko alam kung babalik pa ako ng buo o buhay. Pero ganun naman sa lahat. Sa awa ng Panginoon, makabalik nang buhay." dagdag ko pa.
"May plano ka bang mag retiro o diretso ka dyan sa delikado mong trabaho? I mean hindi kita para kumbinsihin na tumigil. It's not my place to do that. I honestly, would just like to know." Tanong ni Migs.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Bago nangyari itong sa amin ni Lyra, wala akong plano na umalis dito. Maging sa ngayon, wala dahil ito na ang alam kong gawin. Ang buhay at sinumpaang tungkulin ko. May mga misyon ako na kailangan tapusin. Inaantay lang ang papeles ng promotion ko, Migs. Ibig sabihin nito ay mas malaking responsibilidad."
"Del, whatever you plan, ipagdasal mo at pag-isipan mabuti. We will be here for you and Lyra. And course we will support kung anuman ang plano mo. Hindi mo lang maiaalis na mag-alala rin kami para sa iyo." si sir Mateo.
"Hindi ko alam paano ipapaliwanag kay Lyra. Hangga't maaari, hindi ko dini-detalye ang trabaho ko sa kaniya. Akala niya yun ginagawa namin na surveillance sa VIP tulad sa kaniya ang trabaho ko." mahaba kong paliwanag.
Si Migs, "You have to tell her eventually, Del. Naiintindihan ko bakit hindi mo pa ginagawa. Bago pa lang kayo and she might freak out."
"She's a strong woman, she can take it." ani sir Mateo.