Lumipas ang tatlong buwan. Sa loob ng mga panahong iyon, patuloy na humarap si Thea sa kaniyang therapy sessions sa tulong at walang sawang pagsuporta ni Lucas. Paunti-unti, natutunan niyang tanggapin ang nakaraan at palayain ang sariling puso mula sa matinding trauma at guilt. Nakatayo si Thea sa harap ng puntod ni Liam. Tahimik ang paligid, marahang umiihip ang hangin, at tumatama ang sikat ng araw sa nakaukit na pangalan ng binata sa puting marmol. Walang luhang dumadaloy sa kaniyang mga pisngi. Walang panginginig sa kaniyang mga labi. Wala na ang mabigat na paninikip ng dibdib na dating sumasakal sa kaniya sa tuwing tutuntong siya sa lugar na ito. "Liam… kamusta ka na?" marahang tanong ni Thea. Ang boses ay kalmado at puno ng kapayapaan. Tumingin siya sa mga sariwang bulaklak na in

