“...at ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang...” Sinalo ng buong bar ang huling nota ng kanta, na sinundan ng ilang sandali ng pananabik bago tuluyang sumabog ang pinakamalakas na hiyawan at palakpakan ng buong gabi. Ramdam na ramdam ang kilig at emosyon sa bawat sulok ng silid. Inilapit ni Liam ang labi sa mikropono habang nakangiti nang malawak. "Thank you guys, good night!" wika niya, sabay yuko nang malalim bilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng crowd. Habang nagkakagulo pa rin ang mga tao sa pagpapalakpak at pagsigaw ng kaniyang pangalan, agad niyang hinubad ang acoustic guitar, ibinaba ito sa stand, at mabilis na bumaba ng entablado nang hindi inaalis ang tingin sa kinaroroonan ni Thea. Dire-diretso siyang lumapit sa dalaga. Hindi alintana ang mga nakatinging mata at ang ingay

