“Grabe ka talaga, Perds!” sigaw ni Peggy habang naka-upo sa passenger seat ng bagong paayos na BMW. Si Watt naman ay nakapako ang atensyon sa daan, steady at seryoso sa pagmamaneho pauwi. “Iba ka talaga! Manang-mana ka sa akin. Kung ako ay may lahing Albert Einstein, ikaw naman may lahing Mike Tyson!” dagdag pa niya sabay suntok sa hangin, animoy nasa boxing ring. “Kaliwa, kanan, tagiliran! Grabe, Perds, kahit sampu pa sa kanila tiyak mahihirapan sa’yo eh!” Napangiti lang si Watt, pero hindi na sumagot. Sa totoo lang, hindi maalis sa isipan niya ang nangyari kanina. Oo nga’t madali niyang napabagsak sina Art at ang mga tauhan nito, pero alam niyang hindi pa tapos ang lahat. Art was not just any troublemaker. May impluwensiya ito, at sigurado siyang hindi nito palalampasin ang nangyari. N

