Sa kabila ng saya at tagumpay ng kanilang graduation, isang hindi inaasahang pagsubok ang biglang gumimbal sa buhay ni Thea. Isang gabi, nagpaalam si Liam na pupunta sa isang gig kasama ang kaniyang banda. Gustuhin man siyang samahan ni Thea, hindi ito nakasama dahil sa matinding sakit ng ulo at sama ng pakiramdam, kaya nagpasya na lamang siyang magpahinga sa bahay. Naging maayos at matagumpay ang gig ni Liam. Bago sumakay ng motor pauwi, tinawagan pa niya si Thea upang kamustahin ang pakiramdam nito at ipaalam na pauwi na siya. "Baby, pauwi na ako," malambing na boses ni Liam sa kabilang linya. "Magpahinga ka na diyan, ha? I love you." "Mag-iingat ka sa pagmamaneho, Liam. I love you too," tugon ni Thea bago ibinaba ang telepono. Subalit dahil nakainom ng alak si Liam sa gig, hindi na

