CHAPTER 9

1383 Words
“Do you know somewhere na pwedeng makapag-unwind ng init ng ulo?” tanong ni Kyla habang nakasandal sa backseat ng sasakyan. Kanina pa siya malikot, palipat-lipat ng puwesto, halatang hindi mapakali. Nasa isip pa rin niya ang tensyon sa pagitan nila ni Dark Moreno kanina. He was one of the most valuable assets sa kanyang kumpanya, at kung magdesisyon itong umalis, malaki ang magiging epekto nito sa kanilang negosyo—lalo na sa malaking proyekto nila with the Cali family. “Ugh—ghad! This day is the worst day ever!” dagdag pa niya, pabulalas na sinasabayan ng pag-ikot ng mata. Tahimik na ngumiti si Watt mula sa driver's seat, kita ang bahagyang pag-iling nito sa rearview mirror. “I know a place, pero medyo malayo nga lang. Pero worth it naman. Maganda na rin ‘yon para mapakalma ka at marelax sa mga tanawin,” kalmado niyang sagot. “Just make sure na hindi ako magsisisi ha, Watt. Kung hindi, sayang ang gas, baka ikaltas ko pa ‘yan sa sweldo mo,” sarkastikong tugon ni Kyla habang iniikot ang daliri sa kanyang buhok. Dark Moreno was courting her months ago na rin, ngunit palagi siyang rejected kay Kyla. Para kasi sa babae ay career lang ang iniisip niya. Well, she never even felt it na kailangan niya ng lalaki sa buhay. Pero sa totoo lang marami talaga ang nagkakagusto kay Kyla kasi may lahing Kano nga diba? Super pretty rin at super sexy pa, but super sungit naman. Dahil sa kanyang super hindi makain ng aso na attitude, no one ever pursued her– si Dark lang na ngayon ay rejected na naman. Bahagyang ngumisi si Watt, halatang hindi naapektuhan sa malditang hirit ng kanyang boss. Alam niyang stress lang ang nagpapasalbahe sa mood nito ngayon. I mean, kailan ba naging mabuting tao itong super pretty and sexy but super masungit na CEO? Pero kahit ganon, ma-booty naman siyang tao kaya okay na ’yon. Besides, sigurado siyang hindi pagsisisihan ni Kyla ang lugar na iyon. It was special—hindi lang dahil sa tahimik na vibe nito kundi dahil sa simpleng kagandahang hindi kayang tumbasan ng anumang mamahaling city spot. Habang nasa biyahe, naging tahimik ang paligid. Si Watt, focus sa pagmamaneho, habang si Kyla naman ay parang sinipsip ng tanawin sa labas ng bintana. Sa bawat liko ng kalsada, mas lalong lumalayo ang urban scenery—napalitan ito ng matataas na puno, mga rolling hills, at ang malamig na hangin na tila sumasalubong sa kanilang sasakyan. “Ilang minuto na lang matitikman mo na ang pinakamasarap na bulalo sa balat ng lupa,” sabi ni Watt, basag sa katahimikan. Napalingon si Kyla mula sa kanyang pagmumuni-muni. “Bulalo? Watt, seryoso ka ba? I endured this long ride for... bulalo?” Kita sa mukha niya ang half-amused, half-annoyed na reaksyon. “It’s not just bulalo, ma’am Kyla,” sagot ni Watt, bahagyang napangiti. “It’s how it’s served. Napakasimple lang ng lugar na pupuntahan natin. Walang fancy table settings, pero ang bawat pagkain ay may kwento. Pati ambiance, walang katulad—malayo sa city, tahimik, at parang laging may halong pagmamahal ang pagluluto nila. Para kang umuuwi sa probinsya.” Napakunot ang noo ni Kyla. “We could’ve just ordered bulalo from an expensive restaurant in the city. Alam mo namang afford natin ‘yon, Watt.” Napailing si Watt. “Hindi lahat ng bagay kayang bilhin ng pera, ma’am Kyla.” Napalalim ang tono niya, ngunit nanatili itong mahinahon. “Sometimes, it’s the simplicity of things that makes them special. Baka kailangan mo rin ‘yon.” Hindi na sumagot si Kyla. Tumahimik na lang siya at muling ibinaling ang tingin sa bintana. Sa totoo lang, napaisip siya sa sinabi ni Watt. Lagi niyang sinusubukang kontrolin ang lahat sa buhay niya—ang negosyo, ang mga empleyado, pati na rin ang personal niyang oras. Pero ngayon, naramdaman niya ang kakaibang sense of surrender sa trip na ito. Pagkatapos ng halos dalawang oras na biyahe, narating nila ang lugar. Isang maliit na restaurant na gawa sa kahoy at kawayan ang bumungad kay Kyla. Napapaligiran ito ng mga puno at halaman, at sa di kalayuan, tanaw ang mga rice fields na parang green carpet na sumasayaw sa hangin. “Ito na ba ‘yon?” tanong ni Kyla, bahagyang iniangat ang sunglasses at tumingin sa paligid. “Walang parking lot? Seriously, Watt?” Tumawa si Watt habang iniikot ang sasakyan papunta sa gilid ng restaurant kung saan may mga puno ng mangga. “Hindi mo kailangan ng fancy parking lot dito, ma’am Kyla. Just wait and see.” Pagkababa nila ng sasakyan, agad na sumalubong ang amoy ng nilulutong bulalo. Malamig ang simoy ng hangin, at ang mga tunog ng kuliglig at ibon ay parang background music ng lugar. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Kyla na tila nawala ang bigat sa kanyang dibdib. Pumasok sila sa restaurant na mas kahawig ng isang bahay-kubo. May ilang lamesang gawa sa kawayan, at ang mga upuan ay may mga throw pillow na may native patterns. Walang aircon, pero ang malamig na hangin mula sa labas ay sapat na para maging komportable. Agad silang sinalubong ng isang matandang babae na may malumanay na ngiti. “Magandang hapon po. Dito na po kayo sa loob,” alok niya habang inaayos ang menu sa lamesa. “Ano ang irerecommend niyo?” tanong ni Watt, pero halata sa tono na alam na niya ang sagot. “Syempre, bulalo po. Fresh na fresh, galing sa aming farm,” sagot ng matanda na tila proud sa kanilang produkto. Habang naghihintay ng pagkain, napansin ni Kyla ang mga detalye sa paligid. Sa dingding, may mga framed na larawan ng pamilya at mga tanawin mula sa lugar. Sa isang sulok, may lumang piano na parang maraming pinagdaanan. Nakita rin niya ang mga bata sa labas na naglalaro, tumatawa, at tila walang iniintinding problema sa mundo. “Watt,” tawag niya, medyo mahina pero seryoso. “How did you even find this place?” “It’s a long story, ma'am. But if things went wrong, dito ako dinadala ng kalsada. Nahanap ko ‘to dahil na-curious ako sa signage nila sa tabi ng daan. Hindi naman ako nagsisi.” Tahimik lang si Kyla habang iniisip ang sagot ni Watt. “It's a long story na naman… anong klaseng tao ka ba talaga, Watt Yabro? You're not just a normal driver guy.” Sabi ng isip nya. Well, kahit ano man ang isipin niya, she couldn't hide the fact na she's quite impressed by his driver. But, maybe this is only for now. Nang dumating ang pagkain, hindi maikakailang bumalik ang sigla sa mukha ni Kyla. Ang bulalo ay nasa isang malaking clay pot, mainit na mainit at punong-puno ng gulay at bone marrow. Kasama nito ang iba pang simpleng putahe tulad ng pritong tawilis at ensaladang mangga. “Alright, Watt. Impress me,” biro ni Kyla habang naghahanda ng plato. Tumawa lang si Watt. “Tikman niyo po, ma’am. I’m sure hindi kayo magsisisi.” Pagkakuha ni Kyla ng isang kutsara ng sabaw, hindi niya napigilang mapapikit. “Oh my gosh. Watt… this is—this is amazing!” Napatingin siya sa driver niya, halatang nagulat sa lasa. “Why does this taste better than any expensive restaurant’s bulalo?” Ngumiti si Watt, halatang proud. “Sabi ko naman sa inyo, ma’am. Hindi lahat ng maganda ay kailangan mahal.” Habang kumakain, unti-unting nawala ang bigat sa balikat ni Kyla. Napansin niyang masarap palang tumigil sandali at mag-relax. Kahit sa simpleng bagay tulad ng pagkain, may dalang comfort na hindi maibibigay ng kahit gaano kalaking cheque o kontrata. Pagkatapos nilang kumain, lumabas sila sa restaurant at naupo sa isang mahabang bangko sa tabi ng mga puno. Tanaw mula doon ang rice fields na tila hindi nagmamadaling magbago. Si Watt ay tahimik na umiinom ng kape, habang si Kyla naman ay parang iniisip kung paano siya napadpad sa lugar na ito. “Watt,” sabi ni Kyla matapos ang ilang minutong katahimikan. “I didn’t think I needed this, but I did.” Tumingin si Watt sa kanya, ngumiti nang bahagya, at tumango. “Minsan po, kailangan lang nating huminga. Hindi lahat ng problema kailangang solusyonan agad. Minsan, sapat na ang magpahinga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD