Maaga pa lang, abala na si Kyla sa pag-aayos ng mga pagkain. Si Peggy naman, abala sa pagbuo ng isang balloon arch gamit ang mga makukulay na lobo. Habang pinupuno ni Peggy ng hangin ang huling batch ng balloons, nagsimula nang magsipaglaro ang mga bata sa park, na tila hindi na makapaghintay sa party ni Dan. “Kuya Watt! Tingnan mo, kaya ko na mag-slide nang walang takot!” sigaw ni Dan habang dumudulas pababa ng malaking slide. Tumatawa lang si Watt habang binabantayan ang mga bata mula sa bench kung saan siya nakaupo. “Okay lang ba ‘yan, linggg?” tanong ni Kyla habang inaayos ang mga hotdog na nakatusok sa barbecue stick. “Mukhang enjoy na enjoy sila.” “Okay lang, linggg,” sagot ni Watt habang pinupunasan ang pawis sa noo. “Masaya sila, at ‘yan ang importante.” “Guys, come here!” siga

