"Iyon lang ba, Malvar?" panimula niya, ang boses ay malambing ngunit may kakaibang diin. "Sige, ikaw na ang baby ko... pero tatanggalan din kita ng ngipin, same ni Suri, ha? Diba nakita mo naman, wala nang ngipin si Suri..." "Grabe naman 'yun, Thea! Papangit na 'ko nun..." reklamo ni Liam, bakas ang halo-halong gulat at takot sa kanyang mukha habang pilit na nagpapacute para maisalba ang kanyang hitsura. Hindi alam ni Liam kung maiiyak ba siya o matatawa sa brutal na paglalambing ng kanyang kasintahan. Mukhang kung magpapatuloy ang ganitong takbo ng kanilang usapan, baka sa susunod nilang date ay lugaw at purée na lamang ang pwede niyang kainin—kasabay ng puppy food ni Suri. "Joke! Sige na... Mag-review ka na dyan, sagutan mo na 'to," pagpilit ni Thea, sabay turo sa mga nakabuklat na pa

