Mabilis na inihanda ng mga nurse ang lahat para sa blood transfusion. Nakahiga si Thea sa hospital bed sa tabi ng isolation room, nakatitig sa transparent na bag na unt-unting napupuno ng kaniyang dugo. Bahagyang nanghina at nahilo ang kaniyang katawan, ngunit wala siyang ibang naiisip kundi ang kaligtasan ni Liam. "Konting tiis pa, Hija. Malaking tulong ito para maging stable ang kaniyang vital signs," paalala ng nurse habang tinitingnan ang monitor. "Kahit kunin niyo pa po lahat... basta gumaling lang siya," pabulong na sagot ni Thea habang dahan-dahang ipinikit ang kaniyang mga mata. Pagkatapos ng proseso, pumasok agad ang medical team sa kwarto ni Liam dala ang bag ng dugo. Sa labas ng ICU, nag-aabang ang pamilya ni Liam—ang kaniyang mga magulang, si Lucas, at ang kaniyang Tita—laha

