CHAPTER 38

1304 Words
Sa malamig na dilim ng gabi, nakapark ang BMW sa harap ng isang abandonadong warehouse. Ang liwanag mula sa buwan ay bahagyang nagbibigay liwanag sa paligid, pero tila mas mabigat ang tensyon sa loob ng sasakyan. Si Kyla, ang masungit na boss, ay nakaupo sa passenger seat habang mahigpit na hawak ang red notebook. Ang kanyang mukha ay namumula sa galit, at ang kanyang mga mata ay nakatutok kay Watt Yabro na tila ba gusto siyang sunugin ng tingin. Well, this might be a normal encounter between a boss and a driver para sa kanila dahil mas higit pa sila sa aso at pusa na may pinag-aawayang kung ano man. "Bakit ka ba nandito, ha, Watt!?" tanong niya nang madiin. Ang boses niya’y malakas, halos sumabog sa loob ng sasakyan. She closed the red notebook at tumingin ng diretso kay Watt. "Didn't I say that you're fired? Hindi ka ba nakakaintindi?" Ngunit walang imik si Watt habang nakatingin sa labas ng bintana. Napailing siya, pero hindi niya sinagot ang tanong ni Kyla. Still, Watt was cautious sa paligid. Baka kasi dumating bigla ang kampon ng cartel at paulanan muli sila ng bala. They must be ready, though. "Ahhh…" nagpapatuloy si Kyla, hinihingal sa galit. "Siguro nga you're so dumb para makaintindi ng English.” Sarkastikong sabi nito. “Alright I'll speak with your binocular.” She slight sneered, but it was full of frustration. “ Tanggal ka na sa trabaho, Mr. Pakialamero!" Napalingon si Watt sa kanya, ang mukha niya ay kalmado pa rin na parang walang naririnig. Hindi siya nagpapadala sa galit ng kanyang boss. With his very composed and calmed nature, napataas ng kilay ang masungit na si Kyla. "Tapos ka na, Kyla?" tanong niya, mababa ang boses pero sapat para marinig. Somehow, he wanted to go deeper down into her soul at ipaintindi sa kanya na mali ang ginagawa niyang pagkalaban sa cartel; but what else could he do? Napatigil si Kyla sa kanyang rant, pero mabilis ding sumagot. "Ano bang problema mo, ha? I said you're fired kaya pwede ba layuan mo na ako!” Halata ang galit sa boses ng masungit na boss, but Watt played it like he never heard a thing. Tumingin ulit sa paligid ng warehouse, alerto at parang may hinahanap. Alam niyang maaaring dumating ang Scarface Cartel anumang oras, kaya kailangang maging handa siya. Then he suddenly leaned towards her, looking straight into her eyes. Natigilan ni Kyla at bahagyang napalunok ng laway. "Hindi ka pa ba nadala? Or perhaps," he paused a little while at tumingin sa kanyang maamong mukha, then back to her eyes na para bang napaka-concern niya sa dalaga. "you're just acting tough, pero sa totoo lang, halos maihi ka na nga sa pants mo sa sobrang takot, Kyla.” Nang marinig ito ni Kyla, bigla niyang sinampal si Watt. Ang tunog ng sampal ay umalingawngaw sa loob ng sasakyan. Pero si Watt? Walang reaksyon. Parang hindi niya naramdaman ang hapdi ng malutong na sampal. Sa halip, yumuko siya nang bahagya, but her gazed locked on her. "‘Wag mo akong bastusin, Watt Yabro!" sigaw ni Kyla at halatang ang mukha niya ay nag-aapoy sa galit. "Baka hindi mo kilala kung sino ako!" Tumawa nang bahagya si Watt, pero halatang pilit. "Oh, kilala kita," sagot niya. "Ikaw si Kyla. Isang boss na walang alam kundi mag-utos at magalit. Isang boss acting like she knows everything.” Hindi nagustuhan ni Kyla ang sagot ni Watt. "Alam mo, kung wala kang ibang magawa sa buhay mo," ani niya, ang kanyang mga kamay ay nakaturo sa kanya, "pwede bang 'wag mong pakialaman ang buhay ko?!" Tahimik si Watt, nakikinig lang habang ang kanyang masungit na boss ay nagbubuhos ng galit. Ang malamig na gabi ay tila nagiging mas mabigat dahil sa tensyon nila. "Sa bagay," patuloy ni Kyla, inayos Niya ang kanyang sarili, then she blew a cold sneer. "Kriminal ka naman kasi, kaya wala kang ibang ginawa kundi makialam sa buhay ng iba." Doon, napansin ni Kyla ang pagbabago sa mukha ni Watt. Bagamat hindi siya sumasagot, may kakaibang bigat sa kanyang mga mata. He seemed to be affected by what she said na para bang isang bala na tumama sa kanyang puso. "You belong to them, diba?" patuloy ni Kyla, ang kanyang boses ay naging malamig. "You're a Mafia, Watt Yabro. You cannot escape that." Nanatiling tahimik si Watt, pero halata ang tensyon sa kanyang pagkakaupo. "I remember when I asked you kung bakit gusto mong maging driver," ani Kyla, ang boses niya ay naging mas mahina pero puno ng panunuya. "You said it’s personal. I get it, Watt. Family? Friends? Wow. What a criminal with a kind heart." Nagpatuloy si Kyla sa kanyang mga insulto. Inilapit niya ang kanyang mukha kay Watt ng bahagya, ang mga mata niya ay matalas na parang kutsilyong handang manakit at any moment. "I wonder if your family knows what kind of person you are, Watt." Biglang nagbago ang aura ni Watt. Ang salitang “family” ang tila pumutok sa bubble ng kanyang pasensya. Napatingin siya kay Kyla, at unti-unting bumigat ang kanyang paghinga. "Is that it, Kyla!?" tanong niya, mahigpit na nakatikom ang kamao. Ang kanyang mga kuko ay halos bumaon na sa kanyang palad. Nagdurugo, ngunit wala siyang pakialam. Naramdaman ni Kyla ang pagbabago sa tono ng boses ni Watt. Biglang naging seryoso ito, at tila nawalan siya ng control sa sitwasyon. Biglang binuksan ni Watt ang pinto ng sasakyan at malakas itong isinara. "Alright," aniya, ang kanyang boses ay mababa at puno ng galit. Naglakad siya palayo sa warehouse, iniwan si Kyla na nakatulala. "Alright," bulong ni Kyla sa sarili habang pinapanood si Watt na papalayo. Umiling siya, pero may bahid ng ngiti sa kanyang labi. "Pamilya lang pala ang kahinaan mo, eh. Well, I’m better off this way, anyways." Sa labas, patuloy na naglakad si Watt. Ramdam niya ang galit na bumabalot sa kanyang katawan. Ang bawat hakbang niya ay mabigat, at ang malamig na hangin ng gabi ay tila hindi kayang palamigin ang init ng kanyang damdamin. "Wala siyang alam," bulong niya sa sarili. "Wala siyang karapatang pag-usapan ang pamilya ko." Pero sa kabila ng galit, alam niyang hindi niya maaaring pagbuntunan ng poot si Kyla. Alam niyang mahina ito at wala itong alam tungkol sa mundo ng mafia. Kaya’t kahit gusto niyang bumalik at pasabugin ang sasakyan para makaganti, pinigilan niya ang sarili. "She doesn’t know what she’s talking about," sabi niya sa sarili, pilit pinapakalma ang kanyang nag-iinit na damdamin. Samntala, sa loob ng warehouse, nanatiling tahimik si Kyla. Pinagmasdan niya ang red notebook na hawak niya. Ang mga pahina nito ay puno ng mga pangalan, address, at impormasyon na maaaring magpabagsak sa Scarface Cartel, at higit sa lahat ay ang susi para sa magandang hook ng company niya; pero hindi siya mapakali. She wasn't wasn't feeling satisfied. Parang may kulang. "Am I missing something?" tanong niya sa sarili. Somehow, she thought about him. Alam niyang may malaking pinagdaanan si Watt, pero hindi niya inakala na ganoon kabigat ang epekto ng salitang “family” sa kanya. Sinara niya ang notebook at huminga nang malalim. "Watt Yabro," bulong niya. "You're a puzzle that I've already solved. Or perhaps, not yet." Habang iniisip niya iyon, narinig niya ang tunog ng mga paparating na sasakyan. Napatingin siya sa bintana at nakita ang mga headlights ng dalawang SUV na papalapit. Nanginginig si Kyla habang hawak ang notebook. "Oh no…" bulong niya. "They’re here." Hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Should she start the car? Hide from somewhere? She didn't know what to do. Ngunit bago paman siya makapag-isip ay pinaulanan na siya ng mga putok ng baril. Ang salamin sa kanyang BMW ay naliligo ng mga bala. This is it. Will she totally lost everything?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD