DEL
Tila humito ang lahat. Ang bawat galaw ng mga dahon sa mga puno, ang dampi ng hangin sa aking balat, maging ang hampas ng mga alon sa dalampasigan.
Lyra was walking with confidence, poise, and beauty towards the crowd of people at the launch. Lumapit si Migs dito upang alalayan itong umakyat sa matarik na hagdan. Nakatingin ako mula sa malayo. Pinapanood ang mga eksena sa labas ng bulwagan ng Verdant Aqua. Nasa harap ko ang maraming mga monitors ng CCTV kung saan ang mga tauhan ko ay nakabantay sa bawat monitor bukod pa sa mga tao na nasa field.
Marami sa mga mayayaman sa Pilipinas at sikat na mga tao ay naririto sa bulwagan ng isa sa malayong isla sa Palawan.
"Sir..." tawag pansin ni Reese.
Lumingon ako sa direksyon kung nasaan ito.
"Yun panga mo, nakabukas pa... tsaka..." umakto pa ito na nagpupunas ng laway sa gilid ng baba nito.
Inaasar lang pala ako. Matagal na ang pinagsamahan namin ni Reese sa maraming operasyon. Pulido ito sa trabaho at mapagkakatiwalaan. Dahil sa tagal na naming magkasama ay nagiging kumportable na ito minsan na ako'y biruin. Bibihira naman niya iyong gawin.
Walang iba na nagpakita ng reaksyon sa mga tao ko. Mas nakatuon ang mga iyon sa nagaganap sa labas kesa sa pambubuska sa akin ni Reese.
Umabot ng ilang oras ang launching kasama na ang cocktail party. Marami na sa mga guests ang nakaalis at tanging ang pamilya Vera ang nanatili roon. Tinawagan ako ni Migs na samahan silang pamilya sa maagang hapunan.
Matapos na magbilin kay Reese to take over the rest of the shift, tumulak na ako sa bulwagan kung nasaan ang pamilya.
"There he is." ani Migs. Tinapik ko ito sa balikat na ibinalik rin nito bilang pagbati.
Nilapitan ko si sir Mateo upang batiin din ito. Pinagsalikop nito ang mga kamay sa aking nakalahad na kamay.
Naroon din si Lyra. Kung ganoon na lang ito kaganda sa screen kung saan ko ito nakikita kanina, ay lalo pa ngayon na kaharap ko na siya.
Umupo ako sa bakanteng espasyo sa tabi Migs dahil magkatabi na ang mag-ama sa lamesa.
Nagsalita si sir Mateo, "Lyra, your mother would've been as proud of me had she joined us today. You did a great job on Verdant Aqua."
"Thank you, Dad." At yumakap ito sa ama.
Hindi ko maiwasang isipin kung gaano ako kasuwerte na piliin ni Lyra. Nasa kaniya na ang lahat. Sana ay hindi siya mabigo o magsisi na ako ang kaniyang pinili.
"I want you to take a break after this. You deserve one." utos ng ama rito.
"Hindi na siguro kailangan, Dad. Para na rin naman bakasyon ang makita ang view dito araw-araw." Sagot nito.
"Well, iba naman yung hindi ka nagta-trabaho. Take it, hija. Just take the week off," pilit nito. "Ikaw ba Del, after nito saan ang assignment mo?"
"Uuwi muna po ako sa amin. Dalawin ang mga tatay bago tumulak sa next assignment ko."
"Malapit lang ba ang next assignment mo? Saan ba?" si Migs.
"Pasensya na pero it's classified information," sagot ko.
"Hmmm, oo nga pala. Balita ko ang mga assignments na ganyan maski pa kanino di mo puede banggitin? Even to a wife apparently," komento ni sir Mateo.
"Positive sir, " sagot ko rito.
"What do you mean hindi puwede sabihin maski kanino? As in maski sa girlfriend or magulang?" bakas ang pagkabigla sa tanong ni Lyra.
Sasagot sana ako nang sinagot ito ni Migs, "Tama. Basta misyon, classified."
"Oo kaya nakakabilib din ang mga asawa ng mga nasa serbisyo. They really give up a lot para sa seguridad at bayan." sagot ni sir Miguel. Tumingin ito sa aking direksyon. "Ano ba Del, meron ka na bang ipapakilala sa amin ng tatay mo? Aba matagal tagal na naming usapan, na iimbitahin ako sa kasal mo 'pag nagkataon. Nagprisinta pa akong ninong sa kaniya. Para maging inaanak kita at parang anak na rin naman ang turing ko sa iyo."
Maski malamig ay pinawisan ako sa tanong niya. Paano ba ang pinakamadaling paraan na sabihin na ang anak niya ang sagot sa tanong na iyon. Hindi ko naman gusto na magsinungaling. I respect him too much to do that.
Hindi namin pormal na pinag-usapan ni Lyra kung sasabihin na ba namin sa kaniyang mga magulang ang tungkol sa aming relasyon o hindi. Pero lalong ayaw ko naman na hindi umamin sa mga ito.
Tumikhim ako bago nagsalita, "Ah sir... Meron na po akong nobya. Bago lang kami nagkamabutihan. Pero matagal ko na siyang iniibig."
"Aba Del, nagiging poetic ka pala pag in-love. Kailan ang kasalan? Dalian mo na," biro pa nitong balik sa akin.
Tila hirap na pumigil si Migs sa emosyon nito na bumunghalit ng tawa sa pagka-asiwa ko. Kaya napatingin dito ang ama.
"Migs, what's with you? Ganyan ka ba kasaya for Del?" tanong ng ama.
"I don't want to pre-empt your announcement, man. Pero it's just so funny to witness this."
Kumunot ang noo ni sir Mateo at tumingin kay Lyra. Nasa mukha nito ang pagkailang.
Bago pa man ito magtanong muli o magsalita, inunahan ko na. " Ang sagot sa tanong niyo sir. Si Lyra. siya ang nobya ko. At sana matanggap ninyo ako para sa kaniya."
Hindi ito sumagot kaagad at bagkus ay bumunghalit ng tawa.
"Well damn. Siguraduhin mo lang na babayaran ako ng tatay mo." sabi nito na natatawa pa.
Hindi ko nasundan bakit kailangan siyang bayaran ni tatay. Ito na ang sumagot sa pagtataka naming lahat.
"Teenager pa lang kayo, pumusta na ako na may gusto ka sa anak ko. At darating ang araw na liligawan mo siya. Ang sabi ni Mang Pinong, hindi mo raw liligawan maski pa may gusto ka dahil sa maraming dahilan na ibinigay niya." paliwanag nito.
"Uhm dad. I don't think Mang Pinong will have to pay you..." si Lyra.
"Bakit, e ayan kayo na so nagkaligawan na. Syempre dito ako sa manok ko tumaya." Itinuturo pa ako ni sir Mateo.
"Kasi dad, si Lyra ang nanligaw hindi si Del. Sa bagal ng manok niyo, nainip na yun dalaga ninyo!" natatawang sagot ni Migs.
"What?" At tumingin ito kay Del. "Puwes ikaw ang magbayad sa tatay mo. Sa'yo pa naman ako tumaya. Sa tapang mong yan. Life and death situation hinaharap mo. Pero panliligaw inurungan mo?"
"S-sir, hindi naman sa hindi ko niligawan si Lyra. Iniwasan ko lang po dahil tingin ko hindi ako nababagay sa layo ng estado namin sa buhay. And just like your examples earlier, it's not easy to be a soldier's spouse. Inisip ko na hindi ganoon ang buhay na gusto kong ialay kay Lyra."
"Huwag kang mag-alala Del. Ang estado sa buhay ay hindi kilanman basehan para sa aming pamilya. Marangal na tao ka at alam kong hindi mo pababayaan ang anak ko. Mula pa noon hanggang sa ngayon. Wala akong ibang pinagtiwalaan para sa anak ko kundi ikaw. And I'm glad it's you." Sinserong sinabi nito.
"Oh Dad..." yumakap si Lyra sa ama.
"Are you happy?" tanong nito sa anak.
"Yes I am," sagot ni Lyra.
"Malaking adjustment ito sa inyo. It will not be easy. But just keep your love and commitment to each other," payo nito sa amin. "So you'll have to tell your mom." Kinuha nito ang cellphone at tinawagan ang asawa sa videocall.
LYRA
One week vacation and I decided to spend it will Del.
He has an assignment that he wouldn't tell me where so we have to make the most out of it. Pupunta muna kasi sa kanila para madalaw niyo ang mga magulang.
Ako naman ngayon ang kinakabahan na makaharap ang mga magulang nito.
I live with my parents sa mansyon kaya naman nang sunduin ako ni Del ay dito sa bahay and my mom was behaving weird. Sa sobrang pagka excite nila na may boyfriend na ako in my thirties ay parang gusto na ako ipagtulakan talaga kay Del.
Siguro kung nangyari ito nang mas bata pa kami ay hindi ganito ang reaksyon ng mga ito.
We are taking Del's pickup para bumiyahe papunta ng Bulacan kung saan naroroon ang farm house ng pamilya Razon.
Nagpauna na si Del na sabihan ang mga magulang na maghanda at ipakikilala nito ang kanyang nobya sa kaniyang pag-uwi. Ikinatuwa ng mga ito ang balitang iyon at talaga namang pinapaghandaan ng pamilya ang araw na dadalaw kami sa kanila.
Gustuhin ko man na lumipad kami abroad maski ilang araw lang ay hindi namin nagawa. Kailangan pang magpaalam ni Del para makalabas ng bansa. At dahil sa sunod nitong misyon, may posibilidad na mapadala siya ng maaga kung kinakailangan. Bilang opisyal ay kailangan ito sa mga stratehiya sa field.
Habang daan ay magkasalikop ang aming mga kamay sa sasakyan. Ang sarap ng feeling na ganito. Maski pa traffic, hindi nakakainip kung may ka-holding hands. Ang corny pero totoo.
Minsan ay dinadala pa ni Del ang kamay ko sa labi niya and he kisses my hand. Ako naman, e ano pa ba, edi kinikilig.
Hindi ito makuwento kaya ako halos ang salita ng salita sa byahe. Tumatawa lang ito sa mga kwento ko.
Nasa gas station kami sa express way naga-antay na matapos ang paglalagay ng gasolina nang magsimula itong magbukas ng usapan.
"Lyra may gusto sana akong itanong sa'yo"
"Hmmm?" sagot ko sa kaniya.
"Ah, puwede ba na magkasama tayo sa kuwarto matulog sa amin? May nakahiwalay akong kuwarto na hindi sa main house. Pinagawa ko talaga iyon na nakahiwalay. O gusto mo mag-stay sa hotel pero magkasama pa rin tayo?" mahaba nitong tanong.
I blinked. Nag-iisip. Hindi ko naisip na iyon ang itatanong nito sa akin.
"W-whatever you like. I mean okay lang ba sa inyo na magkasama tayo sa kuwarto?"
"Nasa edad na tayo Lyra, tingin ko naman hindi na nila tayo sisitahin sa bagay na iyan."
Nagkibit balikat ako, "Then okay lang sa akin sa inyo tayo so you can spend more time with your family."
Dinala nitong muli ang kamay ko sa labi niya.
"I love you, Lyra."
Napasinghap ako dahil ngayon lang nito sinabi iyon. Maski ako ay hindi masyadong verbal na ipahiwatig iyon sa kaniya.
I felt my heart grow bigger. Goosebumps all over me.
"I love you too, Del." At kinintalan ko siya ng mabilis na halik sa labi. Nang sa lalayo na ako ay muli nitong hinawakan ang aking baba ay muling hinalikan ng mabilis.
Maski tinted ang kotse nito ay may gas attendant na nasa malapit lang at maaring maaninag kami nito.
"Meron na ba, sa tingin mo?" tanong nito na dinala ang aming mga kamay sa bandang puson ko.
"My period is due anytime this week. So, malalaman pa natin."
"Tell me, ano ang gusto mo sa usapang baby?" tanong nito sa akin.
Medyo nagugulat ako sa mga tanong nito sa akin.
"Well, we never planned and never did anything to prevent becoming pregnant so, kung meron man, I'm okay with it." Sagot ko dito na nakatingin sa mga mata nito.
"Ako rin. Okay sa akin. Kaya lang naisip ko paano kung sa isang misyon hindi na ako makabalik pa? Paano kung meron na pala. So we have to think about this."
Hindi ko gusto ang sinabi niya na posibilidad na hindi makabalik sa misyon nito. Insinuating na may nangyari ditong masama. Pero ito ang realidad ng mundo ni Del.
"Mamaya, 'pag nagkaroon ako ng pagkakataon, I will make love to you in so many ways. We've been apart since Palawan and I cannot wait to be with you again," pahiwatig nito. Lust evident on his eyes.
I felt myself moisten at my core. Hindi ko napigilan na basain ang aking mga labi at kagatin ang pang ibabang bahagi ng aking labi.
"Don't do that... mahirap magmaneho nang masikip ang pantalon." Biro nito.
"What?" Naguguluhan kong tanong.
"Bite your lip. Ako na ang gagawa niyan mamaya. I will put a box of condoms sa night stand. If you want to use it, just get one. If not, it's up to you."
Tumango ako sa sinabi nito. With or without protection, I'm looking forward to that time and each minute seems too long to wait.
DEL
Nang pumarada ako sa tapat ng bahay namin, nagsisimula nang maglabasan isa isa ang aking pamilya. Ang aking mga magulang, mga kapatid, hipag at pamangkin. Nauna nang nag-asawa ang sumunod kong kapatid na si Diether. May dalawa itong mga anak na babae.
Abang na abang ang mga ito sa araw na may ipakikilala ako sa kanilang babae. Naalala ko tuloy nung unang isinama ko si Reese. Akala ng mga ito ay may namamagitan na sa amin.
Natawa ako ng bahagya sa alaalang iyon.
"What?" nangingiting tanong ni Lyra sa akin.
"Natatawa lang ako sa pamilya ko. Look at them. Lalo na siguro kapag nakita ka na nila. Nung unang makasama ko dito si Reese, akala nilang lahat may relasyon kami."
"Ah... so hindi pala ako ang unang dinala mo dito ha?" hinihila pa nito ang kamay niya na hawak ko. Hindi ko naman ito binitiwan at bagkus ay dinala sa aking labi.
"Hindi counted iyong kay Reese. Tropa yun e..." Natatawa ako sa pagseselos nito.
Hinihila pa rin nito ang kamay.
Bagkus lalo ko itong hinigpitan sa tapat ng dibdib ko.
"Basta ito ang sasabihin ko sa iyo. Ikaw lang. Ang importante, ikaw ang nag-iisa at huling dadalhin ko sa kanila. Okay?"
Ngumiti si Lyra.
"Sabi mo yan ha. Kundi isusumbong kita sa tatay ko at tatay mo!"
Siyang paghinto ng sasakyan. Muli kong kinintalan ito ng halik bago ako bumaba ng sasakyan. Umibis ako at sa bubuksan ang pinto sa banda ni Lyra, inalalayan ko itong bumaba.
Nakatayo na si Lyra ay nawala ang kaguluhan at lahat ay tahimik.
"Hi. Kumusta po kayo?" bati ni Lyra sa aking pamilya.
"Ma'am Lyra. Napadalaw po kayo?" Tanong ni Derwin ang kapatid kong bunso.
"Nay, Tay. Si Lyra po. Ang nobya ko."
Wala pa rin umiimik sa kanila. Nagsimula na akong lumakad patungo sa aking mga magulang upang mag-mano. Sumunod naman si Lyra. Nang kunin nito ang kamay ng aking ama, nagbigay ito ng ilang salita ng pagbabasbas. Ganun din si nanay.
"Ang ganda ng girlfriend mo tito Del. Para siyang artista nakikita ko sa TV," bigkas ng pamangkin kong si Danica.
Doon natauhan ang nanay, "Tuloy kayo. Tuloy... siguradong napagod kayo sa mahabang biyahe. Tara mga anak sa loob."
Nang nasa loob na kami ng bahay, daig pa ng mga ito ang mga anghel sa katahimikan at kabaitan. Ang tatay nakatingin lang at pangiti-ngiti na nakaupo sa paborito nitong tumba tumba sa sala.
"Nay, kukunin ko lang ang mga gamit sa kotse. Dadalhin ko na rin sa kuarto. Kumain kami ng meryenda sa daan kaya maski hindi kayo mag madali na mag-ayos." Paalam ko.
"I'll go with you, tulungan na kita. Naiwan ko pala yun cellphone ko sa upuan." Habol ni Lyra.
"Ako na bahala magdala. Ililipat ko na rin yun kotse doon. Ayun ang kuwarto natin o." Itinuro ko dito ang nakahiwalay na parang native style mini-bungalow malapit sa bukid.
Hindi pa man kami nakakalapit sa kotse ay narinig na namin ang malalakas na boses sa loob. Nagtatawanan, naghaharutan.
"Tay, baka malapit ka na uli magka-apo nyan!" Biro ni Diether kay tatay.
"Nay, magpatahi na kayo ng gown, baka magpropose na si Kuya kay ate Lyra."
"Para siyang artista. Paglaki ko gusto maging si tita Lyra."
Napailing na lang ako na natatawa na tumingin sa babaeng lubos kong minamahal, "Mukhang pasado ka naman sa kanila, babe."
"Salamat naman kung ganun," natatawa nitong balik sa akin.