Sa loob ng shop na puno ng amoy ng grasa at langis, masinsinang kausap ni Watt ang mekanikong tumapos sa pag-aayos ng sasakyan ni Kyla. “Okay na, sir. Tadtad masyado ng bala ang sasakyan, but wala namang sira sa makina. Exterior lang talaga ang kailangang ayusin,” paliwanag ng mekaniko habang pinupunasan ang mamantika niyang kamay gamit ang basahan. “Sabi ni Peggy, palitan ko na rin ng bago kaya so far, all goods na ito.” Nagpakawala siya ng ngiti, proud sa nagawa niyang trabaho. Tumitig si Watt sa BMW, na parang bagong-bili ulit. Halos hindi mo aakalain na ilang araw lang ang nakalipas, tinadtad ito ng bala ng Scarface Cartel. Buti na lang at walang nasira sa makina, kundi malamang ay kailangan nilang maghanap ng bagong sasakyan. “May mga parts lang talaga na hindi napapalitan, kaya nag

