Episode 6

3094 Words
LYRA Mabilis na umandar ang mga oras. Dalawang linggo na mula nang may mangayari sa pagitan namin ni Del. Kung matapos ko lahat ng gagawin dito, sa makalawang linggo ay puede na kami mag-launch at papuntahin dito si Dad or Migs. Busy ako sa trabaho... virtual meetings, site inspections, meeting sa mga contractors, hiring para sa mga tauhan. Naramdaman ko ang pagdating ni Del. Nagsi-setup siya kanina ng griller sa may terrace at maghahanda daw siya ng espesyal na tanghalian. May dala itong iba't ibang klase ng isda at gulay. Sinalubong ko siya ng yakap. I felt him kiss my temple habang nakayakap ako sa kaniya. "Ang sweet naman talaga ng nobya ko." At ibinaba nito ang mga dala sa lababo. "Wow naman 'nobya' I like that." "Relax ka lang d'yan ako na bahala rito. May meetings ka pa ba?" Binuhat ako nito paupo sa counter top. May pwesto na kami sa counter na hindi kita ng CCTV. Hindi naman namin itinatago sa mga tao ang bagong detalye ng aming relasyon pero mabuti na rin na may privacy at discretion. Pumasok ito sa pagitan ng aking mga tuhod. Iniyakap ko ang mga braso ko sa balikat niya. Ang sarap ng feeling na ganito lang kami. Relaxed at kumportable sa isa't isa. "Maaga natapos. So I have some time back. Mamaya na uli ang kasunod sa hapon. I can help you prepare our lunch..." sagot ko. "Manood ka na lang d'yan. Ako na ang bahala rito. Masyado kang masipag." Kinintalan pa ako nito ng halik sa tungki ng ilong. Iniba ko ang anggulo ng aking mukha para mahalikan siya sa labi. We shared a sweet French kiss. "Okay tama na muna kasi baka hindi na ako makaluto at may iba nang plano si Delfin Jr." Itinuro pa ang harapan nito na bumubukol na. Natawa lang ako sa kaniya. Ibang ibang Del ang nakasama ko sa mga nakalipas na araw. Ang masayahing personalidad nito na hindi ko pa dating nakita. Tulad ng pagkakakilala ko sa kaniya noon pa man, responsable ito sa trabaho at may malasakit sa mga katrabaho maski pa mataas ang kaniyang ranggo. Magsasalo na kami ng pananghalian sa terrace nang tumunog ang cellphone ko. Nasilip nito na pangalan ni Alden ang rumehistro roon. Sinagot ko ang video call. "Hi there gorgeous..." bati ni Alden. "Oh, hi there Alden! What's up?" sagot ko. "Just checking in. Malapit ka na bang bumalik dito? Nagkakaayaan ang tropa na mag out of town. Baka lang you want to join us." "Really? Sige send me the details and I will check my calendar. In two weeks or so I can wrap it up here." sagot ko sa kaniya. "That's great! We should catch up when you're back." Sasagot pa sana ako ng biglang magsalita si Del. "Babe, lemonade or buko juice?" Halatang nilakasan pa nito ang boses na sinadyang iparinig kay Alden. Ang cute nito. Kinilig naman ako. "Buco juice na lang..." "Okay babe." May diin pa sa 'babe' na sinabi nito. Sa kabilang video naman ay si Alden na nanlalaki ang mga mata. He was mouthing to me, "What? Who is the babe?" Nilalakihan ko rin ito ng mata at hindi sumagot. Bagkus ay pinalitan ko ng direksyon ang camera upang makita si Del na kinukuha na ang mga inihaw nitong isda sa grill. Wala itong suot na pang itaas and all his muscles showing with skin glistening with a hint of sweat from the heat of the sun. Ibinalik ko ang camera sa selfie mode para ako na ang kita ni Alden. Animated ang mukha nito sa panunukso pero ang sinasabi nito ay walang tunog. "Finally!" he mouthed. Natawa naman ako sa ginawa nito. Nahuli ng bahagi ng mata ko ang paglingon ni Del sa akin na madilim ang mukha. Bagkus naman na nananadya si Alden sa kabilang linya. "How about dinner when you come back?" Tanong ni Alden na may kalakip pang extra sweetness. Biglang narinig ang tumunog na bucket ng tinamaan ng ni Del ang wala sa loob. Sumunod ang pagkahulog ng tongs nito. Pigil na pigil ang tawa ni Alden sa kabilang linya. Kita ko na ang ugat sa sentido ni Del sa pigil na pagkadismaya kaya nagpaalam na ako kay Alden. "Let's have a rain check on that. Sige na, I have to go." Humabol pa ito, "Alright, see you soon. I miss you!" Contrary to the bright sunny day, Del's face was a a dark storm brewing. Lagot. Ngumiti ako sa kaniya at lumapit sa hapag. "Kain na tayo?" Wala itong imik na tumabi lang sa akin. Inaasikaso ako pero hindi nagsasalita. Natatawa naman ako pero wala rin akong sinasabi. "What?" Tanong ko nang mahuli ko itong nakatingin sa akin. "Puwede mo na siguro palitan yun status mo sa social media. Yun tipong 'in a relatoinship' ganun para wala nang aaligid sa'yo." "Oh my God. You're really jealous!" at natawa ako lalo. Pulang pula na ang mukha ni Del. "Hindi nakakatawa." "Baaaabbe... Alden was just making fun of you. We're just friends." Inilapit ko ang katawan ko sa kaniya at naglambing. "In fact, nung umalis siya, we settled it na we will remain friends." "Akala mo ba hindi ko nakita na nakipag halikan ka sa kaniya?" sabi nito sa akin. "W-well. Thanks to that kiss, he knew. We knew... na wala talagang kami." Depensa ko naman. "He knew my feelings about you. And I told him it's not reciprocated." "Lyra..." "Pero kung walang mangyari sa pag-aantay ko sa'yo e... he asked to give him a chance" dugtong ko pa. "f*****g Sanvictores can go to hell for all I care." banat nito. "Halika nga rito. Ikaw nga e. Malay ko ba kung may iba d'yan." Binigyan diin ko ang salitang 'dyan'. "Huwag mong bigyan ng kulay ang sa amin ni Reese. Babae din ang gusto nun, hindi kami talo." "Hmmm, paano mo naman nalaman na si Reese ang tinutukoy ko? Wala akong binanggit na pangalan." "Ang cute mo, tama na 'yan. Kumain na tayo," saway ni Del. DEL Launching ng Verdant Aqua bukas at naghahanda kami sa pagdating ng VIP guests sa isla. Karamihan dito ay darating sa umaga at aalis din sa hapon matapos ang pasinaya. Maging si sir Mateo ay darating din pero hindi si Migs. Kinaugalian na ng pamilya na hindi sila lahat dumadalo ng sabay sabay sa mga okasyon tulad nito. Dala na rin ng seguridad ng pamilya. Sa mga bakasyon man o opisyal na business trips ay hiwalay ang mag-asawang Vera at ang magkapatid na kambal sa mga flights o sasakyan. Ito ang unang beses na makakaharap kong muli ang ama ni Lyra at hindi ko alam paano ko sasabihin ang tungkol sa amin. Nag-ring ang telepono ko. Migs Vera. “Del, change of plans, pumayag ang dad na pumunta rin ako d'yan. Buti na lang kasi talagang gusto ko rin makita ang developments d'yan. Ikaw pa lang ang nakakaalam. We want to keep it low-key na hindi alam ng mga tao.” Nangiti ako, “Okay see you. Bukas ka ba o mamaya na? Pinahirap mo ang trabaho ko a. Tatlo kayong andito.” Tumawa naman ito sa kabilang linya, “Wala naman sa’yo yan. Ikaw pa. So far okay naman ang stay ni Lyra d'yan so nothing to worry about.” “Oo nga pero hangga’t hindi ko naiuuwi si Lyra, hindi ako mapakali. Syempre, mahirap nang makampante.” “Magka-video conference kami ni Lyra kahapon and I happen to see a some stuff na alam kong hindi nya gamit behind her. Meron bang kasama d'yan ang kapatid ko?” tanong ni Migs. Dinugtungan pa nito, “Not that it’s my business. Lyra is an independent and a mature woman. Pero mas matanda pa rin ako ng ilan minuto sa kaniya so it makes me her kuya maski pa kambal kami.” Tumikhim ako. This is the opening na hinahantay ko. Kung ipagkaila ko kay Migs ang sitwasyon, mas mahihirapan akong pakiharapan ito later on. “Ah, Migs... hindi ko alam anong gamit ang mga nakikita mo pero...” entra ko. “So there is someone!” putol nito sa akin. “Do tell. I’m gonna roast that sister of mine.” Pinapagpawisan na ako sa usapan namin. Tumikhim akong muli. “Naalala mo noon tinanong mo rin ako tungkol d'yan after ng charity event five years ago?” “Oo nung ma-basted mo yun kapatid ko? Kaya pala ang sungit sungit.” “Ah ganito kasi...” “Don’t tell me... Bumigay ka na ba kay Lyra Vera, Major Razon?” Halata ang pang-aasar sa boses ni Migs. Hindi ako sumagot. “Alright, Del. You don’t have any problem with me if you're together. I know how it is to wait for too long at hindi mo rin mapipigilan ang itinadhana sa’yo. 'Di ba 'yan na ang sinabi ko sa'yo dati?” “Salamat, Migs.” Ang tangi kong naisagot. Minsan na magkainuman kami nito, napaamin ako ni Migs kung bakit ko iniiwasan ang magkarelasyon sa kapatid niya. Lumaki kaming magkakasama at mabilis na naramdaman ni Migs ang tensyon na namamagitan sa amin ni Lyra. “Well, it’s been too long. Mabuti na rin yan. Sumusungit na ang kapatid ko dahil tumatandang dalaga na. Baka mag-iba na ang ihip ng hangin. But I thought she was dating someone else?” “Si Alden Sanvictores. Pumunta rito,” sagot ko. “Damn. Siya?” “Oo. Kiss and makeup. Literal.” “Buhay pa naman si Sanvictores?” “Oo naman,” and I chuckled. “Alright. See you later. Huwag mong sabihin kay Lyra na alam ko na. Aasarin ko muna,” biro pa nito. Masarap din na may mapagsabihan tungkol sa amin. Lumaki kami ni Migs na maski malayo ang estado sa buhay ay parang hindi na iba. Ang daddy na lang niya bukas. At si ma’am Lanie pagbalik namin ng Maynila. Hindi ko pa rin nasasabi sa amin. Tiyak na magugulat ang aking mga magulang sa balitang si Lyra ang aking nobya. Sa mga nagdaang taon, mayroon din mga ilang babae ang napalapit sa akin. Ngunit hindi naging solidong relasyon nang dahil na rin sa lagi akong umaalis. LYRA Nang gabing iyon ay dumating si Migs. He is staying in a separate villa. Inimbitahan ko siya na kumain ng dinner sa aking villa. Nasa video call ako with my bestfriend si Maricar na asawa ni Migs. "Car... sandali na lang andito na si Migs. I will have to tell him about Del!” Ito ang una kong sinabihan ukol sa aming relasyon. “Well he has to deal with it. You don’t need his approval,” si Maricar. “True. Pero wala bang ‘bro’ code yun na baka magkagalit sila or something? Sasabihin ko ba na parang formal, 'Migs, Del is my boyfriend' like that?” natatawa pa ako. “And speaking of the boyfriend, maghapon ko na siyang hindi nakikita.” “Oh, maybe he’s busy protecting you from the evil enemies.” biro pa ni Maricar. Napangiti lang ako, “Lyra, I’m happy to see you like this. Super blooming. So ano bang plano? Magpapakasal na ba kayo agad? How do you plan to tell dad? Andyan s'ya bukas,” sunod sunod na tanong nito. “Oh my gosh ‘Car! I don’t know! Dapat ba bukas ko na sabihin? Andaming kailangan gawin bukas...” “Well nasa iyo 'yan... kung pagbalik n'yo na lang para sabay na rin kay mom?” “But wedding? Hindi pa namin napag-uusapan 'yan. We’re just few weeks in the relationship!” “Yeah bago pa lang kayo, but years in the making,” dugtong ni Maricar. “Humabol ka na. Tatlo na ang anak namin o. At ewan ko ba parang may laman na uli itong tiyan ko.” Hinimas pa nito ang tiyan sa sinabi. “What? You and Migs are terrible! Saang oras pa kayo humahanap na gumawa ng bata?” “Maraming paraan Lyra. If there’s a will, there’s a way. Alam mo na yan!” biro pa nito. “Oh now I know and understand bakit maski noon na nagsisimula kayo ni Migs, grabe kayong dalawa. He even flew from Australia to London at doon ko pa talaga kayo inabutan na may ginagawang milagro.” natatawa kong balik-tanaw. “Yes now you know. And... use protection. Unless, gusto mong humabol sa tatlo naming supling.” Namula ang pisngi ko sa tinuran ni Maricar. Come to think of it, Del and I never used protection. But when we started making love, it was not the correct time of the month. Kaya maliit ang chance na may nabuo na kaming baby. But I guess we have to talk about it. Nagsimula nang dumako ang isip ko sa posibleng itsura ng magiging mga supling namin ni Del kung sakali. “Hello!!! Parang lumipad ka na sa tralala my dear. Sige na at papatulugin ko na ang mga bata. See you when you get back, sis.” Ginising ni Maricar ang diwa ko. Ilang sandali lang at dumating na si Migs. Nakahanda na ang pagkain pero hindi ko pa naihanda ang mga pinggan at kubyertos sa mesa. May dalang wine si Migs at naghahanap ng wine cork screw sa kitchen nang may kumatok sa pinto. I opened the door at si Del iyon. "Oh sis, mind if I invite Del for dinner?" tanong ni Migs. "Uh, sure." sagot ko kay Migs. Binuksan ko nang mas malaki ang pinto para makapasok si Del, "Come in. I'll just set the table." At pumunta na ako sa kusina para magsimulang maglagay ng mga pinggan at kubyertos. "Tulungan na kita." Kasunod ko si Del. Binuksan ni Migs ang sliding door ng terrace at doon dinala ang hawak nitong wine. Nang sa kukuha ako ng mga kubyertos ay nagkasabay kami ng dampot ni Del. Nahagip nito ang kamay ko and his fingers lingered on mine. Nagnakaw din ito ng mabilis na halik sa aking pisngi. I glared at him at itinuturo ng mata ko si Migs. Ngumiti lang ito. He even dared to brush his body sa likod ko. Exasperating. "Join him outside. You're distracting me." Sumunod naman ito sa sinabi ko dala ang mga pinggan. I heard them talking at dinala ko na lang ang mga kubyertos sa labas. Ang sarap ng simoy ng hangin at ang ganda ng kalangitan kung kaya mas maganda pang doon na lang kami kumain. "Kumusta ang lovelife Del? Diba last time we went out, there was someone you were telling me about? Yung matindi ang gusto sa'yo pero hindi mo masyadong pinapansin?" tanong ni Migs. Nasamid si Del sa tanong. Tubig lang naman ang iniinom niya dahil tumanggi siyang uminom ng alak. "Ah, wala. Ano bang sinasabi mo?" Malakas na sagot ni Del kay Migs. "Naku lagot ako nito, stop it Migs." Hindi ko narinig ang huling sinabi ni Del na sinasadya 'ata nitong ibulong. Napunta ang atensyon ng radar ko sa pinag-uusapan ng dalawa. Kaya mabilis ang pagbalik ko sa pagkuha ng ibang mga pagkain sa loob para makabalik agad. "Hmmm this is interesting." Nang makabalik ako agad, narinig ko na muling tinanong ito ni Migs. "Baka kasi you're still in love with that long-time crush of yours?" Hindi sumagot si Del at mapakla lang na nakangiti kay Migs. "Lyra, alam mo ba na si Del may matinding crush mula nung teenagers pa tayo? And he never got over her." "Oh really? Ngayon ko lang nalaman. You two were closer back then." Sagot ko at sabay irap kay Del, "Tara kain na tayo." Inabutan ako ni Migs ng isang kopitang wine. Nang mahawakan ko ito, napainom ako ng mas marami sa dapat kong inumin. Namilog ang mga mata nila. "What? It's a good wine. You should give me one pagbalik natin." Nagsimula na akong maglagay ng pagkain sa pinggan ko. Nagkuwento si Migs tungkol sa pamilya niya na minsan ay natatawa si Del sa mga antics ng mga pamangkin ko. Sinabi rin niya na 'mama' ang tawag ng lahat ng anak niya sa akin imbes na 'tita' dahil nakasanayan ito ng panganay nitong si Gabriel. Puro arkanghel ang pangalan ng mga anak nito. Ang sumunod ay si Raphael o si Ralph at ang kakapanganak pa lang na si Uriel. Bigla itong bumaling sa akin ng tanong. "Sis, how was your date? May pag-asa na ba? Who's the lucky guy?" 'What? Can we just talk about my lovable nephews instead?" depensa ko. "No. Marami na akong nakuwento at gusto kong malaman kung may posibilidad na ba na ako naman ang makakaranas na maging tito." Seryoso ang tono nito pero ang mata ay may halong kapilyuhan. Migs has always been a serious and great businessman. Pero pagdating sa bahay nag-iiba ito ng personalidad. Naaksidente ito about more than ten years ago and since then, naging mas laid back ito at masayahin. Dahilan din sa mas maaga nitong pag-aasawa na ayaw nitong sayangin ang mga oras para makasama na si Maricar. "Well... I was seeing Alden. But we decided to stay friends. And I forgave him. So... yun lang." "How in the hell did Sanvictores continue to see the day? Grabe ang galit nitong si Del sa lalaking iyon." Sabay tingin ni Migs kay Del. "Sa akin siya may kasalanan and I decided to forgive him. He's a nice guy after all," sagot ko kay Migs. Mali ba ako or I heard Del growl? Napalingon ako dito. Natawa naman si Migs sa reaksyon ni Del. Habang nakalingon ako kay Del, may itinuro si Migs sa aking leeg. "Sis, is this a kiss mark?" Inilapit pa nito ang mukha para sipatin ang leeg ko. Inilayo ko naman ang katawan ko kay Migs. "The hell, Migs. No! Wala akong kiss mark." Saway ko dito. Pulang pula na ang mukha ko sa biglaang pagkapahiya. "Wala ba? Meron o. Del tingnan mo?" Pigil ang ngiti ni Del sa pang-aasar sa akin ng kakambal ko. Nakatingin naman si Del, "Meron nga." Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan sa camera. Meron nga! Lalo ako namula. "I'm just telling you. Baka mahalata ni dad bukas." At itinaas pa nito ang kopita ng alak, "Cheers!" "Migs!" Sabay hampas sa braso ng kambal ko ang isinagot ko dito. "Well, next time hide it lower, bro." At kumindat pa ito kay Del. Nagpalit-lingon lang ako sa dalawa. "You were making fun of me. You knew?" tanong ko kay Migs. "He told me." Sabay turo ni Migs kay Del. Natawa lang ako at kinuha ni Del ang kamay ko. "Sorry. Next time tama si Migs, dapat medyo nakatago." biro nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD