Chapter 95

1297 Words

Ang buong bar ay halos mayanig sa talon at hiyawan ng mga tao. Pawisang-pawis na si Liam sa ibabaw ng entablado ngunit bakas ang purong saya sa kaniyang mukha. Iba ang bagsik ng kaniyang bawat hagod sa gitara, at mas lalo pang nabuhayan ang crowd nang makitang nagkakapalitan sila ng mapaglarong tingin nina Chloe at Mark habang nagpapalitan ng mabibigat na ritmo. Nang matapos ang huling bagsak ng "Halik," hindi na hinayaan nina Liam na lumamig ang entablado. Agad na sumenyas si Mark gamit ang kaniyang drumsticks, at sa isang iglap, pinakawalan ni Liam ang pamilyar, magaspang, at klasikong intro riff ng "Beep Beep" ng Juan dela Cruz Band. "Oohh! Classic!" sigaw ng ilang mga mas nakatatandang customer sa likod, habang ang mga estudyanteng kasabayan nina Thea ay lalong nagwala sa excitement.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD