KINABUKASAN habang naka break sila Liam at Thea at nag rereview para sa susunod na subject nag vibrate ang phone ni Liam, tumatawag si Chloe "Oh, Chloe," sagot ni Liam " Liam Boy, Kamusta? Busy ka? Gig naman tayo sa Friday night, miss ka na rin ng buong banda,"wika ni Chloe. "May pasok ka sa Saturday ? "Wala naman?" tugon ni Liam, sabay sulyap kay Thea na kasalukuyang nakatitig din sa kaniya, nag-aabang kung ano ang susunod na sasabihin ng dating kabanda. "Ayun naman pala eh!" masiglang sagot ni Chloe sa kabilang linya. "Liam, kahit ito na lang muna. Reunion gig lang ng banda natin para sa birthday ng bar ng tito ni Mark sa Friday night. Tutal wala ka namang pasok sa Saturday, puwede kang bumawi ng tulog!" Natawa muli si Liam at napakamot sa kaniyang ulo. Tiningnan niya si Thea at bi

