CHAPTER 37

1524 Words
Sa gitna ng dilim at patuloy na pagtakbo, nagkakagulo ang isip ni Watt Yabro. Sa kanyang kaliwa, si Kyla, ang boss niyang masungit at sobrang stubborn, ay tumatakbo rin pero tila wala itong balak na umalis talaga sa lugar. Even after witnessing the danger of crossing the line between the Scarface Cartel, she wasn't satisfied. Or maybe she does, she just couldn't believe it. Ang malamig na hangin ng madaling araw ay hindi man lang makabawas sa tension na nararamdaman nila. Not even touching their soul and calming their spirits. It seems like the cold wind somehow giving them a more airee feeling; at sa bawat hakbang nila, iniisip ni Watt ang kanilang susunod na galaw. They must be ready, precise, and decisive. He knows that the Cartel wouldn't take them easily, even now that they know he showed himself already. “Bakit ka pa bumalik kanina? Mabuti na lang talaga at hindi pa natin oras,” sabi ni Watt habang patuloy lang sa pagtakbo. Ang kanyang boots ay tumatama na rin sa basag-basag na aspalto sa kalsada. “Kung nagkataon baka lamay na natin ngayon.” Muling wika niya, but Kyla never replied. She just kept on running away from the club. And yet, it was clear that someone was following them. Then in a moment, tumingin si Kyla sa kanya, walang pakialam sa tono ng boses niya. Nakasabit ang camera sa kanyang balikat, at hawak niya ang isang bagay na mahigpit. Nakabalot ito sa kanyang mga kamay, na para bang ayaw niya na itong pakawalan. “Wala, Watt,” sagot nito na may pasaring. “I just couldn’t leave my notebook behind.” Halatang sarcastic ang sagot niya, pero alam ni Watt na may ibang dahilan. Napansin niya ang hawak ni Kyla—ang red notebook. “Ano ba ‘yan?!” tanong niya, kahit na malakas ang hinala niya kung ano iyon. Somehow he was a mafia underboss of the La Sombra– which is now known as the Scarface Cartel. So probably he had the idea about the notebook. Hindi sumagot si Kyla. Sa halip, binilisan pa nito ang takbo. He knew it na halos mamatay na sa pagod ang kanyang masungit na boss, pero wala siyang ibang magagawa. “Should I carry her?” Napatanong siya sa kanyang isipan at tumingin sa babae. Nagpang-abot sila ng tingin na kaagad namang hinawi ni Watt at deritso ang tingin sa kalsada. “She's super scary, kaya wag nalang siguro.” Samantala, sa loob ng Roadside Club, ang mga miyembro ng Scarface Cartel ay abala sa pagbawi ng kanilang mga sarili dahil sa smoke bomb na tinapon ni Watt. Ang usok mula sa dito ay halos nawala na, at kitang-kita na ang epekto ng kaguluhan. Ang mga katawan ng mga pulis at miyembro ng cartel ay nagkalat sa sahig, tila mga basurang itinapon. “The red notebook!” sigaw ni Drako habang kinakapa ang kanyang bulsa at paligid ng kanyang magarang fitted na suit. Nakita niyang wala na ito sa kanya, at tila mawawalan na rin siya ng bait. Well, the notebook was one of the most valuable items in the Cartel. Even more valuable than himself, kaya at all costs he shouldn't have to lose it. Napalingon si Don Deather, ang lider ng cartel, sa kanyang consigliere. Ang kanyang mga mata ay matalim na tila kaya nitong bumutas ng kaluluwa. Parang nag-aapoy sa galit at gustong-gustong manakit. “What?” tanong niya, malamig ang tono. “I lost it, Deather. Someone took it out from me…” sagot ni Drako, halatang desperado ang boses nito. Tumayo si Dice mula sa sahig, nilinis ang sarili mula sa alikabok at basag na mga bote. “I saw it…” aniya. “That woman took it…” “Kyla,” sabi ni Deather, habang ang pangalan ay lumabas sa bibig niya na parang lason. Napakunot siya sa kanyang noo, then he clinched his fists, at sa sobrang lakas nito ay halos nagdudugo na ang kanyang nga kamay. “And that man? Who was that?” tanong ni Drako, ang boses ay nanginginig na. Halatang takot na takot na sa possibleng maging hatol sa kanyang ng Don for losing the notebook. “It was Watt Yabro,” sagot ni Dice, diretso. “He killed Detonator downstairs.” Narinig ito ni Don Deather, at sa halip na magalit, bigla siyang napangiti. Sa una ay malumanay ang kanyang tawa, pero unti-unti itong lumakas hanggang sa parang demonyo na ang kanyang halakhak. “So he finally showed himself…” wika niya, ang boses ay puno ng kasiyahan at poot. “Finally, Lucille can have her revenge!” Sigaw pa nito habang ang mga mata ay tila nagliliyab na apoy. “Right, Cobra?” Tahimik lamang si Cobra, ang kanyang expression ay seryoso. Alam niyang ang transaksyon nila ngayong gabi ay isang malaking pagkabigo, and the consequences is unforgivable. Somehow he knew that sooner or later he would face the wrath of the Don. “Crowbar must be following them now,” ani Dice habang inaayos ang kanyang armas. “We can get the red notebook if we could catch them.” Tumango si Deather, ang kanyang aura ay nakakakilabot. “Get them!” sigaw niya. “At all costs!” Habang tumatakbo si Watt at Kyla, nakikita na nila ang sasakyan ng boss—ang BMW. Ang dilim ng gabi ay natatabunan ng kaunting liwanag mula sa mga streetlamp, at ang tunog ng kanilang mga hakbang sa simento ay halatang umaalingawngaw. Even their footsteps were testaments of their dangerous escape. “Bilisan mo, Kyla! Hindi ka ba marunong tumakbo?” reklamo ni Watt habang hinahabol ang hininga niya. Napailing si Kyla. “Ako pa talaga ang sinisisi mo? Hoy Watt, hindj kita inutosang iligtas mo ako ha!” sagot niya, pero si Watt ay hindi na sumagot pa. Baka Kasi kung saan na naman makarating pa ang bulayawan ng dalawa. Sapat na Kasi ang adrenaline niya para palampasin ang argumento nila. Nakarating sila sa sasakyan, at kaagad na binuksan ni Watt ang pinto. Naupo si Kyla sa passenger seat at hinagis ang camera sa likod. “Drive, Watt!” sigaw niya. “Oo na, boss!” sagot ni Watt, pero napatingin siya sa red notebook na hawak ni Kyla. “Ano ba kasi ‘yang notebook na ‘yan?” Sa kabilang banda, mabilis na sumakay ang grupo ni Dice at Cobra sa kanilang mga sasakyan. Ang ingay ng mga makina ng SUV ay parang leong handang umatake at any time. Sa ilalim ng ilaw ng buwan, nagmamadali silang sinundan ang BMW ni Kyla. “Find them, Dice,” utos ni Deather sa radyo. “That notebook contains everything—locations, transactions, contacts. If it falls into the wrong hands, we’re doomed!” Tumango si Dice, kahit hindi siya nakikita. “Yes, boss. We’ll get it back.” Sa kalsada, pinatakbo ni Watt ang BMW nang mabilis, halos masira na nga ang makina sa lakas ng acceleration. Ang mga mata niya ay nakatutok sa daan, habang si Kyla ay mahigpit na hawak ang red notebook. “Ano ba kasing laman nyan!?” tanong ni Watt, pero tahimik lang si Kyla. “Pwede ba Watt wag kanang magtanong!?” Pakiusap ng boss na halatang may tinatago. “ Just drive the car!” Bigla namang sumulpot sa kanilang likuran ang tatlong SUV na itim. Ang mga headlights nito ay tila mga mata ng halimaw na nakatingin sa kanila na anytime ay pwedeng-pwede silang lamunin ng buhay. “They’re here,” sabi ni Kyla, halatang kinakabahan na. “Oo nga, halata naman!” sagot ni Watt habang iniikot ang manibela para umiwas sa isang bala na tumama sa side mirror ng BMW. Pinaulanan ng mga cartel ang BMW ng bala. Tumama ang iba sa likod, pero hindi pa rin tumigil si Watt. “Do something, Watt!” sigaw ni Kyla. “Anong gusto mong gawin ko? Magpaulan ng pera?!” sagot ni Watt, pero kahit sarcastic ang tono, alam niyang kailangan niyang mag-isip ng paraan. As soon as possible, they must escape from them, or else it's all done. Biglang huminto si Watt at pinailalim ang BMW sa isang makitid na eskinita. Nagulat ang cartel sa kanyang galaw at hindi kaagad nakapag-drivr ng maayos. Ang SUV ay sumalpk sa isang poste, habang ang iba naman ay nahirapan sa paghabol. “Nice one, Watt!” sigaw ni Kyla, pero hindi pa rin siya ngumiti. “Of course, boss. I’m awesome, right?” anii Watt habang binibilisan pa lalo ang takbo palabas ng eskinita. Nakarating sila sa isang abandonadong warehouse. Tumigil si Watt at huminga nang malalim, pero si Kyla ay kaagad na binuksan ang red notebook. “Ano ba talaga ang laman niyan?” tanong ni Watt. Habang binubuksan ni Kyla ang notebook, tumambad ang mga listahan ng pangalan, lugar, at transaksyon. “This is it…” bulong ni Kyla, ang mga mata niya ay puno ng excitement. “This could destroy the Scarface Cartel.” “Great,” Sarcastiko namang sagot ni Watt habang naupo sa hood ng sasakyan. “At least, may dahilan kung bakit muntik na tayong mamatay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD