Nakatitig si Thea sa kaniyang mga daliri habang nanginginig ang boses. "Ah, Doc… si Liam, yung kapatid ni Lucas… siya ang dati kong kasintahan," simula ni Thea. "Halos mag-apat na taon din kami. Namatay si Liam sa isang aksidente pagkatapos ng gig niya. Ang huling sabi niya sa akin, pauwi na siya at tatawagan niya ako kapag nakauwi na... hanggang sa hindi na siya nakatawag dahil na-50/50 na siya sa ospital. Tumagal siya ng ilang linggo doon, pero kalaunan ay binawian din siya ng buhay." Napayuko si Thea at pumatak ang kaniyang luha, ngunit lalong hinigpitan ni Lucas ang paghawak sa kaniyang kamay. "Dumating din po sa point, Doc, na nagtangka akong magpakamatay dahil gusto ko na siyang makasama… kahit dalawang taon na ang nakalipas noon simula nang mamatay siya," pagpapatuloy ng dalaga s

