"Thank you, Chloe. Alis na muna ako," wika ni Liam, bitbit ang kaniyang bag at guitar case habang nagmamadaling tumalikod para puntahan si Thea sa bahay nito. Paalis na sana si Liam nang marahas na hinablot ni Chloe ang likod ng kaniyang damit, dahilan para mapaurong at napabalik ulit ang binata sa kinalalagyan niya. Bago pa man makapagreklamo si Liam, agad na inilahad ni Chloe ang kaniyang bukas na palad sa tapat ng mukha nito. Natigilan naman si Liam at napakunot ang noo. "Ano 'yan?" "Aba, Liam, walang libre ngayon?" sarkastikong wika ni Chloe, habang pinalalaki ang bukas niyang palad. "Ginamit mo pa ang ganda at charms ko para ma-contact 'yung jowa mo, tapos tatakbuhan mo lang ako? Ano ako, libreng information booth?" "Chloe naman, nagmamadali ako, eh," pakiusap ni Liam, pilit na ib

