"Dito ka lang muna, ma'am Kyla..." sabi ni Watt, na may bahagyang pormalidad sa boses. Tumayo siya at naglakad papunta sa maliit na kubo na nasa likod ng kanilang pinagkainan. Iniwan niyang nakaupo ang boss niyang si Kyla sa mahabang bangko na yari sa kahoy, may lilim mula sa isang malaking puno. Habang umaalis si Watt, tinitigan lang ni Kyla ang papalayong likod nito, ramdam ang kakaibang tensyon na hindi niya maipaliwanag.
Sa kabuuan ng lugar, tahimik at payapa ang paligid. Ang ihip ng hangin ay parang boses ng kalikasan, at ang malawak na taniman ng palay ay nagmistulang dagat ng berde. Pero kahit maganda ang tanawin, hindi mapakali si Kyla. Something felt... off.
“Ano bang meron dito?” bulong niya sa sarili habang pinaglalaruan ang mga daliri.
She really felt something was off.
Sa loob ng kubo, sumalubong kay Watt ang isang babaeng may edad na, ngunit ang kanyang tindig at aura ay tila nagpapakita ng pagiging matatag. Ang babaeng ito ay si Emerald—isang pangalan na bihira nang marinig ni Watt, ngunit laging may dalang bigat sa kanyang nakaraan.
"Watt Yabro," bati ng babae na may kasamang mapait na ngiti. "It’s been a while since huli kitang nakita rito."
Tumango si Watt, ngunit nanatili ang seryosong ekspresyon niya. "Emerald."
"It’s not usual of you to bring a woman here. It bothers me." Malumanay ngunit may laman ang tono ni Emerald.
Bahagyang napangiti si Watt, pero alam mong pilit lang ito. "I am no longer the old Watt Yabro you knew, Emerald. I came here to tell you that. And maybe this will be the last time you see me here."
Saglit na tumahimik si Emerald, parang naglalaban ang emosyon niya. Sa huli, tumango siya nang mabagal. "I guess I cannot change your mind, Yabro. And I don't have the right to question your decision. But if something goes wrong, we're still here. I am still here… Shadow."
Sa huling salitang iyon, tila nakaramdam ng bigat si Watt. Tila ang pangalang "Shadow" ay isa nang parte ng kanyang nakaraan na matagal na niyang gustong kalimutan. Isang nakaraan na pilit niyang tinatakasan na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin niya itong tinatakbuhan. Hindi dahil natatakot siya, o dahil wala siyang lakas ng loob upang harapin ito, but it's something bigger than anyone could imagine. It was his family. It was them who made a man like Watt to be softened.
"Be safe, Emerald. I am going straight ahead—for some reason." Tumalikod si Watt at lumabas ng kubo, iniwang nag-iisa si Emerald. Mababakas sa galaw ni Watt na may something pa talaga. He couldn't fully leave his old life. It's been there. It's always been there.
“There must really be something precious that you wanted to protect, Shadow. I'm wishing you the best.” Mahinang sagot ni Emerald habang pinagmamasdan ang paglayo ni Watt Yabro.
Paglabas ni Watt, agad niyang nakita si Kyla na nakaupo pa rin sa bangko, ngunit ngayon ay tila may inaabangan. Naka-cross legs ito, at ang mga mata ay nagmamasid sa paligid na parang may hinahanap.
Bago pa man siya makalapit, may limang lalaking biglang lumapit kay Kyla. Ang mga ito ay naka-itim na customized suits, pawang mamahalin ang itsura at fit na fit sa kanilang mga katawan. Halatang hindi ordinaryong tao ang mga ito.
“Are you alone, Ms.?” tanong ng isa sa mga lalaki, na may malamig at malalim na boses.
Nagulat si Kyla, ngunit agad niyang inangat ang baba. “No-no…” sagot niya, kahit halata sa tono ng boses niya na kinakabahan siya.
“Good. Alone makes you sick here…” Napataas naman ng kilay ang babae dahil hindi iya ma-gets ang sinasabi nung lalaki.
“This is really something. The place, the people, the atmosphere…” Sabi niya sa isip niya.
Nag-iba ang atmosphere sa paligid. Napansin ni Kyla na tila nagdilim ang aura ng limang lalaki. Ang tingin nila ay hindi na sa kanya, kundi papunta sa entrance ng kubo. Sabay-sabay silang nagyuko ng ulo, parang may tinitingalang hari na lumabas mula sa loob.
Si Watt Yabro.
Habang papalapit si Watt, nagmistulang nawala ng kwenta ang presensya ng limang lalaki. Wala siyang bahid ng kaba o kahit anong emosyon, at parang ordinaryo lang ang sitwasyon para sa kanya.
“W-Watt?” tawag ni Kyla, na ngayon ay sobrang litong-lito na. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari at bakit biglang yumuko ang mga tigasing lalaking ‘to sa kanyang driver na tila tinitingala pa ito bilang hari.
Hindi sumagot si Watt at dumiretso lang sa kanya, dinaanan ang limang lalaking tila mga estatwa na nakayuko pa rin. Nang nasa harap na niya si Kyla, ngumiti ito nang bahagya.
“Did you enjoy this place?”
Napakurap si Kyla, hindi alam kung ano ang isasagot. Ang utak niya ay punung-puno ng tanong, ngunit wala siyang makitang tamang salita para itanong ang mga iyon.
Napalingon siya nang makarinig ng mahinang whistle mula sa entrance ng kubo. Ang babaeng nagsilbi ng pagkain nila kanina ay nakatayo doon, nakangiti at tila may ibig sabihin ang ekspresyon.
Habang umaalis ang limang lalaki, sabay-sabay nilang hinarap si Watt at yumuko nang mas mababa bago tuluyang pumasok sa kubo. Halata kay Kyla na may malalim na respeto ang mga ito kay Watt, ngunit bakit? Sino ba talaga ang driver niya?
“W-Watt? What was that?” tanong niya, pilit na pinapanatili ang kumpiyansa sa boses.
Bahagyang tumingin si Watt sa kanya, ngunit nanatili ang kalmadong ekspresyon. “It was their way of respecting their guest, ma'am,” sagot niya, diretso at walang emosyon.
Ngunit alam ni Kyla na hindi iyon ang buong kwento. Napakakalmado ng sagot ni Watt, ngunit ang mga kilos nito ay parang may tinatago.
“Respect...” bulong ni Kyla, ngunit ang utak niya ay nag-iisip ng mas malalim. Ang mga tingin niya ay naging mas matalas, at ngayon ay ramdam niyang hindi simpleng driver lang si Watt Yabro.
"No. I guess not, Watt Yabro," bulong niya sa sarili, na ngayon ay puno na ng determination. "You are really something. Or perhaps, you have another agenda kaya dinala mo ako rito."
Ang utak niya ay nagsisimulang maglaro. Hindi siya ang tipo ng tao na nagpapalampas ng ganitong klaseng pagkakataon. Kung may tinatago si Watt, siguradong malalaman niya.
Tumikhim siya nang malalim at ngumiti nang plastik, pero hindi halata. “Okay! Let’s go, Watt.”
Habang nasa byahe pabalik, tahimik lang si Watt, ngunit ramdam ni Kyla ang bigat ng atmosphere sa loob ng sasakyan. Tinitigan niya ang likod ng driver niya, parang sinisilip ang mga bagay na itinatago nito.
“You’re really good at keeping secrets, aren’t you, Watt?” tanong niya bigla, na parang isang biro ngunit may halong seryosong tono.
Napatingin si Watt sa rearview mirror, at ngumiti nang bahagya. “Wala akong tinatago, ma’am. Baka iniisip niyo lang.”
“Hmm. If you say so.” Ngumiti si Kyla, ngunit sa loob-loob niya ay lalo pang lumakas ang interes niya kay Watt.
Habang tumatakbo ang sasakyan, napatingin si Kyla sa bintana. Ang mga bundok, ang malawak na palayan, at ang tahimik na kalikasan—lahat ng ito ay tila may sariling kwento. At naroon siya, isang babaeng sanay sa syudad, pero ngayon ay nahuhulog sa kakaibang misteryo ng probinsya… at ng driver niyang si Watt Yabro.
Sa isip niya, alam niyang hindi ito matatapos dito.
"I will figure this out, Watt," bulong niya sa sarili, na may ngiti sa labi. "Don’t underestimate the wittyness of Kyla Cassidy."