Episode 10

3293 Words
LYRA Nang lumapag ang eroplano ko, inip na inip ako sa kotse para sunduin ako sa private tarmac ng aming pamilya. Dumating si Del at sa opisina ito. My heart swelled na isiping pinuntahan niya ako kaagad.  Ang weird lang na hindi manlang siya nag message or tumawag na lang. Maski ngayon ay hindi ko ito ma contact. So I dialled Migs' number. "Sis!" sagot nito. "I need to talk to Del." Sagot ko dito. "Whoa! Good afternoon and hello. Hindi ka manlang nagpaka cute muna na gusto mo rin ako makausap." Biro ni Migs. "Cut the crap bro. You know I've been waiting to hear from him. Hindi ko siya makontak." nanggigil na ako sa kapatid ko. I was about to get in the car nang marining ko ang boses ni Del. "Hello, Lyra" Nang marinig ko ang boses nito, hindi ko naman alam ano ang una kong sasabihin sa tagal nang paga-antay ko na makausap ito. "Oh my gosh. I'm glad you're back." I sighed with relief. Pigil ko na sumigaw sa excitement. Tumikhim si Del, which is is cute habit lalo pag nahihiya. I bet nako-conscious ito na andun si Migs. And just in case my dad might even be there too. "I'm happy to be back. Hindi na ako pinaalis ni Migs. Intayin na lang kita dito." "Okay, I'll be there in a few minutes. I love you, babe." Balik ko dito. Hindi ito sumasagot. Nahihiya ito malamang kay Migs. "Babe, sabi ko, I... LOVE... YOU." Lalo ko pa inulit. "Ah, cge. I love you too." Mahina at ang bilis nitong sinabi. I can hear Migs laugh at the background. Ibinalik na ni Del ang cellphone kay Migs. "Sis, ingat on the way. Okay?" Sobrang lambing na sinabi ni Migs. "What's with you Migs?" Naiirita ako dahil sinasadya nitong asarin ako. Hindi na ito nagbago. "I love you, sis..." Super sweet ang tono ni Migs. "Migs!" On the way, I called up my assistant Brea to bring Del in my room and wait for me there. Siguradong aasarin na naman ako ni Migs once makita ako pag doon pa ako dumiretso. I'm so excited to see him. Nagtatampo pa ako kung bakit ni message o tawag nito ay wala. Nang makapasok ako sa office room ko, I immediately saw him. Wearing jeans and a black jacket. Straight na straight ang posture nito maski pa nakatulog sa pagkakaupo. Ang pogi naman talaga ng boyfriend ko maski side view. Then I saw his fingers, may ilang bandages. Ang iba naman ay sugat na walang takip at nagsisimula nang matuyo. Namilog ang mga mata ko sa pagkagulat at mabilis na pumunta rito. Palapit na ako nang magmulat ito ng mga mata at lumingon sa akin. Bigla ang paghinto ko nang makita ko ang kabilang bahagi ng mukha nito. May sugat malapit sa mata at kilay nito, nangingitim ang ibabang bahagi na bahagyang namamaga pa. Ang pisngi nito pababa sa panga ay may mamula mulang kulay. May maliliit na galos din ito doon. "Sorry, natakot ka ata sa itsura ko." sabi nito sa akin. Tumayo at sinalubong ako nito. I regained sense nang marinig ko ang boses niya. "Oh no, Del. Anong nangyari sa iyo." Mabilis ko itong nilapitan and tiptoed to look closer at his face. Nakalutang lang ang kamay ko malapit sa pisngi nito dahil natatakot ako na masaktan ito pag hinawakan ko pa. "Pang ilan ka nang tao na nagtanong niyan sa akin ngayon." He chuckled. Ginagap nito ang kamay ko na hindi ko nilalapat sa mukha nito. I felt the warmth of his palms around mine. Dinala niya ito sa kaniyang labi and kissed my hand. "I missed you, babe." At saka nito ako niyakap nang mahigpit. Napayakap ako dito ng pabalik. Hindi ko napansin na sumisinghot singhot na pala ako sa pag-iyak. "I'm sorry kung nag-alala ka." I heard him say. Lalo ko pa hinigpitan ang yakap ko dito. I felt him flinch a bit. Naisip ko tuloy baka may iba pa itong injury na hindi lang sinasabi. "Ooops, are you okay?" Nailayo ko tuloy ang katawan ko sa kaniya Pingil ni Del an lumayo ako at bagkus ay mahigpit ako niyakap. "I am now okay dahil kasama kita." He whispered. I felt his lips search mine and kissed me hard. When our lips parted, nagyakap kami muli. "Kumain ka na ba? Kumusta ang byahe mo" Tanong nito sa akin. Ibang klase talaga ito sa kabaitan. Ako itong galing sa private plane, parang prinsesa ang pamumuhay and yet he's asking me. Siya galing sa liblib na sulok ng kagubatan, hindi ko manlang naitanong. "Yes I did kanina. Ikaw, kumain ka na ba? I can have food delivered here." Dinala ko ito na maupo sa couch. "Hindi pa naman ako gutom. Pero tubig okay din." Sagot nito. Tumayo ako at kinuhanan ito ng tubig sa personal ref ko. "Here. What else do you need? Kailangan mo ba magpa check up sa sugat mo? Samahan kita." "Don't worry, na check na ito. Sorry lang kasi maski malayo pa ang halloween, para akong naka scary mask." Biro nito sa akin. "Del... seriously. This is insane. Ano ba nangyari?" Kinapa kapa ko pa ang katawan nito at binuksan ang zipper ng jacket nito. "Tingnan ko nga may iniinda ka kanina." I was beginning to pull up the shirt beneath his jacket nang hinila nito iyon para pigilan. "What?" I asked him. Exasperation in my tone. Tumingin ito sa may pinto. Baka may biglang pumasok. I rolled my eyes. "Del, I locked it on my in. This is private time. They should all give me a break. I worked almost hours this week at it's just the middle of the week." Niluwagan nito ang hawak. He allowed me to pull up his shirt to show his body. With the same solid muscles, markado ito ng mga pasa at bugbog sa tagiliran. "Del..." I choked. "Shhhh. It's looks worse than it feels." Pag-aalo nito sa akin. "Saan pa?" I asked. Itinapat nito ang palad sa bandang hita nito. Lalong naglagusan ang mga luha ko. Aside from the wound and bruises in his face, he looked alright. Hindi alintana ang mga nakatago nitong mga pasa sa katawan. "Are you sure walang nabaling buto?" Tumango ito. "I'm fine." Hindi ko pa rin matanggap ang sinabi nito pero tumahimik na lang ako. "Bakit hindi kita matawagan?" I asked him. "Nasira yun phone ko. Hindi ko dala yun sim card ko. I had to leave it. Kapag mahuli kami ng kalaban, I don't want to risk your safety kapag matunton ng mga ito ang mga mahal namin sa buhay. Kaya di ba sabi ko sa'yo, ako ang tatawag pag makarating na ako doon?" Mahaba nitong paliwanag. "Which you didn't" paalala ko dito. "I know, I'm sorry." "Okay, Major." At kinintalan ko siya ng halik. He kissed me back and smiled. "May kailangan ako puntahan. Babalik ako agad. Kung gusto mo sabay tayo mag dinner?" "Wait, can I tag along kung saan ka pupunta?" I saw hesitation in his eyes. DEL Umalis kami na gamit ang sasakyan ko. Hiniling ko na magpalit ako ng uniporme bago pa man kami tumulak sa pupuntahan namin. Pumunta kami sa Bonifacio Naval Station ng Philippine Marines. Sa loob nito at tinahak namin ang patungo sa Holy Child Chapel. Nang pababa na kami ay saka ko sinabi sa kaniya ang aming pakay. "Lyra, ililipad ngayong gabi ang labi ng isa  sa amin. A fallen comrade. I need to pay my last respects bago ito dalhin sa kanilang probinsya. Hiling nito na doon ilagak at hindi sa Libingan ng mga Bayani. He was alive when he was sent here this week. And died yesterday." Paliwanag ko sa kaniya. "I will understand kung gusto mo maiwan dito. O kung sasama ka sa loob. May gagawin lang kaming seremonya. The official rites will be done sa libing nito sa probinsya." Sumama si Lyra sa loob. Hindi pormal ang seremonya kundi basbas ng pari. Iilan ang tao sa loob dahil ilang miyembro ng pamilya lang nito ang sumama upang sunduin ang labi ng aming kasamahan. "Misis Fuente. Nakikiramay ako sa inyong pamilya." Bungad ko sa alam kong may bahay ni Seargent Fuente. Luhaan na yumakap ito sa akin nang lumingon ito. "Major Razon!" Walang ibang salitaan bukod sa mga iyak. Maliliit pa ang mga anak nito kung kaya ang panganay nitong lalaki ang bukod tanging kasama ng ina. Hula ko ay nasa katorse na ito. Tumungo ako sa lebel ng anak ni Fuente. "Ipinagmamalaki ka ng tatay mo. Sabi niya magtatapos ka na ng Grade 8? At mataas ang mga grado mo." Tumango ang binatilyo. "Mag-aaral kang mabuti at alagaan ang nanay mo. Isang bayani ang iyong ama at ibinuwis niya ang buhay niya para sa bayan. Para sa ating lahat. Huwag mong kakalimutan ang alala-ala niya bilang mabuting asawa at ama." Tumango ito. "Opo, Major. Ikinukuwento po ng tatay kung gaano siya kasaya bilang Marines at ang tungkol sa mga masasayang ginagawa ninyo noon. Paglaki ko gusto ko rin maging katulad ni tatay." Tumango-tango ako sa sinabi nito. Hindi ito ang unang beses na dumalaw ako sa kasamahan naming nag-alay ng buhay para sa bayan. Pero hindi rin ito nagiging madali gaano man ito naging madalas. Sa di kalayuan ay naroon si Lyra. Nang lingunin ko ito at itaas ng bahagya ang aking kaliwang kamay ay lumapit iyon at kumapit sa akin. "Nakikiramay po ako sa inyong pamilya." Sambit nito sa maybahay ni Fuente. Hindi na rin maikaila ang patuloy na pagpatak nito ng luha. Bagaman luha din ang isinasagot dito ng kaharap na biyuda ay nagsalita ito. "Maski pala matagal mong ihanda ang sarili mo sa ganito, mahirap pala talaga kapag andito na. Tuwing umaalis siya, napakaraming dasal ang ipinapabaon ko sa kaniya. Mahirap din maging asawa ng isang kawal ng bayan. Naku, alam na alam mo yan." Inisip nito na asawa ko si Lyra. Natapos ang pagbabasbas. Nasa may isang gilid kami ng chapel ay nilapitan kami ni Reese at Kit. Sumaludo sa akin ang dalawa at sinagot ko rin ng pagsaludo. Sumunod ay umupo ang mga ito sa kalapit na upuan. Binati rin ng dalawa si Lyra na mugto na ang mga mata. "Ah ser, paalis na sana kami pero baka gusto niyong sumabay kumain bago umuwi. Kung wala kayong ibang lakad ni ma'am." si Kits. May usapan kami ni Lyra na maghahapunan matapos dito kung kaya hinayaan ko muna kung magpapakita ito ng pagsang-ayon o hindi. "It's okay. We can go with you." Si Lyra ang sumagot. "Eh major, sumagot na ang kumander kaya puede." mahinang biro ni Kits. "Naka uniporme pa tayo uy wag ka nga biro ng biro kay sir." saway dito ni Reese. Sa isang casual na restaurant sa Danny's Grill and Resto kami pumunta na sikat ang mga sisig at inihaw. Game naman si Lyra na sumama. Bagama't medyo pormal ang suot nito kanina ay inalis nito ang blazer. Nalantad ang mga pinong balat sa balikat at mga braso nito. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o hindi dahil sa mga nakatingin sa kaniya. Hindi na kami naka-uniporme nang lumabas ng base. Hangga't maari ay hindi namin iyon casual na sinusuot sa mga ganitong lugar kundi rin naman diretso na kaming uuwi. "Ah, e, mam Lyra. Masarap ang sisig dito at yun mga inihaw na seafoods. Pero baka may iba kayong gustong orderin." Inabot ni Kits ang menu dito. Tinanggap ni Lyra ang menu. Tumingin ito sa akin, "I'm okay with whatever you'll order. I'll just check the drinks." Sumisinghot pa ito ng bahagya. "Ayan sinipon ka na sa usok dito. Lumipat na lang tayo sa iba." Sita ko. Handa nang tumayo ang dalawang kasama namin nang pigilan ni Lyra ang braso ko. "No, I like it here. Sabi ni Kits madalas kayong tatlo dito." "Pero ayan o, sinisipon ka na."  "Hindi ko kasi mapigilan maiyak kanina. Sorry. I felt really bad for the widow and their son." mahinang sabi ni Lyra. Napasinghot pa ito muli. Hindi ako umimik. Mali pa ata na isinama ko ito. Lalo lang itong maga-alala tuwing aalis ako. "Ma'am, hindi naman lahat ng umaalis e hindi nakakabalik. Tingnan ninyo tong si major, ayan o. Buong buo. May galos galos lang pero dapat kumain tayo ng madami kasi nakabalik siya." Agaw pansin ni Reese dito. "Kayo naman dalawa, drop the ma'am. And yes, kumain tayo ng madami ngayon." Pinilit ni Lyra na baguhin ang mood nito. Umorder ako ng pagkain. Habang nagsisimulang magkwentuhan ang tatlo. Si Kits kung ano-ano ang kwento na kalokohan ukol sa mga nakakatawang pinagsamahan namin mula noon. I love watching Lyra smile and laugh. Gaano ba ako kasuwerte na mapansin manlang nito. Hindi pa nito mapigilan ang pagyugyog ng balikat habang tumatawa. I remember the way my calloused hand touched her bare smooth skin. Ang kulay gatas nito sa aking kulay morenong balat. Halos lahat ay magkabaliktad sa amin. Nasa langit siya, nasa lupa ako. Isang prinsesa, isang kawal. Pero ganunpaman, eto siya nakahawak ang isang kamay sa kamay ko na nakapatong sa hita nito. Tuwing magkalapit kami, nakatayo, nakaupo, o nagmamaneho. We just love holding each other. "Wala kayong problema dyan kay major. Wala yan babae na tinatago maski saan. Kung hindi nga lang minsan, naalala mo Reese, yun nagpanggap kayo ni ser na mag-asawa nung..." Sinipa ko ang paa nito sa ilalim ng mesa. Tumingin si Kits sa baba, "Ay sorry ser. Lumayo pa ito ng bahagya." Hindi nito nakuha ang senyales ko na tigilan na ang kinukwento. "Diba Reese?" Tanong ni Kits kay Reese. Sumandala ako ng bahagya para di makita ni Lyra ang buka ng bibig ko na "Stop" Si Reese lang ang nakakita at hindi si Kits. Nagsalita si Reese. "Huwag nga yan ang pinag-uusapan natin tungkol sa trabaho. Andito tayo para mag enjoy kumain." Sinipa ni Reese ang paa ni Kits. "Ano ba yan Kits. Ikaw ang pag-uspan natin. Kumusta na kayo nung girlfriend mo?" Inayos ayos pa ni Kits ang kwelyo nito bago nagsalita, "Eherm... syempre deads na deads pa rin sa akin. Iba naman ang talaga ang kamandag ni Sargeant Paquito Manalastas." Sabay posing pa nito sa dulo. "Nagkita na ba kayo niyang virtual jowa mo, ha?" Balik tanong ni Reese dito. Namilog ang mata ni Lyra sa narinig. "You mean online relationship kayo?" "Oo sa videocall. Medyo nagtaka lang siya ng konti na mas pogi pala ako sa video kesa sa profile pic ko." Pagyayabang pa nito. Di napigilan ni Lyra na matawa dito. Kumapit pa ito sa braso ko habang tumatawa. Pakindat kindat naman si Kits sa akin na nginunguso ang pagkaka-kapit ni Lyra. Okay, sige hindi ko rin mapigilan ang malapad kong ngiti na kinikilig ako sa munting mga pagkakataon tulad nito. Pero syempre, hindi ko lang pinapahalata. Yun mga pagkakataon na ganito, maski simple ang baon ko sa pag-alis at pagharap sa mahirap na misyon. Naging mahirap man ang nakalipas na mga araw, tuwing naiisip ko na pag-uwi ko makikita kong muli ang matamis na ngiti at mga paglalambing ni Lyra, nabubuhayan ako ng lakas at tapang na harapin ang mga kalaban. Dumating ang pagkain namin at masayang pinagsaluhan ang simpleng hapunan. Nang sa paalis na kami ay ihahatid ko na si Lyra sa kanila. Pero ayoko pa na maghiwalay kami. Bagaman may ilang araw pa muli para sa aming joint special forces recon sa isang malaking operasyon laban sa mga terorista, may ilang araw pa ako na natitira na makasama itong muli. Bawat sandali ay mahalaga. Nagpaalam kami kina Reese at Kits. Nang makatalikod ay inakbayan ko si Lyra. Humilig ito sa akin. Na maski may halo ng usok ng sisig at inihaw, hindi tuluyang nawala ang amoy ng mamahalin nitong pabango. "Iuuwi na kita." Bulong ko dito. "Ows? As in iuuwi mo na ako sa bahay mo?" Tanong niya. Hindi ko naisip na iba pala ang konotasyon ng sinabi ko. "I mean ihahatid na kita sa inyo." Naramadaman ko ang pag-ikot ng braso nito sa aking likod at kumapit. "I don't want to be apart from you just yet, Del. Kung uuwi na tayo, can you stay at least?" Ang hirap tanggihan nito. Kung puede lang hindi ko na siya ibalik sa kanila. She looked up at me. "Oh babe. You look really tired. Siguro nga dapat umuwi na ako. Or might as well, I will stay in your place?" Sumamo nito. "Nakakahiya sa daddy at mommy mo 'pag hindi ka umuwi." "It's not as if I'm an eighteen year old Del. Lumaki siya sa Amerika ganun din kami. So they're more open minded than you know. Besides... ipinapagtulakan na ako ng buong angkan ko. Di lang mag boyfriend kundi mag-asawa." Mahabang paliwanag nito. Biglang natutop ni Lyra ang bibig. "Sorry, I didn't mean to put a pressure on you, in case. I mean..." "Hindi mo kailangan magpaliwanag. I get it. Magsabi ka na lang din para hindi sila mag-alala" LYRA Ako na ang may pinaka conservative na boyfriend. Kung sa iba iba lang, siguro they would jump for joy na hindi sobrang higpit ng pamilya ko and that I am an independent woman. I texted mom to tell her I'm with Del and will spend time with him. Pumasok kami sa isang gated subdivision na ang mga nakatira ay puros mga opisyal ng armed forces. Pumarada si Del sa isang two-storey apartment. Maayos ito at simple. Mukhang matagal ngang hindi nagkakatao base sa taas ng ilang damo sa bandang bakuran nito. Nang makababa at pumasok kami sa loob, inalis ni Del ang ilang mga tela na nakapatong sa sofa. "Maski may kurtina para hindi masyado pumasok ang alikabok, hindi pa rin maiwasan kasi bihira lang ako dito." Nag-atubili ito sa gagawin kung ilalapag ang telang hawak o ang dala nitong duffel bag na sa tingin ko ay sobrang bigat. "Relax babe. I can manage myself." I chuckled at umupo ako sa sofa. Nang makabalik si Del, ipinapahid nito ang kamay sa harap ng pantalon nito sa may hita. Mukhang hindi nito napapansin na ginagawa nito iyon. He looks flustered. "Okay lang ba sa'yo talaga na pumunta ako dito?" I asked him. "Oo naman... hindi ko lang talaga akalain na mangyayari ito. Parang hindi totoo." Inikot ko ang aking paningin sa bahay ni Del. When I suddenly saw some photo frames sa may console nito. Tumayo ako para tingnan ang mga iyon. Nanatili si Del na napako sa kinatatayuan. As I looked at the frames na may mga litrato ng pamilya nito, ilan din ay mga solong kuha nito na naka uniporme ng pormal. Something caught my eye. Kinuha ko ang frame. "Del... this was my highschool graduation photo." I said slowly. Naramdaman ko na nasa likod ko na ito. Hawak din ang litrato. "Lyra. Sorry pero kinuha ko yan sa console ninyo sa mansyon. That night nung magretiro si Tatay. I swear, it was the only time I took something. Ever." Kumpisal ko dito. "Why did you take it?" I asked. "Paalis ako noon para sa ilang buwan na training sa special ops group. Walang kasiguraduhan na sa pagtatapos nun ay babalik pa kaming buhay. Para matapos iyon, ang huling pagsubok ay field operations sa Mindanaw. And that night, we almost kissed and I wanted more pero paalis ako at..." He stopped. I placed the photo back to where it was. Dito kasama ng mga tagumpay at pamilya ni Del, kasama ako dito. My heart swelled. Akala ko sa loob ng maraming taon, ako lang ang nakaramdam ng connection namin. Now I know he feels the same way over the years. I looked back up to this man. The man who has my heart. I grabbed the back of his neck ang kissed him with passion. And he kissed me back with the same fire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD