"Liam... baby, please..." Patuloy na lumalabas ang mga basag na salita sa bibig ni Thea habang mahigpit na nakayakap ang kaniyang mga bisig sa malamig at walang buhay na katawan ni Liam. Nakabaon ang kaniyang mukha sa leeg ng binata, sinusubukang huminga sa pamilyar na amoy nito, nagbabakasakaling sa init ng kaniyang yakap ay muling tumibok ang puso ng kaniyang minamahal. "Hindi ba't nangako ka? Sabi mo magiging maingat tayo... sabi mo walang iiwanan..." hagulgol ni Thea. Ang bawat patak ng kaniyang luha ay pumapatak sa damit ni Liam, ngunit wala nang mga kamay na magpupunas sa mga ito. Wala nang Liam na magpapasensya, maglalambing, at yayakap sa kaniya pabalik. Lumapit si Lucas, luhaan at pilit na kinakalma ang sarili. Dahan-dahan niyang inilagay ang kaniyang mga kamay sa mga balikat n

