“That car…” bulong ni Kyla sa kanyang sarili habang nakatitig sa BMW na nakaparada sa maliit nilang garahe sa tabi ng kubo. May kakaibang damdaming bumabalot sa kanya, isang pamilyar na pakiramdam, pero parang nakatago sa likod ng makapal na ulap. Pilit niyang iniisip kung saan o paano niya nakita ang sasakyan na iyon dati, pero mas lalo lang nagiging malabo ang lahat. “That seems familiar…” dagdag pa niya, bahagyang kumukunot ang noo habang nakatitig pa rin. Ang tahimik na sandali ay naputol nang dumating si Watt Yabro. Narinig niya ang sinabi ni Kyla, kaya agad siyang lumapit. “What is it, linggg? Parang malalim ang iniisip mo,” tanong ni Watt, pilit na itinatago ang kaba sa kanyang boses. Ramdam niya na may bumabagabag kay Kyla, at natatakot siyang baka dumating na ang araw na kinatata

