Umihip ang malamig na hangin sa sementeryo, nagpapasayaw sa mga d**o sa paligid ng bagong tambak na lupa. Unt-unti nang nag-alisan ang mga tao, ngunit nanatiling nakatayo si Thea sa tapat ng nitso ni Liam, hindi maigalaw ang mga binti at nakatitig lang sa pangalang nakaukit sa marmol. "Liam... paano ko kakayanin ipagpatuloy ang buhay ko, kung ngayon mag-isa na lang ako?" basag na basag na bulong ni Thea, habang dahan-dahang lumuluhod sa harap ng puntod at hinahawakan ang malamig na ibabaw nito. "Paano ko tutuparin lahat, Liam? Paano?" Umapaw muli ang kaniyang mga luha, pumapatak sa mga bulaklak na katatapon lang doon. Ang bawat pangarap na binuo nila—ang kanilang mga plano para sa hinaharap, ang bahay na gusto nilang itayo, at ang buhay na sabay nilang pangarap na galawan—ay tila naglaho

